የቅዱስ ቁርዓን ይዘት ትርጉም - የቁርኣን አጭር ማብራርያ ትርጉም በፊሊፒንኛ (ታጋሎግ) ቋንቋ

የገፅ ቁጥር:close

external-link copy
50 : 17

۞ قُلۡ كُونُواْ حِجَارَةً أَوۡ حَدِيدًا

Sabihin mo sa kanila, O Sugo: "Maging bato kayo, O mga tagapagtambal, kung makakaya ninyo, sa katigasan nito, o maging bakal kayo sa lakas nito, at hindi ninyo makakaya iyon. info
التفاسير:

external-link copy
51 : 17

أَوۡ خَلۡقٗا مِّمَّا يَكۡبُرُ فِي صُدُورِكُمۡۚ فَسَيَقُولُونَ مَن يُعِيدُنَاۖ قُلِ ٱلَّذِي فَطَرَكُمۡ أَوَّلَ مَرَّةٖۚ فَسَيُنۡغِضُونَ إِلَيۡكَ رُءُوسَهُمۡ وَيَقُولُونَ مَتَىٰ هُوَۖ قُلۡ عَسَىٰٓ أَن يَكُونَ قَرِيبٗا

O kayo ay maging nilikhang iba pa, na higit na dakila kaysa sa dalawang kabilang sa dinadakila sa mga dibdib ninyo. Tunay na si Allāh ay magpapanumbalik sa inyo gaya ng pagpasimula Niya sa inyo at magbibigay-buhay sa inyo gaya ng paglikha Niya sa inyo sa unang pagkakataon." Kaya magsasabi ang mga tagapagmatigas na ito: "Sino ang magpapanumbalik sa amin bilang mga buhay matapos ng kamatayan namin?" Sabihin mo sa kanila: "Magpapanumbalik sa inyo ang lumikha sa inyo sa unang pagkakataon ayon sa walang naunang pagkakatulad." Kaya maggagalaw-galaw sila ng mga ulo nila bilang mga nanunuya sa pagtugon mo sa kanila at magsasabi sila habang mga nagtuturing na imposible: "Kailan ang pagpapanumbalik na ito?" Sabihin mo: "Harinawang ito ay malapit na sapagkat ang bawat dumarating ay malapit na. info
التفاسير:

external-link copy
52 : 17

يَوۡمَ يَدۡعُوكُمۡ فَتَسۡتَجِيبُونَ بِحَمۡدِهِۦ وَتَظُنُّونَ إِن لَّبِثۡتُمۡ إِلَّا قَلِيلٗا

Magpapanumbalik sa inyo si Allāh sa araw na mananawagan Siya sa inyo tungo sa Pagkakalapan kaya tutugon naman kayo habang mga nagpapaakay sa utos Niya habang mga nagpupuri sa Kanya. Mag-aakala kayo na kayo ay hindi namalagi sa lupa malibang sa kaunting panahon." info
التفاسير:

external-link copy
53 : 17

وَقُل لِّعِبَادِي يَقُولُواْ ٱلَّتِي هِيَ أَحۡسَنُۚ إِنَّ ٱلشَّيۡطَٰنَ يَنزَغُ بَيۡنَهُمۡۚ إِنَّ ٱلشَّيۡطَٰنَ كَانَ لِلۡإِنسَٰنِ عَدُوّٗا مُّبِينٗا

Sabihin mo, O Sugo, sa mga lingkod Kong mga nananampalataya sa Akin na sabihin nila ang kaaya-ayang salita kapag nakikipagtalakayan sila at iwasan nila ang masagwang salita na nagpapalayo ng loob dahil ang demonyo ay nagsasamantala nito sapagkat nagpupunyagi siya sa pagitan nila sa anumang nanggugulo sa kanila sa buhay nila sa Mundo at Kabilang-buhay. Tunay na ang demonyo, para sa tao, ay laging isang kaaway na maliwanag ang pangangaway kaya kailangan sa tao na mangilag sa kanya. info
التفاسير:

external-link copy
54 : 17

رَّبُّكُمۡ أَعۡلَمُ بِكُمۡۖ إِن يَشَأۡ يَرۡحَمۡكُمۡ أَوۡ إِن يَشَأۡ يُعَذِّبۡكُمۡۚ وَمَآ أَرۡسَلۡنَٰكَ عَلَيۡهِمۡ وَكِيلٗا

Ang Panginoon ninyo, O mga tao, ay higit na maalam sa inyo sapagkat walang nakakukubli sa Kanya mula sa inyo na anuman. Kung loloobin Niya na kaawaan kayo ay kaaawaan Niya kayo sa pamamagitan ng pagtutuon sa inyo sa pananampalataya at gawang maayos. Kung loloobin Niya na pagdusahin kayo ay pagdurusahin Niya kayo sa pamamagitan ng pagbigo sa inyo sa pananampalataya at pagbibigay-kamatayan sa inyo sa kawalang-pananampalataya. Hindi nagpadala si Allāh sa iyo, O Sugo, sa kanila bilang pinananaligang pipilit sa kanila sa pananampalataya, pipigil sa kanila sa kawalang-pananampalataya, at mag-iisa-isa sa kanila ng mga gawa nila. Ikaw ay isang tagapagpaabot lamang buhat kay Allāh ng ipinag-utos Niya sa iyo na ipaabot. info
التفاسير:

external-link copy
55 : 17

وَرَبُّكَ أَعۡلَمُ بِمَن فِي ٱلسَّمَٰوَٰتِ وَٱلۡأَرۡضِۗ وَلَقَدۡ فَضَّلۡنَا بَعۡضَ ٱلنَّبِيِّـۧنَ عَلَىٰ بَعۡضٖۖ وَءَاتَيۡنَا دَاوُۥدَ زَبُورٗا

