قۇرئان كەرىم مەنىلىرىنىڭ تەرجىمىسى - پىلىپپىنچە تەرجىمىسى (تجالۇچ ) قۇرئان كەرىم قىسقىچە تەپسىرى

بەت نومۇرى:close

external-link copy
23 : 12

وَرَٰوَدَتۡهُ ٱلَّتِي هُوَ فِي بَيۡتِهَا عَن نَّفۡسِهِۦ وَغَلَّقَتِ ٱلۡأَبۡوَٰبَ وَقَالَتۡ هَيۡتَ لَكَۚ قَالَ مَعَاذَ ٱللَّهِۖ إِنَّهُۥ رَبِّيٓ أَحۡسَنَ مَثۡوَايَۖ إِنَّهُۥ لَا يُفۡلِحُ ٱلظَّٰلِمُونَ

Hiniling ng maybahay ng Makapangyarihan nang may lumanay at paggamit ng panggugulang kay Jose – sumakanya ang pagbati ng kapayapaan – na gumawa ng mahalay. Nagsara ito ng mga pinto bilang pagpapasidhi sa pagsasarilinan at nagsabi ito sa kanya: "Pumarito ka at halika ka sa akin!" Kaya nagsabi si Jose: "Nagpapasanggalang ako kay Allāh laban sa pag-anyaya mo sa akin! Tunay na ang amo ko ay gumawa ng maganda sa akin sa pagpapanatili sa akin sa piling niya kaya hindi ako magtataksil sa kanya sapagkat kung nagtaksil ako sa kanya, ako ay magiging isang tagalabag sa katarungan. Tunay na hindi nagtatamo ang mga tagalabag sa katarungan." info
التفاسير:

external-link copy
24 : 12

وَلَقَدۡ هَمَّتۡ بِهِۦۖ وَهَمَّ بِهَا لَوۡلَآ أَن رَّءَا بُرۡهَٰنَ رَبِّهِۦۚ كَذَٰلِكَ لِنَصۡرِفَ عَنۡهُ ٱلسُّوٓءَ وَٱلۡفَحۡشَآءَۚ إِنَّهُۥ مِنۡ عِبَادِنَا ٱلۡمُخۡلَصِينَ

Talaga ngang napaibig ang sarili nito sa paggawa ng mahalay; at sumagi sa sarili ni Jose mismo iyon, kung sakaling hindi siya nakakita ng mula sa mga tanda ni Allāh, na pumipigil sa kanya roon at naglalayo sa kanya. Ipinakita nga sa kanya ni Allāh iyon upang alisin sa kanya ang kasagwaan at ilayo siya sa pangangalunya at pagtataksil. Tunay na si Jose ay kabilang sa mga lingkod ni Allāh na mga pinili para sa pagkasugo at pagkapropeta. info
التفاسير:

external-link copy
25 : 12

وَٱسۡتَبَقَا ٱلۡبَابَ وَقَدَّتۡ قَمِيصَهُۥ مِن دُبُرٖ وَأَلۡفَيَا سَيِّدَهَا لَدَا ٱلۡبَابِۚ قَالَتۡ مَا جَزَآءُ مَنۡ أَرَادَ بِأَهۡلِكَ سُوٓءًا إِلَّآ أَن يُسۡجَنَ أَوۡ عَذَابٌ أَلِيمٞ

Nag-unahan silang dalawa patungo sa pintuan: si Jose upang magligtas siya sa sarili niya at ang babae upang pumigil ito sa kanya sa paglabas, saka humawak ito sa kamisa niya upang pumigil sa kanya sa paglabas kaya nakawarat ito roon mula sa likuran niyon. Nakatagpo silang dalawa sa asawa nito sa tabi ng pinto. Nagsabi ang maybahay ng Makapangyarihan sa Makapangyarihan habang nanggugulang: "Walang iba ang parusa sa sinumang naglayon sa maybahay mo, O Makapangyarihan, ng paggawa ng mahalay kundi ang pagkabilanggo o na pagdusahin ng isang pagdurusang nakasasakit." info
التفاسير:

external-link copy
26 : 12

قَالَ هِيَ رَٰوَدَتۡنِي عَن نَّفۡسِيۚ وَشَهِدَ شَاهِدٞ مِّنۡ أَهۡلِهَآ إِن كَانَ قَمِيصُهُۥ قُدَّ مِن قُبُلٖ فَصَدَقَتۡ وَهُوَ مِنَ ٱلۡكَٰذِبِينَ

