పవిత్ర ఖురాన్ యొక్క భావార్థాల అనువాదం - ఫిలిపినో (తగలాగ్) అనువాదం - అల్ ఖుర్ఆన్ అల్ కరీమ్ సంక్షిప్త వ్యాఖ్యాన అనువాదం

పేజీ నెంబరు:close

external-link copy
92 : 3

لَن تَنَالُواْ ٱلۡبِرَّ حَتَّىٰ تُنفِقُواْ مِمَّا تُحِبُّونَۚ وَمَا تُنفِقُواْ مِن شَيۡءٖ فَإِنَّ ٱللَّهَ بِهِۦ عَلِيمٞ

Hindi kayo makaaabot, O mga mananampalataya, sa gantimpala ng mga alagad ng pagpapakabuti at sa antas nila hanggang sa gumugol kayo ayon sa landas ni Allāh mula sa mga yaman ninyong iniibig ninyo. Ang ginugugol ninyo na anuman, kaunti man o marami, tunay na si Allāh rito ay Maalam sa mga layunin ninyo. Gaganti Siya sa bawat isa dahil sa gawa nito. info
التفاسير:

external-link copy
93 : 3

۞ كُلُّ ٱلطَّعَامِ كَانَ حِلّٗا لِّبَنِيٓ إِسۡرَٰٓءِيلَ إِلَّا مَا حَرَّمَ إِسۡرَٰٓءِيلُ عَلَىٰ نَفۡسِهِۦ مِن قَبۡلِ أَن تُنَزَّلَ ٱلتَّوۡرَىٰةُۚ قُلۡ فَأۡتُواْ بِٱلتَّوۡرَىٰةِ فَٱتۡلُوهَآ إِن كُنتُمۡ صَٰدِقِينَ

Ang lahat ng mga pagkaing kaaya-aya noon ay ipinahihintulot para sa mga anak ni Israel at hindi nagbawal sa kanila mula sa mga ito maliban sa ipinagbawal ni Jacob sa sarili niya bago ng pagbaba ng Torah, hindi gaya ng inaangkin ng mga Hudyo na ang pagbabawal na iyon daw noon ay nasa Torah. Sabihin mo sa kanila, O Propeta: "Maglahad kayo ng Torah at basahin ninyo ito kung kayo ay mga tapat sa pinagsasabi ninyong ito." Kaya nagulantang sila at hindi sila nakapaglahad nito. Ito ay isang halimbawa na nagpapatunay sa paggagawa-gawa ng kabulaanan ng mga Hudyo sa Torah at pagpapalihis sa nilalaman nito. info
التفاسير:

external-link copy
94 : 3

فَمَنِ ٱفۡتَرَىٰ عَلَى ٱللَّهِ ٱلۡكَذِبَ مِنۢ بَعۡدِ ذَٰلِكَ فَأُوْلَٰٓئِكَ هُمُ ٱلظَّٰلِمُونَ

Kaya ang mga gumawa-gawa ng kasinungalingan laban kay Allāh matapos ng paglitaw ng katwiran, na ang ipinagbawal ni Jacob – sumakanya ang pangangalaga – ay ipinagbawal nito sa sarili nito na hindi isang pagbabawal mula kay Allāh, ang mga iyon ay ang mga tagalabag sa katarungan sa mga sarili nila dahil sa pag-iwan sa katotohanan matapos ng paglitaw ng katwiran nito. info
التفاسير:

external-link copy
95 : 3

قُلۡ صَدَقَ ٱللَّهُۗ فَٱتَّبِعُواْ مِلَّةَ إِبۡرَٰهِيمَ حَنِيفٗاۖ وَمَا كَانَ مِنَ ٱلۡمُشۡرِكِينَ

Sabihin mo, O Propeta: "Nagtotoo si Allāh sa anumang ipinabatid Niya tungkol kay Jacob – sumakanya ang pangangalaga – at sa bawat pinababa Niya at isinabatas Niya, kaya sumunod kayo sa kapaniwalaan ni Abraham sapagkat siya nga noon ay isang nakakiling palayo sa mga relihiyon sa kabuuan ng mga ito patungo sa relihiyong Islām at hindi siya nagtambal kay Allāh ng iba pa sa Kanya magpakailanman." info
التفاسير:

external-link copy
96 : 3

إِنَّ أَوَّلَ بَيۡتٖ وُضِعَ لِلنَّاسِ لَلَّذِي بِبَكَّةَ مُبَارَكٗا وَهُدٗى لِّلۡعَٰلَمِينَ

Tunay na ang unang Bahay na itinayo sa lupa para sa mga tao sa kalahatan alang-alang sa pagsamba kay Allāh ay ang Bahay na PInakababanal ni Allāh na nasa Makkah. Ito ay bahay na pinagpala, maraming kapakinabangang pangrelihiyon at pangmundo at dito ay may kapatnubayan para sa mga nilalang sa kalahatan. info
التفاسير:

external-link copy
97 : 3

فِيهِ ءَايَٰتُۢ بَيِّنَٰتٞ مَّقَامُ إِبۡرَٰهِيمَۖ وَمَن دَخَلَهُۥ كَانَ ءَامِنٗاۗ وَلِلَّهِ عَلَى ٱلنَّاسِ حِجُّ ٱلۡبَيۡتِ مَنِ ٱسۡتَطَاعَ إِلَيۡهِ سَبِيلٗاۚ وَمَن كَفَرَ فَإِنَّ ٱللَّهَ غَنِيٌّ عَنِ ٱلۡعَٰلَمِينَ

