قۇرئان كەرىم مەنىلىرىنىڭ تەرجىمىسى - پىلىپپىنچە تەرجىمىسى (تجالۇچ ) قۇرئان كەرىم قىسقىچە تەپسىرى

بەت نومۇرى:close

external-link copy
65 : 22

أَلَمۡ تَرَ أَنَّ ٱللَّهَ سَخَّرَ لَكُم مَّا فِي ٱلۡأَرۡضِ وَٱلۡفُلۡكَ تَجۡرِي فِي ٱلۡبَحۡرِ بِأَمۡرِهِۦ وَيُمۡسِكُ ٱلسَّمَآءَ أَن تَقَعَ عَلَى ٱلۡأَرۡضِ إِلَّا بِإِذۡنِهِۦٓۚ إِنَّ ٱللَّهَ بِٱلنَّاسِ لَرَءُوفٞ رَّحِيمٞ

Hindi ka ba nakakita, O Sugo, na si Allāh ay nagpasilbi para sa iyo at para sa mga tao ng anumang nasa lupa na mga hayop at mga bagay para sa mga kapakinabangan ninyo at mga pangangailangan ninyo, at nagpaamo para sa inyo ng mga sasakyang-dagat na naglalayag sa dagat ayon sa utos Niya at pagpapasilbi Niya mula sa isang bayan patungo sa isang bayan pa. Pumipigil Siya sa langit upang hindi ito bumagsak sa lupa malibang may pahintulot Niya. Kaya kung sakaling nagpahintulot Siya sa langit na bumagsak sa lupa, talaga sanang bumagsak iyon. Tunay na si Allāh sa mga tao ay talagang Mahabagin, Maawain yayamang pinagsilbi Niya para sa kanila ang mga bagay na ito sa kabila ng taglay nilang paglabag sa katarungan. info
التفاسير:

external-link copy
66 : 22

وَهُوَ ٱلَّذِيٓ أَحۡيَاكُمۡ ثُمَّ يُمِيتُكُمۡ ثُمَّ يُحۡيِيكُمۡۗ إِنَّ ٱلۡإِنسَٰنَ لَكَفُورٞ

Si Allāh ay ang nagbigay-buhay sa inyo yayamang nagpairal Siya sa inyo matapos na kayo noon ay mga walang-kairalan, pagkatapos magbibigay-kamatayan Siya sa inyo kapag nagwakas ang mga buhay ninyo, pagkatapos magbibigay-buhay Siya sa inyo matapos ng kamatayan ninyo upang tumuos sa inyo sa mga gawa ninyo at gumanti sa inyo sa mga ito. Tunay na ang tao ay talagang madalas ang pagkakaila sa mga biyaya ni Allāh – gayong ang mga ito ay nakalitaw – dahil sa pagsamba nito kasama kay Allāh sa iba pa sa Kanya. info
التفاسير:

external-link copy
67 : 22

لِّكُلِّ أُمَّةٖ جَعَلۡنَا مَنسَكًا هُمۡ نَاسِكُوهُۖ فَلَا يُنَٰزِعُنَّكَ فِي ٱلۡأَمۡرِۚ وَٱدۡعُ إِلَىٰ رَبِّكَۖ إِنَّكَ لَعَلَىٰ هُدٗى مُّسۡتَقِيمٖ

Para sa bawat mga alagad ng kapaniwalaan ay nagtalaga Kami ng isang batas kaya sila ay nagsasagawa ayon sa batas nila. Kaya huwag ngang makipagtunggali sa iyo, O Sugo, ang mga tagapagtambal at ang mga alagad ng mga ibang relihiyon kaugnay sa batas mo sapagkat ikaw ay higit na malapit sa katotohanan kaysa sa kanila dahil sila ay mga alagad ng kabulaanan. Mag-anyaya ka sa mga tao tungo sa pagpapakawagas sa paniniwala sa kaisahan ni Allāh; tunay na ikaw ay talagang nasa isang daang tuwid, na walang kabaluktutan doon. info
التفاسير:

external-link copy
68 : 22

وَإِن جَٰدَلُوكَ فَقُلِ ٱللَّهُ أَعۡلَمُ بِمَا تَعۡمَلُونَ

Kung hindi sila magpipigil na makipagtalo sa iyo matapos ng paglitaw ng katwiran, ipagkatiwala mo ang nauukol sa kanila kay Allāh habang nagsasabi sa paraan ng pagbabanta: "Si Allāh ay higit na maalam sa anumang ginagawa ninyo na gawain: walang nakakukubli sa Kanya mula sa mga gawain ninyo na anuman; gaganti Siya sa inyo sa mga ito." info
التفاسير:

external-link copy
69 : 22

ٱللَّهُ يَحۡكُمُ بَيۡنَكُمۡ يَوۡمَ ٱلۡقِيَٰمَةِ فِيمَا كُنتُمۡ فِيهِ تَخۡتَلِفُونَ

