அல்குர்ஆன் மொழிபெயர்ப்பு - அல்முக்தஸர் பீ தப்ஸீரில் குர்ஆனில் கரீமுக்கான பிலிப்பைன் மொழிபெயர்ப்பு

பக்க எண்:close

external-link copy
104 : 5

وَإِذَا قِيلَ لَهُمۡ تَعَالَوۡاْ إِلَىٰ مَآ أَنزَلَ ٱللَّهُ وَإِلَى ٱلرَّسُولِ قَالُواْ حَسۡبُنَا مَا وَجَدۡنَا عَلَيۡهِ ءَابَآءَنَآۚ أَوَلَوۡ كَانَ ءَابَآؤُهُمۡ لَا يَعۡلَمُونَ شَيۡـٔٗا وَلَا يَهۡتَدُونَ

Kapag sinabi sa mga gumawa-gawang ito laban kay Allāh ng kasinungalingan ng pagbabawal sa ilan sa mga hayupan: "Halikayo sa pinababa ni Allāh na Qur'ān at sa Sunnah ng Sugo – basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan – upang makakilala kayo sa ipinahihintulot sa ipinagbabawal" ay nagsasabi naman sila: "Nakasasapat sa amin ang nakuha namin at minana namin buhat sa mga ninuno namin na mga paniniwala, mga sinasabi, at mga ginagawa." Papaanong nakasasapat sa kanila iyon samantalang noon nga ang mga ninuno nila ay hindi nakaaalam ng anuman at hindi napapatnubayan sa katotohanan? Kaya naman walang sumusunod sa kanila kundi ang sinumang higit na mangmang kaysa sa kanila at higit na ligaw sa landas sapagkat sila ay mga mangmang na ligaw. info
التفاسير:

external-link copy
105 : 5

يَٰٓأَيُّهَا ٱلَّذِينَ ءَامَنُواْ عَلَيۡكُمۡ أَنفُسَكُمۡۖ لَا يَضُرُّكُم مَّن ضَلَّ إِذَا ٱهۡتَدَيۡتُمۡۚ إِلَى ٱللَّهِ مَرۡجِعُكُمۡ جَمِيعٗا فَيُنَبِّئُكُم بِمَا كُنتُمۡ تَعۡمَلُونَ

O mga sumampalataya, mangalaga kayo sa mga sarili ninyo kaya obligahin ninyo ang mga ito ng pagsasagawa ng anumang nagpapabuti sa mga ito. Hindi makapipinsala sa inyo ang sinumang naligaw kabilang sa mga tao at hindi tumugon sa inyo kapag napatnubayan kayo mismo. Bahagi ng pagkapatnubay ninyo ang pag-uutos ninyo sa nakabubuti at ang pagsaway ninyo sa nakasasama. Tungo kay Allāh lamang ang pagbabalik ninyo sa Araw ng Pagbangon, saka magpapabatid Siya sa inyo ng anumang dati ninyo ginagawa sa Mundo at gaganti Siya sa inyo roon. info
التفاسير:

external-link copy
106 : 5

يَٰٓأَيُّهَا ٱلَّذِينَ ءَامَنُواْ شَهَٰدَةُ بَيۡنِكُمۡ إِذَا حَضَرَ أَحَدَكُمُ ٱلۡمَوۡتُ حِينَ ٱلۡوَصِيَّةِ ٱثۡنَانِ ذَوَا عَدۡلٖ مِّنكُمۡ أَوۡ ءَاخَرَانِ مِنۡ غَيۡرِكُمۡ إِنۡ أَنتُمۡ ضَرَبۡتُمۡ فِي ٱلۡأَرۡضِ فَأَصَٰبَتۡكُم مُّصِيبَةُ ٱلۡمَوۡتِۚ تَحۡبِسُونَهُمَا مِنۢ بَعۡدِ ٱلصَّلَوٰةِ فَيُقۡسِمَانِ بِٱللَّهِ إِنِ ٱرۡتَبۡتُمۡ لَا نَشۡتَرِي بِهِۦ ثَمَنٗا وَلَوۡ كَانَ ذَا قُرۡبَىٰ وَلَا نَكۡتُمُ شَهَٰدَةَ ٱللَّهِ إِنَّآ إِذٗا لَّمِنَ ٱلۡأٓثِمِينَ

O mga sumampalataya, kapag nalapit ang kamatayan ng isa sa inyo dahil sa paglitaw ng isa sa mga palatandaan ng kamatayan ay magpasaksi siya sa tagubilin niya sa dalawang makatarungan kabilang sa mga Muslim o sa dalawang lalaki kabilang sa mga tagatangging sumampalataya sa sandali ng pangangailangan dahil sa kawalan ng iba pa sa dalawang ito kabilang sa mga Muslim, kung naglakbay kayo at bumaba sa inyo ang kamatayan. Kung nangyari ang pag-aalinlangan sa pagsaksi nilang dalawa ay magpatigil kayo sa kanilang dalawa matapos ng isa sa mga pagdarasal. Kaya manunumpa silang dalawa kay Allāh na hindi silang dalawa magbebenta ng bahagi nilang dalawa mula kay Allāh kapalit ng isang panumbas; hindi silang dalawa papanig sa isang kaanak; hindi silang dalawa magkukubli ng isang pagsasaksi para kay Allāh sa ganang kanilang dalawa; at na silang dalawa, kung gumawa dalawa niyon, ay magiging kabilang sa mga nagkakasalang sumusuway kay Allāh. info
التفاسير:

