Übersetzung der Bedeutungen von dem heiligen Quran - Die philippinische (Tagalog) Übersetzung von Al-Mukhtasar - Eine Kurzfassung der Bedeutungen des edlen Qurans

Nummer der Seite:close

external-link copy
46 : 3

وَيُكَلِّمُ ٱلنَّاسَ فِي ٱلۡمَهۡدِ وَكَهۡلٗا وَمِنَ ٱلصَّٰلِحِينَ

Magsasalita siya sa mga tao habang siya ay isang munting paslit pa bago ng mga panahon ng pagsasalita. Magsasalita siya sa kanila kapag siya ay malaki na, kapag nalubos na ang lakas niya at ang pagkalalaki niya. Makikipag-usap Siya sa kanila hinggil sa may kabutihan sa nauukol sa panrelihiyong buhay nila at pangmundong buhay nila. Siya ay kabilang sa mga maayos sa mga sinasabi nila at mga ginagawa nila. info
التفاسير:

external-link copy
47 : 3

قَالَتۡ رَبِّ أَنَّىٰ يَكُونُ لِي وَلَدٞ وَلَمۡ يَمۡسَسۡنِي بَشَرٞۖ قَالَ كَذَٰلِكِ ٱللَّهُ يَخۡلُقُ مَا يَشَآءُۚ إِذَا قَضَىٰٓ أَمۡرٗا فَإِنَّمَا يَقُولُ لَهُۥ كُن فَيَكُونُ

Nagsabi si Maria habang nagtataka na magkaroon siya ng isang anak nang walang asawa: "Papaanong magkakaroon ako ng isang anak samantalang walang nakalapit sa akin na isang lalaki: hindi sa kalagayang ipinahihintulot at hindi sa kalagayang ipinagbabawal?" Nagsabi sa kanya ang anghel: "Ang paghahalintulad ng lilikhain ni Allāh para sa iyo na isang anak nang walang ama ay tunay na Siya ay lumilikha ng anumang niloloob Niya kabilang sa sumasalungat sa nakasanayan at nakagawian sapagkat kapag nagnais Siya ng isang bagay ay nagsasabi Siya rito na mangyari saka mangyayari ito sapagkat walang nakapagpapawalang-kakayahan sa Kanya na anuman."
info
التفاسير:

external-link copy
48 : 3

وَيُعَلِّمُهُ ٱلۡكِتَٰبَ وَٱلۡحِكۡمَةَ وَٱلتَّوۡرَىٰةَ وَٱلۡإِنجِيلَ

Magtuturo Siya rito ng pagsusulat, pagkatumpak, at pagtutugma sa salita at gawa. Magtuturo Siya rito ng Torah na pinababa Niya kay Moises – sumakanya ang pagbati ng kapayapaan. Magtuturo Siya rito ng Ebanghelyo na pababain Niya rito. info
التفاسير:

external-link copy
49 : 3

وَرَسُولًا إِلَىٰ بَنِيٓ إِسۡرَٰٓءِيلَ أَنِّي قَدۡ جِئۡتُكُم بِـَٔايَةٖ مِّن رَّبِّكُمۡ أَنِّيٓ أَخۡلُقُ لَكُم مِّنَ ٱلطِّينِ كَهَيۡـَٔةِ ٱلطَّيۡرِ فَأَنفُخُ فِيهِ فَيَكُونُ طَيۡرَۢا بِإِذۡنِ ٱللَّهِۖ وَأُبۡرِئُ ٱلۡأَكۡمَهَ وَٱلۡأَبۡرَصَ وَأُحۡيِ ٱلۡمَوۡتَىٰ بِإِذۡنِ ٱللَّهِۖ وَأُنَبِّئُكُم بِمَا تَأۡكُلُونَ وَمَا تَدَّخِرُونَ فِي بُيُوتِكُمۡۚ إِنَّ فِي ذَٰلِكَ لَأٓيَةٗ لَّكُمۡ إِن كُنتُم مُّؤۡمِنِينَ

Gagawa Siya rito, gayundin, bilang sugo sa mga anak ni Israel kung saan magsasabi siya sa kanila: "Tunay na ako ay sugo ni Allāh sa inyo; naghatid nga ako sa inyo ng isang palatandaang nagpapatunay sa katapatan ng pagkapropeta ko: na ako ay magbibigay-anyo para sa inyo mula sa sangkap na putik ng tulad ng hugis ng ibon, saka iihip rito at ito ay magiging isang ibong buhay ayon sa pahintulot ni Allāh; magpapagaling ng ipinanganak na bulag at makakikita ito, at ng dinapuan ng ketong at manunumbalik ang balat nito na magaling; bubuhay ng dating patay, lahat ng iyon ay ayon sa pahintulot ni Allāh. Magpapabatid ako sa inyo ng kinakain ninyo at ng itinatago ninyo sa mga bahay ninyo na pagkain at ikinukubli ninyo. Tunay na hinggil sa binanggit ko sa inyo na mga dakilang bagay-bagay na ito na hindi nakakakaya sa mga ito ang tao ay talagang may palatandaang nakalantad na ako ay isang sugo mula kay Allāh para sa inyo kung kayo ay nagnanais ng pananampalataya at naniniwala sa mga patunay. info
التفاسير:

