قۇرئان كەرىم مەنىلىرىنىڭ تەرجىمىسى - پىلىپپىنچە تەرجىمىسى (تجالۇچ ) قۇرئان كەرىم قىسقىچە تەپسىرى

بەت نومۇرى:close

external-link copy
89 : 11

وَيَٰقَوۡمِ لَا يَجۡرِمَنَّكُمۡ شِقَاقِيٓ أَن يُصِيبَكُم مِّثۡلُ مَآ أَصَابَ قَوۡمَ نُوحٍ أَوۡ قَوۡمَ هُودٍ أَوۡ قَوۡمَ صَٰلِحٖۚ وَمَا قَوۡمُ لُوطٖ مِّنكُم بِبَعِيدٖ

O mga kalipi ko, huwag ngang magbubuyo sa inyo ang pangangaway sa akin sa pagpapasinungaling sa inihatid ko, sa pangambang baka may umabot sa inyo na pagdurusang tulad ng umabot sa mga tao ni Noe o mga kalipi ni Hūd o mga kalipi ni Ṣāliḥ. Ang mga kababayan ni Lot mula sa inyo ay hindi malayo sa panahon ni sa lugar. Nalaman na ninyo ang tumama sa kanila kaya magsaalang-alang kayo. info
التفاسير:

external-link copy
90 : 11

وَٱسۡتَغۡفِرُواْ رَبَّكُمۡ ثُمَّ تُوبُوٓاْ إِلَيۡهِۚ إِنَّ رَبِّي رَحِيمٞ وَدُودٞ

Humiling kayo ng kapatawaran mula sa Panginoon ninyo, pagkatapos magbalik-loob kayo sa Kanya mula sa mga pagkakasala ninyo. Tunay na ang Panginoon ko ay Maawain sa mga nagbabalik-loob, matindi ang pag-ibig sa sinumang nagbalik-loob kabilang sa kanila." info
التفاسير:

external-link copy
91 : 11

قَالُواْ يَٰشُعَيۡبُ مَا نَفۡقَهُ كَثِيرٗا مِّمَّا تَقُولُ وَإِنَّا لَنَرَىٰكَ فِينَا ضَعِيفٗاۖ وَلَوۡلَا رَهۡطُكَ لَرَجَمۡنَٰكَۖ وَمَآ أَنتَ عَلَيۡنَا بِعَزِيزٖ

Nagsabi ang mga kalipi ni Shu`ayb kay Shu`ayb: "O Shu`ayb, hindi kami nakaiintindi sa marami sa inihatid mo. Tunay na kami ay talagang nagtuturing sa iyo sa gitna namin bilang may kahinaan dahil sa dumapo sa mata mo na kahinaan o pagkabulag. Kung hindi dahil ang angkan mo ay nasa kapaniwalaan namin, talaga sanang pinatay ka namin sa pamamagitan ng paghagis ng bato. Hindi ka sa amin isang kagalang-galang upang masindak kami sa pagpatay sa iyo. Nagsaisang-tabi lamang kami ng pagpatay sa iyo bilang paggalang sa angkan mo." info
التفاسير:

external-link copy
92 : 11

قَالَ يَٰقَوۡمِ أَرَهۡطِيٓ أَعَزُّ عَلَيۡكُم مِّنَ ٱللَّهِ وَٱتَّخَذۡتُمُوهُ وَرَآءَكُمۡ ظِهۡرِيًّاۖ إِنَّ رَبِّي بِمَا تَعۡمَلُونَ مُحِيطٞ

Nagsabi si Shu`ayb sa mga kalipi niya: "O mga kalipi ko, ang angkan ko ba ay higit na marangal sa inyo kaysa kay Allāh na Panginoon ninyo? Umiwan kayo kay Allāh sa likuran ninyo nang pabalibag nang hindi kayo sumampalataya sa propeta Niya na ipinadala Niya sa inyo. Tunay na ang Panginoon ko, sa anumang ginagawa ninyo, ay Tagasaklaw: walang nakakukubli sa Kanya na anuman sa mga gawa ninyo. Gaganti Siya sa inyo sa mga ito sa Mundo sa pamamagitan ng pagpapahamak at sa Kabilang-buhay sa pamamagitan ng pagdurusa. info
التفاسير:

external-link copy
93 : 11

وَيَٰقَوۡمِ ٱعۡمَلُواْ عَلَىٰ مَكَانَتِكُمۡ إِنِّي عَٰمِلٞۖ سَوۡفَ تَعۡلَمُونَ مَن يَأۡتِيهِ عَذَابٞ يُخۡزِيهِ وَمَنۡ هُوَ كَٰذِبٞۖ وَٱرۡتَقِبُوٓاْ إِنِّي مَعَكُمۡ رَقِيبٞ

