የቅዱስ ቁርዓን ይዘት ትርጉም - የቁርኣን አጭር ማብራርያ ትርጉም በፊሊፒንኛ (ታጋሎግ) ቋንቋ

የገፅ ቁጥር:close

external-link copy
53 : 12

۞ وَمَآ أُبَرِّئُ نَفۡسِيٓۚ إِنَّ ٱلنَّفۡسَ لَأَمَّارَةُۢ بِٱلسُّوٓءِ إِلَّا مَا رَحِمَ رَبِّيٓۚ إِنَّ رَبِّي غَفُورٞ رَّحِيمٞ

Nagpatuloy ang maybahay ng Makapangyarihan sa pagsasalita nito, na nagsasabi: "Hindi ako nagpapawalang-kinalaman ng sarili ko sa pagnanais ng kasagwaan at hindi ako nagnais niyon ng pagbibigay-matuwid sa sarili ko dahil ang gawi ng kaluluwang pantao ay ang kadalasan ng pag-uutos ng kasagwaan dahil sa pagkahilig nito sa ninanasa nito at sa kahirapan ng pagpigil nito roon, maliban sa kinaawaan ni Allāh na mga kaluluwa sapagkat nagsanggalang Siya sa mga ito laban sa pag-uutos ng kasagwaan. Tunay na ang Panginoon ko ay Mapagpatawad sa sinumang nagbalik-loob kabilang sa mga lingkod Niya, Maawain sa kanila." info
التفاسير:

external-link copy
54 : 12

وَقَالَ ٱلۡمَلِكُ ٱئۡتُونِي بِهِۦٓ أَسۡتَخۡلِصۡهُ لِنَفۡسِيۖ فَلَمَّا كَلَّمَهُۥ قَالَ إِنَّكَ ٱلۡيَوۡمَ لَدَيۡنَا مَكِينٌ أَمِينٞ

Nagsabi ang hari sa mga tagatulong nito noong luminaw para rito ang kawalang-sala ni Yusuf at ang pagkakaalam ng maybahay: "Maghatid kayo sa kanya sa akin, magtatalaga ako sa kanya bilang natatangi para sa sarili ko." Kaya inihatid nila siya sa hari. Kaya noong nakausap siya nito at luminaw para rito ang kaalaman niya at ang pagkaunawa niya, nagsabi ito sa kanya: "Tunay na ikaw, O Yusuf, sa araw na ito sa ganang amin ay naging isang may katungkulan at reputasyon at isang pinagtitiwalaan."
info
التفاسير:

external-link copy
55 : 12

قَالَ ٱجۡعَلۡنِي عَلَىٰ خَزَآئِنِ ٱلۡأَرۡضِۖ إِنِّي حَفِيظٌ عَلِيمٞ

Nagsabi si Jose sa hari: "Magpamahala ka sa akin sa pag-iingat ng mga imbakan ng yaman at mga pagkain sa Lupain ng Ehipto sapagkat tunay na ako ay isang tagaingat-yamang mapagkakatiwalaan, at may kaalaman at pagkatalos sa pinamamahalaan ko." info
التفاسير:

external-link copy
56 : 12

وَكَذَٰلِكَ مَكَّنَّا لِيُوسُفَ فِي ٱلۡأَرۡضِ يَتَبَوَّأُ مِنۡهَا حَيۡثُ يَشَآءُۚ نُصِيبُ بِرَحۡمَتِنَا مَن نَّشَآءُۖ وَلَا نُضِيعُ أَجۡرَ ٱلۡمُحۡسِنِينَ

Kung paanong nagmagandang-loob Kami kay Jose ng pagkawalang-sala at paglaya sa pagkakulong, nagmagandang-loob Kami sa kanya ng pagbibigay-kapangyarihan para sa kanya sa Ehipto. Nanunuluyan siya at naninirahan siya sa alinmang lugar na niloob niya. Nagbibigay Kami mula sa awa Namin sa Mundo sa sinumang niloloob Namin kabilang sa mga lingkod Namin. Hindi Kami nagwawala ng gantimpala sa mga tagagawa ng maganda, bagkus magtutumbas Kami sa kanila nito nang ganap nang hindi kinukulangan. info
التفاسير:

external-link copy
57 : 12

وَلَأَجۡرُ ٱلۡأٓخِرَةِ خَيۡرٞ لِّلَّذِينَ ءَامَنُواْ وَكَانُواْ يَتَّقُونَ

Talagang ang gantimpala ni Allāh na inihanda Niya sa Kabilang-buhay ay higit na mabuti kaysa sa gantimpala ng Mundo para sa mga sumampalataya kay Allāh at sila noon ay nangingilag magkasala sa pamamagitan ng pagsunod sa mga ipinag-uutos Niya at pag-iwas sa mga sinasaway Niya. info
التفاسير:

external-link copy
58 : 12

وَجَآءَ إِخۡوَةُ يُوسُفَ فَدَخَلُواْ عَلَيۡهِ فَعَرَفَهُمۡ وَهُمۡ لَهُۥ مُنكِرُونَ

Sumapit ang mga kapatid ni Jose sa Lupain ng Ehipto na may dalang paninda nila. Saka pumasok sila sa kanya, saka nakakilala siya na sila ay mga kapatid niya samantalang hindi sila nakakilala na siya ay kapatid nila, dahil sa tagal ng panahon at pagbabago ng anyo niya dahil siya noon ay isang bata nang itinapon nila sa balon. info
التفاسير:

external-link copy
59 : 12

وَلَمَّا جَهَّزَهُم بِجَهَازِهِمۡ قَالَ ٱئۡتُونِي بِأَخٖ لَّكُم مِّنۡ أَبِيكُمۡۚ أَلَا تَرَوۡنَ أَنِّيٓ أُوفِي ٱلۡكَيۡلَ وَأَنَا۠ خَيۡرُ ٱلۡمُنزِلِينَ

