《古兰经》译解 - 菲律宾(他加禄语)版古兰经简明注释。

页码:close

external-link copy
116 : 3

إِنَّ ٱلَّذِينَ كَفَرُواْ لَن تُغۡنِيَ عَنۡهُمۡ أَمۡوَٰلُهُمۡ وَلَآ أَوۡلَٰدُهُم مِّنَ ٱللَّهِ شَيۡـٔٗاۖ وَأُوْلَٰٓئِكَ أَصۡحَٰبُ ٱلنَّارِۖ هُمۡ فِيهَا خَٰلِدُونَ

Tunay na ang mga tumangging sumampalataya kay Allāh at sa mga sugo Niya ay hindi magsasanggalang sa kanila ang mga yaman nila, hindi magtutulak ang mga ito palayo sa kanila ng pagdurusang dulot Niya, at hindi magdudulot ang mga ito para sa kanila ng awa Niya, bagkus magdadagdag ang mga ito sa kanila ng pagdurusa at panghihinayang. Ang mga iyon ay mga maninirahan sa Apoy, na mga mamamalagi roon. info
التفاسير:

external-link copy
117 : 3

مَثَلُ مَا يُنفِقُونَ فِي هَٰذِهِ ٱلۡحَيَوٰةِ ٱلدُّنۡيَا كَمَثَلِ رِيحٖ فِيهَا صِرٌّ أَصَابَتۡ حَرۡثَ قَوۡمٖ ظَلَمُوٓاْ أَنفُسَهُمۡ فَأَهۡلَكَتۡهُۚ وَمَا ظَلَمَهُمُ ٱللَّهُ وَلَٰكِنۡ أَنفُسَهُمۡ يَظۡلِمُونَ

Ang paghahalintulad sa anumang ginugugol ng mga tagatangging sumampalatayang ito sa mga anyo ng pagpapakabuti at sa anumang hinihintay nila na gantimpala sa mga ito ay gaya ng paghahalintulad sa isang hanging sa loob nito ay may matinding lamig na tumama sa pananim ng mga taong lumabag sa katarungan sa mga sarili nila dahil sa mga pagsuway at iba pa kaya nasira ang pananim nila samantalang umasa na sila mula rito ng maraming mabuti. Kung paanong sumira ang hanging ito sa pananim kaya hindi napakinabangan iyon, gayon din ang kawalang-pananampalataya: nagpapawalang-saysay ito sa gantimpala sa mga gawain nila na inaasahan nila. Si Allāh ay hindi lumabag sa katarungan sa kanila – pagkataas-taas Siya para roon. Lumabag lamang sila sa katarungan sa mga sarili nila dahilan sa kawalang-pananampalataya nila at sa pagpapasinungaling nila sa mga sugo Niya. info
التفاسير:

external-link copy
118 : 3

يَٰٓأَيُّهَا ٱلَّذِينَ ءَامَنُواْ لَا تَتَّخِذُواْ بِطَانَةٗ مِّن دُونِكُمۡ لَا يَأۡلُونَكُمۡ خَبَالٗا وَدُّواْ مَا عَنِتُّمۡ قَدۡ بَدَتِ ٱلۡبَغۡضَآءُ مِنۡ أَفۡوَٰهِهِمۡ وَمَا تُخۡفِي صُدُورُهُمۡ أَكۡبَرُۚ قَدۡ بَيَّنَّا لَكُمُ ٱلۡأٓيَٰتِۖ إِن كُنتُمۡ تَعۡقِلُونَ

O mga sumampalataya kay Allāh at sumunod sa Sugo Niya, huwag kayong gumawa bilang mga matalik na kaibigan at mga kapanalig mula sa hindi mga mananampalataya, na nagpapabatid kayo sa kanila ng mga lihim ninyo at mga natatangi sa mga kalagayan ninyo, sapagkat sila ay hindi magkukulang sa paghahanap ng kapinsalaan ninyo at pagkagulo ng kalagayan ninyo. Nagmimithi sila ng pagkakaroon ng mamiminsala sa inyo at magpapahirap sa inyo. Nahayag na ang pagkasuklam at ang pagkamuhi sa mga dila nila sa pamamagitan ng paninirang-puri sa relihiyon ninyo, ng labanan sa pagitan ninyo, at ng pagkakalat ng mga lihim ninyo. Ang itinatago ng mga dibdib nila na pagkasuklam ay higit na mabigat. Naglinaw nga Kami sa inyo, O mga mananampalataya, ng mga patunay na maliwanag sa anumang naroon ang mga kapakanan ninyo sa Mundo at Kabilang-buhay, kung kayo ay nakapag-uunawa buhat sa Panginoon ninyo ng pinababa Niya sa inyo. info
التفاسير:

external-link copy
119 : 3

هَٰٓأَنتُمۡ أُوْلَآءِ تُحِبُّونَهُمۡ وَلَا يُحِبُّونَكُمۡ وَتُؤۡمِنُونَ بِٱلۡكِتَٰبِ كُلِّهِۦ وَإِذَا لَقُوكُمۡ قَالُوٓاْ ءَامَنَّا وَإِذَا خَلَوۡاْ عَضُّواْ عَلَيۡكُمُ ٱلۡأَنَامِلَ مِنَ ٱلۡغَيۡظِۚ قُلۡ مُوتُواْ بِغَيۡظِكُمۡۗ إِنَّ ٱللَّهَ عَلِيمُۢ بِذَاتِ ٱلصُّدُورِ

