የቅዱስ ቁርዓን ይዘት ትርጉም - የቁርኣን አጭር ማብራርያ ትርጉም በፊሊፒንኛ (ታጋሎግ) ቋንቋ

የገፅ ቁጥር:close

external-link copy
23 : 42

ذَٰلِكَ ٱلَّذِي يُبَشِّرُ ٱللَّهُ عِبَادَهُ ٱلَّذِينَ ءَامَنُواْ وَعَمِلُواْ ٱلصَّٰلِحَٰتِۗ قُل لَّآ أَسۡـَٔلُكُمۡ عَلَيۡهِ أَجۡرًا إِلَّا ٱلۡمَوَدَّةَ فِي ٱلۡقُرۡبَىٰۗ وَمَن يَقۡتَرِفۡ حَسَنَةٗ نَّزِدۡ لَهُۥ فِيهَا حُسۡنًاۚ إِنَّ ٱللَّهَ غَفُورٞ شَكُورٌ

Iyon ay ang dakilang pagpapagalak na ibinabalita ni Allāh sa pamamagitan ng Sugo Niya sa mga sumampalataya sa Kanya at sa mga sugo Niya, at gumawa ng mga gawang maayos. Sabihin mo, O Sugo: "Hindi ako humihiling mula sa inyo, dahil sa pagpapaabot ng katotohanan, ng isang gantimpala maliban sa nag-iisang gantimpalang nanunumbalik ang pakinabang nito sa inyo. Ito ay na umibig kayo sa akin para sa pagkakamag-anak ko sa inyo." Ang sinumang nagkamit ng isang magandang gawa ay magpapaibayo Kami para sa kanya ng pabuya sa kanya. Ang magandang gawa ay katumbas ng sampung tulad nito. Tunay na si Allāh ay Mapagpatawad sa mga pagkakasala ng sinumang nagbalik-loob sa Kanya kabilang sa mga lingkod Niya, Mapagpasalamat sa mga gawain nilang maayos na ginagawa nila dahil sa paghahangad ng [kaluguran ng] mukha Niya. info
التفاسير:

external-link copy
24 : 42

أَمۡ يَقُولُونَ ٱفۡتَرَىٰ عَلَى ٱللَّهِ كَذِبٗاۖ فَإِن يَشَإِ ٱللَّهُ يَخۡتِمۡ عَلَىٰ قَلۡبِكَۗ وَيَمۡحُ ٱللَّهُ ٱلۡبَٰطِلَ وَيُحِقُّ ٱلۡحَقَّ بِكَلِمَٰتِهِۦٓۚ إِنَّهُۥ عَلِيمُۢ بِذَاتِ ٱلصُّدُورِ

Kabilang sa haka-haka ng mga tagapagtambal ay na si Muḥammad – basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan – ay lumikha-likha nga ng Qur'ān na ito at nag-ugnay nito sa Panginoon niya samantalang nagsasabi si Allāh bilang tugon sa kanila: "Kung sakaling kumausap ka sa sarili mo na gumawa-gawa ito ng isang kasinungalingan ay talaga sanang nagpinid Ako sa puso mo, bumura Ako sa kabulaanang ginawa-gawa, at nagpanatili Ako ng katotohanan." Yayamang ang nangyari ay hindi ganoon, nagpatunay ito sa katapatan ng Propeta – basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan – na siya ay kinakasihan mula sa Panginoon niya. Tunay na Siya ay Maalam sa anumang nasa mga puso ng mga lingkod Niya: walang nakakukubli sa Kanya na anuman mula roon. info
التفاسير:

external-link copy
25 : 42

وَهُوَ ٱلَّذِي يَقۡبَلُ ٱلتَّوۡبَةَ عَنۡ عِبَادِهِۦ وَيَعۡفُواْ عَنِ ٱلسَّيِّـَٔاتِ وَيَعۡلَمُ مَا تَفۡعَلُونَ

Siya – kaluwalhatian sa Kanya – ay ang tumatanggap ng pagbabalik-loob ng mga lingkod Niya mula sa kawalang-pananampalataya at mga pagsuway kapag nagbalik-loob sila sa Kanya, nagpapalampas sa mga masagwang gawa nila na nagawa nila, nakaaalam sa ginagawa ninyo na anuman: walang nakakukubli sa Kanya mula sa mga gawa ninyo na anuman at gaganti Siya sa inyo sa mga iyon, info
التفاسير:

external-link copy
26 : 42

وَيَسۡتَجِيبُ ٱلَّذِينَ ءَامَنُواْ وَعَمِلُواْ ٱلصَّٰلِحَٰتِ وَيَزِيدُهُم مِّن فَضۡلِهِۦۚ وَٱلۡكَٰفِرُونَ لَهُمۡ عَذَابٞ شَدِيدٞ

sumagot sa panalangin ng mga sumampalataya sa Kanya at sa mga sugo Niya at gumawa ng mga maayos, at nagdaragdag sa kanila mula sa kabutihang-loob Niya ng hindi naman nila hiningi sa Kanya. Ang mga tagatangging sumampalataya kay Allāh at sa mga sugo Niya, ukol sa kanila ay isang pagdurusang malakas na naghihintay sa kanila sa Araw ng Pagbangon. info
التفاسير:

external-link copy
27 : 42

۞ وَلَوۡ بَسَطَ ٱللَّهُ ٱلرِّزۡقَ لِعِبَادِهِۦ لَبَغَوۡاْ فِي ٱلۡأَرۡضِ وَلَٰكِن يُنَزِّلُ بِقَدَرٖ مَّا يَشَآءُۚ إِنَّهُۥ بِعِبَادِهِۦ خَبِيرُۢ بَصِيرٞ

