Prijevod značenja časnog Kur'ana - Filipinski prijevod (Tagalog jezik) sažetog tefsira Plemenitog Kur'ana

Broj stranice:close

external-link copy
253 : 2

۞ تِلۡكَ ٱلرُّسُلُ فَضَّلۡنَا بَعۡضَهُمۡ عَلَىٰ بَعۡضٖۘ مِّنۡهُم مَّن كَلَّمَ ٱللَّهُۖ وَرَفَعَ بَعۡضَهُمۡ دَرَجَٰتٖۚ وَءَاتَيۡنَا عِيسَى ٱبۡنَ مَرۡيَمَ ٱلۡبَيِّنَٰتِ وَأَيَّدۡنَٰهُ بِرُوحِ ٱلۡقُدُسِۗ وَلَوۡ شَآءَ ٱللَّهُ مَا ٱقۡتَتَلَ ٱلَّذِينَ مِنۢ بَعۡدِهِم مِّنۢ بَعۡدِ مَا جَآءَتۡهُمُ ٱلۡبَيِّنَٰتُ وَلَٰكِنِ ٱخۡتَلَفُواْ فَمِنۡهُم مَّنۡ ءَامَنَ وَمِنۡهُم مَّن كَفَرَۚ وَلَوۡ شَآءَ ٱللَّهُ مَا ٱقۡتَتَلُواْ وَلَٰكِنَّ ٱللَّهَ يَفۡعَلُ مَا يُرِيدُ

Ang mga sugong iyon na binanggit Namin sa iyo ay nagtangi Kami sa iba sa kanila higit sa iba sa kanila sa pagkasi, mga tagasunod, at mga antas. Mayroon sa kanila na kinausap ni Allāh tulad ni Jesus – sumakanya ang pagbati ng kapayapaan. Mayroon sa kanila na inangat Niya sa ilang mga antas na mataas tulad ni Muḥammad – basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan – yayamang isinugo siya sa mga tao sa kabuuan nila, winakasan sa kanya ang pagkapropeta, at itinangi ang Kalipunan niya higit sa mga ibang kalipunan. Nagbigay kay Jesus na anak ni Maria ng mga himalang maliwanag na nagpapatunay sa pagkapropeta niya gaya ng pagbibigay-buhay sa mga patay at pagpapagaling sa ipinanganak na bulag at ketungin. Nag-alalay sa kanya sa pamamagitan ni Anghel Gabriel – sumakanya ang pagbati ng kapayapaan – bilang pagpapalakas sa kanya sa pagsasagawa sa utos ni Allāh – pagkataas-taas Siya. Kung sakaling niloob ni Allāh, hindi sana naglaban-laban ang mga dumating nang matapos ng [paglisan ng] mga sugo nang matapos na dumating sa kanila ang mga maliwanag na tanda; subalit nagkaiba-iba sila at nagkahati-hati sila sapagkat mayroon sa kanila na sumampalataya kay Allāh at mayroon sa kanila na tumangging sumampalataya sa Kanya. Kung sakaling niloob ni Allāh na hindi sila mag-away-away ay hindi sana sila nag-away-away; subalit si Allāh ay gumagawa ng anumang ninanais Niya sapagkat nagpapatnubay Siya sa sinumang niloloob Niya tungo sa pananampalataya sa pamamagitan ng awa Niya at kabutihang-loob Niya at nagpapaligaw Siya sa sinumang niloloob Niya sa pamamagitan ng katarungan Niya at karunungan Niya. info
التفاسير:

external-link copy
254 : 2

يَٰٓأَيُّهَا ٱلَّذِينَ ءَامَنُوٓاْ أَنفِقُواْ مِمَّا رَزَقۡنَٰكُم مِّن قَبۡلِ أَن يَأۡتِيَ يَوۡمٞ لَّا بَيۡعٞ فِيهِ وَلَا خُلَّةٞ وَلَا شَفَٰعَةٞۗ وَٱلۡكَٰفِرُونَ هُمُ ٱلظَّٰلِمُونَ