Heto, kayo nga, O mga mananampalatayang ito, ay umiibig sa mga taong iyon at naghahangad para sa kanila ng kabutihan samantalang sila ay hindi umiibig sa inyo at hindi naghahangad para sa inyo ng kabutihan, bagkus nasusuklam sila sa inyo samantalang kayo naman ay sumasampalataya sa mga kasulatan sa kabuuan ng mga ito – at kabilang sa mga ito ang mga kasulatan nila – samantalang sila ay hindi sumasampalataya sa Aklat na pinababa ni Allāh sa Propeta ninyo. Kapag nakatagpo nila kayo ay nagsasabi sila sa pamamagitan ng mga dila nila: "Naniwala kami." Kapag bumukod ang ilan sa kanila kasama ng iba ay kumakagat sila sa mga dulo ng mga daliri dala ng lumbay at ngitngit dahil sa kayo ay nasa pagkakaisa, pagkakabuklod ng adhikain, at karangalan ng Islām, at dahil sa taglay nila na pagkahamak. Sabihin mo, O Propeta, sa mga taong iyon: "Manatili kayo sa anumang kayo ay naroon na hanggang sa mamatay kayo sa lumbay at ngitngit." Tunay na si Allāh ay Maalam sa anumang nasa mga dibdib na pananampalataya at kawalang-pananampalataya, at kabutihan at kasamaan. info
التفاسير:

external-link copy
120 : 3

إِن تَمۡسَسۡكُمۡ حَسَنَةٞ تَسُؤۡهُمۡ وَإِن تُصِبۡكُمۡ سَيِّئَةٞ يَفۡرَحُواْ بِهَاۖ وَإِن تَصۡبِرُواْ وَتَتَّقُواْ لَا يَضُرُّكُمۡ كَيۡدُهُمۡ شَيۡـًٔاۗ إِنَّ ٱللَّهَ بِمَا يَعۡمَلُونَ مُحِيطٞ

Kung may dumadapo sa inyo, O mga mananampalataya, na isang biyaya dahil sa pagwawagi sa kaaway o pagkadagdag sa yaman at anak ay dumadapo sa kanila ang pagkabahala at ang lungkot. Kung may dumadapo sa inyo na isang kasawian dahil sa pagwawagi ng kaaway o pagkabawas sa yaman at anak ay natutuwa sila dahil doon at nagagalak sa kapighatian ninyo. Kung magtitiis kayo sa mga ipinag-uutos Niya at mga pagtatakda Niya at mangingilag kayo sa galit Niya sa inyo ay hindi pipinsala sa inyo ang pakana nila at ang pananakit nila. Tunay na si Allāh sa anumang ginagawa nila na pakana ay sumasaklaw at magtutulak sa kanila na mga nabibigo. info
التفاسير:

external-link copy
121 : 3

وَإِذۡ غَدَوۡتَ مِنۡ أَهۡلِكَ تُبَوِّئُ ٱلۡمُؤۡمِنِينَ مَقَٰعِدَ لِلۡقِتَالِۗ وَٱللَّهُ سَمِيعٌ عَلِيمٌ

Banggitin mo, O Propeta, nang umalis ka sa unang bahagi ng maghapon mula sa Madīnah para sa pakikipaglaban sa mga tagapagtambal sa Uḥud kung saan nagsimula ka sa paghimpil sa mga mananampalataya sa mga puwesto nila sa labanan at nilinaw mo sa bawat isa ang puwesto niya. Si Allāh ay Madinigin sa mga sinasabi ninyo, Maalam sa mga ginagawa ninyo. info
التفاسير:
这业中每段经文的优越:
• نَهْي المؤمنين عن موالاة الكافرين وجَعْلهم أَخِلّاء وأصفياء يُفْضَى إليهم بأحوال المؤمنين وأسرارهم.
Ang pagsaway sa mga mananampalataya sa pakikipagtangkilik sa mga tagatangging sumampalataya at paggawa sa kanila bilang mga matalik na kaibigan at mga piling kapanalig, na ipinababatid sa kanila ang mga kalagayan ng mga mananampalataya at mga lihim ng mga ito. info

• من صور عداوة الكافرين للمؤمنين فرحهم بما يصيب المؤمنين من بلاء ونقص، وغيظهم إن أصابهم خير.
Kabilang sa mga anyo ng pagkamuhi ng mga tagatangging sumampalataya sa mga mananampalataya ay ang pagkatuwa nila sa dumapo sa mga mananampalataya na pagsubok at kakulangan, at ang pagkangitngit nila kung may dumapo sa mga ito na mabuti. info

• الوقاية من كيد الكفار ومكرهم تكون بالصبر وعدم إظهار الخوف، ثم تقوى الله والأخذ بأسباب القوة والنصر.
Ang pananggalang laban sa pakana ng mga tagatangging sumampalataya at panlalansi nila ay sa pamamagitan ng pagtitiis at hindi pagpapakita ng pangamba, pagkatapos pangingilag sa pagkakasala kay Allāh at paggamit ng mga kaparaanan ng lakas at pagwawagi. info