Prijevod značenja časnog Kur'ana - Filipinski prijevod (Tagalog jezik) sažetog tefsira Plemenitog Kur'ana

Broj stranice:close

external-link copy
181 : 3

لَّقَدۡ سَمِعَ ٱللَّهُ قَوۡلَ ٱلَّذِينَ قَالُوٓاْ إِنَّ ٱللَّهَ فَقِيرٞ وَنَحۡنُ أَغۡنِيَآءُۘ سَنَكۡتُبُ مَا قَالُواْ وَقَتۡلَهُمُ ٱلۡأَنۢبِيَآءَ بِغَيۡرِ حَقّٖ وَنَقُولُ ذُوقُواْ عَذَابَ ٱلۡحَرِيقِ

Talaga ngang nakarinig si Allāh sa sabi ng mga Hudyo nang nagsabi sila: "Tunay na si Allāh ay maralita yayamang humiling Siya mula sa amin ng pautang samantalang kami ay mga mayaman dahil sa taglay naming mga yaman." Magsusulat Kami ng sinabi nila na paninirang-puri at kabulaanan sa Panginoon nila at ng pagpatay nila sa mga propeta nila nang walang karapatan at magsasabi Kami sa kanila: "Lumasap kayo ng pagdurusang nanununog sa Apoy. info
التفاسير:

external-link copy
182 : 3

ذَٰلِكَ بِمَا قَدَّمَتۡ أَيۡدِيكُمۡ وَأَنَّ ٱللَّهَ لَيۡسَ بِظَلَّامٖ لِّلۡعَبِيدِ

Ang pagdurusang iyon ay dahilan sa ipinauna ng mga kamay ninyo, O mga Hudyo, na mga pagsuway at mga kahihiyan at dahil si Allāh ay hindi lumalabag sa katarungan sa isa man sa mga lingkod Niya. info
التفاسير:

external-link copy
183 : 3

ٱلَّذِينَ قَالُوٓاْ إِنَّ ٱللَّهَ عَهِدَ إِلَيۡنَآ أَلَّا نُؤۡمِنَ لِرَسُولٍ حَتَّىٰ يَأۡتِيَنَا بِقُرۡبَانٖ تَأۡكُلُهُ ٱلنَّارُۗ قُلۡ قَدۡ جَآءَكُمۡ رُسُلٞ مِّن قَبۡلِي بِٱلۡبَيِّنَٰتِ وَبِٱلَّذِي قُلۡتُمۡ فَلِمَ قَتَلۡتُمُوهُمۡ إِن كُنتُمۡ صَٰدِقِينَ

Sila ang mga nagsabi bilang kasinungalingan at pagagawa-gawa: "Tunay na si Allāh ay nagtagubilin sa amin sa mga kasulatan Niya at sa pamamagitan ng mga dila ng mga propeta Niya na hindi kami maniwala sa isang sugo hanggang sa magdala ito sa amin ng nagpapatotoo sa sabi nito. Iyon ay sa pamamagitan ng pag-aalay kay Allāh ng isang handog na susunugin ng apoy na bababa mula sa langit." Kaya nagsinungaling sila laban kay Allāh sa pag-uugnay ng habilin sa Kanya at sa paglilimita sa mga patunay ng katapatan ng mga sugo sa binanggit nila. Dahil dito, nag-utos si Allāh sa Propeta Niyang si Muḥammad – basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan – na magsabi sa kanila: "May naghatid na sa inyo na mga sugo bago ko pa ng mga maliwanag na patunay sa katapatan nila at ng binanggit ninyo na alay na susunugin ng apoy mula sa langit, ngunit bakit nagpasinungaling kayo sa kanila at pumatay kayo sa kanila kung kayo ay mga tapat sa sinasabi ninyo?" info
التفاسير:

external-link copy
184 : 3

فَإِن كَذَّبُوكَ فَقَدۡ كُذِّبَ رُسُلٞ مِّن قَبۡلِكَ جَآءُو بِٱلۡبَيِّنَٰتِ وَٱلزُّبُرِ وَٱلۡكِتَٰبِ ٱلۡمُنِيرِ

