আল-কোৰআনুল কাৰীমৰ অৰ্থানুবাদ - আল-মুখতাচাৰ ফী তাফছীৰিল কোৰআনিল কাৰীমৰ ফিলিপাইন (তাগালোগ) অনুবাদ

পৃষ্ঠা নং:close

external-link copy
62 : 24

إِنَّمَا ٱلۡمُؤۡمِنُونَ ٱلَّذِينَ ءَامَنُواْ بِٱللَّهِ وَرَسُولِهِۦ وَإِذَا كَانُواْ مَعَهُۥ عَلَىٰٓ أَمۡرٖ جَامِعٖ لَّمۡ يَذۡهَبُواْ حَتَّىٰ يَسۡتَـٔۡذِنُوهُۚ إِنَّ ٱلَّذِينَ يَسۡتَـٔۡذِنُونَكَ أُوْلَٰٓئِكَ ٱلَّذِينَ يُؤۡمِنُونَ بِٱللَّهِ وَرَسُولِهِۦۚ فَإِذَا ٱسۡتَـٔۡذَنُوكَ لِبَعۡضِ شَأۡنِهِمۡ فَأۡذَن لِّمَن شِئۡتَ مِنۡهُمۡ وَٱسۡتَغۡفِرۡ لَهُمُ ٱللَّهَۚ إِنَّ ٱللَّهَ غَفُورٞ رَّحِيمٞ

Tanging ang mga mananampalatayang tapat sa pananampalataya nila ay ang mga sumampalataya kay Allāh at sumampalataya sa Sugo Niya. Kapag sila ay kasama sa Propeta – basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan – sa isang usaping nagbubuklod sa kanila para sa kapakanan ng mga Muslim, hindi sila lumilisan hanggang sa humingi sila sa kanya ng pahintulot sa paglisan. Tunay ang mga humihingi sa iyo, O Sugo, ng pahintulot sa sandali ng paglisan, ang mga iyon ay ang mga sumasampalataya kay Allāh at sumasampalataya sa Sugo Niya nang totohanan. Kaya kapag humingi sila sa iyo ng pahintulot para sa ilang bagay na pumapatungkol sa kanila, magpahintulot ka sa sinumang niloob mo na pahintulutan kabilang sa kanila. Humingi ka para sa kanila ng kapatawaran para sa mga pagkakasala nila. Tunay na si Allāh ay Mapagpatawad sa mga pagkakasala ng sinumang nagbalik-loob kabilang sa mga lingkod Niya, Maawain sa kanila. info
التفاسير:

external-link copy
63 : 24

لَّا تَجۡعَلُواْ دُعَآءَ ٱلرَّسُولِ بَيۡنَكُمۡ كَدُعَآءِ بَعۡضِكُم بَعۡضٗاۚ قَدۡ يَعۡلَمُ ٱللَّهُ ٱلَّذِينَ يَتَسَلَّلُونَ مِنكُمۡ لِوَاذٗاۚ فَلۡيَحۡذَرِ ٱلَّذِينَ يُخَالِفُونَ عَنۡ أَمۡرِهِۦٓ أَن تُصِيبَهُمۡ فِتۡنَةٌ أَوۡ يُصِيبَهُمۡ عَذَابٌ أَلِيمٌ

Magparangal kayo, O mga mananampalataya, sa Sugo ni Allāh. Kaya kapag nanawagan kayo sa kanya ay huwag kayong manawagan sa kanya sa pamamagitan ng pangalan niya tulad ng: "O Muḥammad," o sa pamamagitan ng pangalan ng ama niya tulad ng: "O anak ni `Abullāh," gaya ng ginagawa ng ilan sa inyo sa iba. Subalit sabihin ninyo: "O Sugo ni Allāh; O Propeta ni Allāh." Kapag nanawagan siya sa inyo para sa isang usaping panlahat, huwag ninyong gawin ang panawagan niya gaya ng panawagan ng iba sa inyo sa iba pa sa mga usaping walang halaga sa karaniwan, bagkus magmadali kayo sa pagtugon doon. Tunay na si Allāh ay nakaaalam sa mga lumilisan kabilang sa inyo nang pakubli nang walang paalam. Kaya mag-ingat ang mga sumasalungat sa utos ng Sugo ni Allāh – basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan – na magpatama si Allāh sa kanila ng isang sigalot at isang pagsubok o magpatama Siya sa kanila ng isang pagdurusang nakasasakit na walang pagtitiis para sa kanila roon.
info
التفاسير:

external-link copy
64 : 24

أَلَآ إِنَّ لِلَّهِ مَا فِي ٱلسَّمَٰوَٰتِ وَٱلۡأَرۡضِۖ قَدۡ يَعۡلَمُ مَآ أَنتُمۡ عَلَيۡهِ وَيَوۡمَ يُرۡجَعُونَ إِلَيۡهِ فَيُنَبِّئُهُم بِمَا عَمِلُواْۗ وَٱللَّهُ بِكُلِّ شَيۡءٍ عَلِيمُۢ

Pansinin, tunay na sa kay Allāh lamang ang anumang nasa mga langit at ang anumang nasa lupa sa paglikha, paghahari, at pangangasiwa. Nakaaalam Siya sa anumang kayo, O mga tao, ay naroon na mga kalagayan: walang nakakukubli sa Kanya mula sa mga iyon na anuman. Sa Araw ng Pagbangon kapag pababalikin sila tungo sa Kanya sa pamamagitan ng pagbuhay matapos ng kamatayan, magpapabatid Siya sa kanila hinggil sa anumang ginawa nila na mga gawain sa Mundo. Si Allāh sa bawat bagay ay Maalam: walang nakakukubli sa Kanya na anuman sa mga langit ni sa lupa. info
التفاسير:
এই পৃষ্ঠাৰ আয়াতসমূহৰ পৰা সংগৃহীত কিছুমান উপকাৰী তথ্য:
• دين الإسلام دين النظام والآداب، وفي الالتزام بالآداب بركة وخير.
Ang Relihiyong Islām ay relihiyon ng sistema at mga kaasalan. Sa pananatili sa mga kaasalan ay may biyaya at kabutihan. info

• منزلة رسول الله صلى الله عليه وسلم تقتضي توقيره واحترامه أكثر من غيره.
Ang antas ng Sugo ni Allāh – basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan – ay humihiling ng pagpipitagan sa kanya at paggalang sa kanya higit sa iba pa sa kanya. info

• شؤم مخالفة سُنَّة النبي صلى الله عليه وسلم.
Ang kasamaan ng pagsalungat sa kalakaran (sunnah) ng Propeta – basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan. info

• إحاطة ملك الله وعلمه بكل شيء.
Ang pagkasaklaw ng paghahari ni Allāh at kaalaman Niya sa bawat bagay. info