የቅዱስ ቁርዓን ይዘት ትርጉም - የቁርኣን አጭር ማብራርያ ትርጉም በፊሊፒንኛ (ታጋሎግ) ቋንቋ

የገፅ ቁጥር:close

external-link copy
78 : 3

وَإِنَّ مِنۡهُمۡ لَفَرِيقٗا يَلۡوُۥنَ أَلۡسِنَتَهُم بِٱلۡكِتَٰبِ لِتَحۡسَبُوهُ مِنَ ٱلۡكِتَٰبِ وَمَا هُوَ مِنَ ٱلۡكِتَٰبِ وَيَقُولُونَ هُوَ مِنۡ عِندِ ٱللَّهِ وَمَا هُوَ مِنۡ عِندِ ٱللَّهِۖ وَيَقُولُونَ عَلَى ٱللَّهِ ٱلۡكَذِبَ وَهُمۡ يَعۡلَمُونَ

Tunay na kabilang sa mga Hudyo ay talagang isang pangkatin na naglilihis ng mga dila nila sa pagsambit ng hindi bahagi ng Torah na pinababa mula sa ganang kay Allāh upang magpalagay kayong sila ay bumabasa ng Torah samantalang iyon ay hindi bahagi ng Torah bagkus iyon ay bahagi ng pagsisinungaling nila at gawa-gawa nila laban kay Allāh. Nagsasabi sila: "Ang binabasa namin ay pinababa mula sa ganang kay Allāh" samantalang iyon ay hindi mula sa ganang kay Allāh. Nagsasabi sila laban kay Allāh ng kasinungalingan samantalang sila ay nakaaalam sa pagsisinungaling nila laban kay Allāh at sa mga sugo Niya. info
التفاسير:

external-link copy
79 : 3

مَا كَانَ لِبَشَرٍ أَن يُؤۡتِيَهُ ٱللَّهُ ٱلۡكِتَٰبَ وَٱلۡحُكۡمَ وَٱلنُّبُوَّةَ ثُمَّ يَقُولَ لِلنَّاسِ كُونُواْ عِبَادٗا لِّي مِن دُونِ ٱللَّهِ وَلَٰكِن كُونُواْ رَبَّٰنِيِّـۧنَ بِمَا كُنتُمۡ تُعَلِّمُونَ ٱلۡكِتَٰبَ وَبِمَا كُنتُمۡ تَدۡرُسُونَ

Hindi naging nararapat sa isang tao na magbigay rito si Allāh ng isang kasulatan na pinababa mula sa ganang Kanya, magtustos dito ng kaalaman at pag-intindi, at pumili rito bilang propeta, pagkatapos magsabi ito sa mga tao: "Kayo ay maging mga mananamba para sa akin bukod pa kay Allāh," bagkus magsabi siya sa kanila: "Kayo ay maging mga nakaaalam na mga nagtatrabaho bilang mga tagapagturo sa mga tao, bilang mga tagapagsaayos sa mga kapakanan nila dahilan sa pagtuturo ninyo ng kasulatan na pinababa para sa mga tao at dahil kayo noon ay nag-aaral mula rito ayon sa pagsasaulo at pag-intindi." info
التفاسير:

external-link copy
80 : 3

وَلَا يَأۡمُرَكُمۡ أَن تَتَّخِذُواْ ٱلۡمَلَٰٓئِكَةَ وَٱلنَّبِيِّـۧنَ أَرۡبَابًاۚ أَيَأۡمُرُكُم بِٱلۡكُفۡرِ بَعۡدَ إِذۡ أَنتُم مُّسۡلِمُونَ

Hindi nararapat dito, gayundin, na mag-uutos ito sa inyo na gumawa kayo sa mga anghel at mga propeta bilang mga panginoon na sasambahin ninyo sa halip kay Allāh. Nagpapahintulot ba rito na mag-utos ito sa inyo ng kawalang-pananampalataya kay Allāh matapos ng pagpapaakay ninyo sa Kanya at ang pagsuko ninyo sa Kanya? info
التفاسير:

external-link copy
81 : 3

وَإِذۡ أَخَذَ ٱللَّهُ مِيثَٰقَ ٱلنَّبِيِّـۧنَ لَمَآ ءَاتَيۡتُكُم مِّن كِتَٰبٖ وَحِكۡمَةٖ ثُمَّ جَآءَكُمۡ رَسُولٞ مُّصَدِّقٞ لِّمَا مَعَكُمۡ لَتُؤۡمِنُنَّ بِهِۦ وَلَتَنصُرُنَّهُۥۚ قَالَ ءَأَقۡرَرۡتُمۡ وَأَخَذۡتُمۡ عَلَىٰ ذَٰلِكُمۡ إِصۡرِيۖ قَالُوٓاْ أَقۡرَرۡنَاۚ قَالَ فَٱشۡهَدُواْ وَأَنَا۠ مَعَكُم مِّنَ ٱلشَّٰهِدِينَ