Dito ay may mga palatandaang hayag hinggil sa karangalan nito at kalamangan nito gaya ng mga rituwal at mga pagsamba. Kabilang sa mga palatandaang ito ay ang bato na tinayuan ni Abraham noong ninais niyang iangat ang dingding ng Ka`bah. Kabilang din sa mga ito ay na ang sinumang pumasok dito ay maglalaho ang pangamba sa kanya at hindi siya aabutin ng pananakit. Kinakailangan sa mga tao para kay Allāh ang pagsadya sa Bahay na ito para sa pagsasagawa ng mga ritwal ng ḥajj: para sa sinuman sa kanila na nakakakaya sa pagdating doon. Ang sinumang tumangging sumampalataya sa tungkulin ng pagsasagawa ng ḥajj, tunay na si Allāh ay Walang-pangangailangan sa tagatangging sumampalatayang ito at sa mga nilalalang sa kalahatan. info
التفاسير:

external-link copy
98 : 3

قُلۡ يَٰٓأَهۡلَ ٱلۡكِتَٰبِ لِمَ تَكۡفُرُونَ بِـَٔايَٰتِ ٱللَّهِ وَٱللَّهُ شَهِيدٌ عَلَىٰ مَا تَعۡمَلُونَ

Sabihin mo, O Propeta: "O mga May Kasulatan kabilang sa mga Hudyo at mga Kristiyano, bakit kayo nagkakaila sa mga patunay sa katapatan ng Propeta – basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan? – na kabilang sa mga ito ay patunay na nasaad sa Torah at Ebanghelyo, samantalang si Allāh ay tagabatid sa gawain ninyong ito, tagasaksi rito at gaganti Siya sa inyo dahil dito?" info
التفاسير:

external-link copy
99 : 3

قُلۡ يَٰٓأَهۡلَ ٱلۡكِتَٰبِ لِمَ تَصُدُّونَ عَن سَبِيلِ ٱللَّهِ مَنۡ ءَامَنَ تَبۡغُونَهَا عِوَجٗا وَأَنتُمۡ شُهَدَآءُۗ وَمَا ٱللَّهُ بِغَٰفِلٍ عَمَّا تَعۡمَلُونَ

Sabihin mo, O Propeta: "O mga May Kasulatan kabilang sa mga Hudyo at mga Kristiyano, bakit kayo pumipigil sa Relihiyon ni Allāh sa sinumang sumampalataya sa Kanya sa mga tao, na humihiling kayo para sa relihiyon ni Allāh ng isang pagkiling palayo sa katotohanan patungo sa kabulaanan at para sa mga alagad nito ng pagkaligaw palayo sa patnubay, samantalang kayo ay mga saksi na ang relihiyong ito ay ang katotohanan bilang tagapatotoo sa nasa mga kasulatan ninyo? Si Allāh ay hindi nalilingat sa anumang ginagawa ninyo na kawalang-pananampalataya sa Kanya at pagbalakid sa landas Niya Gaganti Siya sa inyo dahil dito." info
التفاسير:

external-link copy
100 : 3

يَٰٓأَيُّهَا ٱلَّذِينَ ءَامَنُوٓاْ إِن تُطِيعُواْ فَرِيقٗا مِّنَ ٱلَّذِينَ أُوتُواْ ٱلۡكِتَٰبَ يَرُدُّوكُم بَعۡدَ إِيمَٰنِكُمۡ كَٰفِرِينَ

O mga sumampalataya kay Allāh at sumunod sa Sugo Niya, kung tatalima kayo sa isang pangkatin kabilang sa mga May Kasulatan kabilang sa mga Hudyo at mga Kristiyano sa sinasabi nila at tatanggap naman kayo sa pananaw nila kaugnay sa inaangkin nila, magpapabalik sila sa inyo sa kawalang-pananampalataya matapos ng pananampalataya dahilan sa taglay nilang inggit at pagkaligaw palayo sa patnubay. info
التفاسير:
ఈ పేజీలోని వచనాల ద్వారా లభించే ప్రయోజనాలు:
• كَذِبُ اليهود على الله تعالى وأنبيائه، ومن كذبهم زعمهم أن تحريم يعقوب عليه السلام لبعض الأطعمة نزلت به التوراة.
Ang kasinungalingan ng mga Hudyo laban kay Allāh – pagkataas-taas Siya – at sa mga propeta Niya. Kabilang sa pagsisinungaling nila ang pag-aangkin nila na ang pagbabawal ni Jacob – sumakanya ang pangangalaga – sa ilan sa mga pagkain ay ibinaba ng Torah. info

• أعظم أماكن العبادة وأشرفها البيت الحرام، فهو أول بيت وضع لعبادة الله، وفيه من الخصائص ما ليس في سواه.
Ang pinakadakila sa mga lugar ng pagsamba at ang pinakamarangal sa mga ito ay ang Bahay na Pinakababanal sapagkat ito ay kauna-unahang bahay na itinalaga para sa pagsamba kay Allāh at mayroon itong mga katangiang wala sa iba pa rito. info

• ذَكَرَ الله وجوب الحج بأوكد ألفاظ الوجوب تأكيدًا لوجوبه.
Ang pagbanggit ni Allāh sa pagkatungkulin ng pagsasagawa ng ḥajj sa pamamagitan ng pinakatiyak sa mga pananalita ng pagkatungkulin ay bilang pagtitiyak sa pagkatungkulin nito. info