የቅዱስ ቁርዓን ይዘት ትርጉም - የቁርኣን አጭር ማብራርያ ትርጉም በፊሊፒንኛ (ታጋሎግ) ቋንቋ

የገፅ ቁጥር:close

external-link copy
19 : 57

وَٱلَّذِينَ ءَامَنُواْ بِٱللَّهِ وَرُسُلِهِۦٓ أُوْلَٰٓئِكَ هُمُ ٱلصِّدِّيقُونَۖ وَٱلشُّهَدَآءُ عِندَ رَبِّهِمۡ لَهُمۡ أَجۡرُهُمۡ وَنُورُهُمۡۖ وَٱلَّذِينَ كَفَرُواْ وَكَذَّبُواْ بِـَٔايَٰتِنَآ أُوْلَٰٓئِكَ أَصۡحَٰبُ ٱلۡجَحِيمِ

Ang mga sumampalataya kay Allāh at sumampalataya sa mga sugo Niya nang walang pagtatangi-tangi sa pagitan nila, ang mga iyon ay ang mga mapagpatotoo. Ang mga martir sa ganang Panginoon nila, ukol sa kanila ang gantimpala nilang marangal na inihanda para sa kanila at ukol sa kanila ang liwanag nila na sisinag sa harapan nila at sa mga kanan nila sa Araw ng Pagbangon. Ang mga tumangging sumampalataya kay Allāh at sa mga sugo Niya at nagpasinungaling sa mga tanda Niyang pinababa sa Sugo Niya, ang mga iyon ay ang mga maninirahan sa Impiyerno. Papasok sila roon sa Araw ng Pagbangon bilang mga mananatili roon magpakailanman; hindi sila lalabas mula roon. info
التفاسير:

external-link copy
20 : 57

ٱعۡلَمُوٓاْ أَنَّمَا ٱلۡحَيَوٰةُ ٱلدُّنۡيَا لَعِبٞ وَلَهۡوٞ وَزِينَةٞ وَتَفَاخُرُۢ بَيۡنَكُمۡ وَتَكَاثُرٞ فِي ٱلۡأَمۡوَٰلِ وَٱلۡأَوۡلَٰدِۖ كَمَثَلِ غَيۡثٍ أَعۡجَبَ ٱلۡكُفَّارَ نَبَاتُهُۥ ثُمَّ يَهِيجُ فَتَرَىٰهُ مُصۡفَرّٗا ثُمَّ يَكُونُ حُطَٰمٗاۖ وَفِي ٱلۡأٓخِرَةِ عَذَابٞ شَدِيدٞ وَمَغۡفِرَةٞ مِّنَ ٱللَّهِ وَرِضۡوَٰنٞۚ وَمَا ٱلۡحَيَوٰةُ ٱلدُّنۡيَآ إِلَّا مَتَٰعُ ٱلۡغُرُورِ

Alamin ninyo na ang buhay pangmundo ay isang laro nilalaro ng mga katawan, isang paglilibang ipinanlilibang ng mga puso, isang gayak na ipinapampaganda ninyo, isang pagpapayabangan sa pagitan ninyo dahil sa dulot nitong pagmamay-ari at pagtatamasa, at isang pagpapahambugan sa dami ng mga yaman at dami ng mga anak. Ito ay gaya ng paghahalintulad sa ulan na nagpatuwa sa mga magsasaka ang halaman nito. Pagkatapos hindi nagtagal ang halamang luntiang ito at natuyo kaya makikita mo ito, o nakakikita, na matapos ng pagiging luntian nito ay naging naninilaw. Pagkatapos ginagawa ito ni Allāh na pira-pirasong nagkakadurug-durog. Sa Kabilang-buhay ay may isang pagdurusang matindi para sa mga tagatangging sumampalataya at mga mapagpaimbabaw, isang kapatawaran mula kay Allāh para sa mga pagkakasala ng mga lingkod Niyang mga mananampalataya, at isang kaluguran mula sa Kanya. Walang iba ang buhay pangmundo kundi isang pagtatamasa naglalaho na walang pananatili para rito. Kaya ang sinumang nagtangi sa pagtatamasang ditong naglalaho higit sa kaginhawahan ng Kabilang-buhay, siya ay isang luging nadaya. info
التفاسير:

external-link copy
21 : 57

سَابِقُوٓاْ إِلَىٰ مَغۡفِرَةٖ مِّن رَّبِّكُمۡ وَجَنَّةٍ عَرۡضُهَا كَعَرۡضِ ٱلسَّمَآءِ وَٱلۡأَرۡضِ أُعِدَّتۡ لِلَّذِينَ ءَامَنُواْ بِٱللَّهِ وَرُسُلِهِۦۚ ذَٰلِكَ فَضۡلُ ٱللَّهِ يُؤۡتِيهِ مَن يَشَآءُۚ وَٱللَّهُ ذُو ٱلۡفَضۡلِ ٱلۡعَظِيمِ