Nagsabi si Yusuf – sumakanya ang pagbati ng kapayapaan: "Siya ang humiling mula sa akin ng mahalay at hindi ako nagnais niyon mula sa kanya." May naudyukan na isang paslit kabilang sa kasambahay nito, saka sumaksi iyon sa pagsabi niyon: "Kung ang kamisa ni Yusuf ay nawarat mula sa harapan niyon, iyon ay isang kaugnay na patunay sa katapatan nito (babae) dahil ito ay nagtatanggol sa kanya ng sarili nito kaya siya ay sinungaling."
info
التفاسير:

external-link copy
27 : 12

وَإِن كَانَ قَمِيصُهُۥ قُدَّ مِن دُبُرٖ فَكَذَبَتۡ وَهُوَ مِنَ ٱلصَّٰدِقِينَ

Kung nangyaring ang kamisa niya ay nawarat mula sa likuran niyon, iyon ay isang kaugnay na patunay sa katapatan niya dahil ito noon ay nagtatangkang mang-akit sa kanya at siya naman ay tumatakas palayo rito, kaya ito ay sinungaling." info
التفاسير:

external-link copy
28 : 12

فَلَمَّا رَءَا قَمِيصَهُۥ قُدَّ مِن دُبُرٖ قَالَ إِنَّهُۥ مِن كَيۡدِكُنَّۖ إِنَّ كَيۡدَكُنَّ عَظِيمٞ

Kaya noong nakasaksi ang Makapangyarihan na ang kamisa ni Jose – sumakanya ang pagbati ng kapayapaan – ay nawarat mula sa likuran nito, nagpatotoo ito sa katapatan ni Jose at nagsabi iyon: "Tunay na ang paninirang-puring ito na ipinanirang-puri mo sa kanya ay bahagi ng kabuuan ng pakana ninyo, O katipunan ng mga babae; tunay na ang panlalansi ninyo [na mga babae] ay panlalansing malakas. info
التفاسير:

external-link copy
29 : 12

يُوسُفُ أَعۡرِضۡ عَنۡ هَٰذَاۚ وَٱسۡتَغۡفِرِي لِذَنۢبِكِۖ إِنَّكِ كُنتِ مِنَ ٱلۡخَاطِـِٔينَ

Nagsabi siya kay Jose: "O Jose, magwalang-bahala ka tungkol sa usaping ito at huwag kang bumanggit nito sa isa man. [Maybahay,] humiling ka ng kapatawaran sa kasalanan mo! Tunay na ikaw ay kabilang sa mga nagkakasala dahilan sa pagtatangkang mang-akit kay Jose palayo sa sarili niya." info
التفاسير:

external-link copy
30 : 12

۞ وَقَالَ نِسۡوَةٞ فِي ٱلۡمَدِينَةِ ٱمۡرَأَتُ ٱلۡعَزِيزِ تُرَٰوِدُ فَتَىٰهَا عَن نَّفۡسِهِۦۖ قَدۡ شَغَفَهَا حُبًّاۖ إِنَّا لَنَرَىٰهَا فِي ضَلَٰلٖ مُّبِينٖ

Lumaganap ang ulat hinggil sa kanya sa lungsod at may nagsabing isang pangkatin ng mga babae bilang pagmamasama: "Ang maybahay ng Makapangyarihan ay nag-anyaya ng alipin niya para sa sarili niya. Umabot ang pag-ibig doon sa pagkahumaling ng puso niya. Tunay na kami ay talagang nagtuturing sa kanya – dahilan sa pagtatangka niyang mang-akit doon at sa pag-ibig niya roon gayong iyon ay alipin niya – na nasa isang pagkaligaw na maliwanag." info
التفاسير:
بۇ بەتتىكى ئايەتلەردىن ئېلىنغان مەزمۇنلار:
• قبح خيانة المحسن في أهله وماله، الأمر الذي ذكره يوسف من جملة أسباب رفض الفاحشة.
Ang kapangitan ng pagtataksil sa tagagawa ng maganda kaugnay sa asawa nito at yaman nito, na bagay na binanggit ni Jose kabilang sa kabuuan ng mga kadahilanan ng pagtanggi sa mahalay. info

• بيان عصمة الأنبياء وحفظ الله لهم من الوقوع في السوء والفحشاء.
Ang paglilinaw sa pagsanggalang sa mga propeta at pag-iingat ni Allāh sa kanila sa pagkakasadlak sa kasagwaan at kahalayan. info

• وجوب دفع الفاحشة والهرب والتخلص منها.
Ang pagkatungkulin ng pagtulak sa mahalay, at ang pagtakas at ang pagwawaksi rito. info

• مشروعية العمل بالقرائن في الأحكام.
Ang pagkaisinasabatas ng paggawa nang may mga kaugnay na patunay sa mga patakaran. info