O mga kalipi ko, gumawa kayo ayon sa nakakaya ninyo ayon sa paraan ninyo na kinalugdan ninyo; tunay na ako ay gumagawa ayon sa paraan ko na kinalugdan ko ayon sa nakakaya ko. Malalaman ninyo kung sino sa atin ang pupuntahan ng isang pagdurusang mang-aaba sa kanya bilang parusa para sa kanya at kung sino sa atin ang siyang sinungaling sa inaangkin niya. Kaya maghintay kayo sa itatadhana ni Allāh; tunay na ako kasama sa inyo ay naghihintay." info
التفاسير:

external-link copy
94 : 11

وَلَمَّا جَآءَ أَمۡرُنَا نَجَّيۡنَا شُعَيۡبٗا وَٱلَّذِينَ ءَامَنُواْ مَعَهُۥ بِرَحۡمَةٖ مِّنَّا وَأَخَذَتِ ٱلَّذِينَ ظَلَمُواْ ٱلصَّيۡحَةُ فَأَصۡبَحُواْ فِي دِيَٰرِهِمۡ جَٰثِمِينَ

Noong dumating ang utos Namin ng pagpapahamak sa mga kalipi ni Shu`ayb ay sumagip Kami kay Shu`ayb at sa mga sumampalataya kasama sa kanya sa pamamagitan ng isang awa mula sa Amin. Tinamaan ang mga lumabag sa katarungan kabilang sa mga kalipi niya ng isang matinding nagpapahamak na tunog kaya namatay sila. Sila ay naging mga nakahandusay sa mga mukha nila. Kumapit nga ang mga mukha nila sa alabok. info
التفاسير:

external-link copy
95 : 11

كَأَن لَّمۡ يَغۡنَوۡاْ فِيهَآۗ أَلَا بُعۡدٗا لِّمَدۡيَنَ كَمَا بَعِدَتۡ ثَمُودُ

Para bang hindi sila namalagi roon noon pa man. Pansinin, itinaboy ang Madyan mula sa awa ni Allāh sa pamamagitan ng pagsapit ng paghihiganti Niya sa kanila, kung paanong itinaboy mula roon ang [liping] Thamūd sa pamamagitan ng pagpapababa ng pagkayamot Niya sa kanila. info
التفاسير:

external-link copy
96 : 11

وَلَقَدۡ أَرۡسَلۡنَا مُوسَىٰ بِـَٔايَٰتِنَا وَسُلۡطَٰنٖ مُّبِينٍ

Talaga ngang nagsugo si Allāh kay Moises kalakip ng mga tanda Niyang nagpapatunay sa paniniwala sa kaisahan ni Allāh at kalakip ng mga katwirang maliwanag na nagpapatunay sa katapatan ng inihatid ni Moises. info
التفاسير:

external-link copy
97 : 11

إِلَىٰ فِرۡعَوۡنَ وَمَلَإِيْهِۦ فَٱتَّبَعُوٓاْ أَمۡرَ فِرۡعَوۡنَۖ وَمَآ أَمۡرُ فِرۡعَوۡنَ بِرَشِيدٖ

Nagsugo si Allāh kay Moises kay Paraon at sa mga maharlika kabilang sa mga tao nito, ngunit sumunod ang mga maharlikang ito sa utos ni Paraon sa kanila ng kawalang-pananampalataya kay Allāh. Ang utos ni Paraon ay hindi utos na may pag-ayon sa katotohanan upang sundin. info
التفاسير:
بۇ بەتتىكى ئايەتلەردىن ئېلىنغان مەزمۇنلار:
• ذمّ الجهلة الذين لا يفقهون عن الأنبياء ما جاؤوا به من الآيات.
Ang pagpula sa mga mangmang na hindi nakauunawa buhat sa mga propeta ng inihatid ng mga ito na mga tanda. info

• ذمّ وتسفيه من اشتغل بأوامر الناس، وأعرض عن أوامر الله.
Ang pagpula at ang pagtuturing na hunghang sa sinumang nagpakaabala sa mga utos ng tao at umayaw sa mga utos ni Allāh. info

• بيان دور العشيرة في نصرة الدعوة والدعاة.
Ang paglilinaw sa ginagampanan ng angkan sa pag-adya sa pag-aanyaya at tagapag-anyaya [sa pananampalataya]. info

• طرد المشركين من رحمة الله تعالى.
Ang pagtataboy sa mga tagapagtambal mula sa awa ni Allāh – pagkataas-taas Siya. info