የቅዱስ ቁርዓን ይዘት ትርጉም - የቁርኣን አጭር ማብራርያ ትርጉም በፊሊፒንኛ (ታጋሎግ) ቋንቋ

የገፅ ቁጥር:close

external-link copy
12 : 31

وَلَقَدۡ ءَاتَيۡنَا لُقۡمَٰنَ ٱلۡحِكۡمَةَ أَنِ ٱشۡكُرۡ لِلَّهِۚ وَمَن يَشۡكُرۡ فَإِنَّمَا يَشۡكُرُ لِنَفۡسِهِۦۖ وَمَن كَفَرَ فَإِنَّ ٱللَّهَ غَنِيٌّ حَمِيدٞ

Talaga ngang nagbigay Kami kay Luqmān ng pagkaunawa sa relihiyon at pagkatama sa mga usapin. Nagsabi Kami sa kanya: "Magpasalamat ka, O Luqmān, sa Panginoon mo sa anumang ibiniyaya Niya sa iyo na pagtutuon para sa pagtalima sa Kanya." Ang sinumang nagpapasalamat sa Panginoon niya, ang pakinabang sa pasasalamat niya ay bumabalik lamang sa sarili niya sapagkat si Allāh ay Walang-pangangailangan sa pasasalamat niya. Ang sinumang nagkaila sa biyaya ni Allāh sa kanya saka tumangging sumampalataya kay Allāh – kaluwalhatian sa Kanya – tanging ang kapinsalaan ng kawalang-pananampalataya niya ay sa kanya at hindi ito nakapipinsala kay Allāh ng anuman sapagkat Siya ay walang-pangangailangan sa nilikha Niya sa kalahatan, na pinapupurihan sa bawat kalagayan. info
التفاسير:

external-link copy
13 : 31

وَإِذۡ قَالَ لُقۡمَٰنُ لِٱبۡنِهِۦ وَهُوَ يَعِظُهُۥ يَٰبُنَيَّ لَا تُشۡرِكۡ بِٱللَّهِۖ إِنَّ ٱلشِّرۡكَ لَظُلۡمٌ عَظِيمٞ

Banggitin mo, O Sugo, noong nagsabi si Luqmān sa anak niya habang siya ay nagpapaibig dito sa kabutihan at nagpapaingat dito laban sa kasamaan: "O anak ko, huwag kang sumamba kasama kay Allāh sa iba pa sa Kanya; tunay na ang pagsamba sa isang sinasamba kasama kay Allāh ay isang paglabag sa katarungan, na sukdulan para sa kaluluwa dahil sa paggawa ng pinakasukdulang pagkakasala na nagpapahantong sa pananatili nito sa Apoy." info
التفاسير:

external-link copy
14 : 31

وَوَصَّيۡنَا ٱلۡإِنسَٰنَ بِوَٰلِدَيۡهِ حَمَلَتۡهُ أُمُّهُۥ وَهۡنًا عَلَىٰ وَهۡنٖ وَفِصَٰلُهُۥ فِي عَامَيۡنِ أَنِ ٱشۡكُرۡ لِي وَلِوَٰلِدَيۡكَ إِلَيَّ ٱلۡمَصِيرُ

Nagtagubilin Kami sa tao hinggil sa pagtalima sa mga magulang niya at pagpapakabuti sa kanilang dalawa sa anumang walang pagsuway roon kay Allāh. Nagdalang-tao sa kanya ang ina niya sa tiyan nito habang dumaranas ng isang hirap matapos ng isang hirap. Ang pagpapatigil sa kanya sa pagpapasuso ay sa dalawang taon. Nagsabi Kami sa kanya: "Magpasalamat ka kay Allāh sa ibiniyaya Niya sa iyo na mga biyaya, pagkatapos sa mga magulang mo sa isinagawa nilang dalawa ng pag-aalaga sa iyo at pangangalaga sa iyo. Tungo sa Akin lamang ang babalikan para gumanti Ako sa bawat isa ng anumang nagiging karapat-dapat dito. info
التفاسير:

external-link copy
15 : 31

وَإِن جَٰهَدَاكَ عَلَىٰٓ أَن تُشۡرِكَ بِي مَا لَيۡسَ لَكَ بِهِۦ عِلۡمٞ فَلَا تُطِعۡهُمَاۖ وَصَاحِبۡهُمَا فِي ٱلدُّنۡيَا مَعۡرُوفٗاۖ وَٱتَّبِعۡ سَبِيلَ مَنۡ أَنَابَ إِلَيَّۚ ثُمَّ إِلَيَّ مَرۡجِعُكُمۡ فَأُنَبِّئُكُم بِمَا كُنتُمۡ تَعۡمَلُونَ