external-link copy
107 : 5

فَإِنۡ عُثِرَ عَلَىٰٓ أَنَّهُمَا ٱسۡتَحَقَّآ إِثۡمٗا فَـَٔاخَرَانِ يَقُومَانِ مَقَامَهُمَا مِنَ ٱلَّذِينَ ٱسۡتَحَقَّ عَلَيۡهِمُ ٱلۡأَوۡلَيَٰنِ فَيُقۡسِمَانِ بِٱللَّهِ لَشَهَٰدَتُنَآ أَحَقُّ مِن شَهَٰدَتِهِمَا وَمَا ٱعۡتَدَيۡنَآ إِنَّآ إِذٗا لَّمِنَ ٱلظَّٰلِمِينَ

Ngunit kung luminaw, matapos ng pagpapanumpa, ang kasinungalingan nilang dalawa sa pagsasaksi o panunumpa, o lumitaw ang kataksilan nilang dalawa, pasasaksihin o panunumpain ang dalawang iba pang tatayo sa katayuan nilang dalawa kabilang sa pinakamalapit na mga tao sa namatay kung ano ang totoo. Susumpa ang dalawang ito kay Allāh [ng ganito]: "Talagang ang pagsasaksi namin sa kasinungalingan nilang dalawa at kataksilan nilang dalawa ay higit na totoo kaya sa pagsasaksi nilang dalawa sa katapatan nilang dalawa at pagkamapagkakatiwalaan nilang dalawa. Hindi kami sumumpa ng kabulaanan. Tunay na kami, kung sumaksi kami sa kabulaanan, ay talagang kabilang sa mga tagalabag sa katarungan, na mga lumalampas sa mga hangganan ni Allāh." info
التفاسير:

external-link copy
108 : 5

ذَٰلِكَ أَدۡنَىٰٓ أَن يَأۡتُواْ بِٱلشَّهَٰدَةِ عَلَىٰ وَجۡهِهَآ أَوۡ يَخَافُوٓاْ أَن تُرَدَّ أَيۡمَٰنُۢ بَعۡدَ أَيۡمَٰنِهِمۡۗ وَٱتَّقُواْ ٱللَّهَ وَٱسۡمَعُواْۗ وَٱللَّهُ لَا يَهۡدِي ٱلۡقَوۡمَ ٱلۡفَٰسِقِينَ

Ang nabanggit na iyon na pagpapasumpa sa dalawang tagasaksi matapos ng pagdarasal sa sandali ng pagdududa sa pagsasaksi nilang dalawa at laban sa pagtanggi sa pagsasaksi nilang dalawa ay higit na malapit na magsagawa silang dalawa ng pagsasaksi ayon sa paraang legal para sa pagsasagawa nito kaya hindi silang dalawa maglilihis sa pagsasaksi o magpapalit nito o magtataksil, at higit na malapit na mangamba silang dalawa na tanggihan ang mga panunumpa ng mga tagapagmana matapos ng mga panunumpa nilang dalawa sapagkat manunumpa sila ng kasalungatan sa sinaksihan nilang dalawa kaya maiiskandalo silang dalawa. Mangilag kayong magkasala kay Allāh sa pamamagitan ng pag-iwan sa kasinungalingan at kataksilan sa pagsasaksi at panunumpa. Duminig kayo sa ipinag-utos sa inyo ayon sa pagdinig na sinasamahan ng pagtanggap. Si Allāh ay hindi nagtutuon sa mga lumalabas sa pagtalima sa Kanya. info
التفاسير:
இப்பக்கத்தின் வசனங்களிலுள்ள பயன்கள்:
• إذا ألزم العبد نفسه بطاعة الله، وأمر بالمعروف ونهى عن المنكر بحسب طاقته، فلا يضره بعد ذلك ضلال أحد، ولن يُسْأل عن غيره من الناس، وخاصة أهل الضلال منهم.
Kapag nag-obliga ang tao sa sarili niya ng pagtalima kay Allāh, pag-uutos ng nakabubuti, at pagsaway sa nakasasama alinsunod sa kakayahan niya, hindi makapipinsala sa kanya matapos niyon ang pagkaligaw ng isang tao at hindi siya tatanungin tungkol sa iba pang mga tao, at lalo na sa mga alagad ng pagkaligaw kabilang sa kanila. info

• الترغيب في كتابة الوصية، مع صيانتها بإشهاد العدول عليها.
Ang paghihikayat sa pagsulat ng habilin kalakip ng pangangalaga rito sa pamamagitan ng pagpapasaksi rito sa mga makatarungan. info

• بيان الصورة الشرعية لسؤال الشهود عن الوصية.
Ang paglilinaw sa anyong legal para sa pagtatanong sa mga saksi tungkol sa habilin. info