Kung sakaling nagpaluwang si Allāh ng panustos para sa lahat ng mga lingkod Niya ay talaga sanang nagmalabis sila sa lupain sa pamamagitan ng kawalang-katarungan subalit Siya – kaluwalhatian sa Kanya – ay nagbababa ng panustos ayon sa sukat na niloloob Niya na pagpapaluwang o pagpapagipit. Tunay na Siya ay Mapagbatid sa mga kalagayan ng mga lingkod Niya, Nakakikita sa mga ito kaya nagbibigay Siya dahil sa isang kasanhian at nagkakait Siya dahil sa isang kasanhian din. info
التفاسير:

external-link copy
28 : 42

وَهُوَ ٱلَّذِي يُنَزِّلُ ٱلۡغَيۡثَ مِنۢ بَعۡدِ مَا قَنَطُواْ وَيَنشُرُ رَحۡمَتَهُۥۚ وَهُوَ ٱلۡوَلِيُّ ٱلۡحَمِيدُ

Siya ay ang nagbababa ng ulan sa mga lingkod Niya, nang matapos na nawalan sila ng pag-asa sa pagbaba nito, at nagkakalat ng ulang ito para tumubo ang lupa. Siya ang tagatangkilik ng mga pumapatungkol sa mga lingkod Niya, ang pinupuri sa bawat kalagayan. info
التفاسير:

external-link copy
29 : 42

وَمِنۡ ءَايَٰتِهِۦ خَلۡقُ ٱلسَّمَٰوَٰتِ وَٱلۡأَرۡضِ وَمَا بَثَّ فِيهِمَا مِن دَآبَّةٖۚ وَهُوَ عَلَىٰ جَمۡعِهِمۡ إِذَا يَشَآءُ قَدِيرٞ

Kabilang sa mga tanda ni Allāh na nagpapatunay sa kakayahan Niya at kaisahan Niya ang pagkalikha ng mga langit at ang pagkalikha ng lupa at ang ikinalat Niya sa mga ito na mga nilikhang kahanga-hanga. Siya, sa pagtipon sa kanila para sa pagkalap at pagganti kapag niloob Niya, ay May-kakayahan: hindi nagpapawalang-kakayahan sa Kanya iyon kung paanong hindi nagpawalang-kakayahan sa Kanya ang paglikha sa kanila sa unang pagkakataon. info
التفاسير:

external-link copy
30 : 42

وَمَآ أَصَٰبَكُم مِّن مُّصِيبَةٖ فَبِمَا كَسَبَتۡ أَيۡدِيكُمۡ وَيَعۡفُواْ عَن كَثِيرٖ

Ang anumang tumama sa inyo, o mga tao, na kasawiang-palad sa mga sarili ninyo o mga ari-arian ninyo ay dahil sa nakamit ng mga kamay ninyo na mga pagsuway. Nagpapalampas si Allāh sa inyo sa marami sa mga iyon kaya hindi Siya naninisi sa inyo. info
التفاسير:

external-link copy
31 : 42

وَمَآ أَنتُم بِمُعۡجِزِينَ فِي ٱلۡأَرۡضِۖ وَمَا لَكُم مِّن دُونِ ٱللَّهِ مِن وَلِيّٖ وَلَا نَصِيرٖ

Kayo ay hindi mga makakaya ng kaligtasan mula sa Panginoon ninyo sa pagtakas kapag nagnais Siya ng pagpaparusa sa inyo. Walang ukol sa inyo bukod pa sa Kanya na isang katangkilik na tatangkilik sa mga pumapatungkol sa inyo ni isang mapag-adya na papawi sa inyo ng pagdurusa kung nagnais Siya nito sa inyo. info
التفاسير:
ከአንቀጾቹ የምንማራቸዉ ቁም ነገሮች:
• الداعي إلى الله لا يبتغي الأجر عند الناس.
Ang tagapag-anyaya tungo kay Allāh ay hindi naghahangad ng pabuya sa mga tao. info

• التوسيع في الرزق والتضييق فيه خاضع لحكمة إلهية قد تخفى على كثير من الناس.
Ang pagpapaluwang sa panustos at ang pagpapagipit dito ay sumasailalim sa isang kasanhiang pandiyos na maaaring nakakubli sa marami sa mga tao. info

• الذنوب والمعاصي من أسباب المصائب.
Ang mga pagkakasala at ang mga pagsuway ay kabilang sa mga kadahilanan ng mga kasawiang-palad. info