Kung nagbuhos ang mga magulang ng isang pagsisikap upang magbunsod sa iyo na magtambal ka kay Allāh ng iba pa sa Kanya dala ng pagdodomina mula sa kanilang dalawa ay huwag kang tumalima sa kanilang dalawa roon dahil walang pagtalima sa isang nilikha kapalit ng pagsuway sa Tagalikha. Makisama ka sa kanilang dalawa sa Mundo ayon sa pagpapakabuti, pagpapanatili ng ugnayan, at paggawa ng maganda. Sumunod ka sa daan ng nagsisi sa Akin ayon sa paniniwala sa kaisahan Ko at pagtalima. Pagkatapos sa Akin lamang sa Araw ng Pagbangon ang babalikan ninyo sa kalahatan saka magpapabatid AKo sa inyo ng anumang dati ninyong ginagawa sa Mundo na gawain at gaganti Ako sa inyo dahil doon. info
التفاسير:

external-link copy
16 : 31

يَٰبُنَيَّ إِنَّهَآ إِن تَكُ مِثۡقَالَ حَبَّةٖ مِّنۡ خَرۡدَلٖ فَتَكُن فِي صَخۡرَةٍ أَوۡ فِي ٱلسَّمَٰوَٰتِ أَوۡ فِي ٱلۡأَرۡضِ يَأۡتِ بِهَا ٱللَّهُۚ إِنَّ ٱللَّهَ لَطِيفٌ خَبِيرٞ

[Nagsabi si Luqmān]: "O anak ko, tunay na ang masagwang gawa o ang magandang gawa, naging gaano man kaliit ito tulad ng bigat ng isang buto ng mustasa at naging nasa ilalim ng isang bato na walang nakababatid doon na isa man o naging nasa alinmang pook sa mga langit o sa lupa, tunay na si Allāh ay maglalahad nito sa Araw ng Pagbangon saka gaganti sa tao dahil doon. Tunay na si Allāh ay Mapagtalos: walang nakakukubli sa Kanya na mga kaliit-liitan ng mga bagay, Mapagbatid sa mga reyalidad ng mga ito at kinalalagyan ng mga ito. info
التفاسير:

external-link copy
17 : 31

يَٰبُنَيَّ أَقِمِ ٱلصَّلَوٰةَ وَأۡمُرۡ بِٱلۡمَعۡرُوفِ وَٱنۡهَ عَنِ ٱلۡمُنكَرِ وَٱصۡبِرۡ عَلَىٰ مَآ أَصَابَكَۖ إِنَّ ذَٰلِكَ مِنۡ عَزۡمِ ٱلۡأُمُورِ

O anak ko, magpanatili ka ng pagdarasal sa pamamagitan ng pagsasagawa nito ayon sa pinakalubos na paraan, mag-utos ka ng nakabubuti, sumaway ka ng nakasasama, at magtiis ka sa anumang dumapo sa iyo na anumang nakasusuklam dahil doon. Tunay na ang ipinag-utos sa iyo kabilang doon ay kabilang sa pinagpasyahan ni Allāh sa iyo na gawin mo kaya walang mapagpipilian para sa iyo rito. info
التفاسير:

external-link copy
18 : 31

وَلَا تُصَعِّرۡ خَدَّكَ لِلنَّاسِ وَلَا تَمۡشِ فِي ٱلۡأَرۡضِ مَرَحًاۖ إِنَّ ٱللَّهَ لَا يُحِبُّ كُلَّ مُخۡتَالٖ فَخُورٖ

Huwag kang maglihis ng mukha mo palayo sa mga tao dala ng pagpapakamalaki at huwag kang maglakad sa ibabaw ng lupa dala ng pagkatuwang humanga sa sarili mo. Tunay na si Allāh ay hindi umiibig sa bawat mayabang sa paglalakad niya, na hambog sa anumang ibinigay sa kanya na mga biyaya, na nagpapakamalaki dahil sa mga ito sa mga tao at hindi nagpapasalamat kay Allāh sa mga ito. info
التفاسير:

external-link copy
19 : 31

وَٱقۡصِدۡ فِي مَشۡيِكَ وَٱغۡضُضۡ مِن صَوۡتِكَۚ إِنَّ أَنكَرَ ٱلۡأَصۡوَٰتِ لَصَوۡتُ ٱلۡحَمِيرِ

Magpakakatamtaman ka sa paglakad mo sa pagitan ng pagpapabilis at paggapang, sa isang paglakad na nagpapakita ng kapitaganan. Magbaba ka ng tinig mo; huwag mong itaas ito sa isang pagtataas na nakasasakit. Tunay na ang pinakapangit sa mga tinig ay talagang ang tinig ng mga asno dahil sa pagkakataas ng mga tinig ng mga ito. info
التفاسير:
ከአንቀጾቹ የምንማራቸዉ ቁም ነገሮች:
• لما فصَّل سبحانه ما يصيب الأم من جهد الحمل والوضع دلّ على مزيد برّها.
Yayamang nagdetalye Siya – kaluwalhatian sa Kanya – sa dinaranas ng ina na pasakit ng pagdadalang-tao at pagsisilang, nagpatunay ito sa pagdaragdag sa pagpapakabuti sa kanya. info

• نفع الطاعة وضرر المعصية عائد على العبد.
Ang pakinabang sa pagtalima at ang pinsala sa pagsuway ay nanunumbalik sa tao. info

• وجوب تعاهد الأبناء بالتربية والتعليم.
Ang pagkatungkulin ng pagkandili sa mga anak sa pamamagitan ng edukasyon at pagtuturo. info

• شمول الآداب في الإسلام للسلوك الفردي والجماعي.
Ang kasaklawan ng mga kaasalan sa Islām para sa pag-uugaling pang-individuwal at panlipunan. info