அல்குர்ஆன் மொழிபெயர்ப்பு - அல்முக்தஸர் பீ தப்ஸீரில் குர்ஆனில் கரீமுக்கான பிலிப்பைன் மொழிபெயர்ப்பு

பக்க எண்:close

external-link copy
65 : 5

وَلَوۡ أَنَّ أَهۡلَ ٱلۡكِتَٰبِ ءَامَنُواْ وَٱتَّقَوۡاْ لَكَفَّرۡنَا عَنۡهُمۡ سَيِّـَٔاتِهِمۡ وَلَأَدۡخَلۡنَٰهُمۡ جَنَّٰتِ ٱلنَّعِيمِ

Kung sakaling ang mga Hudyo at ang mga Kristiyano ay sumampalataya sa inihatid ni Muḥammad – basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan – at nangilag magkasala kay Allāh sa pamamagitan ng pag-iwas sa mga pagsuway ay talaga sanang magtatakip-sala Kami sa kanila sa mga pagsuway na ginawa nila kahit pa man ang mga ito ay marami at talaga sanang magpapapasok Kami sa kanila sa Araw ng Pagbangon sa mga hardin ng lugod, na magtatamasa sila sa anumang nasa mga ito na lugod na hindi mapuputol. info
التفاسير:

external-link copy
66 : 5

وَلَوۡ أَنَّهُمۡ أَقَامُواْ ٱلتَّوۡرَىٰةَ وَٱلۡإِنجِيلَ وَمَآ أُنزِلَ إِلَيۡهِم مِّن رَّبِّهِمۡ لَأَكَلُواْ مِن فَوۡقِهِمۡ وَمِن تَحۡتِ أَرۡجُلِهِمۚ مِّنۡهُمۡ أُمَّةٞ مُّقۡتَصِدَةٞۖ وَكَثِيرٞ مِّنۡهُمۡ سَآءَ مَا يَعۡمَلُونَ

Kung sakaling ang mga Hudyo ay gumawa ng ayon sa Torah at ang mga Kristiyano ay gumawa ng ayon sa Ebanghelyo, at gumawa sila sa kalahatan ng ayon sa pinababa sa kanila mula sa Qur'ān, talaga sanang magpapadali Ako para sa kanila ng mga kadahilanan ng pagkamit ng panustos gaya ng pagpapababa ng ulan at pagpapatubo ng lupa. Kabilang sa mga May Kasulatan ang makatamtamang nananatili sa katotohanan ngunit ang marami kabilang sa kanila ay kay sagwa ang gawain nila dahil sa kawalan ng pananampalataya nila. info
التفاسير:

external-link copy
67 : 5

۞ يَٰٓأَيُّهَا ٱلرَّسُولُ بَلِّغۡ مَآ أُنزِلَ إِلَيۡكَ مِن رَّبِّكَۖ وَإِن لَّمۡ تَفۡعَلۡ فَمَا بَلَّغۡتَ رِسَالَتَهُۥۚ وَٱللَّهُ يَعۡصِمُكَ مِنَ ٱلنَّاسِۗ إِنَّ ٱللَّهَ لَا يَهۡدِي ٱلۡقَوۡمَ ٱلۡكَٰفِرِينَ

O Sugo, magpabatid ka ng pinababa sa iyo mula sa Panginoon mo nang buo at huwag kang maglihim mula rito ng anuman sapagkat kung naglihim ka mula rito ng anuman, ikaw ay hindi nagpapaabot ng pasugo ng Panginoon mo. (Nagpaabot nga ang Sugo ni Allāh – basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan – ng lahat ng ipinag-utos sa kanya na ipaabot kaya ang sinumang nag-akala ng kasalungatan niyon ay nagpabigat nga ng kabulaanan laban kay Allāh.) Si Allāh ay mangangalaga sa iyo sa mga tao matapos ng araw na ito kaya hindi sila makakakaya ng pagpaparating sa iyo ng kasamaan at walang kailangan sa iyo kundi ang pagpapaabot. Si Allāh ay hindi nagtutuon sa pagkagabay sa mga tagatangging sumampalataya na hindi nagnanais ng kapatnubayan. info
التفاسير:

external-link copy
68 : 5

قُلۡ يَٰٓأَهۡلَ ٱلۡكِتَٰبِ لَسۡتُمۡ عَلَىٰ شَيۡءٍ حَتَّىٰ تُقِيمُواْ ٱلتَّوۡرَىٰةَ وَٱلۡإِنجِيلَ وَمَآ أُنزِلَ إِلَيۡكُم مِّن رَّبِّكُمۡۗ وَلَيَزِيدَنَّ كَثِيرٗا مِّنۡهُم مَّآ أُنزِلَ إِلَيۡكَ مِن رَّبِّكَ طُغۡيَٰنٗا وَكُفۡرٗاۖ فَلَا تَأۡسَ عَلَى ٱلۡقَوۡمِ ٱلۡكَٰفِرِينَ

