قۇرئان كەرىم مەنىلىرىنىڭ تەرجىمىسى - پىلىپپىنچە تەرجىمىسى (تجالۇچ ) قۇرئان كەرىم قىسقىچە تەپسىرى

بەت نومۇرى:close

external-link copy
97 : 17

وَمَن يَهۡدِ ٱللَّهُ فَهُوَ ٱلۡمُهۡتَدِۖ وَمَن يُضۡلِلۡ فَلَن تَجِدَ لَهُمۡ أَوۡلِيَآءَ مِن دُونِهِۦۖ وَنَحۡشُرُهُمۡ يَوۡمَ ٱلۡقِيَٰمَةِ عَلَىٰ وُجُوهِهِمۡ عُمۡيٗا وَبُكۡمٗا وَصُمّٗاۖ مَّأۡوَىٰهُمۡ جَهَنَّمُۖ كُلَّمَا خَبَتۡ زِدۡنَٰهُمۡ سَعِيرٗا

Ang sinumang itinutuon ni Allāh sa kapatnubayan, siya ay ang napapatnubayan nang totohanan; ngunit ang sinumang itinatatwa Niya palayo roon at inililigaw Niya ay hindi ka makatatagpo, O Sugo, para sa kanila ng mga katangkilik na papatnubay sa kanila tungo sa katotohanan, magtutulak palayo sa kanila ng kapinsalaan, at magdudulot sa kanila ng pakinabang. Kakalap Kami sa kanila sa Araw ng Pagbangon habang kinakaladkad sila sa mga mukha nila nang hindi nakakikita, hindi nakabibigkas, at hindi nakaririnig. Ang tuluyan nila na kakanlungan nila ay Impiyerno, na sa tuwing tumitighaw ang lagablab nito ay nagdaragdag Kami sa kanila ng pagliliyab. info
التفاسير:

external-link copy
98 : 17

ذَٰلِكَ جَزَآؤُهُم بِأَنَّهُمۡ كَفَرُواْ بِـَٔايَٰتِنَا وَقَالُوٓاْ أَءِذَا كُنَّا عِظَٰمٗا وَرُفَٰتًا أَءِنَّا لَمَبۡعُوثُونَ خَلۡقٗا جَدِيدًا

Ang pagdurusang iyon na makakatagpo nila ay ang ganti sa kanila dahilan sa kawalang-pananampalataya nila sa mga tanda Naming pinababa sa Sugo Namin at dahil sa pagsasabi nila bilang pagtuturing ng pagkaimposible ng pagkabuhay: "Kapag ba namatay kami at naging mga butong bulok at mga pira-pirasong nalansag, bubuhayin ba kami matapos niyon bilang nilikhang bago?" info
التفاسير:

external-link copy
99 : 17

۞ أَوَلَمۡ يَرَوۡاْ أَنَّ ٱللَّهَ ٱلَّذِي خَلَقَ ٱلسَّمَٰوَٰتِ وَٱلۡأَرۡضَ قَادِرٌ عَلَىٰٓ أَن يَخۡلُقَ مِثۡلَهُمۡ وَجَعَلَ لَهُمۡ أَجَلٗا لَّا رَيۡبَ فِيهِ فَأَبَى ٱلظَّٰلِمُونَ إِلَّا كُفُورٗا

Hindi ba nakaalam ang mga tagapagkailang ito ng pagkabuhay na si Allāh na lumikha sa mga langit at lupa sa kabila ng kalakihan ng mga ito ay nakakakaya na lumikha ng tulad nila sapagkat ang sinumang nakakaya sa paglikha ng isang malaki ay nakakakaya sa paglikha ng maliit pa roon. Gumawa nga si Allāh para sa kanila sa Mundo ng isang oras na tinakdaan na magwawakas doon ang buhay nila at gumawa Siya para sa kanila ng isang taning para sa pagbubuhay sa kanila, na walang pagdududa hinggil doon. Sa kabila ng paglitaw ng mga patunay sa pagkabuhay, tumanggi [sa anuman] ang mga tagapagtambal maliban sa pagkakaila sa pagkabuhay sa kabila ng kaliwanagan ng mga patunay rito. info
التفاسير:

external-link copy
100 : 17

قُل لَّوۡ أَنتُمۡ تَمۡلِكُونَ خَزَآئِنَ رَحۡمَةِ رَبِّيٓ إِذٗا لَّأَمۡسَكۡتُمۡ خَشۡيَةَ ٱلۡإِنفَاقِۚ وَكَانَ ٱلۡإِنسَٰنُ قَتُورٗا

Sabihin mo, O Sugo, sa mga tagapagtambal na ito: "Kung sakaling nangyaring kayo ay nagmamay-ari ng mga imbakan ng awa ng Panginoon ko na hindi nauubos ni nagwawakas, samakatuwid talaga sanang nagpigil kayo sa paggugol nito dala ng pangamba sa pagkaubos nito upang hindi kayo maging mga maralita." Bahagi ng kalikasan ng tao ay na siya ay maramot maliban kung siya ay naging isang mananampalataya sapagkat siya ay gumugugol dala ng pag-asa sa gantimpala ni Allāh. info
التفاسير:

external-link copy
101 : 17

وَلَقَدۡ ءَاتَيۡنَا مُوسَىٰ تِسۡعَ ءَايَٰتِۭ بَيِّنَٰتٖۖ فَسۡـَٔلۡ بَنِيٓ إِسۡرَٰٓءِيلَ إِذۡ جَآءَهُمۡ فَقَالَ لَهُۥ فِرۡعَوۡنُ إِنِّي لَأَظُنُّكَ يَٰمُوسَىٰ مَسۡحُورٗا

