Salin ng mga Kahulugan ng Marangal na Qur'an - Salin sa Wikang Filipino (Tagalog) ng Al-Mukhtasar fī Tafsīr Al-Qur’an Al-Karīm

Numero ng Pahina:close

external-link copy
156 : 7

۞ وَٱكۡتُبۡ لَنَا فِي هَٰذِهِ ٱلدُّنۡيَا حَسَنَةٗ وَفِي ٱلۡأٓخِرَةِ إِنَّا هُدۡنَآ إِلَيۡكَۚ قَالَ عَذَابِيٓ أُصِيبُ بِهِۦ مَنۡ أَشَآءُۖ وَرَحۡمَتِي وَسِعَتۡ كُلَّ شَيۡءٖۚ فَسَأَكۡتُبُهَا لِلَّذِينَ يَتَّقُونَ وَيُؤۡتُونَ ٱلزَّكَوٰةَ وَٱلَّذِينَ هُم بِـَٔايَٰتِنَا يُؤۡمِنُونَ

Gawin Mo kaming kabilang sa mga pinarangalan Mo sa buhay na ito sa pamamagitan ng mga biyaya at kagalingan at itinuon Mo sa gawang maayos, at kabilang sa mga pinaghandaan Mo ng Paraiso, kabilang sa mga lingkod Mong maayos, sa Kabilang-buhay. Tunay na kami ay nagbalik-loob sa Iyo at bumalik na mga umaamin sa pagkukulang namin." Nagsabi si Allāh: "Ang parusa Ko ay pinatatama Ko sa sinumang niloob Ko na sinumang gumagawa ng mga kadahilanan ng kamiserablehan. Ang awa Ko ay sumaklaw sa bawat bagay sa Mundo, kaya walang nilikha malibang nakarating nga sa kanya ang awa Ko at pinuspos siya ng kabutihang-loob Ko at paggawa Ko ng maganda. Kaya magtatakda Ako ng awa Ko sa Kabilang-buhay para sa mga nangingilag magkasala sa Akin sa pamamagitan ng pagsunod sa mga ipinag-uutos Ko at pag-iwas sa mga sinasaway Ko, [para] sa mga nagbibigay ng zakāh ng mga yaman nila sa mga karapat-dapat sa mga ito, at [para] sa kanila na sa mga tanda Ko ay sumasampalataya. info
التفاسير:

external-link copy
157 : 7

ٱلَّذِينَ يَتَّبِعُونَ ٱلرَّسُولَ ٱلنَّبِيَّ ٱلۡأُمِّيَّ ٱلَّذِي يَجِدُونَهُۥ مَكۡتُوبًا عِندَهُمۡ فِي ٱلتَّوۡرَىٰةِ وَٱلۡإِنجِيلِ يَأۡمُرُهُم بِٱلۡمَعۡرُوفِ وَيَنۡهَىٰهُمۡ عَنِ ٱلۡمُنكَرِ وَيُحِلُّ لَهُمُ ٱلطَّيِّبَٰتِ وَيُحَرِّمُ عَلَيۡهِمُ ٱلۡخَبَٰٓئِثَ وَيَضَعُ عَنۡهُمۡ إِصۡرَهُمۡ وَٱلۡأَغۡلَٰلَ ٱلَّتِي كَانَتۡ عَلَيۡهِمۡۚ فَٱلَّذِينَ ءَامَنُواْ بِهِۦ وَعَزَّرُوهُ وَنَصَرُوهُ وَٱتَّبَعُواْ ٱلنُّورَ ٱلَّذِيٓ أُنزِلَ مَعَهُۥٓ أُوْلَٰٓئِكَ هُمُ ٱلۡمُفۡلِحُونَ

[Sila] ang mga sumusunod kay Muḥammad – basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan. Siya ay ang Propetang iliteratong hindi nakababasa at hindi nakasusulat at kinakasihan lamang ng Panginoon niya. Siya ay ang natatagpuan nila ang pangalan niya, ang paglalarawan sa kanya, at ang pagkapropeta niya na nakasulat sa Torah na pinababa kay Moises – sumakanya ang pagbati ng kapayapaan – at Ebanghelyo na pinababa kay Hesus – sumakanya ang pagbati ng kapayapaan. Nag-uutos siya sa kanila ng nakilala ang kagandahan niyon at ang kaayusan niyon at sumasaway siya sa kanila ng nakilala ang kapangitan niyon sa mga tumpak na pag-iisip at mga matinong naturalesa. Nagpapahintulot siya para sa kanila ng mga minamasarap kabilang sa anumang walang kapinsalaang dulot gaya ng mga makakain, mga maiinom, at mga gawaing pangmag-asawa. Nagbabawal siya sa kanila ng mga itinuturing na karima-rimarim kabilang sa mga iyon. Nag-aalis siya sa kanila ng mga nakaatang na tungkuling mahirap, na sila dati ay inaatangan ng mga ito gaya ng pagkatungkulin ng pagpatay sa pumatay, maging ang pagpatay man ay isang pananadya o isang pagkakamali. Kaya ang mga sumampalataya sa kanya kabilang sa mga anak ni Israel at mga iba pa sa mga ito, dumakila sa kanya, nagpitagan sa kanya, nag-adya sa kanya laban sa nakikipag-away sa kanya kabilang sa mga tagatangging sumampalataya, at sumunod sa Qur'ān na pinababa sa kanya gaya ng liwanag na tagapatnubay, ang mga iyon ay ang mga magtatagumpay na magtatamo ng hinihiling nila at paiiwasin sa pinangingilabutan nila.
info
التفاسير:

external-link copy
158 : 7

قُلۡ يَٰٓأَيُّهَا ٱلنَّاسُ إِنِّي رَسُولُ ٱللَّهِ إِلَيۡكُمۡ جَمِيعًا ٱلَّذِي لَهُۥ مُلۡكُ ٱلسَّمَٰوَٰتِ وَٱلۡأَرۡضِۖ لَآ إِلَٰهَ إِلَّا هُوَ يُحۡيِۦ وَيُمِيتُۖ فَـَٔامِنُواْ بِٱللَّهِ وَرَسُولِهِ ٱلنَّبِيِّ ٱلۡأُمِّيِّ ٱلَّذِي يُؤۡمِنُ بِٱللَّهِ وَكَلِمَٰتِهِۦ وَٱتَّبِعُوهُ لَعَلَّكُمۡ تَهۡتَدُونَ

Sabihin mo, O Sugo: "O mga tao, tunay na ako ay Sugo ni Allāh sa inyo sa kalahatan: sa mga Arabe sa inyo at mga di-Arabe sa inyo, na ukol sa Kanya lamang ang paghahari sa mga langit at ukol sa Kanya ang paghahari sa lupa. Walang sinasamba ayon sa karapatan na iba pa sa Kanya – kaluwalhatian sa Kanya. Nagbibigay-buhay Siya sa mga patay at nagbibigay-kamatayan Siya sa mga buhay. Kaya sumampalataya kayo, O mga tao, kay Allāh at sumampalataya kayo kay Muḥammad – basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan – ang Sugo Niya, ang Propeta na hindi nakababasa at hindi nakasusulat at naghatid lamang ng isang kasi na ikinakasi sa kanya ng Panginoon niya, na sumasampalataya kay Allāh at sumampalataya sa pinababa sa kanya at sa pinababa sa mga propeta noong bago niya, nang walang pagtatangi. Sumunod kayo sa kanya sa inihatid niya mula sa Panginoon niya, sa pag-asang mapatnubayan kayo tungo sa anumang naroon ang mga kapakanan ninyo sa Mundo at Kabilang-buhay." info
التفاسير:

external-link copy
159 : 7

وَمِن قَوۡمِ مُوسَىٰٓ أُمَّةٞ يَهۡدُونَ بِٱلۡحَقِّ وَبِهِۦ يَعۡدِلُونَ

Kabilang sa mga tao ni Moises kabilang sa mga anak ni Israel ay isang pangkat na matuwid sa Tumpak na Relihiyon, na gumagabay sa mga tao roon at humahatol ayon sa katarungan kaya hindi sila nang-aapi. info
التفاسير:
Ilan sa mga Pakinabang ng mga Ayah sa Pahinang Ito:
• تضمَّنت التوراة والإنجيل أدلة ظاهرة على بعثة النبي محمد صلى الله عليه وسلم وعلى صدقه.
Naglaman ang Torah at ang Ebanghelyo ng mga hayag na patunay sa pagpapadala kay Muḥammad – basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan – at sa katapatan niya. info

• رحمة الله وسعت كل شيء، ولكن رحمة الله عباده ذات مراتب متفاوتة، تتفاوت بحسب الإيمان والعمل الصالح.
Ang awa ni Allāh ay sumakop sa bawat bagay, subalit ang awa ni Allāh sa mga lingkod Niya ay may mga antas na nagkakaibahan, na nagkakaibahan alinsunod sa pananampalataya at gawang maayos. info

• الدعاء قد يكون مُجْملًا وقد يكون مُفَصَّلًا حسب الأحوال، وموسى في هذا المقام أجمل في دعائه.
Ang panalangin ay maaaring maging nakabuod at maaaring maging nakadetalye alinsunod sa mga kalagayan. Si Moises sa katayuang ito ay higit na nakabuod sa panalangin niya. info

• من صور عدل الله عز وجل إنصافه للقِلَّة المؤمنة، حيث ذكر صفات بني إسرائيل المنافية للكمال المناقضة للهداية، فربما توهَّم متوهِّم أن هذا يعم جميعهم، فَذَكَر تعالى أن منهم طائفة مستقيمة هادية مهدية.
Kabilang sa mga anyo ng katarungan ni Allāh – kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan – ay ang makatarungang pakikitungo Niya sa minoriyang mananampalataya yayamang bumanggit Siya ng mga katangian ng mga anak ni Israel, na nagkakaila sa kalubusan, na sumasalungat sa kapatnubayan. Kaya marahil hinahaka-haka ng isang tagapaghaka-haka na ito ay sumasakop sa lahat sa kanila, ngunit bumanggit Siya – pagkataas-taas Siya – na kabilang sa kanila ay isang pangkating tuwid, na tagapatnubay na pinapatnubayan. info