Prijevod značenja časnog Kur'ana - Filipinski prijevod (Tagalog jezik) sažetog tefsira Plemenitog Kur'ana

Broj stranice:close

external-link copy
257 : 2

ٱللَّهُ وَلِيُّ ٱلَّذِينَ ءَامَنُواْ يُخۡرِجُهُم مِّنَ ٱلظُّلُمَٰتِ إِلَى ٱلنُّورِۖ وَٱلَّذِينَ كَفَرُوٓاْ أَوۡلِيَآؤُهُمُ ٱلطَّٰغُوتُ يُخۡرِجُونَهُم مِّنَ ٱلنُّورِ إِلَى ٱلظُّلُمَٰتِۗ أُوْلَٰٓئِكَ أَصۡحَٰبُ ٱلنَّارِۖ هُمۡ فِيهَا خَٰلِدُونَ

Si Allāh ay tumatangkilik sa mga sumampalataya sa Kanya: nagtutuon sa kanila, nag-aadya sa kanila, at nagpapalabas sa kanila mula sa mga kadiliman ng kawalang-pananampalataya at kamangmangan tungo sa liwanag ng pananampalataya at kaalaman. Ang mga tumangging sumampalataya, ang mga katangkilik nila ay ang mga kaagaw [kay Allāh] at ang mga anito, na nagpaganda para sa kanila ng kawalang-pananampalataya kaya nagpalabas ang mga ito sa kanila mula sa liwanag ng pananampalataya at kaalaman tungo sa mga kadiliman ng kawalang-pananampalataya at kamangmangan. Ang mga iyon ay ang mga maninirahan sa Apoy; sila ay doon mga mamamalagi magpakailanman. info
التفاسير:

external-link copy
258 : 2

أَلَمۡ تَرَ إِلَى ٱلَّذِي حَآجَّ إِبۡرَٰهِـۧمَ فِي رَبِّهِۦٓ أَنۡ ءَاتَىٰهُ ٱللَّهُ ٱلۡمُلۡكَ إِذۡ قَالَ إِبۡرَٰهِـۧمُ رَبِّيَ ٱلَّذِي يُحۡيِۦ وَيُمِيتُ قَالَ أَنَا۠ أُحۡيِۦ وَأُمِيتُۖ قَالَ إِبۡرَٰهِـۧمُ فَإِنَّ ٱللَّهَ يَأۡتِي بِٱلشَّمۡسِ مِنَ ٱلۡمَشۡرِقِ فَأۡتِ بِهَا مِنَ ٱلۡمَغۡرِبِ فَبُهِتَ ٱلَّذِي كَفَرَۗ وَٱللَّهُ لَا يَهۡدِي ٱلۡقَوۡمَ ٱلظَّٰلِمِينَ

Nakaalam ka ba, O Propeta, ng higit na kataka-taka kaysa sa kapangahasan ng maniniil na nakipagtalo kay Abraham – sumakanya ang pagbati ng kapayapaan – hinggil sa pagkapanginoon ni Allāh at paniniwala sa kaisahan Niya? Naganap nga sa kanya iyon dahil si Allāh ay nagbigay sa kanya ng paghahari kaya nagmalabis siya. Nilinaw sa kanya ni Abraham ang mga katangian ng Panginoon nito, na nagsasabi: "Ang Panginoon ko ay ang nagbibigay-buhay sa mga nilikha at nagbibigay-kamatayan sa mga ito." Nagsabi ang maniniil bilang pagmamatigas: "Ako ay nagbibigay-buhay at nagbibigay-kamatayan sa pamamagitan ng pagpatay ko sa sinumang niloloob ko at pagpapaumanhin ko sa sinumang niloloob ko." Kaya nagdala sa kanya si Abraham – sumakanya ang pagbati ng kapayapaan – ng isa pang katwirang higit na mabigat. Nagsabi ito sa kanya: "Tunay na ang Panginoon kong sinasamba ko ay nagpaparating sa araw mula sa dakong silangan kaya magparating ka nito mula sa dakong kanluran." Kaya walang nangyari sa maniniil kundi nalito siya, kinapos siya ng katwiran, at nadaig siya dahil sa lakas ng katwiran. Si Allāh ay hindi nagtutuon sa mga tagalabag sa katarungan para sa pagtahak sa landas Niya dahil sa kawalang-katarungan nila at pagmamalabis nila. info
التفاسير:

external-link copy
259 : 2

أَوۡ كَٱلَّذِي مَرَّ عَلَىٰ قَرۡيَةٖ وَهِيَ خَاوِيَةٌ عَلَىٰ عُرُوشِهَا قَالَ أَنَّىٰ يُحۡيِۦ هَٰذِهِ ٱللَّهُ بَعۡدَ مَوۡتِهَاۖ فَأَمَاتَهُ ٱللَّهُ مِاْئَةَ عَامٖ ثُمَّ بَعَثَهُۥۖ قَالَ كَمۡ لَبِثۡتَۖ قَالَ لَبِثۡتُ يَوۡمًا أَوۡ بَعۡضَ يَوۡمٖۖ قَالَ بَل لَّبِثۡتَ مِاْئَةَ عَامٖ فَٱنظُرۡ إِلَىٰ طَعَامِكَ وَشَرَابِكَ لَمۡ يَتَسَنَّهۡۖ وَٱنظُرۡ إِلَىٰ حِمَارِكَ وَلِنَجۡعَلَكَ ءَايَةٗ لِّلنَّاسِۖ وَٱنظُرۡ إِلَى ٱلۡعِظَامِ كَيۡفَ نُنشِزُهَا ثُمَّ نَكۡسُوهَا لَحۡمٗاۚ فَلَمَّا تَبَيَّنَ لَهُۥ قَالَ أَعۡلَمُ أَنَّ ٱللَّهَ عَلَىٰ كُلِّ شَيۡءٖ قَدِيرٞ

O nakakita ka ba ng tulad sa naparaan sa isang pamayanang bumagsak ang mga bubong niyon, gumuho ang mga dingding niyon, at nalipol ang mga naninirahan doon kaya naging mapanglaw at walang tao? Nagsabi ang lalaking ito habang nagtataka: "Papaanong magbibigay-buhay si Allāh sa mga nanirahan sa pamayanang ito mula ng matapos ng kamatayan nito?" Kaya nagbigay-kamatayan dito si Allāh sa yugtong isandaang taon. Pagkatapos nagbigay-buhay Siya rito at nagtanong rito. Nagsabi naman Siya rito: "Gaano katagal ka namalaging patay?" Nagsabi ito habang sumasagot: "Namalagi ako sa yugtong isang araw o isang bahagi ng isang araw." Nagsabi Siya rito: "Bagkus namalagi ka ng isandaang taon. Tumingin ka sa dating dala mong pagkain at inumin sapagkat hayan: nananatili sa kalagayan niyan na hindi nagbago gayong kay bilis na dumadapo ang pagbabago sa pagkain at inumin. Tumingin ka sa asno mong patay, at upang gawin ka Naming isang palatandaang malinaw para sa mga tao, na nagpapatunay sa kapangyarihan Namin sa pagbuhay sa kanila.Tumingin ka sa mga buto ng asno mong nagkahiwa-hiwalay at nagkalayu-layo kung papaanong mag-aangat Kami sa mga ito at magsasama Kami sa bahagi ng mga ito sa ibang bahagi, pagkatapos magbabalot Kami sa mga ito matapos niyon ng laman at magpapanumbalik Kami rito ng buhay." Kaya noong nakita nito iyon ay luminaw rito ang reyalidad ng usapin at nalaman nito ang kapangyarihan ni Allāh kaya nagsabi ito habang umaamin niyon: "Nalalaman ko na si Allāh sa bawat bagay ay May-kakayahan." info
التفاسير:
Poruke i pouke ajeta na ovoj stranici:
• من أعظم ما يميز أهل الإيمان أنهم على هدى وبصيرة من الله تعالى في كل شؤونهم الدينية والدنيوية، بخلاف أهل الكفر.
Kabilang sa pinakasukdulang ikinatatangi ng mga alagad ng pananampalataya ay na sila ay nasa patnubay at kabatiran mula kay Allāh – pagkataas-taas Siya – sa lahat ng mga kapakanan nilang panrelihiyon at pangmundo, bilang kasalungatan naman sa mga alagad ng kawalang-pananampalataya. info

• من أعظم أسباب الطغيان الغرور بالقوة والسلطان حتى يعمى المرء عن حقيقة حاله.
Kabilang sa pinakasukdulan sa mga dahilan ng pagmamalabis ay ang pagkalinlang sa kapangyarihan at kapamahalaan hanggang sa mabulagan ang tao sa reyalidad ng kalagayan niya. info

• مشروعية مناظرة أهل الباطل لبيان الحق، وكشف ضلالهم عن الهدى.
Ang pagkaisinasabatas ng pakikipagdebate sa mga alagad ng kabulaanan para sa paghahayag ng katotohanan at paglalantad ng pagkaligaw nila palayo sa patnubay. info

• عظم قدرة الله تعالى؛ فلا يُعْجِزُهُ شيء، ومن ذلك إحياء الموتى.
Ang kasukdulan ng kakayahan ni Allāh – pagkataas-taas Siya – kaya walang nakapagpapawalang-kakayahan sa Kanya na anuman, at kabilang doon ang pagbibigay -buhay sa mga patay. info