Übersetzung der Bedeutungen von dem heiligen Quran - Die philippinische (Tagalog) Übersetzung von Al-Mukhtasar - Eine Kurzfassung der Bedeutungen des edlen Qurans

Nummer der Seite:close

external-link copy
62 : 3

إِنَّ هَٰذَا لَهُوَ ٱلۡقَصَصُ ٱلۡحَقُّۚ وَمَا مِنۡ إِلَٰهٍ إِلَّا ٱللَّهُۚ وَإِنَّ ٱللَّهَ لَهُوَ ٱلۡعَزِيزُ ٱلۡحَكِيمُ

Tunay na binanggit Naming ito sa iyo mula sa lagay ni Jesus – sumakanya ang pagbati ng kapayapaan – ay ang ulat na totoo na walang kasinungalingan dito ni pagdududa. Walang anumang sinasamba ayon sa karapatan kundi si Allāh lamang. Tunay na si Allāh ay talagang ang Makapangyarihan sa kaharian Niya, ang Marunong sa pangangasiwa Niya, pag-uutos Niya, at paglikha Niya. info
التفاسير:

external-link copy
63 : 3

فَإِن تَوَلَّوۡاْ فَإِنَّ ٱللَّهَ عَلِيمُۢ بِٱلۡمُفۡسِدِينَ

Kaya kung umayaw sila sa inihatid mo at hindi sila sumunod sa iyo, iyon ay bahagi ng kaguluhan nila. Si Allāh ay Maalam sa mga tagagulo sa lupa. Gaganti Siya sa kanila roon. info
التفاسير:

external-link copy
64 : 3

قُلۡ يَٰٓأَهۡلَ ٱلۡكِتَٰبِ تَعَالَوۡاْ إِلَىٰ كَلِمَةٖ سَوَآءِۭ بَيۡنَنَا وَبَيۡنَكُمۡ أَلَّا نَعۡبُدَ إِلَّا ٱللَّهَ وَلَا نُشۡرِكَ بِهِۦ شَيۡـٔٗا وَلَا يَتَّخِذَ بَعۡضُنَا بَعۡضًا أَرۡبَابٗا مِّن دُونِ ٱللَّهِۚ فَإِن تَوَلَّوۡاْ فَقُولُواْ ٱشۡهَدُواْ بِأَنَّا مُسۡلِمُونَ

Sabihin mo, O Sugo: "Halikayo, O mga May Aklat kabilang sa mga Hudyo at mga Kristiyano; magkaisa tayo sa isang salita ng katarungan na nagkakapantay tayo rito sa kalahatan: na magbukod-tangi tayo kay Allāh sa pagsamba kaya hindi tayo sasamba kasama Niya sa isa mang iba pa sa Kanya maging ano pa man ang kaantasan nito at gaano pa man tumaas ang kalagayan nito, at hindi gagawa ang iba sa atin sa iba bilang mga panginoong sinasamba at tinatalima bukod pa kay Allāh." Ngunit kung lumisan sila palayo sa ipinaaanyaya mo sa kanila na katotohanan at katarungan ay sabihin ninyo sa kanila, O mga mananampalataya: "Sumaksi kayo na kami ay mga sumusuko kay Allāh, mga nagpapaakay sa Kanya – pagkataas-taas Siya – sa pagtalima." info
التفاسير:

external-link copy
65 : 3

يَٰٓأَهۡلَ ٱلۡكِتَٰبِ لِمَ تُحَآجُّونَ فِيٓ إِبۡرَٰهِيمَ وَمَآ أُنزِلَتِ ٱلتَّوۡرَىٰةُ وَٱلۡإِنجِيلُ إِلَّا مِنۢ بَعۡدِهِۦٓۚ أَفَلَا تَعۡقِلُونَ

O mga May Aklat, bakit kayo nakikipagtalo hinggil sa kapaniwalaan ni Abraham – sumakanya ang pagbati ng kapayapaan? Ang mga Hudyo ay nag-aangking si Abraham ay isang Hudyo at ang mga Kristiyano ay nag-aangking siya ay isang Kristiyano samantalang kayo ay nakaaalam na ang Hudaismo at ang Kristiyanismo ay hindi lumitaw kundi matapos ng kamatayan niya nang matagal na panahon. Kaya hindi ba kayo nakatatalos sa pamamagitan ng mga isip ninyo sa kabulaanan ng sinasabi ninyo at kamalian ng pinag-aangkin ninyo? info
التفاسير:

external-link copy
66 : 3

هَٰٓأَنتُمۡ هَٰٓؤُلَآءِ حَٰجَجۡتُمۡ فِيمَا لَكُم بِهِۦ عِلۡمٞ فَلِمَ تُحَآجُّونَ فِيمَا لَيۡسَ لَكُم بِهِۦ عِلۡمٞۚ وَٱللَّهُ يَعۡلَمُ وَأَنتُمۡ لَا تَعۡلَمُونَ