O mga sumampalataya kay Allāh at sumunod sa Sugo Niya, gumugol kayo mula sa itinustos Namin sa inyo na magkakaibang mga yaman na ipinahihintulot bago pa pumunta ang Araw ng Pagbangon, na sa sandaling iyon ay walang bilihan doon na kakamit mula rito ang tao ng pakikinabangan niya, ni pagkakaibigang pakikinabangan niya sa oras ng kagipitan, ni pagpapagitnang magtutulak ng isang pinsala o hahatak ng isang pakinabang malibang matapos na magpahintulot si Allāh sa sinumang niloloob Niya at kinalulugdan Niya. Ang mga tagatangging sumampalataya ay ang mga tagalabag sa katarungan sa totoo dahil sa kawalang-pananampalataya nila kay Allāh – pagkataas-taas Siya. info
التفاسير:

external-link copy
255 : 2

ٱللَّهُ لَآ إِلَٰهَ إِلَّا هُوَ ٱلۡحَيُّ ٱلۡقَيُّومُۚ لَا تَأۡخُذُهُۥ سِنَةٞ وَلَا نَوۡمٞۚ لَّهُۥ مَا فِي ٱلسَّمَٰوَٰتِ وَمَا فِي ٱلۡأَرۡضِۗ مَن ذَا ٱلَّذِي يَشۡفَعُ عِندَهُۥٓ إِلَّا بِإِذۡنِهِۦۚ يَعۡلَمُ مَا بَيۡنَ أَيۡدِيهِمۡ وَمَا خَلۡفَهُمۡۖ وَلَا يُحِيطُونَ بِشَيۡءٖ مِّنۡ عِلۡمِهِۦٓ إِلَّا بِمَا شَآءَۚ وَسِعَ كُرۡسِيُّهُ ٱلسَّمَٰوَٰتِ وَٱلۡأَرۡضَۖ وَلَا يَـُٔودُهُۥ حِفۡظُهُمَاۚ وَهُوَ ٱلۡعَلِيُّ ٱلۡعَظِيمُ

Si Allāh, na walang Diyos na sinasamba ayon sa karapatan kundi Siya lamang na walang iba pa sa Kanya, ay ang Buháy ayon sa buhay na lubos na walang kamatayan dito ni kakulangan, ang Mapagpanatili na nanatili sa pamamagitan ng sarili Niya kaya malaya Siya sa pangangailangan sa lahat ng nilikha Niya. Sa pamamagitan Niya nanatili ang lahat ng mga nilikha kaya hindi sila lumalaya sa pangangailangan sa Kanya sa lahat ng mga kalagayan nila. Hindi Siya nadadala ng antok ni ng pagkatulog dahil sa kalubusan ng buhay Niya at pagkamapagpanatili Niya. Ukol sa Kanya lamang ang paghahari sa anumang nasa mga langit at anumang nasa lupa. Hindi nakapangyayari ang isa man na mamamagitan sa harapan Niya para sa isa man malibang matapos ng pahintulot Niya at lugod Niya. Nakaaalam Siya sa anumang nagdaan na mga nauukol sa mga nilikha kabilang sa anumang magaganap, at anumang hinaharap nila kabilang sa anumang hindi pa naganap. Hindi sila pumapaligid sa anuman mula sa kaalaman Niya – pagkataas-taas Siya – malibang ayon sa anumang niloob Niya na ipabatid sa kanila. Sumaklaw ang luklukan Niya – ang lalagyan ng mga paa ng Panginoon – sa mga langit at lupa sa kabila ng lawak ng mga ito at laki ng mga ito. Hindi nakabibigat sa Kanya o nagpapahirap sa Kanya ang pangangalaga sa mga ito. Siya ay ang Mataas sa sarili Niya, kapangyarihan Niya, at pananaig Niya, ang Sukdulan sa paghahari Niya at kapamahalaan Niya. info
التفاسير:

external-link copy
256 : 2

لَآ إِكۡرَاهَ فِي ٱلدِّينِۖ قَد تَّبَيَّنَ ٱلرُّشۡدُ مِنَ ٱلۡغَيِّۚ فَمَن يَكۡفُرۡ بِٱلطَّٰغُوتِ وَيُؤۡمِنۢ بِٱللَّهِ فَقَدِ ٱسۡتَمۡسَكَ بِٱلۡعُرۡوَةِ ٱلۡوُثۡقَىٰ لَا ٱنفِصَامَ لَهَاۗ وَٱللَّهُ سَمِيعٌ عَلِيمٌ

