O mga sumampalataya kay Allāh at sumunod sa isinabatas Niya, huwag kayong mauna sa harap ni Allāh at ng Sugo Niya ng isang sasabihin o isang gagawin at mangilag kayong magkasala kay Allāh sa pamamagitan ng pagsunod sa mga ipinag-uutos Niya at pag-iwas sa mga sinasaway Niya. Tunay na si Allāh ay Madinigin sa mga sinasabi ninyo, Maalam sa mga ginagawa ninyo: walang nakalulusot sa Kanya mula sa mga iyon na anuman, at gaganti sa inyo sa mga iyon.
O mga sumampalataya kay Allāh at sumunod sa isinabatas Niya, magmagandang-asal kayo sa Sugo Niya at huwag ninyong gawin ang mga tinig ninyo na tumaas higit sa tinig ng Propeta – basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan – sa sandali ng pakikipag-usap sa kanya, at huwag kayong magpahayag sa kanya sa pangalan niya gaya ng pagtawag ng ilan sa inyo sa iba pa, bagkus tumawag kayo sa kanya sa pagkapropeta [niya] at pagkasugo [niya] sa pamamagitan ng pakikipag-usap na banayad, sa pangamba na mawalang-saysay ang gantimpala sa mga gawa ninyo dahilan doon samantalang kayo ay hindi nakadarama sa pagpapawalang-saysay sa gantimpala ng mga iyon.
Tunay na ang mga nagpapahina ng mga tinig nila sa piling ng Sugo ni Allāh – basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan – ang mga iyon ay ang mga sumubok si Allāh sa mga puso nila para sa pangingilag magkasala sa Kanya at nagpawagas Siya sa kanila para rito. Ukol sa kanila ay isang kapatawaran para sa mga pagkakasala nila kaya hindi Siya maninisi sa kanila at ukol sa kanila ay isang gantimpalang sukdulan sa Araw ng Pagbangon, na magpapasok sa kanila si Allāh sa Paraiso.
Tunay na ang mga tumatawag sa iyo, O Sugo, kabilang sa mga Arabeng disyerto mula sa likuran ng mga silid ng mga maybahay mo, ang karamihan sa kanila ay hindi nakapag-uunawa.
التفاسير:
من فوائد الآيات في هذه الصفحة:
• تشرع الرحمة مع المؤمن، والشدة مع الكافر المحارب.
Isinasabatas ang pagkaawa sa mananampalataya at ang kabangisan sa tagatangging sumampalataya na nakikidigma.
• التماسك والتعاون من أخلاق أصحابه صلى الله عليه وسلم.
Ang pagbubukluran at ang pagtutulungan ay kabilang sa mga kaasalan ng Propeta – basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan.
• من يجد في قلبه كرهًا للصحابة الكرام يُخْشى عليه من الكفر.
Ang sinumang nakatagpo sa puso niya ng pagkasuklam sa mga Marangal na Kasamahan [ng Propeta] ay katatakutan para sa kanya ang kawalang-pananampalataya.
• وجوب التأدب مع رسول الله صلى الله عليه وسلم، ومع سُنَّته، ومع ورثته (العلماء).
Ang pagkatungkulin ng pagmamagandang-asal sa Sugo ni Allāh – basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan – sa Sunnah niya, at sa mga tagapagmana niya (ang mga maalam sa Islām).