Қуръони Карим маъноларининг таржимаси - Қуръон Карим мухтасар тафсирининг филиппинча (тагалогча) таржимаси

Бет рақами:close

external-link copy
119 : 6

وَمَا لَكُمۡ أَلَّا تَأۡكُلُواْ مِمَّا ذُكِرَ ٱسۡمُ ٱللَّهِ عَلَيۡهِ وَقَدۡ فَصَّلَ لَكُم مَّا حَرَّمَ عَلَيۡكُمۡ إِلَّا مَا ٱضۡطُرِرۡتُمۡ إِلَيۡهِۗ وَإِنَّ كَثِيرٗا لَّيُضِلُّونَ بِأَهۡوَآئِهِم بِغَيۡرِ عِلۡمٍۚ إِنَّ رَبَّكَ هُوَ أَعۡلَمُ بِٱلۡمُعۡتَدِينَ

Ano ang pumipigil sa inyo, O mga mananampalataya, na kumakain kayo mula sa anumang binanggit ang pangalan ni Allāh rito samantalang nilinaw nga Niya sa inyo ang ipinagbawal Niya sa inyo, kaya kinakailangan sa inyo ang pag-iwan dito, maliban kapag pinilit kayo roon ng kagipitan sapagkat ang kagipitan ay nagpapahintulot sa ipinagbabawal? Tunay na marami sa mga tagapagtambal ay talagang nagpapalayo ng mga tagasunod nila sa katotohanan dahil sa mga tiwaling opinyon nila dala ng kamangmangan mula sa kanila, yayamang nagpapahintulot sila ng ipinagbawal ni Allāh sa kanila gaya ng maytah (hayop na namatay nang hindi nakatay ayon patakaran sa Islām) at iba pa rito at nagbabawal sila ng ipinahintulot Niya sa kanila gaya ng baḥīrah, waṣīlah, ḥāmī, at iba pa sa mga ito. Tunay na ang Panginoon mo, O Sugo, ay higit na maalam sa mga lumalampas sa mga hangganan Niya. Gaganti Siya sa kanila sa paglampas nila sa mga hangganan Niya. info
التفاسير:

external-link copy
120 : 6

وَذَرُواْ ظَٰهِرَ ٱلۡإِثۡمِ وَبَاطِنَهُۥٓۚ إِنَّ ٱلَّذِينَ يَكۡسِبُونَ ٱلۡإِثۡمَ سَيُجۡزَوۡنَ بِمَا كَانُواْ يَقۡتَرِفُونَ

Iwanan ninyo, O mga tao, ang paggawa ng mga pagsuway nang hayagan at palihim. Tunay na ang mga gumagawa ng mga pagsuway nang palihim at hayagan ay gagantihan ni Allāh sa nakamit nila mula sa mga ito. info
التفاسير:

external-link copy
121 : 6

وَلَا تَأۡكُلُواْ مِمَّا لَمۡ يُذۡكَرِ ٱسۡمُ ٱللَّهِ عَلَيۡهِ وَإِنَّهُۥ لَفِسۡقٞۗ وَإِنَّ ٱلشَّيَٰطِينَ لَيُوحُونَ إِلَىٰٓ أَوۡلِيَآئِهِمۡ لِيُجَٰدِلُوكُمۡۖ وَإِنۡ أَطَعۡتُمُوهُمۡ إِنَّكُمۡ لَمُشۡرِكُونَ

Huwag kayong kumain, O mga Muslim, mula sa anumang hindi binanggit ang pangalan ni Allāh roon, binanggit man doon ang pangalan ng iba pa sa Kanya o hindi. Tunay na ang pagkain mula roon ay talagang paglabas sa pagtalima kay Allāh tungo sa pagsuway sa Kanya. Tunay na ang mga demonyo ay talagang nanunulsol sa mga katangkilik nila sa pamamagitan ng pagpupukol ng maling-akala upang makipagtalo sila sa inyo kaugnay sa pagkain ng maytah (hayop na namatay nang hindi nakatay ayon patakaran sa Islām). Kung tumalima kayo sa kanila, O mga Muslim, sa ipinupukol nila na maling-akala ng pagpapahintulot ng maytah, kayo at sila ay magiging magkatulad sa pagtatambal. info
التفاسير:

external-link copy
122 : 6

أَوَمَن كَانَ مَيۡتٗا فَأَحۡيَيۡنَٰهُ وَجَعَلۡنَا لَهُۥ نُورٗا يَمۡشِي بِهِۦ فِي ٱلنَّاسِ كَمَن مَّثَلُهُۥ فِي ٱلظُّلُمَٰتِ لَيۡسَ بِخَارِجٖ مِّنۡهَاۚ كَذَٰلِكَ زُيِّنَ لِلۡكَٰفِرِينَ مَا كَانُواْ يَعۡمَلُونَ