Walang pamimilit sa isa man sa pagpasok sa relihiyong Islām dahil ito ang relihiyong totoong malinaw kaya walang pangangailangan dito sa pamimilit sa isa man para rito. Tumampok nga ang pagkagabay sa pagkaligaw. Kaya ang sinumang tumatangging sumampalataya sa bawat anumang sinasambang iba pa kay Allāh, nagpapawalang-kaugnayan doon, at sumasampalataya kay Allāh lamang ay nakakapit nga sa relihiyon sa pamamagitan ng pinakamalakas na lubid na hindi malalagot para sa kaligtasan sa Araw ng Pagbangon. Si Allāh ay Madinigin sa mga sinasabi ng mga lingkod Niya, Maalam sa mga ginagawa nila. Gaganti Siya sa kanila sa mga ito. info
التفاسير:
Poruke i pouke ajeta na ovoj stranici:
• أن الله تعالى قد فاضل بين رسله وأنبيائه، بعلمه وحكمته سبحانه.
Na si Allāh – pagkataas-taas Siya – ay naghambing nga sa pagitan ng mga sugo Niya at mga propeta Niya sa pamamagitan ng kaalaman Niya at karunungan Niya – kaluwalhatian sa Kanya. info

• إثبات صفة الكلام لله تعالى على ما يليق بجلاله، وأنه قد كلم بعض رسله كموسى ومحمد عليهما الصلاة والسلام.
Ang pagpapatibay sa katangian ng pagsasalita para kay Allāh – pagkataas-taas Siya – ayon sa naaangkop sa kapitaganan sa Kanya, at na Siya ay nagsalita nga sa ilan sa mga sugo Niya gaya nina Moises at Muḥammad – sumakanilang dalawa ang basbas at ang pagbati ng kapayapaan. info

• الإيمان والهدى والكفر والضلال كلها بمشيئة الله وتقديره، فله الحكمة البالغة، ولو شاء لهدى الخلق جميعًا.
Ang pananampalataya at ang patnubay, at ang kawalang-pananampalataya at ang pagkaligaw, ang lahat ng mga ito ay sa pamamagitan ng kalooban ni Allāh at pagtatakda Niya sapagkat taglay Niya ang malalim na kasanhian. Kung sakaling niloob Niya ay talagang nagpatnubay Siya sana sa mga nilikha sa kalahatan. info

• آية الكرسي هي أعظم آية في كتاب الله، لما تضمنته من ربوبية الله وألوهيته وبيان أوصافه .
Ang Talata ng Luklukan (Ayatulkursīy) ay pinakadakilang talata sa Aklat ni Allāh dahil sa naglaman ito ng pagkapanginoon ni Allāh, pagkadiyos Niya, at paglilinaw sa mga katangian Niya – kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan. info

• اتباع الإسلام والدخول فيه يجب أن يكون عن رضًا وقَبول، فلا إكراه في دين الله تعالى.
Ang pagsunod sa Islām at ang pagpasok dito ay kinakailangan na maging ayon sa pagkalugod at pagtanggap kaya walang pamimilit sa Relihiyon ni Allāh – pagkataas-taas Siya. info

• الاستمساك بكتاب الله وسُنَّة رسوله أعظم وسيلة للسعادة في الدنيا، والفوز في الآخرة.
Ang pagkapit sa Aklat ni Allāh at Sunnah ng Sugo Niya ay pinakadakilang kaparaanan para sa kaligayahan sa Mundo at tagumpay sa Kabilang-buhay. info