పవిత్ర ఖురాన్ యొక్క భావార్థాల అనువాదం - ఫిలిపినో (తగలాగ్) అనువాదం - అల్ ఖుర్ఆన్ అల్ కరీమ్ సంక్షిప్త వ్యాఖ్యాన అనువాదం

పేజీ నెంబరు:close

external-link copy
158 : 3

وَلَئِن مُّتُّمۡ أَوۡ قُتِلۡتُمۡ لَإِلَى ٱللَّهِ تُحۡشَرُونَ

Talagang kung namatay kayo sa alinmang kalagayang nangyari ang kamatayan ninyo o napatay kayo ay talagang tungo kay Allāh lamang pababalikan kayo sa kalahatan upang gumanti Siya sa inyo sa mga gawa ninyo. info
التفاسير:

external-link copy
159 : 3

فَبِمَا رَحۡمَةٖ مِّنَ ٱللَّهِ لِنتَ لَهُمۡۖ وَلَوۡ كُنتَ فَظًّا غَلِيظَ ٱلۡقَلۡبِ لَٱنفَضُّواْ مِنۡ حَوۡلِكَۖ فَٱعۡفُ عَنۡهُمۡ وَٱسۡتَغۡفِرۡ لَهُمۡ وَشَاوِرۡهُمۡ فِي ٱلۡأَمۡرِۖ فَإِذَا عَزَمۡتَ فَتَوَكَّلۡ عَلَى ٱللَّهِۚ إِنَّ ٱللَّهَ يُحِبُّ ٱلۡمُتَوَكِّلِينَ

Kaya dahilan sa isang dakilang awa mula kay Allāh, ang kaasalan mo, O Propeta, ay naging banayad sa mga Kasamahan mo. Kung sakaling ikaw ay naging isang mabalasik sa sinasabi mo at ginagawa mo, na matigas ang puso, ay talaga sanang nagkawatak-watak sila palayo sa iyo. Kaya magpalampas ka sa kanila sa pagkukulang nila sa karapatan mo, humingi ka para sa kanila ng kapatawaran, at humingi ka ng opinyon nila sa nangangailangan ng isang pagsangguni. Kaya kapag pinagtibay mo ang pasya mo sa isang usapin matapos ng pakikipagsanggunian, magpatupad ka nito at manalig ka kay Allāh; tunay na si Allāh ay umiibig sa mga nananalig sa Kanya kaya nagtutuon Siya sa kanila at nag-aayuda Siya sa kanila. info
التفاسير:

external-link copy
160 : 3

إِن يَنصُرۡكُمُ ٱللَّهُ فَلَا غَالِبَ لَكُمۡۖ وَإِن يَخۡذُلۡكُمۡ فَمَن ذَا ٱلَّذِي يَنصُرُكُم مِّنۢ بَعۡدِهِۦۗ وَعَلَى ٱللَّهِ فَلۡيَتَوَكَّلِ ٱلۡمُؤۡمِنُونَ

Kung mag-aayuda sa inyo si Allāh sa pamamagitan ng pagtulong Niya at pag-aadya Niya ay walang isang dadaig sa inyo kahit pa magkaisa laban sa inyo ang mga naninirahan sa lupa. Kapag iniwan Niya ang pag-aadya sa inyo at ipinagkatiwala Niya kayo sa mga sarili ninyo, walang isang makakakaya na mag-adya sa inyo matapos pa Niya sapagkat ang pag-aadya ay nasa kamay Niya lamang. Kay Allāh ay umasa ang mga mananampalataya, hindi sa isang iba pa sa Kanya. info
التفاسير:

external-link copy
161 : 3

وَمَا كَانَ لِنَبِيٍّ أَن يَغُلَّۚ وَمَن يَغۡلُلۡ يَأۡتِ بِمَا غَلَّ يَوۡمَ ٱلۡقِيَٰمَةِۚ ثُمَّ تُوَفَّىٰ كُلُّ نَفۡسٖ مَّا كَسَبَتۡ وَهُمۡ لَا يُظۡلَمُونَ

Hindi naging ukol sa isang propeta kabilang sa mga propeta na magtaksil sa pamamagitan ng pagkuha ng anuman mula sa samsam sa digmaan bukod pa sa inilaan sa kanya ni Allāh. Ang sinumang magtataksil kabilang sa inyo sa pamamagitan ng pagkuha ng anuman mula sa samsam sa digmaan ay parurusahan sa pamamagitan ng pagbubunyag sa kanya sa Araw ng Pagbangon kaya darating siyang pumapasan ng kinuha niya sa harapan ng mga nilikha. Pagkatapos bibigyan ang bawat kaluluwa ng ganti sa nakamit nito nang lubos na hindi nababawasan habang sila ay hindi nilalabag sa katarungan sa pamamagitan ng pagdagdag sa mga masagwang gawa nila ni sa pamamagitan ng pagbawas sa mga magandang gawa nila. info
التفاسير:

external-link copy
162 : 3

أَفَمَنِ ٱتَّبَعَ رِضۡوَٰنَ ٱللَّهِ كَمَنۢ بَآءَ بِسَخَطٖ مِّنَ ٱللَّهِ وَمَأۡوَىٰهُ جَهَنَّمُۖ وَبِئۡسَ ٱلۡمَصِيرُ

