আল-কোৰআনুল কাৰীমৰ অৰ্থানুবাদ - আল-মুখতাচাৰ ফী তাফছীৰিল কোৰআনিল কাৰীমৰ ফিলিপাইন (তাগালোগ) অনুবাদ

পৃষ্ঠা নং:close

external-link copy
59 : 24

وَإِذَا بَلَغَ ٱلۡأَطۡفَٰلُ مِنكُمُ ٱلۡحُلُمَ فَلۡيَسۡتَـٔۡذِنُواْ كَمَا ٱسۡتَـٔۡذَنَ ٱلَّذِينَ مِن قَبۡلِهِمۡۚ كَذَٰلِكَ يُبَيِّنُ ٱللَّهُ لَكُمۡ ءَايَٰتِهِۦۗ وَٱللَّهُ عَلِيمٌ حَكِيمٞ

Kapag umabot ang mga bata kabilang sa inyo sa edad ng kahustuhang gulang ay humingi sila ng pahintulot sa pagpasok sa mga bahay sa lahat ng mga sandali tulad ng nabanggit sa hinggil sa nauukol sa mga nakatatanda kanina. Kung paanong naglinaw si Allāh para sa inyo ng mga patakaran ng pagpaalam, naglilinaw Siya para sa inyo ng mga talata Niya. Si Allāh ay Maalam sa mga kapakanan ng mga lingkod Niya, Marunong sa isinabatas Niya para sa kanila. info
التفاسير:

external-link copy
60 : 24

وَٱلۡقَوَٰعِدُ مِنَ ٱلنِّسَآءِ ٱلَّٰتِي لَا يَرۡجُونَ نِكَاحٗا فَلَيۡسَ عَلَيۡهِنَّ جُنَاحٌ أَن يَضَعۡنَ ثِيَابَهُنَّ غَيۡرَ مُتَبَرِّجَٰتِۭ بِزِينَةٖۖ وَأَن يَسۡتَعۡفِفۡنَ خَيۡرٞ لَّهُنَّۗ وَٱللَّهُ سَمِيعٌ عَلِيمٞ

Ang mga matandang babaing tumigil sa pagreregla at pagbubuntis dahil sa katandaan nila, na hindi nagmimithi ng pag-aasawa, ay wala sa kanilang kasalanan na mag-alis sila ng ilan sa mga kasuutan nila gaya ng balabal at panakip sa mukha, habang hindi mga naglalantad ng gayak na nakakubli, na ipinag-utos sa kanila na magtakip nito, gayong ang tumigil sila sa pag-aalis ng mga kasuutang iyon ay higit na mabuti para sa kanila kaysa sa pag-aalis ng mga iyon bilang pagpapaigting sa pagtatakip at pagpapakahinhin. Si Allāh ay Madinigin sa mga sabi ninyo, Maalam sa mga gawa ninyo: walang nakakukubli sa Kanya na anuman mula roon, at gaganti sa inyo sa mga iyon. info
التفاسير:

external-link copy
61 : 24

لَّيۡسَ عَلَى ٱلۡأَعۡمَىٰ حَرَجٞ وَلَا عَلَى ٱلۡأَعۡرَجِ حَرَجٞ وَلَا عَلَى ٱلۡمَرِيضِ حَرَجٞ وَلَا عَلَىٰٓ أَنفُسِكُمۡ أَن تَأۡكُلُواْ مِنۢ بُيُوتِكُمۡ أَوۡ بُيُوتِ ءَابَآئِكُمۡ أَوۡ بُيُوتِ أُمَّهَٰتِكُمۡ أَوۡ بُيُوتِ إِخۡوَٰنِكُمۡ أَوۡ بُيُوتِ أَخَوَٰتِكُمۡ أَوۡ بُيُوتِ أَعۡمَٰمِكُمۡ أَوۡ بُيُوتِ عَمَّٰتِكُمۡ أَوۡ بُيُوتِ أَخۡوَٰلِكُمۡ أَوۡ بُيُوتِ خَٰلَٰتِكُمۡ أَوۡ مَا مَلَكۡتُم مَّفَاتِحَهُۥٓ أَوۡ صَدِيقِكُمۡۚ لَيۡسَ عَلَيۡكُمۡ جُنَاحٌ أَن تَأۡكُلُواْ جَمِيعًا أَوۡ أَشۡتَاتٗاۚ فَإِذَا دَخَلۡتُم بُيُوتٗا فَسَلِّمُواْ عَلَىٰٓ أَنفُسِكُمۡ تَحِيَّةٗ مِّنۡ عِندِ ٱللَّهِ مُبَٰرَكَةٗ طَيِّبَةٗۚ كَذَٰلِكَ يُبَيِّنُ ٱللَّهُ لَكُمُ ٱلۡأٓيَٰتِ لَعَلَّكُمۡ تَعۡقِلُونَ

