Prijevod značenja časnog Kur'ana - Filipinski prijevod (Tagalog jezik) sažetog tefsira Plemenitog Kur'ana

Broj stranice:close

external-link copy
30 : 3

يَوۡمَ تَجِدُ كُلُّ نَفۡسٖ مَّا عَمِلَتۡ مِنۡ خَيۡرٖ مُّحۡضَرٗا وَمَا عَمِلَتۡ مِن سُوٓءٖ تَوَدُّ لَوۡ أَنَّ بَيۡنَهَا وَبَيۡنَهُۥٓ أَمَدَۢا بَعِيدٗاۗ وَيُحَذِّرُكُمُ ٱللَّهُ نَفۡسَهُۥۗ وَٱللَّهُ رَءُوفُۢ بِٱلۡعِبَادِ

Sa Araw ng Pagbangon ay makatatagpo ng bawat kaluluwa ang gawa niya na kabutihan na ilalahad nang walang bawas. Ang ginawa niya na kasagwaan ay mimithiin niya na sa pagitan niya at niyon ay may panahong malayo. Paanong ukol sa kanya ang minithi niya! Nagbibigay-babala sa inyo si Allāh sa sarili Niya kaya huwag kayong lumantad sa galit Niya sa pamamagitan ng pagkagawa ng mga kasalanan. Si Allāh ay Mahabagin sa mga lingkod Niya at dahil dito ay nagbibigay-babala Siya sa inyo at nagpapangamba Siya sa inyo." info
التفاسير:

external-link copy
31 : 3

قُلۡ إِن كُنتُمۡ تُحِبُّونَ ٱللَّهَ فَٱتَّبِعُونِي يُحۡبِبۡكُمُ ٱللَّهُ وَيَغۡفِرۡ لَكُمۡ ذُنُوبَكُمۡۚ وَٱللَّهُ غَفُورٞ رَّحِيمٞ

Sabihin mo, O Sugo: "Kung kayo ay umiibig kay Allāh sa totoo, sumunod kayo sa inihatid ko nang lantaran at patago; magkakamit kayo ng pag-ibig ni Allāh at magpapatawad Siya sa inyo sa mga pagkakasala ninyo. Si Allāh ay Mapagpatawad sa sinumang nagbalik-loob kabilang sa mga lingkod Niya, Maawain sa kanila. info
التفاسير:

external-link copy
32 : 3

قُلۡ أَطِيعُواْ ٱللَّهَ وَٱلرَّسُولَۖ فَإِن تَوَلَّوۡاْ فَإِنَّ ٱللَّهَ لَا يُحِبُّ ٱلۡكَٰفِرِينَ

Sabihin mo, O Sugo: "Tumalima kayo kay Allāh at tumalima kayo sa Sugo Niya sa pamamagitan ng pagsunod sa mga ipinag-uutos Niya at pag-iwas sa mga sinasaway Niya," ngunit kung umayaw sila roon, tunay na si Allāh ay hindi umiibig sa mga tagatangging sumampalataya, na mga sumusuway sa utos Niya at utos ng Sugo Niya. info
التفاسير:

external-link copy
33 : 3

۞ إِنَّ ٱللَّهَ ٱصۡطَفَىٰٓ ءَادَمَ وَنُوحٗا وَءَالَ إِبۡرَٰهِيمَ وَءَالَ عِمۡرَٰنَ عَلَى ٱلۡعَٰلَمِينَ

Tunay na si Allāh ay pumili kay Adan – sumakanya ang pagbati ng kapayapaan – saka pinagpatirapa Niya rito ang mga anghel, pumili kay Noe saka ginawa Niya ito na kauna-unahang sugo sa mga tao ng lupa, pumili sa mag-anak ni Abraham saka ginawa Niya ang pagkapropeta na nanatili sa mga supling nito, pumili sa mag-anak ni `Imrān, at pumili sa lahat ng mga ito at nagtangi sa kanila higit sa mga tao ng panahon nila. info
التفاسير:

external-link copy
34 : 3

ذُرِّيَّةَۢ بَعۡضُهَا مِنۢ بَعۡضٖۗ وَٱللَّهُ سَمِيعٌ عَلِيمٌ

Ang mga nabanggit na ito kabilang sa mga propeta at mga supling nilang mga sumusunod sa daan nila ay mga supling na ang ilan sa kanila ay nagkakawing-kawing mula sa iba [sa kanila] sa pananampalataya sa kaisahan ni Allāh at paggawa ng mga matuwid. Nagmamanahan sila mula sa iba sa kanila ng mga karangalan at mga kalamangan. Si Allāh ay Madinigin sa mga sinasabi ng mga lingkod Niya, Maalam sa mga ginagawa nila. Dahil dito, pumili Siya ng sinumang niloloob Niya mula sa kanila at humirang Siya mula sa kanila ng sinumang niloloob Niya. info
التفاسير:

external-link copy
35 : 3

إِذۡ قَالَتِ ٱمۡرَأَتُ عِمۡرَٰنَ رَبِّ إِنِّي نَذَرۡتُ لَكَ مَا فِي بَطۡنِي مُحَرَّرٗا فَتَقَبَّلۡ مِنِّيٓۖ إِنَّكَ أَنتَ ٱلسَّمِيعُ ٱلۡعَلِيمُ