Hindi nagkakapantay sa ganang kay Allāh ang sinumang sumunod sa anumang ikapagtatamo ng kaluguran ni Allāh gaya ng pananampalataya at gawang maayos at ang sinumang tumangging sumampalataya kay Allāh at gumawa ng mga masagwang gawa kaya nanumbalik nang may matinding galit mula kay Allāh. Ang titigilan niya ay Impiyerno. Masagwa ito bilang panunumbalikan at titigilan! info
التفاسير:

external-link copy
163 : 3

هُمۡ دَرَجَٰتٌ عِندَ ٱللَّهِۗ وَٱللَّهُ بَصِيرُۢ بِمَا يَعۡمَلُونَ

Sila ay mga nagkakaibahan sa mga kalagayan nila sa Mundo at Kabilang-buhay sa ganang kay Allāh. Si Allāh ay Nakakikita sa anumang ginagawa nila: walang nakakukubli sa Kanya na anuman. Gaganti Siya sa bawat isa dahil sa gawa nito. info
التفاسير:

external-link copy
164 : 3

لَقَدۡ مَنَّ ٱللَّهُ عَلَى ٱلۡمُؤۡمِنِينَ إِذۡ بَعَثَ فِيهِمۡ رَسُولٗا مِّنۡ أَنفُسِهِمۡ يَتۡلُواْ عَلَيۡهِمۡ ءَايَٰتِهِۦ وَيُزَكِّيهِمۡ وَيُعَلِّمُهُمُ ٱلۡكِتَٰبَ وَٱلۡحِكۡمَةَ وَإِن كَانُواْ مِن قَبۡلُ لَفِي ضَلَٰلٖ مُّبِينٍ

Talaga ngang nagbiyaya si Allāh sa mga mananampalataya at nagmagandang-loob Siya sa kanila nang nagpadala Siya sa kanila ng isang Sugo kabilang sa uri nila, na bumibigkas sa kanila ng Qur'ān, nagdadalisay sa kanila sa Shirk at mga kaasalang buktot, at nagtuturo sa kanila ng Qur'ān at Sunnah, samantalang sila dati bago pa ng pagpapadala sa Sugong ito ay nasa isang pagkaligaw na maliwanag na palayo sa patnubay at paggagabay. info
التفاسير:

external-link copy
165 : 3

أَوَلَمَّآ أَصَٰبَتۡكُم مُّصِيبَةٞ قَدۡ أَصَبۡتُم مِّثۡلَيۡهَا قُلۡتُمۡ أَنَّىٰ هَٰذَاۖ قُلۡ هُوَ مِنۡ عِندِ أَنفُسِكُمۡۗ إِنَّ ٱللَّهَ عَلَىٰ كُلِّ شَيۡءٖ قَدِيرٞ

Nang may sumalanta sa inyo, O mga mananampalataya, na isang kasawian nang natalo kayo sa Uḥud at napatay kabilang sa inyo ang mga napatay gayong nakasalanta na kayo sa mga kalaban ninyo ng dalawang ulit nito na mga patay at mga bihag sa Araw ng Badr ay nagsabi pa kayo: "Mula saan sumalanta sa amin ito samantalang kami ay mga mananampalataya at ang Propeta ni Allāh ay nasa amin?" Sabihin mo, O Propeta: "Ang sumalanta sa inyo mula roon ay dumating sa inyo dahilan sa inyo nang nag-alitan kayo at sumuway kayo sa Sugo." Tunay na si Allāh sa bawat bagay ay May-kakayahan kaya nag-aadya Siya sa sinumang niloloob Niya at nagtatatwa Siya sa sinumang niloloob Niya. info
التفاسير:
ఈ పేజీలోని వచనాల ద్వారా లభించే ప్రయోజనాలు:
• النصر الحقيقي من الله تعالى، فهو القوي الذي لا يحارب، والعزيز الذي لا يغالب.
Ang totoong pagwawagi ay mula kay Allāh – pagkataas-taas Siya – sapagkat Siya ang Malakas na walang makikidigma, ang Makapangyarihang walang makikipanaig. info

• لا تستوي في الدنيا حال من اتبع هدى الله وعمل به وحال من أعرض وكذب به، كما لا تستوي منازلهم في الآخرة.
Hindi nagkakapantay sa Mundo ang kalagayan ng sinumang sumunod sa patnubay ni Allāh at gumawa ayon dito at ang kalagayan ng sinumang umayaw at nagpasinungaling sa Kanya kung paanong hindi nagkakapantay ang mga antas nila sa Kabilang-buhay. info

• ما ينزل بالعبد من البلاء والمحن هو بسبب ذنوبه، وقد يكون ابتلاء ورفع درجات، والله يعفو ويتجاوز عن كثير منها.
Ang bumababa sa tao na pagsubok at pagsusulit ay dahilan sa mga pagkakasala niya. Ito ay maaaring maging pagsubok at pag-aangat ng mga antas. Si Allāh ay nagpapaumanhin at nagpapalampas sa marami sa mga ito. info