Makipag-unahan kayo, O mga tao, tungo sa mga gawang maayos na magtatamo kayo sa pamamagitan ng mga ito ng kapatawaran ng mga pagkakasala ninyo dahil sa isang pagbabalik-loob at iba pa rito kabilang sa mga pampapalapit-loob [kay Allāh], at upang magtamo kayo sa pamamagitan ng mga ito ng isang paraiso na ang luwang nito ay tulad ng luwang [sa pagitan] ng langit at lupa. Ang paraisong ito ay inihanda ni Allāh para sa mga sumampalataya sa Kanya at sumampalataya sa mga sugo Niya. Ang ganting iyon ay ang kabutihang-loob ni Allāh; nagbibigay Siya nito sa sinumang niloloob Niya kabilang sa mga lingkod Niya. Si Allāh – kaluwalhatian sa Kanya – ay may kabutihang-loob na sukdulan sa mga lingkod Niyang mga mananampalataya. info
التفاسير:

external-link copy
22 : 57

مَآ أَصَابَ مِن مُّصِيبَةٖ فِي ٱلۡأَرۡضِ وَلَا فِيٓ أَنفُسِكُمۡ إِلَّا فِي كِتَٰبٖ مِّن قَبۡلِ أَن نَّبۡرَأَهَآۚ إِنَّ ذَٰلِكَ عَلَى ٱللَّهِ يَسِيرٞ

Walang tumama sa mga tao na anumang kasawian sa lupa gaya ng tagtuyot at iba pa rito, ni tumama sa kanila na anumang kasawian sa mga sarili nila malibang ito ay napagtibay sa Tablerong Pinag-iingatan mula bago pa Kami lumikha ng mga nilikha. Tunay na iyon kay Allāh ay magaan. info
التفاسير:

external-link copy
23 : 57

لِّكَيۡلَا تَأۡسَوۡاْ عَلَىٰ مَا فَاتَكُمۡ وَلَا تَفۡرَحُواْ بِمَآ ءَاتَىٰكُمۡۗ وَٱللَّهُ لَا يُحِبُّ كُلَّ مُخۡتَالٖ فَخُورٍ

Iyon ay upang hindi kayo malungkot, O mga tao, sa anumang nakaalpas sa inyo at upang hindi kayo matuwa sa anumang ibinigay Niya sa inyo na mga biyaya ayon sa pagkatuwa ng kawalan ng utang na loob. Tunay na si Allāh ay hindi umiibig sa bawat nagpapakamalaki na hambog sa mga tao dahil sa ibinigay sa kanya ni Allāh. info
التفاسير:

external-link copy
24 : 57

ٱلَّذِينَ يَبۡخَلُونَ وَيَأۡمُرُونَ ٱلنَّاسَ بِٱلۡبُخۡلِۗ وَمَن يَتَوَلَّ فَإِنَّ ٱللَّهَ هُوَ ٱلۡغَنِيُّ ٱلۡحَمِيدُ

Ang mga nagmamaramot ng kinakailangan sa kanila na ipagkaloob at nag-uutos sa iba pa sa kanila ng pagmamaramot ay mga lugi. Ang sinumang tatalikod sa pagtalima kay Allāh ay hindi makapipinsala kay Allāh at makapipinsala lamang sa sarili niya. Tunay na si Allāh ay ang Walang-pangangailangan kaya hindi Siya nangangailangan sa pagtalima ng mga alipin Niya, ang Pinapupurihan sa bawat kalagayan. info
التفاسير:
ከአንቀጾቹ የምንማራቸዉ ቁም ነገሮች:
• الزهد في الدنيا وما فيها من شهوات، والترغيب في الآخرة وما فيها من نعيم دائم يُعينان على سلوك الصراط المستقيم.
Ang kawalang-pagpapahalaga sa Mundo at anumang narito na mga ninanasa at ang pagpapaibig sa Kabilang-buhay at anumang naroon na kaginhawahang mamamalagi ay nakatutulong sa pagtahak sa landasing tuwid. info

• وجوب الإيمان بالقدر.
Ang pagkatungkulin ng Pananampalataya sa Pagtatakda. info

• من فوائد الإيمان بالقدر عدم الحزن على ما فات من حظوظ الدنيا.
Kabilang sa mga pakinabang ng pananampalataya sa pagtatakda ang kawalan ng pagkalungkot sa anumang nakaalpas na mga bahagi sa Mundo. info

• البخل والأمر به خصلتان ذميمتان لا يتصف بهما المؤمن.
Ang karamutan at ang pag-uutos dito ay dalawang katangian napupulaan na hindi nailalarawan sa mga ito ang mananampalataya. info