Salin ng mga Kahulugan ng Marangal na Qur'an - Salin sa Wikang Filipino (Tagalog) ng Al-Mukhtasar fī Tafsīr Al-Qur’an Al-Karīm

Numero ng Pahina:close

external-link copy
188 : 7

قُل لَّآ أَمۡلِكُ لِنَفۡسِي نَفۡعٗا وَلَا ضَرًّا إِلَّا مَا شَآءَ ٱللَّهُۚ وَلَوۡ كُنتُ أَعۡلَمُ ٱلۡغَيۡبَ لَٱسۡتَكۡثَرۡتُ مِنَ ٱلۡخَيۡرِ وَمَا مَسَّنِيَ ٱلسُّوٓءُۚ إِنۡ أَنَا۠ إِلَّا نَذِيرٞ وَبَشِيرٞ لِّقَوۡمٖ يُؤۡمِنُونَ

Sabihin mo, O Muḥammad: "Hindi ko nakakaya ng pagdulot ng kabutihan para sa sarili ko ni pagpawi ng kasamaan dito maliban sa niloob ni Allāh. Iyon ay kay Allāh lamang. Wala akong nalalaman maliban sa itinuro sa akin ni Allāh kaya hindi ko nalalaman ang Lingid. Kung sakaling nangyaring nalalaman ko ang Lingid, talaga sanang gumawa ako ng mga kadahilanan na nalalaman ko na ang mga ito ay magdudulot para sa akin ng mga kapakanan at magtutulak palayo sa akin ng mga katiwalian dahil sa pagkakaalam ko sa mga bagay-bagay bago ng pangyayari ng mga ito at sa pagkakaalam ko sa anumang kauuwian ng mga ito. Walang iba ako kundi isang Sugo mula sa ganang kay Allāh. Nagpapangamba ako ng parusa Niyang masakit. Nagbabalita ako ng nakalulugod na gantimpala Niyang marangal sa mga taong sumasampalataya na ako ay isang Sugo mula sa Kanya – kaluwalhatian sa Kanya at pagkataas-taas Siya – at naniniwala sa anumang inihatid ko." info
التفاسير:

external-link copy
189 : 7

۞ هُوَ ٱلَّذِي خَلَقَكُم مِّن نَّفۡسٖ وَٰحِدَةٖ وَجَعَلَ مِنۡهَا زَوۡجَهَا لِيَسۡكُنَ إِلَيۡهَاۖ فَلَمَّا تَغَشَّىٰهَا حَمَلَتۡ حَمۡلًا خَفِيفٗا فَمَرَّتۡ بِهِۦۖ فَلَمَّآ أَثۡقَلَت دَّعَوَا ٱللَّهَ رَبَّهُمَا لَئِنۡ ءَاتَيۡتَنَا صَٰلِحٗا لَّنَكُونَنَّ مِنَ ٱلشَّٰكِرِينَ

Siya ay ang nagpairal sa inyo, O mga lalaki at mga babae, mula sa nag-iisang kaluluwa, si Adan – sumakanya ang pagbati ng kapayapaan. Lumikha Siya mula kay Adan – sumakanya ang pagbati ng kapayapaan – ng maybahay nitong si Eva. Lumikha Siya kay Eva mula sa tadyang ni Adan upang mapalagay at mapanatag si Adan kay Eva. Kaya noong nakipagtalik ang asawa sa maybahay nito ay nagbuntis iyon ng isang magaang pagbubuntis na hindi nararamdaman niyon dahil ito ay nasa pagsisimula nito. Nagpatuloy iyon sa pagbubuntis na ito habang nagtuluy-tuloy sa mga pangangailangan niyon nang hindi nakadarama ng kabigatan. Ngunit noong nabigatan iyon dito nang lumaki ito sa tiyan niyon, nanalangin ang mag-asawa sa Panginoon nilang dalawa habang mga nagsasabi: "Talagang kung magbibigay Ka sa amin, O Panginoon namin, ng isang anak na maayos ang pagkalikha, na lubos dito, talagang kami nga ay magiging kabilang sa mga tagapagpasalamat sa mga biyaya Mo." info
التفاسير:

external-link copy
190 : 7

فَلَمَّآ ءَاتَىٰهُمَا صَٰلِحٗا جَعَلَا لَهُۥ شُرَكَآءَ فِيمَآ ءَاتَىٰهُمَاۚ فَتَعَٰلَى ٱللَّهُ عَمَّا يُشۡرِكُونَ

