قۇرئان كەرىم مەنىلىرىنىڭ تەرجىمىسى - پىلىپپىنچە تەرجىمىسى (تجالۇچ ) قۇرئان كەرىم قىسقىچە تەپسىرى

بەت نومۇرى:close

external-link copy
225 : 2

لَّا يُؤَاخِذُكُمُ ٱللَّهُ بِٱللَّغۡوِ فِيٓ أَيۡمَٰنِكُمۡ وَلَٰكِن يُؤَاخِذُكُم بِمَا كَسَبَتۡ قُلُوبُكُمۡۗ وَٱللَّهُ غَفُورٌ حَلِيمٞ

Hindi magtutuos sa inyo si Allāh dahilan sa mga panunumpang namumutawi sa mga dila ninyo nang hindi sinasadya gaya ng sabi ng isa sa inyo: "Hindi, sumpa man kay Allāh; oo, sumpa man kay Allāh." Walang bayad-sala sa inyo ni kaparusahan doon subalit magtutuos Siya sa inyo sa anumang sinadya ninyo mula sa mga panunumpang iyon. Si Allāh ay Mapagpatawad sa mga pagkakasala ng mga lingkod Niya, Matimpiin: hindi Siya nagmamadali sa kanila ng kaparusahan. info
التفاسير:

external-link copy
226 : 2

لِّلَّذِينَ يُؤۡلُونَ مِن نِّسَآئِهِمۡ تَرَبُّصُ أَرۡبَعَةِ أَشۡهُرٖۖ فَإِن فَآءُو فَإِنَّ ٱللَّهَ غَفُورٞ رَّحِيمٞ

Ukol sa mga nanunumpa ng pagtigil sa pakikipagtalik sa mga maybahay nila ay paghihintay sa isang yugtong hindi lalabis sa apat na buwan magmula ng panunumpa nila. Ito ay ang kilala sa tawag na īlā'. Ngunit kung bumalik sila sa pakikipagtalik sa mga maybahay nila matapos ng panunumpa nila ng pagtigil doon sa yugto ng apat na buwan o mababa pa, tunay na si Allāh ay Mapagpatawad: nagpapatawad sa kanila sa nangyari sa kanila, Maawain sa kanila yayamang nagsabatas Siya ng bayad-sala na nagpapalabas mula sa panunumpang ito. info
التفاسير:

external-link copy
227 : 2

وَإِنۡ عَزَمُواْ ٱلطَّلَٰقَ فَإِنَّ ٱللَّهَ سَمِيعٌ عَلِيمٞ

Kung naglayon sila ng diborsiyo dahil sa pagpapatuloy nila sa pagtigil sa pakikipagtalik sa mga maybahay nila at hindi pagbalik sa dati, tunay na si Allāh ay Nakaririnig sa mga sinasabi nilang kabilang sa mga ito ang pagdiborsiyo, Maalam sa mga kalagayan nila at mga layon nila, at gaganti sa kanila roon. info
التفاسير:

external-link copy
228 : 2

وَٱلۡمُطَلَّقَٰتُ يَتَرَبَّصۡنَ بِأَنفُسِهِنَّ ثَلَٰثَةَ قُرُوٓءٖۚ وَلَا يَحِلُّ لَهُنَّ أَن يَكۡتُمۡنَ مَا خَلَقَ ٱللَّهُ فِيٓ أَرۡحَامِهِنَّ إِن كُنَّ يُؤۡمِنَّ بِٱللَّهِ وَٱلۡيَوۡمِ ٱلۡأٓخِرِۚ وَبُعُولَتُهُنَّ أَحَقُّ بِرَدِّهِنَّ فِي ذَٰلِكَ إِنۡ أَرَادُوٓاْ إِصۡلَٰحٗاۚ وَلَهُنَّ مِثۡلُ ٱلَّذِي عَلَيۡهِنَّ بِٱلۡمَعۡرُوفِۚ وَلِلرِّجَالِ عَلَيۡهِنَّ دَرَجَةٞۗ وَٱللَّهُ عَزِيزٌ حَكِيمٌ

