قۇرئان كەرىم مەنىلىرىنىڭ تەرجىمىسى - پىلىپپىنچە تەرجىمىسى (تجالۇچ ) قۇرئان كەرىم قىسقىچە تەپسىرى

بەت نومۇرى:close

external-link copy
30 : 41

إِنَّ ٱلَّذِينَ قَالُواْ رَبُّنَا ٱللَّهُ ثُمَّ ٱسۡتَقَٰمُواْ تَتَنَزَّلُ عَلَيۡهِمُ ٱلۡمَلَٰٓئِكَةُ أَلَّا تَخَافُواْ وَلَا تَحۡزَنُواْ وَأَبۡشِرُواْ بِٱلۡجَنَّةِ ٱلَّتِي كُنتُمۡ تُوعَدُونَ

Tunay na ang mga nagsabi: "Ang Panginoon namin ay si Allāh; walang Panginoon para sa amin na iba pa sa Kanya," at nagpakatuwid sa pagsunod sa mga ipinag-uutos Niya at pag-iwas sa mga sinasaway Niya, magbababaan sa kanila ang mga anghel sa sandali ng paghihingalo nila, na mga magsasabi sa kanila: "Huwag kayong mangamba sa kamatayan ni sa anuman matapos nito. Huwag kayong malungkot sa anuman naiwanan ninyo sa Mundo. Magalak kayo sa Paraiso na sa inyo dati ay ipinangangako sa Mundo dahil sa pananampalataya ninyo kay Allāh at gawa ninyong maayos. info
التفاسير:

external-link copy
31 : 41

نَحۡنُ أَوۡلِيَآؤُكُمۡ فِي ٱلۡحَيَوٰةِ ٱلدُّنۡيَا وَفِي ٱلۡأٓخِرَةِۖ وَلَكُمۡ فِيهَا مَا تَشۡتَهِيٓ أَنفُسُكُمۡ وَلَكُمۡ فِيهَا مَا تَدَّعُونَ

Kami ay mga katangkilik ninyo sa buhay na pangmundo sapagkat kami nga noon ay nagtatama sa inyo at nangangalaga sa inyo. Kami ay mga katangkilik ninyo sa Kabilang-buhay sapagkat ang pagtangkilik namin sa inyo ay nagpapatuloy. Ukol sa inyo sa Paraiso ang ninanasa ng mga sarili ninyo kabilang sa mga minamasarap at mga ninanasa. Ukol sa inyo roon ang lahat ng hinihiling ninyo kabilang sa ninanasa ninyo, info
التفاسير:

external-link copy
32 : 41

نُزُلٗا مِّنۡ غَفُورٖ رَّحِيمٖ

bilang panustos na inilaan para sa pagpapanauhin sa inyo mula isang Panginoong Mapagpatawad sa mga pagkakasala ng sinumang nagbalik-loob sa Kanya kabilang sa mga lingkod Niya, na Maawain sa kanila. info
التفاسير:

external-link copy
33 : 41

وَمَنۡ أَحۡسَنُ قَوۡلٗا مِّمَّن دَعَآ إِلَى ٱللَّهِ وَعَمِلَ صَٰلِحٗا وَقَالَ إِنَّنِي مِنَ ٱلۡمُسۡلِمِينَ

Walang isang higit na maganda sa sinasabi kaysa sa sinumang nag-anyaya tungo sa paniniwala sa kaisahan ni Allāh at paggawa ayon sa batas Niya, gumawa ng gawang maayos na nagpapalugod sa Panginoon niya, at nagsabi: "Tunay na ako ay kabilang sa mga sumusuko na mga nagpapaakay kay Allāh." Kaya ang sinumang gumawa niyon sa kabuuan niyon, siya ay pinakamaganda sa mga tao sa sinasabi. info
التفاسير:

external-link copy
34 : 41

وَلَا تَسۡتَوِي ٱلۡحَسَنَةُ وَلَا ٱلسَّيِّئَةُۚ ٱدۡفَعۡ بِٱلَّتِي هِيَ أَحۡسَنُ فَإِذَا ٱلَّذِي بَيۡنَكَ وَبَيۡنَهُۥ عَدَٰوَةٞ كَأَنَّهُۥ وَلِيٌّ حَمِيمٞ