Noong nakapagbigay siya sa kanila ng hiniling nila na panlaang pagkain at baon ay nagsabi siya, matapos na nagpabatid sila sa kanya na mayroon silang isang kapatid sa ama nila na iniwan nila sa piling ng ama nito: "Dalhin ninyo sa akin ang kapatid ninyo mula sa ama ninyo, magdaragdag ako sa inyo ng isang pasan ng kamelyo. Hindi ba ninyo nakikita na ako ay nagpapakumpleto ng pagtatakal at hindi kumukulang nito, at ako ay pinakamabuti sa mga tagatanggap ng panauhin? info
التفاسير:

external-link copy
60 : 12

فَإِن لَّمۡ تَأۡتُونِي بِهِۦ فَلَا كَيۡلَ لَكُمۡ عِندِي وَلَا تَقۡرَبُونِ

Ngunit kung hindi kayo maghahatid sa kanya sa akin, lilinaw ang pagsisinungaling ninyo sa pag-aangkin ninyo na mayroon kayong isang kapatid mula sa ama ninyo, kaya hindi ako magtatakal sa inyo ng pagkain at huwag kayong lumapit sa bayan ko." info
التفاسير:

external-link copy
61 : 12

قَالُواْ سَنُرَٰوِدُ عَنۡهُ أَبَاهُ وَإِنَّا لَفَٰعِلُونَ

Kaya sumagot sa kanya ang mga kapatid niya, na mga nagsasabi: "Hihilingin namin siya sa ama namin at pagsusumikapan namin iyon. Tunay na kami ay talagang mga gagawa ng ipinag-utos mo sa amin nang walang pagpapakulang." info
التفاسير:

external-link copy
62 : 12

وَقَالَ لِفِتۡيَٰنِهِ ٱجۡعَلُواْ بِضَٰعَتَهُمۡ فِي رِحَالِهِمۡ لَعَلَّهُمۡ يَعۡرِفُونَهَآ إِذَا ٱنقَلَبُوٓاْ إِلَىٰٓ أَهۡلِهِمۡ لَعَلَّهُمۡ يَرۡجِعُونَ

Nagsabi si Jose sa mga manggagawa niya: "Isauli ninyo ang paninda [na ipinambayad] ng mga ito sa kanila upang malaman nila sa sandali ng pagkabalik nila na tayo ay hindi bumili ng mga ito mula sa kanila." Ito ay pipilit sa kanila sa pagbalik muli, na kasama nila ang kapatid nila, upang makapagpatunay sila kay Jose ng katapatan nila at tumanggap siya mula sa kanila ng paninda nila. info
التفاسير:

external-link copy
63 : 12

فَلَمَّا رَجَعُوٓاْ إِلَىٰٓ أَبِيهِمۡ قَالُواْ يَٰٓأَبَانَا مُنِعَ مِنَّا ٱلۡكَيۡلُ فَأَرۡسِلۡ مَعَنَآ أَخَانَا نَكۡتَلۡ وَإِنَّا لَهُۥ لَحَٰفِظُونَ

Kaya noong bumalik sila sa ama nila at nagsalaysay roon ng nangyaring pagpaparangal ni Jose sa kanila ay nagsabi sila: "O ama namin, ipagkakait sa amin ang pagtatakal kung hindi namin dadalhin ang kapatid namin kasama namin kaya ipadala mo po siya kasama namin sapagkat tunay na kung ikaw ay magpapadala sa kanya kasama namin, tatakalan kami ng pagkain. Tunay na kami ay nangangako sa iyo ng pag-iingat sa kanya hanggang sa bumalik siya sa iyo nang ligtas." info
التفاسير:
ከአንቀጾቹ የምንማራቸዉ ቁም ነገሮች:
• من أعداء المؤمن: نفسه التي بين جنبيه؛ لذا وجب عليه مراقبتها وتقويم اعوجاجها.
Kabilang sa mga kaaway ng mananampalataya ay ang sarili niyang nasa pagitan ng mga tagiliran niya. Dahil dito, isinatungkulin sa kanya ang pagsusubaybay rito at ang pagtutuwid sa kabaluktutan nito. info

• اشتراط العلم والأمانة فيمن يتولى منصبًا يصلح به أمر العامة.
Ang pagsasakundisyon ng kaalaman at tiwala sa sinumang bumabalikat ng isang katungkulang nagsasaayos sa pamamagitan nito ng kapakanan ng publiko. info

• بيان أن ما في الآخرة من فضل الله، إنما هو خير وأبقى وأفضل لأهل الإيمان.
Ang paglilinaw na ang nasa Kabilang-buhay na kabutihang-loob ni Allāh ay tanging pinakamabuti, pinakanagtatagal, at pinakamainam para sa mga may pananampalataya. info

• جواز طلب الرجل المنصب ومدحه لنفسه إن دعت الحاجة، وكان مريدًا للخير والصلاح.
Ang pagpayag sa paghiling ng tao ng katungkulan at sa pagbubunyi nito sa sarili nito kung hiniling ng pangangailangan at siya naman ay nagnanais ng kabutihan at kaayusan. info