Ang Panginoon mo, O Sugo, ay higit na maalam sa bawat sinumang nasa mga langit at mga lupa at higit na maalam sa mga kalagayan nila at anumang nagiging karapat-dapat sa kanila. Talaga ngang nagtangi Kami sa iba sa mga propeta higit sa iba pa sa dami ng mga tagasunod at sa pagpapababa ng mga kasulatan, at nagbigay Kami kay David ng isang kasulatan, ang Salmo. info
التفاسير:

external-link copy
56 : 17

قُلِ ٱدۡعُواْ ٱلَّذِينَ زَعَمۡتُم مِّن دُونِهِۦ فَلَا يَمۡلِكُونَ كَشۡفَ ٱلضُّرِّ عَنكُمۡ وَلَا تَحۡوِيلًا

Sabihin mo, O Sugo, sa mga tagapagtambal na ito: "Dumalangin kayo, O mga tagapagtambal, sa mga inaakala ninyo na sila ay mga diyos bukod pa kay Allāh kapag may bumaba sa inyo na isang pinsala sapagkat sila ay hindi nakapangyayari sa pagtulak ng pinsala palayo sa inyo at hindi nakapangyayari sa pagsalin nito sa iba pa sa inyo dahil sa kawalang-kakayahan nila. Ang sinumang walang-kakayahan ay hindi magiging isang diyos." info
التفاسير:

external-link copy
57 : 17

أُوْلَٰٓئِكَ ٱلَّذِينَ يَدۡعُونَ يَبۡتَغُونَ إِلَىٰ رَبِّهِمُ ٱلۡوَسِيلَةَ أَيُّهُمۡ أَقۡرَبُ وَيَرۡجُونَ رَحۡمَتَهُۥ وَيَخَافُونَ عَذَابَهُۥٓۚ إِنَّ عَذَابَ رَبِّكَ كَانَ مَحۡذُورٗا

Yaong mga dinadalanginan kabilang sa mga anghel at tulad ng mga ito, sila mismo ay naghahangad ng magpapalapit sa kanila tungo kay Allāh gaya ng mabuting gawa, nagtatagisan kung alin sa kanila ang [magiging] pinakamalapit sa Kanya sa pamamagitan ng pagtalima, nag-aasam na maaawa Siya sa kanila, at nangangamba na pagdurusahin Niya sila. Tunay na ang parusa ng Panginoon mo, O Sugo, ay kabilang sa nararapat na pangilagan. info
التفاسير:

external-link copy
58 : 17

وَإِن مِّن قَرۡيَةٍ إِلَّا نَحۡنُ مُهۡلِكُوهَا قَبۡلَ يَوۡمِ ٱلۡقِيَٰمَةِ أَوۡ مُعَذِّبُوهَا عَذَابٗا شَدِيدٗاۚ كَانَ ذَٰلِكَ فِي ٱلۡكِتَٰبِ مَسۡطُورٗا

Walang anumang pamayanan o lungsod mula sa mga pamayanang tagatangging sumampalataya ang mga naninirahan malibang Kami ay magpapababa rito ng pagdurusa at kapahamakan sa buhay na pangmundo dahilan sa kawalang-pananampalataya nito o susubok dito sa pamamagitan ng isang parusang malakas sa pamamagitan ng pagkapatay o iba pa rito dahilan sa kawalang-pananampalataya nito. Ang pagpapahamak at ang pagdurusang iyon ay isang pagtatadhana rito na nakatala sa Tablerong Pinag-iingatan.
info
التفاسير:
ከአንቀጾቹ የምንማራቸዉ ቁም ነገሮች:
• القول الحسن داع لكل خلق جميل وعمل صالح، فإنَّ من ملك لسانه ملك جميع أمره.
Ang magandang sinasabi ay tagapag-anyaya sa bawat kaasalang marikit at gawang maayos sapagkat tunay na ang sinumang nakapamamayani sa dila niya ay nakapamamayani sa lahat ng nauukol sa kanya. info

• فاضل الله بين الأنبياء بعضهم على بعض عن علم منه وحكمة.
Nagtangi si Allāh sa pagitan ng mga propeta sa kahigitan ng iba sa kanila sa iba pa ayon sa kaalamang mula sa Kanya at karunungan. info

• الله لا يريد بعباده إلا ما هو الخير، ولا يأمرهم إلا بما فيه مصلحتهم.
Si Allāh ay hindi nagnanais sa mga lingkod Niya maliban ng anumang siyang kabutihan at hindi nag-uutos sa kanila maliban ng anumang naroon ang kapakanan nila. info

• علامة محبة الله أن يجتهد العبد في كل عمل يقربه إلى الله، وينافس في قربه بإخلاص الأعمال كلها لله والنصح فيها.
Ang palatandaan ng pag-ibig ni Allāh ay na magsikap ang tao sa bawat gawaing magpapalapit sa kanya kay Allāh at makipagtagisan sa pagkalapit niya sa pamamagitan ng pagpapakawagas kay Allāh sa mga gawain sa kalahatan ng mga ito at katapatan sa mga ito. info