Ngunit noong tumugon si Allāh sa panalangin nilang dalawa at nagbigay Siya sa kanilang dalawa ng isang anak na maayos gaya ng ipinanalangin nilang dalawa kay Allāh, gumawa silang dalawa para kay Allāh ng mga katambal kaugnay sa ipinagkaloob Niya sa kanilang dalawa. Nagpangalan silang dalawa sa anak nilang dalawa ng pagkaalipin sa iba pa sa Kanya. Nagpangalan silang dalawa dito ng `Abdul-Ḥārith (Alipin ni Ḥārith), ngunit pagkataas-taas si Allāh at nagpawalang-kinalaman sa bawat katambal sapagkat Siya ay ang namumukod-tangi sa pagkapanginoon at pagkadiyos. info
التفاسير:

external-link copy
191 : 7

أَيُشۡرِكُونَ مَا لَا يَخۡلُقُ شَيۡـٔٗا وَهُمۡ يُخۡلَقُونَ

Gumagawa ba sila sa mga anitong ito at iba pa sa mga ito bilang mga katambal para kay Allāh sa pagsamba samantalang sila ay nakaaalam na ang mga ito ay hindi lumilikha ng anuman para maging karapat-dapat sa pagsamba? Bagkus ang mga ito ay mga nilikha, kaya papaano silang gumagawa sa mga ito bilang mga katambal para kay Allāh? info
التفاسير:

external-link copy
192 : 7

وَلَا يَسۡتَطِيعُونَ لَهُمۡ نَصۡرٗا وَلَآ أَنفُسَهُمۡ يَنصُرُونَ

Hindi nakakakaya ang mga sinasambang ito ng pag-aadya sa mga tagasamba sa mga ito, at hindi nakakakaya sa pag-aadya sa mga sarili ng mga ito, kaya papaanong sumasamba sila sa mga ito? info
التفاسير:

external-link copy
193 : 7

وَإِن تَدۡعُوهُمۡ إِلَى ٱلۡهُدَىٰ لَا يَتَّبِعُوكُمۡۚ سَوَآءٌ عَلَيۡكُمۡ أَدَعَوۡتُمُوهُمۡ أَمۡ أَنتُمۡ صَٰمِتُونَ

Kung mag-aanyaya kayo, O mga tagapagtambal, sa mga anitong ito na ginagawa ninyo bilang mga diyos bukod pa kay Allāh tungo sa patnubay ay hindi tutugon ang mga ito sa pag-anyaya ninyo at hindi susunod sa inyo sapagkat magkatulad sa ganang mga ito ang pag-anyaya ninyo sa mga ito at ang pananahimik ninyo sa mga ito dahil ang mga ito ay payak na mga walang-buhay: hindi nag-iisip ang mga ito, hindi nakaririnig ang mga ito, at hindi nagsasalita ang mga ito. info
التفاسير:

external-link copy
194 : 7

إِنَّ ٱلَّذِينَ تَدۡعُونَ مِن دُونِ ٱللَّهِ عِبَادٌ أَمۡثَالُكُمۡۖ فَٱدۡعُوهُمۡ فَلۡيَسۡتَجِيبُواْ لَكُمۡ إِن كُنتُمۡ صَٰدِقِينَ