Sabihin mo, O Sugo: "Kayo, O mga Hudyo at mga Kristiyano, ay hindi nakabatay sa anuman mula sa relihiyong maisasaalang-alang hanggang sa gumawa kayo ayon sa Torah at Ebanghelyo at gumawa kayo ayon sa pinababa sa inyo mula sa Qur'ān, na hindi tutumpak ang pananampalataya ninyo malibang sa pamamagitan ng pananampalataya rito at paggawa ayon sa nasa loob nito. Talagang magdaragdag nga sa marami sa mga May Kasulatan ang pinababa sa iyo mula sa Panginoon mo ng isang pagmamalabis sa isang [dating] pagmamalabis at ng isang kawalang-pananampalataya sa isang [dating] kawalang-pananampalataya dahil sa taglay nilang inggit. Kaya huwag kang mamighati sa mga tagatangging sumampalatayang ito. Sa sinumang sumunod sa iyo kabilang sa mga mananampalataya ay may yaman at kasapatan. info
التفاسير:

external-link copy
69 : 5

إِنَّ ٱلَّذِينَ ءَامَنُواْ وَٱلَّذِينَ هَادُواْ وَٱلصَّٰبِـُٔونَ وَٱلنَّصَٰرَىٰ مَنۡ ءَامَنَ بِٱللَّهِ وَٱلۡيَوۡمِ ٱلۡأٓخِرِ وَعَمِلَ صَٰلِحٗا فَلَا خَوۡفٌ عَلَيۡهِمۡ وَلَا هُمۡ يَحۡزَنُونَ

Tunay na ang mga mananampalataya; ang mga Hudyo; ang mga Sabeo, na isang pangkat ng mga tagasunod ng ilan sa mga propeta; at ang mga Kristiyano, ang sinumang sumampalataya kabilang sa kanila kay Allāh at sa Huling Araw at gumawa ng mga gawang matuwid ay walang pangamba sa kanila sa kahaharapin nila ni sila ay malulungkot sa nakaalpas sa kanila mula sa mga mabuting bahagi sa Mundo. info
التفاسير:

external-link copy
70 : 5

لَقَدۡ أَخَذۡنَا مِيثَٰقَ بَنِيٓ إِسۡرَٰٓءِيلَ وَأَرۡسَلۡنَآ إِلَيۡهِمۡ رُسُلٗاۖ كُلَّمَا جَآءَهُمۡ رَسُولُۢ بِمَا لَا تَهۡوَىٰٓ أَنفُسُهُمۡ فَرِيقٗا كَذَّبُواْ وَفَرِيقٗا يَقۡتُلُونَ

Talaga ngang tumanggap Kami ng mga kasunduang binigyang-diin sa mga anak ni Israel ng pagdinig at pagtalima at nagsugo Kami ng mga sugo upang magpaabot sa kanila ng Batas ngunit sumira sila sa tinanggap sa kanila mula sa tipan at sumunod sila sa idinidikta ng mga pithaya nila gaya ng pag-ayaw sa inihatid sa kanila ng mga sugo nila at gaya ng pagpapasinungaling nila sa iba at pagpatay nila sa iba pa.
info
التفاسير:
இப்பக்கத்தின் வசனங்களிலுள்ள பயன்கள்:
• العمل بما أنزل الله تعالى سبب لتكفير السيئات ودخول الجنة وسعة الأرزاق.
Ang paggawa ayon sa pinababa ni Allāh – pagkataas-taas Siya – ay isang kadahilanan sa pagtatakip-sala sa mga masagwang gawa, pagpasok sa Paraiso, at kaluwagan sa mga panustos. info

• توجيه الدعاة إلى أن التبليغ المُعتَدَّ به والمُبْرِئ للذمة هو ما كان كاملًا غير منقوص، وفي ضوء ما ورد به الوحي.
Ang pagpapanuto sa mga tagapag-anyaya sa Islām na ang pagpapaabot na maisasaalang-alang at nag-aalis ng pamumula ay ang anumang buo hindi kinulangan at ayon sa liwanag ng isinaad ng isiniwalat ni Allāh. info

• لا يُعْتد بأي معتقد ما لم يُقِمْ صاحبه دليلًا على أنه من عند الله تعالى.
Hindi nagsasaalang-alang ng anumang pinaniniwalaan hanggat hindi naglalahad ang alagad nito ng isang patunay na ito ay mula sa ganang kay Allāh – pagkataas-taas Siya. info