《古兰经》译解 - 菲律宾(他加禄语)版古兰经简明注释。

页码:close

external-link copy
16 : 3

ٱلَّذِينَ يَقُولُونَ رَبَّنَآ إِنَّنَآ ءَامَنَّا فَٱغۡفِرۡ لَنَا ذُنُوبَنَا وَقِنَا عَذَابَ ٱلنَّارِ

Itong mga maninirahan sa Paraiso ay ang mga nagsasabi sa panalangin nila sa Panginoon nila: "Panginoon Namin, tunay na kami ay sumampalataya sa Iyo at sa pinababa Mo sa mga sugo at sumunod sa Batas Mo kaya magpatawad Ka sa amin sa nagawa namin na mga pagkakasala at magpalayo Ka sa amin sa pagdurusa sa Apoy." info
التفاسير:

external-link copy
17 : 3

ٱلصَّٰبِرِينَ وَٱلصَّٰدِقِينَ وَٱلۡقَٰنِتِينَ وَٱلۡمُنفِقِينَ وَٱلۡمُسۡتَغۡفِرِينَ بِٱلۡأَسۡحَارِ

Sila ang mga matiisin sa paggawa ng mga pagtalima at pag-iwan sa mga masagwang gawa, at sa anumang dumadapo sa kanila na pagsubok. Sila ang mga tapat sa mga sinasabi nila at mga ginagawa nila. Sila ang mga tumatalima kay Allāh nang pagtalimang lubos. Sila ang mga gumugugol ng mga yaman nila ayon sa landas ni Allāh. Sila ang mga humihingi ng tawad sa huling bahagi ng gabi dahil ang panalangin sa sandaling ito ay higit na malapit sa pagkakasagot at nawawalan ng mga umaabala sa sandaling ito ang puso. info
التفاسير:

external-link copy
18 : 3

شَهِدَ ٱللَّهُ أَنَّهُۥ لَآ إِلَٰهَ إِلَّا هُوَ وَٱلۡمَلَٰٓئِكَةُ وَأُوْلُواْ ٱلۡعِلۡمِ قَآئِمَۢا بِٱلۡقِسۡطِۚ لَآ إِلَٰهَ إِلَّا هُوَ ٱلۡعَزِيزُ ٱلۡحَكِيمُ

Sumaksi si Allāh na Siya ay ang Diyos na sinasamba ayon sa karapatan, walang iba pa sa Kanya. Iyon ay dahil sa inilatag Niya na mga tandang pambatas at pangsansinukob na nagpapatunay sa pagkadiyos Niya. Sumaksi roon ang mga anghel. Sumaksi ang mga may kaalaman doon sa pamamagitan ng paglilinaw nila sa Tawḥīd at pag-anyaya nila tungo roon. Kaya sumaksi sila sa pinakadakila sa sinasaksihan at ito ay ang paniniwala sa kaisahan ni Allāh at ang pagpapanatili Niya – pagkataas-taas Siya – sa katarungan sa paglikha Niya at batas Niya. Walang Diyos kundi Siya, ang Makapangyarihan na walang nakikipanaig sa Kanya na isa man, ang Marunong sa paglikha Niya, pangangasiwa Niya, at pagbabatas Niya. info
التفاسير:

external-link copy
19 : 3

إِنَّ ٱلدِّينَ عِندَ ٱللَّهِ ٱلۡإِسۡلَٰمُۗ وَمَا ٱخۡتَلَفَ ٱلَّذِينَ أُوتُواْ ٱلۡكِتَٰبَ إِلَّا مِنۢ بَعۡدِ مَا جَآءَهُمُ ٱلۡعِلۡمُ بَغۡيَۢا بَيۡنَهُمۡۗ وَمَن يَكۡفُرۡ بِـَٔايَٰتِ ٱللَّهِ فَإِنَّ ٱللَّهَ سَرِيعُ ٱلۡحِسَابِ

Tunay na ang relihiyong tinatanggap sa ganang kay Allāh ay ang Islām. Ito ay ang pagpapaakay kay Allāh lamang sa pamamagitan ng pagtalima at pagsuko sa Kanya sa pamamagitan ng pagkaalipin [sa Kanya] at pananampalataya sa mga sugo sa kalahatan hanggang sa pangwakas sa kanila na si Muḥammad – basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan – na winakasan ni Allāh sa pamamagitan niya ang mga pasugo, kaya hindi tinatanggap ang iba pa sa Batas niya. Hindi nagkaiba-iba ang mga Hudyo at ang mga Kristiyano sa relihiyon nila at nagkahati-hati sa mga pangkatin at mga lapian maliban nang matapos na nailatag sa kanila ang katwiran sa pamamagitan ng dumating sa kanila na kaalaman, dahil sa inggit at dahil sa sigasig sa kamunduhan. Ang sinumang tatangging sumampalataya sa mga tanda ni Allāh na pinababa sa Sugo Niya, tunay na si Allāh ay mabilis ang pagtutuos sa sinumang tumangging sumampalataya sa Kanya at nagpasinungaling sa mga sugo Niya. info
التفاسير:

external-link copy
20 : 3

فَإِنۡ حَآجُّوكَ فَقُلۡ أَسۡلَمۡتُ وَجۡهِيَ لِلَّهِ وَمَنِ ٱتَّبَعَنِۗ وَقُل لِّلَّذِينَ أُوتُواْ ٱلۡكِتَٰبَ وَٱلۡأُمِّيِّـۧنَ ءَأَسۡلَمۡتُمۡۚ فَإِنۡ أَسۡلَمُواْ فَقَدِ ٱهۡتَدَواْۖ وَّإِن تَوَلَّوۡاْ فَإِنَّمَا عَلَيۡكَ ٱلۡبَلَٰغُۗ وَٱللَّهُ بَصِيرُۢ بِٱلۡعِبَادِ

Kaya kung nakipagtalo sila sa iyo, O Sugo, hinggil sa katotohanang bumaba sa iyo ay sabihin mo habang sumasagot sa kanila: "Nagpasakop ako mismo at ang sinumang sumusunod sa akin kabilang sa mga mananampalataya kay Allāh – pagkataas-taas Siya." Sabihin mo, O Sugo, sa mga May Kasulatan at mga tagapagtambal kay Allāh: "Nagpasakop ba kayo kay Allāh – pagkataas-taas Siya – bilang mga nagpapakawagas sa Kanya habang mga sumusunod sa inihatid ko?" Kung nagpasakop sila kay Allāh at sumunod sa Batas mo ay tumahak nga sila sa landas ng patnubay, at kung umayaw sila sa Islām ay walang kailangan sa iyo kundi na magpaabot ka sa kanila ng ipinasugo sa iyo at ang lagay nila ay kay Allāh sapagkat Siya – pagkataas-taas Siya – ay Nakakikita sa mga lingkod Niya.Gaganti Siya sa bawat tagagawa dahil sa ginawa nito. info
التفاسير:

external-link copy
21 : 3

إِنَّ ٱلَّذِينَ يَكۡفُرُونَ بِـَٔايَٰتِ ٱللَّهِ وَيَقۡتُلُونَ ٱلنَّبِيِّـۧنَ بِغَيۡرِ حَقّٖ وَيَقۡتُلُونَ ٱلَّذِينَ يَأۡمُرُونَ بِٱلۡقِسۡطِ مِنَ ٱلنَّاسِ فَبَشِّرۡهُم بِعَذَابٍ أَلِيمٍ

Tunay na ang mga tumatangging sumampalataya sa mga katwiran ni Allāh na pinababa Niya sa kanila, pumapatay sa mga propeta Niya nang walang karapatan bagkus kawalang-katarungan at pangangaway lamang, at pumapatay sa mga nag-uutos ayon sa katarungan kabilang sa mga tao – na mga nag-uutos sa nakabubuti at mga sumasaway sa nakasasama – ay magbalita ka sa mga tagatangging sumampalataya na mga pumapatay na ito ng isang pagdurusang masakit. info
التفاسير:

external-link copy
22 : 3

أُوْلَٰٓئِكَ ٱلَّذِينَ حَبِطَتۡ أَعۡمَٰلُهُمۡ فِي ٱلدُّنۡيَا وَٱلۡأٓخِرَةِ وَمَا لَهُم مِّن نَّٰصِرِينَ

Ang mga nailalarawan na iyon sa mga katangiang iyon ay nawalang-saysay nga ang mga gawa nila kaya hindi sila nakikinabang sa mga ito sa Mundo ni sa Kabilang-buhay dahil sa kawalan ng pananampalataya nila kay Allāh. Walang ukol sa kanila na anumang mga tagapag-adyang magsasanggalang sa kanila sa pagdurusa. info
التفاسير:
这业中每段经文的优越:
• من أعظم ما يُكفِّر الذنوب ويقي عذاب النار الإيمان بالله تعالى واتباع ما جاء به الرسول صلى الله عليه وسلم.
Kabilang sa pinakasukdulan sa nagtatakip-sala sa mga pagkakasala at nangangalaga laban sa pagdurusa sa Impiyerno ang pananampalataya kay Allāh – pagkataas-taas Siya – at ang pagsunod sa inihatid ng Sugo – basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan. info

• أعظم شهادة وحقيقة هي ألوهية الله تعالى ولهذا شهد الله بها لنفسه، وشهد بها ملائكته، وشهد بها أولو العلم ممن خلق.
Ang pinakasukdulan na pagsasaksi at katotohanan ay ang pagkadiyos ni Allāh – pagkataas-taas Siya. Dahil dito, sumasaksi si Allāh dito para sa sarili Niya, sumaksi rito ang mga anghel Niya, at sumaksi rito ang mga may kaalaman kabilang sa mga nilikha. info

• البغي والحسد من أعظم أسباب النزاع والصرف عن الحق.
Ang paglabag at ang inggit ay kabilang sa pinakasukdulan sa mga kadahilanan ng alitan at pagbaling palayo sa katotohanan. info