Tunay na ang mga sinasamba ninyo, O mga tagapagtambal, bukod pa kay Allāh ay mga nilikha para kay Allāh, na mga minamay-ari para sa Kaya sapagkat sila ay mga tulad ninyo roon bagamat kayo ay higit na mainam sa kalagayan dahil kayo ay mga buhay na nagsasalita, naglalakad, nakaririnig, at nakakikita samantalang ang mga anito ninyo ay hindi gayon. Kaya dumalangin kayo sa kanila at gumanti sila sa inyo ng sagot kung kayo ay mga tapat sa inaangkin ninyo para sa kanila. info
التفاسير:

external-link copy
195 : 7

أَلَهُمۡ أَرۡجُلٞ يَمۡشُونَ بِهَآۖ أَمۡ لَهُمۡ أَيۡدٖ يَبۡطِشُونَ بِهَآۖ أَمۡ لَهُمۡ أَعۡيُنٞ يُبۡصِرُونَ بِهَآۖ أَمۡ لَهُمۡ ءَاذَانٞ يَسۡمَعُونَ بِهَاۗ قُلِ ٱدۡعُواْ شُرَكَآءَكُمۡ ثُمَّ كِيدُونِ فَلَا تُنظِرُونِ

Ang mga anitong ito na ginawa ninyong mga diyos ay mayroon bang mga paang naglalakad sila sa pamamagitan ng mga ito saka nagtatrabaho sila para sa mga pangangailangan ninyo? O mayroon silang mga kamay na tumutulak sila sa inyo sa pamamagitan ng mga ito nang may lakas? O mayroon silang mga matang nakakikita sila sa pamamagitan ng mga ito ng nakalingid sa inyo kaya nagpapabatid sila sa inyo? O mayroon silang mga taingang nakaririnig sila sa pamamagitan ng mga ito ng nakakubli sa inyo kaya nagpaparating sila ng kaalaman dito para sa inyo? Kaya kung ang mga ito ay mga inutil doon sa kabuuan niyon, papaanong sumasamba kayo sa mga ito sa pag-asang magtamo ng pakinabang at magtulak ng pinsala? Sabihin mo, O Sugo, sa mga tagapagtambal na ito: "Dumalangin kayo sa mga ipinantay ninyo kay Allāh. Pagkatapos manggulang kayo para makapinsala sa akin at huwag kayong magpalugit sa akin." info
التفاسير:
Ilan sa mga Pakinabang ng mga Ayah sa Pahinang Ito:
• في الآيات بيان جهل من يقصد النبي صلى الله عليه وسلم ويدعوه لحصول نفع أو دفع ضر؛ لأن النفع إنما يحصل من قِبَلِ ما أرسل به من البشارة والنذارة.
Sa mga talata ay may paglilinaw sa kamangmangan ng sinumang tinutukoy ng Propeta – basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan – at inaanyayahan niya para sa pagtamo ng pakinabang at pagtulak ng pinsala dahil ang pakinabang ay natatamo lamang sa pamamagitan ng ipinasugo sa kanya na balitang nakalulugod at babala. info

• جعل الله بمنَّته من نوع الرجل زوجه؛ ليألفها ولا يجفو قربها ويأنس بها؛ لتتحقق الحكمة الإلهية في التناسل.
Gumawa si Allāh, sa pamamagitan ng pagmamagandang-loob Niya, mula sa uri ng lalaki, ng maybahay nito upang mawili ito roon, hindi ito umayaw sa paglapit doon, at mapalagay ito roon upang maisakatuparan ang kasanhiang makadiyos sa pagpaparami ng supling. info

• لا يليق بالأفضل الأكمل الأشرف من المخلوقات وهو الإنسان أن يشتغل بعبادة الأخس والأرذل من الحجارة والخشب وغيرها من الآلهة الباطلة.
Hindi naaangkop sa pinakamainam, pinakalubos, at pinakamaharlika sa mga nilikha, ang tao, na magpakaabala sa pagsamba sa pinakaaba, pinakahamak na bato, kahoy, at iba pa sa mga ito na mga diyos na huwad. info