Banggitin mo, O Sugo, noong nagsabi ang maybahay ni `Imrān, ang ina ni Maria – sumakanya ang pagbati ng kapayapaan: "O Panginoon ko, tunay na ako ay nagsatungkulin sa sarili ko na magtalaga ng nasa tiyan ko mula sa pagbubuntis bilang inuukol sa mukha Mo, bilang nakalaan sa bawat gawain upang maglingkod sa Iyo at maglingkod sa bahay Mo, kaya tanggapin Mo mula sa akin iyon; tunay na Ikaw ay ang Madinigin sa panalangin ko, ang Maalam sa layunin ko." info
التفاسير:

external-link copy
36 : 3

فَلَمَّا وَضَعَتۡهَا قَالَتۡ رَبِّ إِنِّي وَضَعۡتُهَآ أُنثَىٰ وَٱللَّهُ أَعۡلَمُ بِمَا وَضَعَتۡ وَلَيۡسَ ٱلذَّكَرُ كَٱلۡأُنثَىٰۖ وَإِنِّي سَمَّيۡتُهَا مَرۡيَمَ وَإِنِّيٓ أُعِيذُهَا بِكَ وَذُرِّيَّتَهَا مِنَ ٱلشَّيۡطَٰنِ ٱلرَّجِيمِ

Ngunit noong natapos ang pagbubuntis niya, nagsilang siya ng nasa tiyan niya at nagsabi siya habang humihingi ng paumanhin – yayamang naghahangad siya na ang ipinagbubuntis ay maging lalaki sana: "O Panginoon ko, tunay na ako ay nanganak sa kanya na isang babae," – samantalang si Allāh ay higit na maalam sa ipinanganak niya at ang lalaking hinahangad niya ay hindi gaya ng babaing ipinagkaloob sa kanya sa lakas at pagkakalikha – "tunay na ako ay nagpangalan sa kanya na Maria, at tunay na ako ay nagpapakanlong sa kanya sa Iyo – siya at ang mga magiging supling niya – laban sa demonyong itinaboy mula sa awa Mo." info
التفاسير:

external-link copy
37 : 3

فَتَقَبَّلَهَا رَبُّهَا بِقَبُولٍ حَسَنٖ وَأَنۢبَتَهَا نَبَاتًا حَسَنٗا وَكَفَّلَهَا زَكَرِيَّاۖ كُلَّمَا دَخَلَ عَلَيۡهَا زَكَرِيَّا ٱلۡمِحۡرَابَ وَجَدَ عِندَهَا رِزۡقٗاۖ قَالَ يَٰمَرۡيَمُ أَنَّىٰ لَكِ هَٰذَاۖ قَالَتۡ هُوَ مِنۡ عِندِ ٱللَّهِۖ إِنَّ ٱللَّهَ يَرۡزُقُ مَن يَشَآءُ بِغَيۡرِ حِسَابٍ

Kaya tinanggap ni Allāh ang panata niyon sa isang pagtanggap na maganda at pinalaki Niya sa Maria sa isang pagpapalaking maganda. Nahalina rito ang mga puso ng mga maayos kabilang sa mga lingkod Niya. Itinalaga Niya ang pag-aaruga rito kay Zacarias – sumakanya ang pagbati ng kapayapaan. Si Zacarias noon, sa tuwing pumapasok sa kinaroroonan ni Maria sa lugar ng pagsamba, ay nakatatagpo sa piling nito ng isang panustos na kaaya-ayang ipinagkakaloob kaya nagsabi siya habang kumakausap dito: "O Maria, mula saan nagkaroon ka ng panustos na ito?" Nagsabi ito habang sumasagot sa kanya: "Ang panustos na ito ay mula sa ganang kay Allāh. Tunay na si Allāh ay nagtutustos sa sinumang niloloob Niya ng panustos na masagana nang walang pagtutuos." info
التفاسير:
Poruke i pouke ajeta na ovoj stranici:
• عظم مقام الله وشدة عقوبته تجعل العاقل على حذر من مخالفة أمره تعالى.
Ang kadakilaan ng kalagayan ni Allāh at tindi ng kaparusahan Niya ay nagtutulak sa nakauunawa sa pag-iingat sa pagsalungat sa utos Niya – pagkataas-taas Siya. info

• برهان المحبة الحقة لله ولرسوله باتباع الشرع أمرًا ونهيًا، وأما دعوى المحبة بلا اتباع فلا تنفع صاحبها.
Ang patunay ng pag-ibig na totoo kay Allāh at sa Sugo Niya ay sa pamamagitan ng pagsunod sa Batas ng Islām sa pag-uutos at pagsaway. Tungkol naman sa pag-aangkin ng pag-ibig nang walang pagsunod, hindi magpapakinabang ito sa gumagawa nito. info

• أن الله تعالى يختار من يشاء من عباده ويصطفيهم للنبوة والعبادة بحكمته ورحمته، وقد يخصهم بآيات خارقة للعادة.
Na si Allāh – pagkataas-taas Siya – ay pumipili ng sinumang niloloob Niya kabilang sa mga lingkod Niya at humihirang sa kanila dahil sa pagkapropeta at pagsamba sa pamamagitan ng karunungan Niya at awa Niya. Maaaring magtangi Siya sa kanila sa mga himalang naiiba sa karaniwan. info