Ang tao na bago ng kapatnubayan ni Allāh sa kanya ay isang patay dahil sa taglay niyang kawalang-pananampalataya, kamangmangan, at mga pagsuway saka binuhay siya ni Allāh sa pamamagitan ng kapatnubayan sa kanya sa pananampalataya, kaalaman, at pagtalima, ay nakapapantay ba ng taong nasa mga kadiliman ng kawalang-pananampalataya, kamangmangan, at mga pagsuway, na hindi niya nakakakaya ang paglabas mula sa mga ito, na nakalito sa kanya ang mga daan, at dumilim sa kanya ang mga tinatahak? Kung paanong pinaganda sa mga tagapagtambal na ito ang ginagawa nila na shirk, pagkain ng maytah, at pakikipagtalo sa pamamagitan ng kabulaanan, pinaganda sa mga tagatangging sumampalataya ang dati nilang ginagawa na mga pagsuway upang gantihan sila sa mga ito sa Araw ng Pagbangon ng pagdurusang masakit. info
التفاسير:

external-link copy
123 : 6

وَكَذَٰلِكَ جَعَلۡنَا فِي كُلِّ قَرۡيَةٍ أَكَٰبِرَ مُجۡرِمِيهَا لِيَمۡكُرُواْ فِيهَاۖ وَمَا يَمۡكُرُونَ إِلَّا بِأَنفُسِهِمۡ وَمَا يَشۡعُرُونَ

Tulad ng nangyari sa mga pinakamalaking tao ng mga tagapagtambal sa Makkah na pagbalakid sa landas ni Allāh, gumawa Siya sa bawat pamayanan ng mga pangulo at mga pinunong gumagawa ng panggugulang nila at pakana nila sa pag-aanyaya tungo sa landas ng demonyo at pakikidigma sa mga sugo at mga tagasunod ng mga ito. Ang reyalidad ay na ang panlalansi nila at ang pakana nila ay bumabalik lamang sa kanila subalit sila ay hindi nakadarama niyon dahil sa kamangmangan nila at pagsunod sa mga pithaya nila. info
التفاسير:

external-link copy
124 : 6

وَإِذَا جَآءَتۡهُمۡ ءَايَةٞ قَالُواْ لَن نُّؤۡمِنَ حَتَّىٰ نُؤۡتَىٰ مِثۡلَ مَآ أُوتِيَ رُسُلُ ٱللَّهِۘ ٱللَّهُ أَعۡلَمُ حَيۡثُ يَجۡعَلُ رِسَالَتَهُۥۗ سَيُصِيبُ ٱلَّذِينَ أَجۡرَمُواْ صَغَارٌ عِندَ ٱللَّهِ وَعَذَابٞ شَدِيدُۢ بِمَا كَانُواْ يَمۡكُرُونَ

Kapag dumating sa mga malaking tao ng mga tagatangging sumampalataya ang isa sa mga tanda na ibinaba ni Allāh sa Propeta Niya ay nagsasabi sila: "Hindi kami sasampalataya hanggang sa magbigay sa amin si Allāh ng tulad sa ibinigay Niya sa mga propeta na pagkapropeta at pagkasugo." Kaya tumugon si Allāh sa kanila na Siya ay higit na maalam sa kung sino ang naaangkop sa pagkasugo at pagsasagawa sa mga tungkulin nito para itangi Niya ito sa pagkapropeta at pagkasugo. Magtatamo ang mga maniniil na ito ng isang kaabahan, isang panghahamak dahil sa pagkamapagmalaki nila, at isang pagdurusang matindi dahilan sa panlalansi nila. info
التفاسير:
Ушбу саҳифадаги оят фойдаларидан:
• الأصل في الأشياء والأطعمة الإباحة، وأنه إذا لم يرد الشرع بتحريم شيء منها فإنه باق على الإباحة.
Ang pangunahing panuntunan sa mga bagay at mga pagkain ay ang pagkaipinahihintulot; at na kapag hindi nagsaad ang Batas ng Islām ng pagbabawal sa isang bagay kabilang sa mga ito, tunay na ito ay mananatili sa pagkaipinahihintulot. info

• كل من تكلم في الدين بما لا يعلمه، أو دعا الناس إلى شيء لا يعلم أنه حق أو باطل، فهو معتدٍ ظالم لنفسه وللناس، وكذلك كل من أفتى وليس هو بكفء للإفتاء.
Ang bawat nagsalita kaugnay sa relihiyon hinggil sa hindi niya nalalaman o nag-anyaya sa mga tao tungo sa isang bagay na hindi niya nalalaman kung ito ay katotohanan o kabulaanan, siya ay lumalabag, na nang-aapi sa sarili niya at sa mga tao. Gayon din ang bawat humahatol gayong siya ay walang kakayahan sa paghahatol. info

• منفعة المؤمن ليست مقتصرة على نفسه، بل مُتَعدِّية لغيره من الناس.
Ang pakinabang ng mananampalataya ay hindi nalilimitahan sa sarili niya, bagkus nalilipat sa ibang mga tao. info