قۇرئان كەرىم مەنىلىرىنىڭ تەرجىمىسى - پىلىپپىنچە تەرجىمىسى (تجالۇچ ) قۇرئان كەرىم قىسقىچە تەپسىرى

بەت نومۇرى:close

external-link copy
154 : 3

ثُمَّ أَنزَلَ عَلَيۡكُم مِّنۢ بَعۡدِ ٱلۡغَمِّ أَمَنَةٗ نُّعَاسٗا يَغۡشَىٰ طَآئِفَةٗ مِّنكُمۡۖ وَطَآئِفَةٞ قَدۡ أَهَمَّتۡهُمۡ أَنفُسُهُمۡ يَظُنُّونَ بِٱللَّهِ غَيۡرَ ٱلۡحَقِّ ظَنَّ ٱلۡجَٰهِلِيَّةِۖ يَقُولُونَ هَل لَّنَا مِنَ ٱلۡأَمۡرِ مِن شَيۡءٖۗ قُلۡ إِنَّ ٱلۡأَمۡرَ كُلَّهُۥ لِلَّهِۗ يُخۡفُونَ فِيٓ أَنفُسِهِم مَّا لَا يُبۡدُونَ لَكَۖ يَقُولُونَ لَوۡ كَانَ لَنَا مِنَ ٱلۡأَمۡرِ شَيۡءٞ مَّا قُتِلۡنَا هَٰهُنَاۗ قُل لَّوۡ كُنتُمۡ فِي بُيُوتِكُمۡ لَبَرَزَ ٱلَّذِينَ كُتِبَ عَلَيۡهِمُ ٱلۡقَتۡلُ إِلَىٰ مَضَاجِعِهِمۡۖ وَلِيَبۡتَلِيَ ٱللَّهُ مَا فِي صُدُورِكُمۡ وَلِيُمَحِّصَ مَا فِي قُلُوبِكُمۡۚ وَٱللَّهُ عَلِيمُۢ بِذَاتِ ٱلصُّدُورِ

Pagkatapos nagpababa Siya sa inyo, matapos ng sakit at kagipitan, ng kapanatagan at tiwala. Nagsanhi ito sa isang pangkatin kabilang sa inyo – sila ang mga nagtitiwala sa pangako ni Allāh – na nababalutan ng antok dahil sa nasa mga puso nila na katiwasayan at katahimikan. [Nagsanhi rin ito] sa isa pang pangkatin na walang umabot sa kanila na katiwasayan ni antok – sila ang mga mapagpaimbabaw na walang hangarin para sa kanila kundi ang kaligtasan ng mga sarili nila sapagkat sila ay nasa pagkabalisa at pangangamba. Nagpapalagay sila kay Allāh ng masagwang palagay: na si Allāh ay hindi mag-aadya sa Sugo Niya at hindi mag-aayuda sa mga lingkod Niya gaya ng pagpapalagay ng mga tao sa Panahon ng Kamangmangan, na hindi gumalang kay Allāh ng totoong paggalang sa Kanya. Nagsasabi ang mga mapagpaimbabaw na ito dahil sa kamangmangan nila kay Allāh: "Wala kaming anumang pananaw sa usapin ng pagpunta [sa labanan]. Kung sakaling mayroon kami, hindi sana kami pumunta." Sabihin mo, O Propeta habang sumasagot sa mga ito: "Tunay na ang usapin sa kabuuan nito ay ukol kay Allāh sapagkat Siya ang nagtatakda ng anumang niloloob Niya at humahatol ng anumang ninanais Niya at Siya ang nagtakda sa pagpunta ninyo." Ang mga mapagpaimbabaw na ito ay nagkukubli sa mga sarili nila ng pagdududa at pagpapalagay ng kasagwaan na hindi nila inilalantad sa iyo yayamang nagsasabi sila: "Kung sakaling mayroon kaming pananaw kaugnay sa pagpunta [sa labanan] ay hindi sana kami namatayan sa pook na ito." Sabihin mo, O Propeta bilang pagtugon sa kanila: "Kung sakaling kayo ay nasa mga bahay ninyo, na mga malayo sa mga pook ng pagkapatay at kamatayan, talagang pumunta sana ang sinumang itinakda ni Allāh sa kanya ang pagkapatay kabilang sa inyo tungo sa kung saan mangyayari ang pagpatay." Hindi nagtakda si Allāh niyon malibang upang sumubok Siya sa mga layunin at mga pakay na nasa mga dibdib ninyo at mapagkilanlan ang anumang nasa mga ito na pananampalataya at pagpapaimbabaw. Si Allāh ay Maalam sa anumang nasa mga dibdib ng mga lingkod Niya: walang nakakukubli sa Kanya na anuman mula sa mga iyon. info
التفاسير:

external-link copy
155 : 3

إِنَّ ٱلَّذِينَ تَوَلَّوۡاْ مِنكُمۡ يَوۡمَ ٱلۡتَقَى ٱلۡجَمۡعَانِ إِنَّمَا ٱسۡتَزَلَّهُمُ ٱلشَّيۡطَٰنُ بِبَعۡضِ مَا كَسَبُواْۖ وَلَقَدۡ عَفَا ٱللَّهُ عَنۡهُمۡۗ إِنَّ ٱللَّهَ غَفُورٌ حَلِيمٞ