Sa bulag na nawala ang paningin niya ay walang kasalanan, sa lumpo ay walang kasalanan, sa maysakit ay walang kasalanan, kung umiwan sila ng hindi nila nakakaya na pagsasagawa ng mga iniatang gaya ng pakikibaka sa landas ni Allāh. Sa inyo, O mga mananampalataya, ay walang kasalanan sa pagkain ninyo mula sa mga bahay ninyo – at kabilang sa mga ito ang mga bahay ng mga anak ninyo – ni sa pagkain mula sa mga bahay ng mga ama ninyo, o ng mga ina ninyo, o ng mga lalaking kapatid ninyo, o ng mga babaing kapatid ninyo, o ng mga tiyuhin sa ama ninyo, o ng mga tiyahin sa ama ninyo, o ng mga tiyuhin sa ina ninyo, o ng mga tiyahin sa ina ninyo, o ng anumang ipinagkatiwala sa inyo ang pangangalaga na mga bahay tulad ng tagabantay ng pataniman. Walang maisisisi sa pagkain mula sa mga bahay ng kaibigan ninyo dahil sa kasiyahan ng sarili nito roon sa karaniwan. Wala sa inyong kasalanan na kumain kayo nang nagsasama-sama o nang bukud-bukod. Kaya kapag pumasok kayo sa mga bahay tulad ng mga bahay na nabanggit at iba pa sa mga iyon ay bumati kayo sa sinumang nasa loob ng mga iyon sa pamamagitan ng pagsabi ninyo ng assalāmu `alaykum (ang kapayapaan ay sumainyo). Ngunit kung sa loob ng mga iyon ay walang isa man, bumati kayo sa mga sarili ninyo sa pamamagitan ng pagsabi ninyo ng assalāmu `alaynā wa `alā `ibādi -llāhi -ṣṣāliḥīḥīn (ang kapayapaan ay sumaamin at sa mga maayos na lingkod ni Allāh). [Ito ay] isang pagbating mula sa ganang kay Allāh na isinabatas Niya para sa inyo, na pinagpala dahil sa ipinalalaganap nito na pagmamahal at pagkakatugma sa pagitan ninyo, na kaaya-ayang ikasisiya ng sarili ng nakaririnig nito. Ayon sa tulad ng naunang paglilinaw na ito sa Kabanatang ito, naglilinaw si Allāh ng mga talata sa pag-asang makapag-unawa kayo sa mga ito at gumawa kayo ayon sa nasa mga ito. info
التفاسير:
এই পৃষ্ঠাৰ আয়াতসমূহৰ পৰা সংগৃহীত কিছুমান উপকাৰী তথ্য:
• جواز وضع العجائز بعض ثيابهنّ لانتفاء الريبة من ذلك.
Ang pagpayag sa pag-alis ng mga matandang babae ng ilan sa mga kasuutan nila dahil sa pagkawala ng pag-aalinlangan doon. info

• الاحتياط في الدين شأن المتقين.
Ang pag-iingat sa Relihiyon ay nauukol sa mga tagapangilag magkasala. info

• الأعذار سبب في تخفيف التكليف.
Ang mga dahilang [makatwiran] ay kadahilanan sa pagpapagaan sa iniatang [na tungkulin]. info

• المجتمع المسلم مجتمع التكافل والتآزر والتآخي.
Ang lipunang Muslim ay lipunan ng pagdadamayan, pagkakatigan, at pagkakapatiran. info