Heto kayo, O mga May Aklat, nakipagtalo sa Propeta – basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan – hinggil sa mayroon kayo ritong kaalaman mula sa usapin ng relihiyon ninyo at anumang ibinaba sa inyo kaya bakit kayo nakikipagtalo hinggil sa wala kayo ritong kaalaman mula sa usapin kay Abraham at relihiyon niya, na wala sa mga aklat ninyo at hindi inihatid ng mga propeta ninyo? Si Allāh ay nakaaalam sa mga katotohanan ng mga usapin at mga lihim ng mga ito, at kayo ay hindi nakaaalam. info
التفاسير:

external-link copy
67 : 3

مَا كَانَ إِبۡرَٰهِيمُ يَهُودِيّٗا وَلَا نَصۡرَانِيّٗا وَلَٰكِن كَانَ حَنِيفٗا مُّسۡلِمٗا وَمَا كَانَ مِنَ ٱلۡمُشۡرِكِينَ

Hindi nangyaring si Abraham – sumakanya ang pagbati ng kapayapaan – ay nasa kapaniwalaang panghudyo ni pangkristiyano subalit siya noon ay nakakiling palayo sa mga relihiyong bulaan bilang tagapasakop kay Allāh, na naniniwala sa kaisahan Niya – pagkataas-taas Siya. Hindi siya naging kabilang sa mga tagapagtambal kay Allāh gaya ng inaakala ng mga tagapagtambal sa mga Arabe na sila raw ay nasa kapaniwalaan niya. info
التفاسير:

external-link copy
68 : 3

إِنَّ أَوۡلَى ٱلنَّاسِ بِإِبۡرَٰهِيمَ لَلَّذِينَ ٱتَّبَعُوهُ وَهَٰذَا ٱلنَّبِيُّ وَٱلَّذِينَ ءَامَنُواْۗ وَٱللَّهُ وَلِيُّ ٱلۡمُؤۡمِنِينَ

Tunay na ang pinakakarapat-dapat sa mga tao sa pagkakaugnay kay Abraham ay ang mga sumunod sa inihatid niya sa panahon niya at ang pinakakarapat-dapat sa mga tao rin doon ay itong si Propeta Muḥammad – basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan – at ang mga sumampalataya sa kanya kabilang sa Kalipunang ito. Si Allāh ay Tagaadya ng mga mananampalataya at Tagaingat nila. info
التفاسير:

external-link copy
69 : 3

وَدَّت طَّآئِفَةٞ مِّنۡ أَهۡلِ ٱلۡكِتَٰبِ لَوۡ يُضِلُّونَكُمۡ وَمَا يُضِلُّونَ إِلَّآ أَنفُسَهُمۡ وَمَا يَشۡعُرُونَ

Minimithi ng mga pantas kabilang sa mga May Kasulatan kabilang sa mga Hudyo at mga Kristiyano na magpaligaw sila sa inyo, O mga mananampalataya, palayo sa katotohanang nagpatnubay sa inyo si Allāh tungo roon, ngunit hindi sila nagpapaliligaw kundi sa mga sarili nila dahil ang pagsisikap nila sa pagpapaligaw sa mga mananampalataya ay dumadagdag sa pagkaligaw nila mismo ngunit hindi sila nakaaalam sa kahihinatnan ng mga gawain nila. info
التفاسير:

external-link copy
70 : 3

يَٰٓأَهۡلَ ٱلۡكِتَٰبِ لِمَ تَكۡفُرُونَ بِـَٔايَٰتِ ٱللَّهِ وَأَنتُمۡ تَشۡهَدُونَ

O mga May Kasulatan kabilang sa mga Hudyo at mga Kristiyano, bakit kayo tumatangging sumampalataya sa mga tanda ni Allāh na pinababa sa inyo at sa nasaad sa mga ito na pahiwatig sa pagkapropeta ni Muḥammad – basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan – samantalang kayo ay sumasaksi na ito ay ang katotohanan na ipinahiwatig ng mga kasulatan ninyo? info
التفاسير:
Die Nutzen der Versen in dieser Seite:
• أن الرسالات الإلهية كلها اتفقت على كلمة عدل واحدة، وهي: توحيد الله تعالى والنهي عن الشرك.
Na ang mga pasugong makadiyos sa kabuuan ng mga ito ay nagkakaisa sa iisang salita ng katarungan: ang paniniwala sa kaisahan ni Allāh – pagkataas-taas Siya – at ang pagsaway sa pagtatambal sa Kanya. info

• أهمية العلم بالتاريخ؛ لأنه قد يكون من الحجج القوية التي تُرَدُّ بها دعوى المبطلين.
Ang kahalagahan ng kaalaman sa kasaysayan dahil ito ay maaaring maging kabilang sa mga katwirang malakas na maipantutugon sa mga pinagsasabi ng mga tagapagpabula. info

• أحق الناس بإبراهيم عليه السلام من كان على ملته وعقيدته، وأما مجرد دعوى الانتساب إليه مع مخالفته فلا تنفع.
Ang pinakakarapat-dapat sa mga tao kay Abraham – sumakanya ang pagbati ng kapayapaan – ay ang sinumang nasa sinasaligan niya at pinaniniwalaan niya. Tungkol naman sa payak na pag-aangkin ng pagkakaugnay sa kanya kalakip ng pagsalungat sa kanya, hindi ito nagpapakinabang. info

• دَلَّتِ الآيات على حرص كفرة أهل الكتاب على إضلال المؤمنين من هذه الأمة حسدًا من عند أنفسهم.
Nagpatunay ang mga talata sa sigasig ng mga tagatangging sumampalataya kabilang sa mga May Kasulatan sa pagpapaligaw sa mga mananampalataya kabilang sa Kalipunang Islām na ito dala ng isang pagkainggit mula sa ganang sarili nila. info