Ang mga babaing diniborsiyo ay maghihintay sa mga sarili nila ng tatlong regla, na hindi sila mag-aasawa sa panahon ng mga ito. Hindi ipinahihintulot sa kanila na magkubli sila ng nilikha ni Allāh sa mga sinapupunan nila dala ng pagbubuntis, kung sila ay mga tapat sa pagsampalataya kay Allāh at sa Kabilang-buhay. Ang mga asawa nilang nagdiborsiyo sa kanila ay higit na karapat-dapat sa pakikipagbalikan sa kanila sa yugto ng paghihintay kung naglayon ang mga ito ng pakikipagbalikan, pagpapalagayang-loob, at pag-aalis ng nangyari dahilan sa diborsiyo. May ukol sa mga maybahay na mga karapatan at mga tungkulin tulad ng sa mga asawa nila sa kanila ayon sa nakagawian ng mga tao. May ukol sa mga lalaki na isang antas na higit na mataas sa kanila gaya ng pag-aaruga at pag-uutos ng diborsiyo. Si Allāh ay Makapangyarihan: walang nakadadaig sa Kanya na anuman, Marunong sa batas Niya at pangangasiwa Niya. info
التفاسير:

external-link copy
229 : 2

ٱلطَّلَٰقُ مَرَّتَانِۖ فَإِمۡسَاكُۢ بِمَعۡرُوفٍ أَوۡ تَسۡرِيحُۢ بِإِحۡسَٰنٖۗ وَلَا يَحِلُّ لَكُمۡ أَن تَأۡخُذُواْ مِمَّآ ءَاتَيۡتُمُوهُنَّ شَيۡـًٔا إِلَّآ أَن يَخَافَآ أَلَّا يُقِيمَا حُدُودَ ٱللَّهِۖ فَإِنۡ خِفۡتُمۡ أَلَّا يُقِيمَا حُدُودَ ٱللَّهِ فَلَا جُنَاحَ عَلَيۡهِمَا فِيمَا ٱفۡتَدَتۡ بِهِۦۗ تِلۡكَ حُدُودُ ٱللَّهِ فَلَا تَعۡتَدُوهَاۚ وَمَن يَتَعَدَّ حُدُودَ ٱللَّهِ فَأُوْلَٰٓئِكَ هُمُ ٱلظَّٰلِمُونَ

Ang diborsiyo na maaari pa sa asawa ang pagbalik ay dalawang ulit: magdidiborsiyo [sa maybahay] pagkatapos makikipagbalika siya [sa maybahay], pagkatapos magdidiborsiyo [muli sa maybahay] pagkatapos manunumbalik [sa maybahay]. Pagkatapos, matapos ng dalawang pagdiborsiyo ay alin sa dalawa: magpapanatili siya sa may maybahay sa pangangalaga niya kalakip ng pakikisama ayon sa nakabubuti o magdidiborsiyo siya rito sa ikatlong pagkakataon kalakip ng pagmamagandang-loob dito at pagsasagawa ng mga karapatan nito. Hindi ipinahihintulot para sa inyo, O mga asawa, na kumuha kayo ng anuman mula sa ibinigay ninyo sa mga maybahay na bigay-kaya malibang ang babae ay naging nasusuklam sa asawa niya dahilan sa asal nito o anyo nito at nagpapalagay ang mag-asawa, dahilan sa pagkasuklam na ito, ng kawalan ng pagtupad nilang dalawa sa nakaatang sa kanilang dalawa na mga tungkulin. Maglahad silang dalawa ng usapin nilang dalawa sa sinumang may kaugnayan sa kanilang dalawa sa pagkakamag-anak o iba pa rito. Kung nangamba ang mga tagatangkilik sa kawalan ng pagganap nilang dalawa sa mga karapatang pang mag-asawa sa pagitan nilang dalawa, walang pagkaasiwa sa kanilang dalawa na magkalas ang babae ng sarili niya (khul`) kapalit ng salaping ibabayad sa asawa niya kapalit ng pagdiborsiyo sa kanya. Ang mga patakarang legal na pang-Islām na iyon ay ang tagahiwalay sa pagitan ng ipinahihintulot at ipinagbabawal, kaya huwag kayong lumampas sa mga ito. Ang lumampas sa mga hangganan ni Allāh sa pagitan ng ipinahihintulot at ipinagbabawal, ang mga iyon ay ang mga tagalabag sa katarungan sa mga sarili nila sa pamamagitan ng paghahatid sa mga ito sa mga hatiran ng pagkapahamak at pagsasalang sa mga ito sa galit ni Allāh at parusa Niya. info
التفاسير:

external-link copy
230 : 2

فَإِن طَلَّقَهَا فَلَا تَحِلُّ لَهُۥ مِنۢ بَعۡدُ حَتَّىٰ تَنكِحَ زَوۡجًا غَيۡرَهُۥۗ فَإِن طَلَّقَهَا فَلَا جُنَاحَ عَلَيۡهِمَآ أَن يَتَرَاجَعَآ إِن ظَنَّآ أَن يُقِيمَا حُدُودَ ٱللَّهِۗ وَتِلۡكَ حُدُودُ ٱللَّهِ يُبَيِّنُهَا لِقَوۡمٖ يَعۡلَمُونَ

Kaya kung nagdiborsiyo sa babae ang asawa nito ng ikatlong diborsiyo, hindi ipinahihintulot sa lalaki ang magpakasal sa babae sa muli hanggang sa makapag-asawa ang babae ng isang lalaking iba sa dating asawa, sa isang kasal na tumpak dahil sa pagkaibig hindi dahil sa layon ng pagpapahintulot na makasal sa dati, at nakikipagtalik naman ang lalaking iyon sa babae sa kasal na ito. Kung nagdiborsiyo sa babae ang kasunod na asawa o namatay ito sa kanya, walang kasalanan sa babae at dating asawa niya na magbalikan silang dalawa sa isang bagong kasal at isang bagong bigay-kaya (mahr) kung nanaig sa palagay nilang dalawa na silang dalawa ay makapagsasagawa sa anumang inoobliga sa kanilang dalawa na mga patakarang pambatas ng Islām. Ang mga patakarang pambatas ng Islām na iyon ay nilinaw ni Allāh sa mga taong umaalam sa mga patakaran Niya at mga hangganan Niya dahil sila ay ang mga makikinabang sa mga ito. info
التفاسير:
بۇ بەتتىكى ئايەتلەردىن ئېلىنغان مەزمۇنلار:
• بيَّن الله تعالى أحكام النكاح والطلاق بيانًا شاملًا حتى يعرف الناس حدود الحلال والحرام فلا يتجاوزونها.
Nilinaw ni Allāh – pagkataas-taas Siya – ang mga patakaran ng kasal at diborsiyo sa isang masaklaw na paglilinaw upang makaalam ang mga tao sa mga hangganan ng ipinahihintulot at ipinagbabawal para hindi sila lumampas sa mga ito. info

• عظَّم الله شأن النكاح وحرم التلاعب فيه بالألفاظ فجعلها ملزمة، وألغى التلاعب بكثرة الطلاق والرجعة فجعل لها حدًّا بطلقتين رجعيتين ثم تحرم عليه إلا أن تنكح زوجا غيره ثم يطلقها، أو يموت عنها.
Dumakila si Allāh sa kahalagahan ng pag-aasawa at nagbawal Siya sa paglalaru-laro rito sa mga pananalita kaya ginawa Niya ang mga ito na mga nag-oobliga. Nagpawalang-saysay Siya sa paglalaru-laro ng dalas ng pagdidiborsiyo at pagbabalikan kaya gumawa Siya para rito ng hangganan na dalawang pagdidiborsiyong makapagbabalikan. Pagkatapos ipagbabawal ang babae sa lalaki malibang mag-asawa siya ng lalaking iba pa sa asawa niya, pagkatapos magdiborsiyo ito sa kanya o mamatayan siya nito. info

• المعاشرة الزوجية تكون بالمعروف، فإن تعذر ذلك فلا بأس من الطلاق، ولا حرج على أحد الزوجين أن يطلبه.
Ang pagsasamang pangmag-asawa ay ayon sa nakabubuti. Kaya kung naging imposible iyon ay walang masama sa diborsiyo at walang pagkaasiwa sa isa sa mag-asawa na humiling nito. info