قۇرئان كەرىم مەنىلىرىنىڭ تەرجىمىسى - پىلىپپىنچە تەرجىمىسى (تجالۇچ ) قۇرئان كەرىم قىسقىچە تەپسىرى

بەت نومۇرى:close

external-link copy
6 : 28

وَنُمَكِّنَ لَهُمۡ فِي ٱلۡأَرۡضِ وَنُرِيَ فِرۡعَوۡنَ وَهَٰمَٰنَ وَجُنُودَهُمَا مِنۡهُم مَّا كَانُواْ يَحۡذَرُونَ

Nagnanais Kami na magbigay-kapangyarihan Kami sa kanila sa lupain sa pamamagitan ng paggawa sa kanila bilang mga kasamahan ng naghahari roon at magpakita Kami kay Paraon, sa tagasuporta niyang pinakamalaki sa kaharian na si Hāmān, at sa mga kawal nilang dalawa na mga tagatulong para sa kanilang dalawa sa paghahari nilang dalawa ng pinangangambahan nila noon na paglaho ng paghahari nila at pagwawakas nito sa kamay ng isang lalaking anak bilang sa mga anak ng Israel. info
التفاسير:

external-link copy
7 : 28

وَأَوۡحَيۡنَآ إِلَىٰٓ أُمِّ مُوسَىٰٓ أَنۡ أَرۡضِعِيهِۖ فَإِذَا خِفۡتِ عَلَيۡهِ فَأَلۡقِيهِ فِي ٱلۡيَمِّ وَلَا تَخَافِي وَلَا تَحۡزَنِيٓۖ إِنَّا رَآدُّوهُ إِلَيۡكِ وَجَاعِلُوهُ مِنَ ٱلۡمُرۡسَلِينَ

Nagpahiwatig Kami sa ina ni Moises – sumakanya ang pagbati ng kapayapaan – na [nagsasabi]: "Magpasuso ka sa kanya. Hanggang sa kapag natakot ka para sa kanya kay Paraon at sa mga tao niya na patayin nila siya ay ilagay mo siya sa isang kahon at itapon mo siya sa ilog ng Nilo. Huwag kang mangamba para sa kanya ng pagkalunod ni kay Paraon at huwag kang malungkot dahilan sa pagkakawalay sa kanya. Tunay na Kami ay magbabalik sa kanya sa iyo nang buhay at gagawa sa kanya kabilang sa mga sugo Namin na ipadadala sa mga nilikha." info
التفاسير:

external-link copy
8 : 28

فَٱلۡتَقَطَهُۥٓ ءَالُ فِرۡعَوۡنَ لِيَكُونَ لَهُمۡ عَدُوّٗا وَحَزَنًاۗ إِنَّ فِرۡعَوۡنَ وَهَٰمَٰنَ وَجُنُودَهُمَا كَانُواْ خَٰطِـِٔينَ

Kaya sumunod ang ina ni Moises sa ipinahiwatig Namin dito na paglalagay sa kanya sa isang kahon at pagtatapon sa kanya sa ilog. Kaya naman nasumpungan siya ng mag-anak ni Paraon at kinuha nila siya upang magkatotoo ang ninais ni Allāh na si Moises ay magiging isang kaaway para kay Paraon, na aalisin ni Allāh ang paghahari nito sa kamay nito, habang nagdudulot si Moises ng kalungkutan nila. Tunay na si Paraon, ang katuwang nitong si Hāmān, at ang mga katulong nilang dalawa ay mga nagkakasala noon dahilan sa kawalang-pananampalataya nila, pagmamalabis nila, at panggugulo nila sa lupa. info
التفاسير:

external-link copy
9 : 28

وَقَالَتِ ٱمۡرَأَتُ فِرۡعَوۡنَ قُرَّتُ عَيۡنٖ لِّي وَلَكَۖ لَا تَقۡتُلُوهُ عَسَىٰٓ أَن يَنفَعَنَآ أَوۡ نَتَّخِذَهُۥ وَلَدٗا وَهُمۡ لَا يَشۡعُرُونَ

Noong nagnais si Paraon na patayin si Moises ay nagsabi sa kanya ang maybahay niya: "Ang batang ito ay pinagmumulan ng tuwa para sa akin at para sa iyo. Huwag ninyo siyang patayin; harinawang siya ay magpapakinabang sa atin sa pamamagitan ng paglilingkod o maituturing natin siya bilang anak sa pamamagitan ng pag-ampon;" habang sila ay hindi nakaaalam sa kauuwian ng paghahari nila sa kamay niya. info
التفاسير:

external-link copy
10 : 28

وَأَصۡبَحَ فُؤَادُ أُمِّ مُوسَىٰ فَٰرِغًاۖ إِن كَادَتۡ لَتُبۡدِي بِهِۦ لَوۡلَآ أَن رَّبَطۡنَا عَلَىٰ قَلۡبِهَا لِتَكُونَ مِنَ ٱلۡمُؤۡمِنِينَ

