আল-কোৰআনুল কাৰীমৰ অৰ্থানুবাদ - আল-মুখতাচাৰ ফী তাফছীৰিল কোৰআনিল কাৰীমৰ ফিলিপাইন (তাগালোগ) অনুবাদ

পৃষ্ঠা নং:close

external-link copy
21 : 24

۞ يَٰٓأَيُّهَا ٱلَّذِينَ ءَامَنُواْ لَا تَتَّبِعُواْ خُطُوَٰتِ ٱلشَّيۡطَٰنِۚ وَمَن يَتَّبِعۡ خُطُوَٰتِ ٱلشَّيۡطَٰنِ فَإِنَّهُۥ يَأۡمُرُ بِٱلۡفَحۡشَآءِ وَٱلۡمُنكَرِۚ وَلَوۡلَا فَضۡلُ ٱللَّهِ عَلَيۡكُمۡ وَرَحۡمَتُهُۥ مَا زَكَىٰ مِنكُم مِّنۡ أَحَدٍ أَبَدٗا وَلَٰكِنَّ ٱللَّهَ يُزَكِّي مَن يَشَآءُۗ وَٱللَّهُ سَمِيعٌ عَلِيمٞ

O mga sumampalataya kay Allāh at gumawa ayon sa Batas Niya, huwag kayong sumunod sa mga daan ng demonyo sa pang-aakit nito sa kabulaanan. Ang sinumang sumusunod sa mga daan nito, tunay na ito ay nag-uutos ng pangit na mga gawain at mga pananalita, at ng anumang minamasama ng Batas [ng Islām]. Kung hindi dahil sa kagandahang-loob ni Allāh sa inyo, O mga mananampalataya, walang nadalisay kabilang sa inyo na isa man magpakailanman sa pamamagitan ng pagbabalik-loob kung nagbalik-loob ito; subalit si Allāh ay nagdadalisay sa sinumang niloloob Niya sa pamamagitan ng pagtanggap ng pagbabalik-loob nito. Si Allāh ay Madinigin sa mga sinasabi ninyo, Maalam sa mga ginagawa ninyo: walang nakakukubli sa Kanya mula sa mga ito na anuman at gaganti sa inyo sa mga ito. info
التفاسير:

external-link copy
22 : 24

وَلَا يَأۡتَلِ أُوْلُواْ ٱلۡفَضۡلِ مِنكُمۡ وَٱلسَّعَةِ أَن يُؤۡتُوٓاْ أُوْلِي ٱلۡقُرۡبَىٰ وَٱلۡمَسَٰكِينَ وَٱلۡمُهَٰجِرِينَ فِي سَبِيلِ ٱللَّهِۖ وَلۡيَعۡفُواْ وَلۡيَصۡفَحُوٓاْۗ أَلَا تُحِبُّونَ أَن يَغۡفِرَ ٱللَّهُ لَكُمۡۚ وَٱللَّهُ غَفُورٞ رَّحِيمٌ

Huwag susumpa ang mga may kalamangan sa relihiyon at ang mga may kaluwagan sa yaman sa pagtigil sa pagbibigay sa mga kamag-anakan nilang mga nangangailangan – dahil sa taglay ng mga ito na karukhaan, na kabilang sa mga tagalikas sa landas ni Allāh – dahil sa isang pagkakasalang nagawa ng mga ito. Magpaumanhin sila sa mga ito at magpalampas sila sa mga ito. Hindi ba kayo umiibig na magpatawad si Allāh sa inyo sa mga pagkakasala ninyo kapag nagpaumanhin kayo sa mga ito at nagpalampas kayo? Si Allāh ay Mapagpatawad sa sinumang nagbalik-loob kabilang sa mga lingkod Niya, Maawain sa kanila, kaya naman maaliw sa Kanya ang mga lingkod Niya. Bumaba ang talatang ito kaugnay kay Abū Bakr Aṣ-Ṣiddīq – malugod si Allāh sa kanya – noong sumumpa siyang titigil sa paggugol kay Mistaḥ dahil sa pakikilahok nito sa kabulaanan. info
التفاسير:

external-link copy
23 : 24

إِنَّ ٱلَّذِينَ يَرۡمُونَ ٱلۡمُحۡصَنَٰتِ ٱلۡغَٰفِلَٰتِ ٱلۡمُؤۡمِنَٰتِ لُعِنُواْ فِي ٱلدُّنۡيَا وَٱلۡأٓخِرَةِ وَلَهُمۡ عَذَابٌ عَظِيمٞ

Tunay na ang nagpaparatang sa mga babaing mabini, na mga inosente sa [gawaing] mahalay na hindi pinapansin ng mga babaing mananampalataya, ay itinaboy mula sa awa ni Allāh sa Mundo at Kabilang-buhay. Ukol sa kanila ay isang pagdurusang mabigat sa Kabilang-buhay, info
التفاسير:

external-link copy
24 : 24

يَوۡمَ تَشۡهَدُ عَلَيۡهِمۡ أَلۡسِنَتُهُمۡ وَأَيۡدِيهِمۡ وَأَرۡجُلُهُم بِمَا كَانُواْ يَعۡمَلُونَ