Kaya kung nagpasinungaling sila sa iyo, O Propeta, ay huwag kang malungkot sapagkat ito ay kaugalian ng mga tagatangging sumampalataya sapagkat nagpasinungaling na sa maraming sugo bago mo pa, na naghatid ng mga maliwanag na patotoo, ng mga kasulatang naglalaman ng mga pangaral at mga pambagbag-damdamin, at aklat na tagapatnubay sa pamamagitan ng laman nito na mga patakaran at mga batas. info
التفاسير:

external-link copy
185 : 3

كُلُّ نَفۡسٖ ذَآئِقَةُ ٱلۡمَوۡتِۗ وَإِنَّمَا تُوَفَّوۡنَ أُجُورَكُمۡ يَوۡمَ ٱلۡقِيَٰمَةِۖ فَمَن زُحۡزِحَ عَنِ ٱلنَّارِ وَأُدۡخِلَ ٱلۡجَنَّةَ فَقَدۡ فَازَۗ وَمَا ٱلۡحَيَوٰةُ ٱلدُّنۡيَآ إِلَّا مَتَٰعُ ٱلۡغُرُورِ

Bawat kaluluwa, maging anuman ito, ay hindi maiiwasan na lumasap ng kamatayan kaya huwag palilinlang ang isang nilikha sa Mundong ito. Sa Araw ng Pagbangon ay bibigyan kayo ng mga pabuya ng mga gawa ninyo nang kumpleto na hindi nabawasan. Kaya ang sinumang inilayo ni Allāh buhat sa Apoy at pinapasok Niya sa Paraiso ay nagtamo nga ng hinahangad niya na kabutihan at naligtas sa pinangangambahan niya na kasamaan. Walang iba ang buhay na pangmundo kundi isang natatamasang naglalaho at walang nahuhumaling dito kundi ang nadaya. info
التفاسير:

external-link copy
186 : 3

۞ لَتُبۡلَوُنَّ فِيٓ أَمۡوَٰلِكُمۡ وَأَنفُسِكُمۡ وَلَتَسۡمَعُنَّ مِنَ ٱلَّذِينَ أُوتُواْ ٱلۡكِتَٰبَ مِن قَبۡلِكُمۡ وَمِنَ ٱلَّذِينَ أَشۡرَكُوٓاْ أَذٗى كَثِيرٗاۚ وَإِن تَصۡبِرُواْ وَتَتَّقُواْ فَإِنَّ ذَٰلِكَ مِنۡ عَزۡمِ ٱلۡأُمُورِ

Talagang susulitin nga kayo, O mga mananampalataya, sa mga yaman ninyo sa pagtupad sa mga tungkuling kinakailangan sa mga ito at sa anumang bumababa sa mga ito na mga sakuna, talagang susulitin nga kayo sa mga sarili ninyo sa pagsasagawa sa mga obligasyon sa Batas ng Islām at anumang bumababa sa inyo na mga uri ng pagsubok, at talagang makaririnig nga kayo mula sa mga nabigyan ng kasulatan bago pa ninyo at mula sa mga nagtambal [kay Allāh] ng maraming bagay kabilang sa nakasasakit sa inyo gaya ng paninirang-puri sa inyo at sa relihiyon ninyo. Kung magtitiis kayo sa tumatama sa inyo na mga uri ng mga kasawian at mga pagsubok at mangingilag kayong magkasala kay Allāh sa pamamagitan ng paggawa sa ipinag-utos Niya at pag-iwan sa sinaway Niya, tunay na iyon ay kabilang sa mga bagay na nangangailangan ng pagpapasya at nagpapaligsahan sa mga ito ang mga nagpapaligsahan. info
التفاسير:
Poruke i pouke ajeta na ovoj stranici:
• من سوء فعال اليهود وقبيح أخلاقهم اعتداؤهم على أنبياء الله بالتكذيب والقتل.
Kabilang sa kasagwaan ng mga gawain ng mga Hudyo at pangit sa mga kaasalan nila ay ang pangangaway nila sa mga propeta ni Allāh sa pamamagitan ng pagpapasinungaling sa kanila at pagpatay. info

• كل فوز في الدنيا فهو ناقص، وإنما الفوز التام في الآخرة، بالنجاة من النار ودخول الجنة.
Ang bawat pagtamo sa Mundo ay kulang. Ang lubos na pagtamo ay sa Kabilang-buhay lamang sa pamamagitan ng pagkakaligtas sa Apoy at pagpasok sa Paraiso. info

• من أنواع الابتلاء الأذى الذي ينال المؤمنين في دينهم وأنفسهم من قِبَل أهل الكتاب والمشركين، والواجب حينئذ الصبر وتقوى الله تعالى.
Kabilang sa mga uri ng pagsubok na sumasapit sa mga mananampalataya sa relihiyon nila at sa mga sarili nila ay mula sa mga May Kasulatan at mga tagapagtambal. Ang kinakailangan sa sandaling iyon ay ang pagtitiis at ang pangingilag sa pagkakasala kay Allāh – pagkataas-taas Siya. info