Hindi nagkakapantay ang paggawa ng mga magandang gawa at mga pagtalima na nagpapalugod kay Allāh at ang paggawa ng mga masagwang gawa at mga pagsuway na nagpapainis sa Kanya. Itulak mo sa pamamagitan ng katangiang siyang higit na maganda ang paggawa ng masagwa ng gumawa ng masagwa sa iyo kabilang sa mga tao, saka biglang ang [taong] sa pagitan mo at sa pagitan niya ay may naunang pagkamuhi – kapag nagtulak ka sa paggawa niya ng masagwa sa iyo sa pamamagitan ng paggawa ng maganda sa kanya – ay [magiging] para bang siya ay isang kamag-anak na magiliw. info
التفاسير:

external-link copy
35 : 41

وَمَا يُلَقَّىٰهَآ إِلَّا ٱلَّذِينَ صَبَرُواْ وَمَا يُلَقَّىٰهَآ إِلَّا ذُو حَظٍّ عَظِيمٖ

Walang itinutuon sa katangiang kapuri-puring ito kundi ang mga nagtiis sa pananakit at anumang dinaranas nila na kasagwaan mula sa mga tao. Walang itinutuon doon kundi ang isang may isang kapalarang dakila dahil sa taglay niyon na maraming kabutihan at masaganang pakinabang. info
التفاسير:

external-link copy
36 : 41

وَإِمَّا يَنزَغَنَّكَ مِنَ ٱلشَّيۡطَٰنِ نَزۡغٞ فَٱسۡتَعِذۡ بِٱللَّهِۖ إِنَّهُۥ هُوَ ٱلسَّمِيعُ ٱلۡعَلِيمُ

Kung nanulsol sa iyo ang demonyo, sa alinmang oras, ng isang kasamaan ay magpasanggalang ka kay Allāh at dumulog ka sa Kanya; tunay na Siya ay ang Madinigin sa anumang sinasabi mo, Maalam sa kalagayan mo. info
التفاسير:

external-link copy
37 : 41

وَمِنۡ ءَايَٰتِهِ ٱلَّيۡلُ وَٱلنَّهَارُ وَٱلشَّمۡسُ وَٱلۡقَمَرُۚ لَا تَسۡجُدُواْ لِلشَّمۡسِ وَلَا لِلۡقَمَرِ وَٱسۡجُدُواْۤ لِلَّهِۤ ٱلَّذِي خَلَقَهُنَّ إِن كُنتُمۡ إِيَّاهُ تَعۡبُدُونَ

Kabilang sa mga tanda ni Allāh na nagpapatunay sa kadakilaan Niya at paniniwala sa kaisahan Niya ang gabi at ang maghapon sa pagsasalitan ng dalawang ito, at ang araw at ang buwan. Huwag kayong magpatirapa, O mga tao, sa araw at huwag kayong magpatirapa sa buwan. Magpatirapa kayo kay Allāh lamang na lumikha sa mga ito, kung kayo ay sumasamba sa Kanya nang totohanan. info
التفاسير:

external-link copy
38 : 41

فَإِنِ ٱسۡتَكۡبَرُواْ فَٱلَّذِينَ عِندَ رَبِّكَ يُسَبِّحُونَ لَهُۥ بِٱلَّيۡلِ وَٱلنَّهَارِ وَهُمۡ لَا يَسۡـَٔمُونَ۩

Ngunit kung nagmalaki sila, umayaw sila, at hindi sila nagpatirapa kay Allāh, ang Tagalikha, ang mga anghel naman na mga nasa piling ni Allāh ay nagluluwalhati sa Kanya at nagpupuri sa Kanya – kaluwalhatian sa Kanya – sa gabi at maghapon nang magkakasama habang sila ay hindi nagsasawa sa pagsamba sa Kanya. info
التفاسير:
بۇ بەتتىكى ئايەتلەردىن ئېلىنغان مەزمۇنلار:
• منزلة الاستقامة عند الله عظيمة.
Ang antas ng pagpapakatuwid sa ganang kay Allāh ay dakila. info

• كرامة الله لعباده المؤمنين وتولِّيه شؤونهم وشؤون مَن خلفهم.
Ang pagpaparangal ni Allāh sa mga lingkod Niyang mga mananampalataya at ang pagtangkilik Niya sa mga pumapatungkol sa kanila at mga pumapatungkol sa mga naiwan nila. info

• مكانة الدعوة إلى الله، وأنها أفضل الأعمال.
Ang kalagayan ng pag-aanyaya tungo kay Allāh at na ito ay pinakamainam sa mga gawain. info

• الصبر على الإيذاء والدفع بالتي هي أحسن خُلُقان لا غنى للداعي إلى الله عنهما.
Ang pagtitiis sa pananakit at ang pagtutulak [sa kasamaan] sa pamamagitan ng pinakamaganda ay dalawang kaasalang hindi maiwawaksi ng tagaanyaya tungo kay Allāh. info