Magaganap sa kanila ang pagdurusang iyon sa Araw ng Pagbangon, sa Araw na sasaksi laban sa kanila ang mga dila nila sa binigkas nila na kabulaanan at sasaksi laban sa kanila ang mga kamay nila at ang mga paa nila sa dati nilang ginagawa. info
التفاسير:

external-link copy
25 : 24

يَوۡمَئِذٖ يُوَفِّيهِمُ ٱللَّهُ دِينَهُمُ ٱلۡحَقَّ وَيَعۡلَمُونَ أَنَّ ٱللَّهَ هُوَ ٱلۡحَقُّ ٱلۡمُبِينُ

Sa Araw na iyon, maglulubus-lubos sa kanila si Allāh ng ganti sa kanila ayon sa katarungan at makaaalam sila na si Allāh – kaluwalhatian sa Kanya – ay ang Katotohanan sapagkat bawat namumutawi sa Kanya na ulat o pangako o banta ay katotohanang maliwanag na walang pag-aatubili rito. info
التفاسير:

external-link copy
26 : 24

ٱلۡخَبِيثَٰتُ لِلۡخَبِيثِينَ وَٱلۡخَبِيثُونَ لِلۡخَبِيثَٰتِۖ وَٱلطَّيِّبَٰتُ لِلطَّيِّبِينَ وَٱلطَّيِّبُونَ لِلطَّيِّبَٰتِۚ أُوْلَٰٓئِكَ مُبَرَّءُونَ مِمَّا يَقُولُونَۖ لَهُم مَّغۡفِرَةٞ وَرِزۡقٞ كَرِيمٞ

Ang bawat karima-rimarim kabilang sa mga lalaki, mga babae, mga sinasabi, at mga ginagawa ay nababagay at naaangkop sa anumang karima-rimarin. Ang bawat kaaya-aya kabilang doon ay nababagay at naaangkop sa anumang kaaya-aya. Ang mga lalaking kaaya-aya at mga babaing kaaya-ayang iyon ay mga pinawalang-sala mula sa sinasabi tungkol sa kanila ng mga lalaking karima-rimarim at mga babaing karima-rimarim. Ukol sa kanila ay isang kapatawaran mula kay Allāh, na nagpapatawad Siya sa pamamagitan nito sa mga pagkakasala nila. Ukol sa kanila ay isang kaloob na marangal, ang Paraiso. info
التفاسير:

external-link copy
27 : 24

يَٰٓأَيُّهَا ٱلَّذِينَ ءَامَنُواْ لَا تَدۡخُلُواْ بُيُوتًا غَيۡرَ بُيُوتِكُمۡ حَتَّىٰ تَسۡتَأۡنِسُواْ وَتُسَلِّمُواْ عَلَىٰٓ أَهۡلِهَاۚ ذَٰلِكُمۡ خَيۡرٞ لَّكُمۡ لَعَلَّكُمۡ تَذَكَّرُونَ

O mga sumampalataya kay Allāh at gumawa ayon sa Batas Niya, huwag kayong pumasok sa mga bahay na hindi mga bahay ninyo hanggang sa nagpaalam kayo sa mga nakatira sa mga ito sa pagpasok sa kanila at bumati kayo sa kanila sa pamamagitan ng pagsabi ninyo sa pagbati at pagpaalam: "Assalāmu `alaykum. Papasok po ba ako?" Ang pagpaalam na iyon na ipinag-utos sa inyo ay higit na mabuti para sa inyo kaysa sa pagpasok nang biglaan, nang sa gayon kayo ay magsasaalaala sa ipinag-utos sa inyo para sumunod kayo. info
التفاسير:
এই পৃষ্ঠাৰ আয়াতসমূহৰ পৰা সংগৃহীত কিছুমান উপকাৰী তথ্য:
• إغراءات الشيطان ووساوسه داعية إلى ارتكاب المعاصي، فليحذرها المؤمن.
Ang mga pang-uudyok ng demonyo at mga sulsol nito ay tagapag-anyaya sa paggawa ng mga pagsuway kaya mag-ingat sa mga ito ang mananampalataya. info

• التوفيق للتوبة والعمل الصالح من الله لا من العبد.
Ang pagtutuon para sa pagbabalik-loob at gawang maayos ay mula kay Allāh hindi mula sa tao. info

• العفو والصفح عن المسيء سبب لغفران الذنوب.
Ang pagpapaumanhin at ang pagpapalampas sa tagagawa ng masagwa ay isang kadahilanan para sa pagpapatawad sa mga pagkakasala. info

• قذف العفائف من كبائر الذنوب.
Ang paninirang-puri sa mga babaing mahinhin ay kabilang sa malalaki sa mga pagkakasala. info

• مشروعية الاستئذان لحماية النظر، والحفاظ على حرمة البيوت.
Ang pagkaisinasabatas ng pagpapaalam para sa pangangalaga sa pagtingin at sa pag-iingat sa kabanalan ng mga bahay. info