Ang puso ng ina ni Moises – sumakanya ang pagbati ng kapayapaan – ay naging hungkag sa alinmang nauukol kabilang sa mga nauukol sa Mundo maliban sa nauukol kay Moises. Kaya hindi na ito nakatiis hanggang sa muntik nang maghayag ito na si Moises ay anak nito dahil sa tindi ng pagkahumaling sa kanya, kung sakaling hindi Kami nagbigkis sa puso nito sa pamamagitan ng pagpapatatag sa puso nito at pagpapatiis dito upang ito ay maging kabilang sa mga mananampalatayang nananalig sa Panginoon nila, na mga nagtitiis sa anumang itinatadhana Niya. info
التفاسير:

external-link copy
11 : 28

وَقَالَتۡ لِأُخۡتِهِۦ قُصِّيهِۖ فَبَصُرَتۡ بِهِۦ عَن جُنُبٖ وَهُمۡ لَا يَشۡعُرُونَ

Nagsabi ang ina ni Moises – sumakanya ang pagbati ng kapayapaan – sa babaing kapatid niya matapos ng pagtapon nito sa kanya sa ilog: "Sumunod ka sa bakas niya upang malaman mo ang gagawin sa kanya." Kaya nakatingin iyon sa kanya mula sa kalayuan upang hindi mabunyag ang ginagawa niyon habang si Paraon at ang mga tao nito ay hindi nakararamdam na iyon ay babaing kapatid niya at na iyon ay nagsisiyasat sa lagay niya. info
التفاسير:

external-link copy
12 : 28

۞ وَحَرَّمۡنَا عَلَيۡهِ ٱلۡمَرَاضِعَ مِن قَبۡلُ فَقَالَتۡ هَلۡ أَدُلُّكُمۡ عَلَىٰٓ أَهۡلِ بَيۡتٖ يَكۡفُلُونَهُۥ لَكُمۡ وَهُمۡ لَهُۥ نَٰصِحُونَ

Tumanggi si Moises, dahil sa isang pagpapakana mula kay Allāh, sa pagsuso sa mga [ibang] babae nang bago Kami magsauli sa kanya sa ina niya. Kaya noong nakita ng babaing kapatid niya ang sigasig nila sa pagpapasuso sa kanya ay nagsabi iyon sa kanila: "Gagabayan ko po kaya kayo sa isang sambahayan na magsasagawa ng pagpapasuso sa kanya at pag-aaruga sa kanya habang sila sa kanya ay mga tagapagpayo?"
info
التفاسير:

external-link copy
13 : 28

فَرَدَدۡنَٰهُ إِلَىٰٓ أُمِّهِۦ كَيۡ تَقَرَّ عَيۡنُهَا وَلَا تَحۡزَنَ وَلِتَعۡلَمَ أَنَّ وَعۡدَ ٱللَّهِ حَقّٞ وَلَٰكِنَّ أَكۡثَرَهُمۡ لَا يَعۡلَمُونَ

Kaya ibinalik si Moises sa ina niya upang magalak ang mata nito sa pagkakita sa kanya nang malapitan at hindi ito malungkot dahilan sa pagkakawalay sa kanya at upang makaalam ito na ang pangako ni Allāh ng pagbabalik sa kanya rito ay totoong walang mapag-aatubilihan doon, subalit ang higit na marami sa kanila ay hindi nakaaalam sa pangakong ito at walang isang nakaaalam na iyon ay ang ina niya.
info
التفاسير:
بۇ بەتتىكى ئايەتلەردىن ئېلىنغان مەزمۇنلار:
• تدبير الله لعباده الصالحين بما يسلمهم من مكر أعدائهم.
Ang pagpapakana ni Allāh para sa mga lingkod Niyang maayos ng nagliligtas sa kanila laban sa panggugulang ng mga kaaway nila. info

• تدبير الظالم يؤول إلى تدميره.
Ang pagpapakana ng tagalabag sa katarungan ay nauuwi sa pagkawasak niya. info

• قوة عاطفة الأمهات تجاه أولادهن.
Ang lakas ng emosyon ng mga ina para sa mga anak nila. info

• جواز استخدام الحيلة المشروعة للتخلص من ظلم الظالم.
Ang pagpayag sa paggamit ng panlalalang na ipinahihintulot para magwaksi ng kawalang-katarungan ng tagalabag sa katarungan. info

• تحقيق وعد الله واقع لا محالة.
Ang pagsasakatuparan ng pangako ni Allāh ay nagaganap nang walang pasubali. info