قۇرئان كەرىم مەنىلىرىنىڭ تەرجىمىسى - پىلىپپىنچە تەرجىمىسى (تجالۇچ ) قۇرئان كەرىم قىسقىچە تەپسىرى

بەت نومۇرى:close

external-link copy
64 : 29

وَمَا هَٰذِهِ ٱلۡحَيَوٰةُ ٱلدُّنۡيَآ إِلَّا لَهۡوٞ وَلَعِبٞۚ وَإِنَّ ٱلدَّارَ ٱلۡأٓخِرَةَ لَهِيَ ٱلۡحَيَوَانُۚ لَوۡ كَانُواْ يَعۡلَمُونَ

Walang iba ang buhay na ito sa Mundo – kalakip ng dulot nito na mga ninanasa at tinatamasa – kundi isang paglilibang para sa mga puso ng mga nahuhumaling dito at isang laro. Hindi maglalaon at magwawakas ito nang may kabilisan. Tunay na ang tahanan sa Kabilang-buhay ay talagang iyon ang buhay na tunay dahil sa pananatili niyon. Kung sakaling sila noon ay nakaaalam, hindi sana sila nagpauna ng [gawang] naglalaho higit sa [gawang] nananatili. info
التفاسير:

external-link copy
65 : 29

فَإِذَا رَكِبُواْ فِي ٱلۡفُلۡكِ دَعَوُاْ ٱللَّهَ مُخۡلِصِينَ لَهُ ٱلدِّينَ فَلَمَّا نَجَّىٰهُمۡ إِلَى ٱلۡبَرِّ إِذَا هُمۡ يُشۡرِكُونَ

Kapag nakasakay ang mga tagapagtambal sa mga daong sa dagat ay dumadalangin sila kay Allāh lamang habang mga nagpapakawagas para sa Kanya sa pagdalangin na iligtas sila mula sa pagkalunod. Ngunit noong nagligtas Siya sa kanila mula sa pagkalunod, naging mga tagapagtambal sila na dumadalangin kasama sa Kanya sa mga diyos nila. info
التفاسير:

external-link copy
66 : 29

لِيَكۡفُرُواْ بِمَآ ءَاتَيۡنَٰهُمۡ وَلِيَتَمَتَّعُواْۚ فَسَوۡفَ يَعۡلَمُونَ

Naging mga tagapagtambal sila upang magkaila sila sa ibinigay Namin sa kanila na mga biyaya at upang magtamasa sila sa ibinigay sa kanila na ningning ng buhay, ngunit malalaman nila ang kahihinatnan nilang masagwa kapag namatay sila. info
التفاسير:

external-link copy
67 : 29

أَوَلَمۡ يَرَوۡاْ أَنَّا جَعَلۡنَا حَرَمًا ءَامِنٗا وَيُتَخَطَّفُ ٱلنَّاسُ مِنۡ حَوۡلِهِمۡۚ أَفَبِٱلۡبَٰطِلِ يُؤۡمِنُونَ وَبِنِعۡمَةِ ٱللَّهِ يَكۡفُرُونَ

Hindi ba nakakita ang mga tagapagkailang ito sa biyaya ni Allāh sa kanila – nang nagligtas si Allāh sa kanila mula sa pagkalunod – ng iba pang biyaya? [Ang biyayang] ito ay na Kami ay gumawa para sa kanila ng isang santuwaryong natitiwasay sila roon para sa mga buhay nila at mga ari-arian nila samantalang ang ibang tao ay nilulusob ng mga pag-atake kaya napapatay ang mga iyon, nadadakip ang mga iyon, nabibihag ang mga kababaihan ng mga iyo at ang mga supling ng mga iyon, at dinadambong ang mga ari-arian ng mga iyon. Kaya ba sa kabulaanan ng mga inaakalang diyos nila sumasampalataya sila at sa biyaya ni Allāh sa kanila nagkakaila sila kaya hindi sila nagpapasalamat dito kay Allāh? info
التفاسير:

external-link copy
68 : 29

وَمَنۡ أَظۡلَمُ مِمَّنِ ٱفۡتَرَىٰ عَلَى ٱللَّهِ كَذِبًا أَوۡ كَذَّبَ بِٱلۡحَقِّ لَمَّا جَآءَهُۥٓۚ أَلَيۡسَ فِي جَهَنَّمَ مَثۡوٗى لِّلۡكَٰفِرِينَ

Walang isang higit na tagalabag sa katarungan kaysa sa sinumang lumikha-likha laban kay Allāh ng isang kasinungalingan sa pamamagitan ng pag-uugnay sa Kanya ng katambal o nagpasinungaling sa katotohanang inihatid ng Sugo Niya. Walang duda na sa Impiyerno ay may tirahan para sa mga tagatangging sumampalataya at para sa mga tulad nila. info
التفاسير:

external-link copy
69 : 29

وَٱلَّذِينَ جَٰهَدُواْ فِينَا لَنَهۡدِيَنَّهُمۡ سُبُلَنَاۚ وَإِنَّ ٱللَّهَ لَمَعَ ٱلۡمُحۡسِنِينَ

Ang mga nakibaka sa mga sarili nila sa paghahangad ng kaluguran Namin ay talagang magtutuon nga Kami sa kanila sa pagtamo sa landasing tuwid. Tunay na si Allāh ay kasama sa mga tagagawa ng maganda sa pamamagitan ng tulong, pag-aadya, at kapatnubayan. info
التفاسير:
بۇ بەتتىكى ئايەتلەردىن ئېلىنغان مەزمۇنلار:
• لجوء المشركين إلى الله في الشدة ونسيانهم لأصنامهم، وإشراكهم به في الرخاء؛ دليل على تخبطهم.
Ang pagdulog kay Allāh ng mga tagapagtambal sa kagipitan at ang pagkalimot nila sa mga diyus-diyusan nila at ang pagtatambal nila sa Kanya sa kaluwagan ay isang patunay sa pag-aapuhap nila. info

• الجهاد في سبيل الله سبب للتوفيق إلى الحق.
Ang pakikibaka sa landas ni Allāh ay isang kadahilanan ng pagkakatuon sa katotohanan. info

• إخبار القرآن بالغيبيات دليل على أنه من عند الله.
Ang pagpapabatid ng Qur'ān ng mga nakalingid ay isang patunay na ito mula sa ganang kay Allāh. info