Banggitin mo, O Sugo, nang tumanggap si Allāh ng kasunduang binigyang-diin sa mga propeta, na nagsasabi sa kanila: "Anuman ang ibinigay Ko sa inyo na kasulatang pabababain Ko sa inyo at karunungang ituturo Ko sa inyo at umaabot ang isa sa inyo sa anumang naabot nito na kalagayan at antas, pagkatapos may dumating sa inyo na isang Sugo mula sa ganang Akin, na si Muḥammad – ang basbas at ang pagbati ng kapayapaan ay sumakanya – na isang tagapagpatotoo para sa taglay ninyo na kasulatan at karunungan, ay talagang sasampalataya nga kayo sa inihatid niya at talagang mag-aadya nga kayo sa kanya habang mga sumusunod sa kanya. Kaya kumilala ba kayo, O mga propeta, roon at tumanggap ba kayo kaugnay roon sa tipan Kong mahigpit?" Kaya sumagot sila, na mga nagsasabi: "Kumilala kami niyon." Nagsabi si Allāh: "Sumaksi kayo sa mga sarili ninyo at sa mga kalipunan ninyo, at Ako ay kasama sa inyo kabilang sa mga tagasaksi sa inyo at sa kanila." info
التفاسير:

external-link copy
82 : 3

فَمَن تَوَلَّىٰ بَعۡدَ ذَٰلِكَ فَأُوْلَٰٓئِكَ هُمُ ٱلۡفَٰسِقُونَ

Kaya ang sinumang umayaw matapos ng tipang binigyang-diin na ito sa pamamagitan ng pagsaksi mula kay Allāh at mga sugo Niya, ang mga iyon ay ang mga lumalabas sa Relihiyon ni Allāh at pagtalima sa Kanya. info
التفاسير:

external-link copy
83 : 3

أَفَغَيۡرَ دِينِ ٱللَّهِ يَبۡغُونَ وَلَهُۥٓ أَسۡلَمَ مَن فِي ٱلسَّمَٰوَٰتِ وَٱلۡأَرۡضِ طَوۡعٗا وَكَرۡهٗا وَإِلَيۡهِ يُرۡجَعُونَ

Kaya ba sa iba pa sa relihiyon ni Allāh na pinili Niya para sa mga lingkod Niya – ang Islām – naghahangad ang mga lumalabas na ito sa relihiyon ni Allāh at pagtalima sa Kanya samantalang sa Kanya – kaluwalhatian sa Kanya – nagpaakay at sumuko ang bawat sinumang nasa mga langit at lupa kabilang sa mga nilikha sa pagkukusang-loob sa Kanya gaya ng kalagayan ng mga mananampalataya at sa pagkasuklam gaya ng kalagayan ng mga tagatangging sumampalataya? Pagkatapos tungo sa Kanya – pagkataas-taas Siya – pababalikin ang mga nilikha sa kabuuan nila sa Araw ng Pagbangon para sa pagtutuos at pagganti. info
التفاسير:
ከአንቀጾቹ የምንማራቸዉ ቁም ነገሮች:
• ضلال علماء اليهود ومكرهم في تحريفهم كلام الله، وكذبهم على الناس بنسبة تحريفهم إليه تعالى.
Ang pagkaligaw ng mga maalam ng mga Hudyo at ang mga panlalansi nila sa pagpapalihis sa salita ni Allāh at pagsisinungaling nila sa mga tao dahil sa pag-uugnay ng pagpapalihis nila sa Kanya – pagkataas-taas Siya. info

• كل من يدعي أنه على دين نبي من أنبياء الله إذا لم يؤمن بمحمد عليه الصلاة والسلام فهو ناقض لعهده مع الله تعالى.
Ang bawat nag-aangkin na siya ay nasa relihiyon ng isa sa mga propeta ni Allāh, kapag hindi sumampalataya kay Muḥammad – sumakanya ang basbas at ang pagbati ng kapayapaan – siya ay sumisira sa tipan niya kay Allāh – pagkataas-taas Siya. info

• أعظم الناس منزلةً العلماءُ الربانيون الذين يجمعون بين العلم والعمل، ويربُّون الناس على ذلك.
Ang pinakadakila sa mga tao sa antas ay ang mga maalam na mga paham na nagsama sa kaalaman at gawa, at nagtuturo sa mga tao ayon doon. info

• أعظم الضلال الإعراض عن دين الله تعالى الذي استسلم له سبحانه الخلائق كلهم بَرُّهم وفاجرهم.
Ang pinakamabigat na pagkaligaw ay ang pag-ayaw sa Relihiyon ni Allāh – pagkataas-taas Siya – na sumuko sa Kanya – kaluwalhatian sa Kanya – ang mga nilikha sa kabuuan nila: ang mabuting-loob sa kanila at ang masamang-loob sa kanila. info