external-link copy
50 : 3

وَمُصَدِّقٗا لِّمَا بَيۡنَ يَدَيَّ مِنَ ٱلتَّوۡرَىٰةِ وَلِأُحِلَّ لَكُم بَعۡضَ ٱلَّذِي حُرِّمَ عَلَيۡكُمۡۚ وَجِئۡتُكُم بِـَٔايَةٖ مِّن رَّبِّكُمۡ فَٱتَّقُواْ ٱللَّهَ وَأَطِيعُونِ

Dumating ako sa inyo, gayundin, bilang tagapagpatotoo para sa ibinabang Torah noong wala pa ako. Dumating ako upang magpahintulot ako para sa inyo ng ilan sa ipinagbawal sa inyo noong una, bilang pagpapadali at pagpapagaan sa inyo. Naghatid ako sa inyo ng isang patunay na maliwanag sa katumpakan ng sinabi ko sa inyo, kaya mangilag kayong magkasala kay Allāh sa pamamagitan ng pagsunod sa mga ipinag-uutos Niya at pag-iwas sa mga sinasaway Niya, at tumalima kayo sa akin hinggil sa inaanyaya ko sa inyo. info
التفاسير:

external-link copy
51 : 3

إِنَّ ٱللَّهَ رَبِّي وَرَبُّكُمۡ فَٱعۡبُدُوهُۚ هَٰذَا صِرَٰطٞ مُّسۡتَقِيمٞ

Iyon ay dahil si Allāh ay Panginoon ko at Panginoon ninyo kaya Siya lamang ang karapat-dapat na talimain at pangilagang magkasala kaya sumamba kayo sa Kanya lamang. Itong ipinag-utos ko sa inyo na pagsamba kay Allāh at pangingilag magkasala sa Kanya ay ang daang tuwid na walang kabaluktutan dito.'" info
التفاسير:

external-link copy
52 : 3

۞ فَلَمَّآ أَحَسَّ عِيسَىٰ مِنۡهُمُ ٱلۡكُفۡرَ قَالَ مَنۡ أَنصَارِيٓ إِلَى ٱللَّهِۖ قَالَ ٱلۡحَوَارِيُّونَ نَحۡنُ أَنصَارُ ٱللَّهِ ءَامَنَّا بِٱللَّهِ وَٱشۡهَدۡ بِأَنَّا مُسۡلِمُونَ

Ngunit noong nakaalam si Jesus – sumakanya ang pagbati ng kapayapaan – mula sa kanila ng pagpupumilit sa kawalang-pananampalataya ay nagsabi siya habang kumakausap sa mga anak ni Israel: "Sino ang mag-aadya sa akin sa pag-aanyaya tungo kay Allāh?" Nagsabi ang mga hinirang kabilang sa mga tagasunod niya: "Kami ay mga tagaadya ng relihiyon ni Allāh; sumampalataya kami kay Allāh, sumunod kami sa iyo, at sumaksi ka, O Jesus, na kami ay mga nagpapaakay kay Allāh sa pamamagitan ng paniniwala sa kaisahan Niya at pagtalima sa Kanya." info
التفاسير:
Die Nutzen der Versen in dieser Seite:
• شرف الكتابة والخط وعلو منزلتهما، حيث بدأ الله تعالى بذكرهما قبل غيرهما.
Ang karangalan ng pagsusulat at pagsasatitik at ang kataasan ng kalagayan ng dalawang ito yayamang nagsimula si Allāh – pagkataas-taas Siya – sa pagbanggit sa dalawang ito bago ng iba pa sa dalawang ito. info

• من سنن الله تعالى أن يؤيد رسله بالآيات الدالة على صدقهم، مما لا يقدر عليه البشر.
Bahagi ng mga kalakaran ni Allāh – pagkataas-taas Siya – na mag-alalay sa mga sugo Niya sa pamamagitan ng mga himalang nagpapatunay sa katapatan nila, na hindi nakakaya ng tao. info

• جاء عيسى بالتخفيف على بني إسرائيل فيما شُدِّد عليهم في بعض شرائع التوراة، وفي هذا دلالة على وقوع النسخ بين الشرائع.
Naghatid si Hesus ng pagpapagaan sa mga anak ni Israel sa hinigpitan sa kanila sa ilan sa mga batas ng Torah. Kaugnay rito, may isang pahiwatig sa pagkaganap ng pagpapawalang-bisa sa mga batas. info