Talaga ngang nagbigay Kami kay Moises ng siyam na patunay na maliwanag na sumasaksi para sa kanya. Ang mga ito ay ang tungkod, ang [puting] kamay, ang mga taon [ng tagtuyot], ang kakulangan ng mga bunga, ang baha, ang mga balang, ang mga kuto, ang mga palaka, at ang dugo. Kaya magtanong ka, O Sugo, sa mga Hudyo nang naghatid si Moises sa mga ninuno nila ng mga tandang iyon saka nagsabi sa kanya si Paraon: "Tunay na ako ay talagang nagpapalagay na ikaw, O Moises, ay isang lalaking nagaway dahil sa inilahad mo na mga kataka-taka." info
التفاسير:

external-link copy
102 : 17

قَالَ لَقَدۡ عَلِمۡتَ مَآ أَنزَلَ هَٰٓؤُلَآءِ إِلَّا رَبُّ ٱلسَّمَٰوَٰتِ وَٱلۡأَرۡضِ بَصَآئِرَ وَإِنِّي لَأَظُنُّكَ يَٰفِرۡعَوۡنُ مَثۡبُورٗا

Nagsabi si Moises bilang tugon kay Paraon: "Talaga ngang natiyak mo, O Paraon, na walang nagpababa sa mga tandang ito kundi si Allāh, ang Panginoon ng mga langit at lupa. Nagpababa Siya sa mga ito bilang mga pagpapatunay sa kakayahan Niya at sa katapatan ng Sugo Niya subalit ikaw ay tumanggi. Tunay na ako ay talagang nakaaalam na ikaw, O Paraon, ay napapahamak na lugi." info
التفاسير:

external-link copy
103 : 17

فَأَرَادَ أَن يَسۡتَفِزَّهُم مِّنَ ٱلۡأَرۡضِ فَأَغۡرَقۡنَٰهُ وَمَن مَّعَهُۥ جَمِيعٗا

Kaya nagnais si Paraon na magparusa kay Moises – sumakanya ang pagbati ng kapayapaan – at sa mga tao niya sa pamamagitan ng pagpapalabas sa kanila mula sa Ehipto, kaya nagpahamak Kami kay Paraon at sa sinumang kasama sa kanya kabilang sa mga hukbo Niya sa kalahatan sa pamamagitan ng pagkalunod. info
التفاسير:

external-link copy
104 : 17

وَقُلۡنَا مِنۢ بَعۡدِهِۦ لِبَنِيٓ إِسۡرَٰٓءِيلَ ٱسۡكُنُواْ ٱلۡأَرۡضَ فَإِذَا جَآءَ وَعۡدُ ٱلۡأٓخِرَةِ جِئۡنَا بِكُمۡ لَفِيفٗا

Nagsabi Kami, noong matapos ng pagpapahamak kay Paraon at sa mga hukbo niya, sa mga anak ni Israel: "Tumahan kayo sa lupain ng Sirya saka kapag nangyari ang Araw ng Pagbangon, maghahatid Kami sa inyo sa kalahatan patungo sa Pinagkakalapan para sa pagtutuos." info
التفاسير:
بۇ بەتتىكى ئايەتلەردىن ئېلىنغان مەزمۇنلار:
• الله تعالى هو المنفرد بالهداية والإضلال، فمن يهده فهو المهتدي على الحقيقة، ومن يضلله ويخذله فلا هادي له.
Si Allāh – pagkataas-taas Siya – ay ang namumukod-tangi sa pagpapatnubay at pagpapaligaw sapagkat ang sinumang pinapatnubayan Niya, ito ay ang napatnubayan sa katotohanan at ang sinumang pinaligaw Niya at ipinagkanulo Niya ay walang tagapagpatnubay rito. info

• مأوى الكفار ومستقرهم ومقامهم جهنم، كلما سكنت نارها زادها الله نارًا تلتهب.
Ang kakanlungan ng mga tagatangging sumampalataya, ang titigilan nila, at ang tatayuan nila ay Impiyerno. Sa tuwing tumitila ang apoy nito ay dinaragdagan ito ni Allāh ng apoy na nagliliyab. info

• وجوب الاعتصام بالله عند تهديد الطغاة والمُسْتَبدين.
Ang pagkatungkulin ng pangungunyapit kay Allāh sa sandali ng pagbabanta ng mga naghahari-harian at mga maniniil. info

• الطغاة والمُسْتَبدون يلجؤون إلى استخدام السلطة والقوة عندما يواجهون أهل الحق؛ لأنهم لا يستطيعون مواجهتهم بالحجة والبيان.
Ang mga naghahari-harian at ang mga maniniil ay dumudulog sa paggamit ng kapangyarihan at lakas kapag nakikipagharap sila sa mga alagad ng katotohanan dahil sila ay hindi nakakakaya sa pakikipagharap sa kanila sa pamamagitan ng katwiran at pahayag. info