Tunay na ang mga natalo kabilang sa inyo, O mga Kasamahan ni Muḥammad – basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan, sa araw na nagkita-kita ang bukluran ng mga tagapagtambal sa Uḥud sa bukluran ng mga Muslim ay ibinuyo lamang ng demonyo sa pagkatisod dahilan sa ilan sa nakamit nila na mga pagsuway. Talaga ngang si Allāh ay nagpaumanhin sa kanila kaya hindi Siya nagparusa sa kanila dahil sa mga iyon bilang kabutihang-loob mula sa Kanya at awa. Tunay na si Allāh ay Mapagpatawad sa sinumang nagbalik-loob, Matimpiin na hindi nagmamadali ng kaparusahan. info
التفاسير:

external-link copy
156 : 3

يَٰٓأَيُّهَا ٱلَّذِينَ ءَامَنُواْ لَا تَكُونُواْ كَٱلَّذِينَ كَفَرُواْ وَقَالُواْ لِإِخۡوَٰنِهِمۡ إِذَا ضَرَبُواْ فِي ٱلۡأَرۡضِ أَوۡ كَانُواْ غُزّٗى لَّوۡ كَانُواْ عِندَنَا مَا مَاتُواْ وَمَا قُتِلُواْ لِيَجۡعَلَ ٱللَّهُ ذَٰلِكَ حَسۡرَةٗ فِي قُلُوبِهِمۡۗ وَٱللَّهُ يُحۡيِۦ وَيُمِيتُۗ وَٱللَّهُ بِمَا تَعۡمَلُونَ بَصِيرٞ

O mga sumampalataya kay Allāh at sumunod sa Sugo Niya, huwag kayong maging tulad ng mga tagatangging sumampalataya kabilang sa mga mapagpaimbabaw at nagsasabi sa mga kaanak nila nang naglakbay ang mga ito, na naghahanap ng panustos, o ang mga ito ay naging mga mandirigma saka namatay o napatay: "Kung sakaling sila ay kapiling namin at hindi sila pumunta [sa labanan] at hindi sila sumugod, hindi sana sila namatay o napatay." Naglagay si Allāh ng paniniwalang ito sa mga puso nila upang madagdagan sila ng pagsisisi at lungkot sa mga puso nila. Si Allāh lamang ay ang nagbibigay-buhay at nagbibigay-kamatayan ayon sa kalooban Niya. Walang nakapipigil sa pagtatakda Niya na pag-iwas sa pakikibaka at walang nagpapamadali rito na pagpunta sa pakikibaka. Si Allāh sa anumang ginagawa ninyo ay Nakakikita: hindi naikukubli sa Kanya ang mga gawain ninyo. Gaganti Siya sa inyo sa mga ito. info
التفاسير:

external-link copy
157 : 3

وَلَئِن قُتِلۡتُمۡ فِي سَبِيلِ ٱللَّهِ أَوۡ مُتُّمۡ لَمَغۡفِرَةٞ مِّنَ ٱللَّهِ وَرَحۡمَةٌ خَيۡرٞ مِّمَّا يَجۡمَعُونَ

Talagang kung napatay kayo sa landas ni Allāh o namatay kayo, O mga mananampalataya, ay talagang magpapatawad nga si Allāh sa inyo ng isang kapatawarang dakila at maaawa Siya sa inyo ng isang awa mula sa Kanya. Ito ay higit na mabuti kaysa sa Mundong ito at anumang iniipon ng mga naninirahan sa Mundo na kaginhawahan dito na naglalaho. info
التفاسير:
بۇ بەتتىكى ئايەتلەردىن ئېلىنغان مەزمۇنلار:
• الجهل بالله تعالى وصفاته يُورث سوء الاعتقاد وفساد الأعمال.
Ang kamangmangan kay Allāh – pagkataas-taas Siya – at sa mga katangian Niya ay nagsasanhi ng kasagwaan ng paniniwala at katiwalian ng mga gawain. info

• آجال العباد مضروبة محدودة، لا يُعجلها الإقدام والشجاعة، ولايؤخرها الجبن والحرص.
Ang mga taning ng tao ay naipako at natakdaan: hindi nagpapamadali sa mga ito ang paglalakas-loob at ang katapangan at hindi nagpapahuli sa mga ito ang karuwagan at ang kasigasigan. info

• من سُنَّة الله تعالى الجارية ابتلاء عباده؛ ليميز الخبيث من الطيب.
Bahagi ng umiiral na kalakaran ni Allāh – pagkataas-taas Siya – ang pagsubok sa mga lingkod Niya upang mapagkilanlan ang karima-rimarim sa kaaya-aya. info

• من أعظم المنازل وأكرمها عند الله تعالى منازل الشهداء في سبيله.
Kabilang sa pinakadakila sa mga antas at pinakamarangal sa mga ito sa ganang kay Allāh – pagkataas-taas Siya – ay ang mga antas ng mga martir sa landas Niya. info