Si Allāh ay hahatol sa pagitan ng mga lingkod Niya: ang mananampalataya sa kanila at ang tagatangging sumampalataya sa kanila, sa Araw ng Pagbangon hinggil sa anumang sila dati ay nagkakaiba-iba sa Mundo sa usapin ng relihiyon. info
التفاسير:

external-link copy
70 : 22

أَلَمۡ تَعۡلَمۡ أَنَّ ٱللَّهَ يَعۡلَمُ مَا فِي ٱلسَّمَآءِ وَٱلۡأَرۡضِۚ إِنَّ ذَٰلِكَ فِي كِتَٰبٍۚ إِنَّ ذَٰلِكَ عَلَى ٱللَّهِ يَسِيرٞ

Hindi ka ba nakaaalam, O Sugo, na si Allāh ay nakaaalam sa anumang nasa langit at nakaaalam sa anumang nasa lupa: walang nakakukubli sa Kanya na anuman sa mga ito. Tunay na ang kaalaman doon ay nakatala sa Tablerong Pinag-iingatan. Tunay na ang kaalaman doon sa kabuuan niyon ay madali kay Allāh. info
التفاسير:

external-link copy
71 : 22

وَيَعۡبُدُونَ مِن دُونِ ٱللَّهِ مَا لَمۡ يُنَزِّلۡ بِهِۦ سُلۡطَٰنٗا وَمَا لَيۡسَ لَهُم بِهِۦ عِلۡمٞۗ وَمَا لِلظَّٰلِمِينَ مِن نَّصِيرٖ

Sumasamba ang mga tagapagtambal sa bukod pa kay Allāh, na mga anitong hindi nagbaba si Allāh ng isang katwiran sa pagsamba sa mga iyon sa mga kasulatan Niya at walang ukol sa kanila sa mga iyon na isang patunay mula sa isang kaalaman. Ang batayan nila lamang ay ang bulag na paggaya-gaya sa mga ninuno nila. Walang ukol sa mga tagalabag sa katarungan na isang mapag-adyang magsasanggalang sa kanila laban sa anumang dadapo sa kanila na pagdurusang dulot ni Allāh. info
التفاسير:

external-link copy
72 : 22

وَإِذَا تُتۡلَىٰ عَلَيۡهِمۡ ءَايَٰتُنَا بَيِّنَٰتٖ تَعۡرِفُ فِي وُجُوهِ ٱلَّذِينَ كَفَرُواْ ٱلۡمُنكَرَۖ يَكَادُونَ يَسۡطُونَ بِٱلَّذِينَ يَتۡلُونَ عَلَيۡهِمۡ ءَايَٰتِنَاۗ قُلۡ أَفَأُنَبِّئُكُم بِشَرّٖ مِّن ذَٰلِكُمُۚ ٱلنَّارُ وَعَدَهَا ٱللَّهُ ٱلَّذِينَ كَفَرُواْۖ وَبِئۡسَ ٱلۡمَصِيرُ

Kapag binibigkas sa kanila ang mga tanda Namin mula sa Qur'ān bilang maliliwanag na patunay, makikilala mo sa mga mukha ng mga tumangging sumampalataya kay Allāh ang pagtutol sa mga ito dahil sa pagsimangot nila sa sandali ng pagkarinig nila sa mga ito. Halos humagupit sila, dahil sa tindi ng galit, sa mga bumibigkas sa kanila ng mga tanda Namin. Sabihin mo sa kanila, O Sugo: "Kaya magpapabatid ba ako sa inyo ng higit na masama kaysa sa pagngingitngit ninyo at pagsisimangot ninyo? Iyon ay ang apoy na ipinangako ni Allāh sa mga tagatangging sumampalataya na magpapasok Siya sa kanila roon. Kay saklap ang hantungang hahantungan nila!" info
التفاسير:
بۇ بەتتىكى ئايەتلەردىن ئېلىنغان مەزمۇنلار:
• من نعم الله على الناس تسخير ما في السماوات وما في الأرض لهم.
Kabilang sa mga biyaya ni Allāh sa mga tao ang pagpapasilbi sa anumang nasa mga langit at anumang nasa lupa para sa kanila. info

• إثبات صفتي الرأفة والرحمة لله تعالى.
Ang pagpapatibay sa dalawang katangian ng pagkahabag at pagkaawa para kay Allāh – pagkataas-taas Siya. info

• إحاطة علم الله بما في السماوات والأرض وما بينهما.
Ang pagkasaklaw ng kaalaman ni Allāh sa anumang nasa mga langit, lupa, at anumang nasa pagitan ng mga ito. info

• التقليد الأعمى هو سبب تمسك المشركين بشركهم بالله.
Ang bulag na paggaya-gaya ay kadahilanan ng pagkapit ng mga tagapagtambal sa pagtatambal nila kay Allāh. info