Translation of the Meanings of the Noble Qur'an - Persian Filipino (Tagalog) translation of Al-Mukhtsar in interpretation of the Noble Quran

Page Number:close

external-link copy
87 : 12

يَٰبَنِيَّ ٱذۡهَبُواْ فَتَحَسَّسُواْ مِن يُوسُفَ وَأَخِيهِ وَلَا تَاْيۡـَٔسُواْ مِن رَّوۡحِ ٱللَّهِۖ إِنَّهُۥ لَا يَاْيۡـَٔسُ مِن رَّوۡحِ ٱللَّهِ إِلَّا ٱلۡقَوۡمُ ٱلۡكَٰفِرُونَ

Nagsabi sa kanila ang ama nila: "O mga anak ko, umalis kayo saka umalam kayo ng mga ulat hinggil kay Jose at sa kapatid niya. Huwag kayong mawalan ng pag-asa sa pagpapaginhawa ni Allāh at pag-aaliw Niya sa mga lingkod Niya; tunay na walang nawawalan ng pag-asa sa pagpapaginhawa Niya at pag-aaliw Niya kundi ang mga taong tagatangging sumampalataya dahil sila ay hindi nakababatid sa pagkadakila ng kakayahan Niya at pagkakubli ng pagmamabuting-loob Niya sa mga lingkod Niya." info
التفاسير:

external-link copy
88 : 12

فَلَمَّا دَخَلُواْ عَلَيۡهِ قَالُواْ يَٰٓأَيُّهَا ٱلۡعَزِيزُ مَسَّنَا وَأَهۡلَنَا ٱلضُّرُّ وَجِئۡنَا بِبِضَٰعَةٖ مُّزۡجَىٰةٖ فَأَوۡفِ لَنَا ٱلۡكَيۡلَ وَتَصَدَّقۡ عَلَيۡنَآۖ إِنَّ ٱللَّهَ يَجۡزِي ٱلۡمُتَصَدِّقِينَ

Kaya sumunod sila sa utos ng ama nila at umalis sila para maghanap kay Jose at sa kapatid niya. Kaya noong nakapasok sila kay Jose ay nagsabi sila: "Dumapo sa amin ang kagipitan at ang karalitaan. Nagdala kami ng panindang hamak na kakarampot, ngunit magtakal ka po para sa amin ng pagtatakal na lubus-lubos gaya ng pagtatakal mo noon para sa amin bago pa nito. Magkawanggawa ka po sa amin sa pamamagitan ng pagdaragdag doon o pagpipikit-mata sa [kalidad ng] paninda naming hamak; tunay na si Allāh ay gumaganti sa mga tagapagkawanggawa ayon sa pinakamagandang ganti." info
التفاسير:

external-link copy
89 : 12

قَالَ هَلۡ عَلِمۡتُم مَّا فَعَلۡتُم بِيُوسُفَ وَأَخِيهِ إِذۡ أَنتُمۡ جَٰهِلُونَ

Kaya noong nakarinig siya sa pananalita nila ay nagsampatiya siya sa kanila dala ng awa sa kanila. Nagpakilala siya sa kanila ng sarili niya. Nagsabi siya: "Nakaalam nga kayo sa ginawa ninyo kay Jose at sa kapatid niya nang kayo ay mga mangmang sa kahihinatnan ng ginawa ninyo sa kanilang dalawa?" info
التفاسير:

external-link copy
90 : 12

قَالُوٓاْ أَءِنَّكَ لَأَنتَ يُوسُفُۖ قَالَ أَنَا۠ يُوسُفُ وَهَٰذَآ أَخِيۖ قَدۡ مَنَّ ٱللَّهُ عَلَيۡنَآۖ إِنَّهُۥ مَن يَتَّقِ وَيَصۡبِرۡ فَإِنَّ ٱللَّهَ لَا يُضِيعُ أَجۡرَ ٱلۡمُحۡسِنِينَ

Nagulat sila at nagsabi sila: "Tunay na ikaw ba ay ikaw si Jose?" Nagsabi sa kanila si Jose: "Oo; ako si Jose at itong nakikita ninyo kasama ko ay ang kapatid kong buo. Nagmagandang-loob nga si Allāh sa amin sa pamamagitan ng pagpapalaya mula sa dating lagay namin at sa pamamagitan ng pag-aangat ng katayuan. Tunay na ang sinumang mangingilag magkasala kay Allāh sa pamamagitan ng pagsunod sa mga ipinag-uutos Niya at pag-iwas sa mga sinasaway Niya, at magtitiis sa pagsubok, tunay na ang gawa niya ay bahagi ng paggawa ng maganda at si Allāh ay hindi magwawala sa pabuya sa mga tagagawa ng maganda, bagkus nangangalaga Siya nito para sa kanila." info
التفاسير:

external-link copy
91 : 12

قَالُواْ تَٱللَّهِ لَقَدۡ ءَاثَرَكَ ٱللَّهُ عَلَيۡنَا وَإِن كُنَّا لَخَٰطِـِٔينَ

Nagsabi sa kanya ang mga kapatid niya, na mga humihingi ng paumanhin dahil sa pinaggagawa nila sa kanya: "Sumpa man kay Allāh, talaga ngang nagtangi sa iyo si Allāh higit sa amin dahil sa ibinigay Niya sa iyo na mga katangian ng kalubusan. Talaga ngang kami noon kaugnay sa pinaggagawa namin sa iyo ay mga tagagawa ng masagwa, na mga tagalabag sa katarungan." info
التفاسير:

external-link copy
92 : 12

قَالَ لَا تَثۡرِيبَ عَلَيۡكُمُ ٱلۡيَوۡمَۖ يَغۡفِرُ ٱللَّهُ لَكُمۡۖ وَهُوَ أَرۡحَمُ ٱلرَّٰحِمِينَ

Kaya tinanggap ni Jose ang paghingi nila ng paumanhin at nagsabi siya: "Walang paninisi sa inyo sa araw na ito na humihiling ng pagpaparusa sa inyo, ni pambabatikos. Humihiling ako kay Allāh na magpatawad Siya sa inyo. Siya – kaluwalhatian sa Kanya – ay ang pinakamaawain sa mga naaawa." info
التفاسير:

external-link copy
93 : 12

ٱذۡهَبُواْ بِقَمِيصِي هَٰذَا فَأَلۡقُوهُ عَلَىٰ وَجۡهِ أَبِي يَأۡتِ بَصِيرٗا وَأۡتُونِي بِأَهۡلِكُمۡ أَجۡمَعِينَ

Kaya ibinigay ni Jose sa kanila ang kamisa niya noong naipaalam nila sa kanya ang kinahantungan ng paningin ng ama niya at nagsabi siya: "Umalis kayo kalakip ng kamisa kong ito saka ihagis ninyo sa mukha ng ama ko, manunumbalik para sa kanya ang paningin niya. Dalhin ninyo sa akin ang mga mag-anak ninyo sa kabuuan nila." info
التفاسير:

external-link copy
94 : 12

وَلَمَّا فَصَلَتِ ٱلۡعِيرُ قَالَ أَبُوهُمۡ إِنِّي لَأَجِدُ رِيحَ يُوسُفَۖ لَوۡلَآ أَن تُفَنِّدُونِ

Noong nakalabas ang karaban paalis ng Ehipto at humiwalay ito sa kabihasnan mula roon ay nagsabi si Jacob – sumakanya ang pagbati ng kapayapaan – sa mga anak niya at sinumang nasa piling niya sa lupain niya: "Tunay na ako ay talagang nakaamoy ng amoy ni Jose, kung sakaling hindi kayo nagtuturing ng pagkamangmang sa akin at nag-uugnay sa akin sa pagkahukluban sa pamamagitan ng pagsabi ninyo: Ito ay matandang hukluban, na nagsasabi ng hindi niya nalalaman." info
التفاسير:

external-link copy
95 : 12

قَالُواْ تَٱللَّهِ إِنَّكَ لَفِي ضَلَٰلِكَ ٱلۡقَدِيمِ

Nagsabi ang mga nasa piling niya kabilang sa mga anak niya: "Sumpa man kay Allāh, tunay na ikaw ay hindi natitigil sa naunang pagkahibang mo sa pumapatungkol sa kalagayan ni Jose sa ganang iyo at sa posibilidad ng pagkakita sa kanya sa muli." info
التفاسير:
Benefits of the verses in this page:
• عظم معرفة يعقوب عليه السلام بالله حيث لم يتغير حسن ظنه رغم توالي المصائب ومرور السنين.
Ang kadakilaan ng pagkakilala ni Jacob – sumakanya ang pagbati ng kapayapaan – kay Allāh yayamang hindi nagbago ang kagandahan ng saloobin niya sa kabila ng pagkakasunud-sunod ng mga kasawian at pagdaan ng mga taon. info

• من خلق المعتذر الصادق أن يطلب التوبة من الله، ويعترف على نفسه ويطلب الصفح ممن تضرر منه.
Bahagi ng kaasalan ng tapat na humihingi ng paumanhin ay na humiling siya ng pagbabalik-loob kay Allāh, umamin siya sa sarili niya, at humiling siya ng paumanhin mula sa sinumang napinsala dahil sa kanya. info

• بالتقوى والصبر تنال أعظم الدرجات في الدنيا وفي الآخرة.
Sa pamamagitan ng pangingilag sa pagkakasala at ng pagtitiis natatamo ang pinakadakila sa mga antas sa Mundo at Kabilang-buhay. info

• قبول اعتذار المسيء وترك الانتقام، خاصة عند التمكن منه، وترك تأنيبه على ما سلف منه.
Ang pagtanggap sa paghingi ng paumanhin ng nakagawa ng masagwa, ang pagsasaisang-tabi sa paghihiganti lalo na sa sandali ng kakayahang gawin ito, at ang pagsasaisang-tabi sa pagbatikos sa kanya ng nakalipas sa kanya. info