ශුද්ධවූ අල් කුර්ආන් අර්ථ කථනය - ශුද්ධ වූ අල්කුර්ආන් අර්ථ විිවරණයේ සංෂිප්ත අනුවාදය- පිලිපීන පරිවර්තනය (ටගාලොග්)

පිටු අංක:close

external-link copy
3 : 5

حُرِّمَتۡ عَلَيۡكُمُ ٱلۡمَيۡتَةُ وَٱلدَّمُ وَلَحۡمُ ٱلۡخِنزِيرِ وَمَآ أُهِلَّ لِغَيۡرِ ٱللَّهِ بِهِۦ وَٱلۡمُنۡخَنِقَةُ وَٱلۡمَوۡقُوذَةُ وَٱلۡمُتَرَدِّيَةُ وَٱلنَّطِيحَةُ وَمَآ أَكَلَ ٱلسَّبُعُ إِلَّا مَا ذَكَّيۡتُمۡ وَمَا ذُبِحَ عَلَى ٱلنُّصُبِ وَأَن تَسۡتَقۡسِمُواْ بِٱلۡأَزۡلَٰمِۚ ذَٰلِكُمۡ فِسۡقٌۗ ٱلۡيَوۡمَ يَئِسَ ٱلَّذِينَ كَفَرُواْ مِن دِينِكُمۡ فَلَا تَخۡشَوۡهُمۡ وَٱخۡشَوۡنِۚ ٱلۡيَوۡمَ أَكۡمَلۡتُ لَكُمۡ دِينَكُمۡ وَأَتۡمَمۡتُ عَلَيۡكُمۡ نِعۡمَتِي وَرَضِيتُ لَكُمُ ٱلۡإِسۡلَٰمَ دِينٗاۚ فَمَنِ ٱضۡطُرَّ فِي مَخۡمَصَةٍ غَيۡرَ مُتَجَانِفٖ لِّإِثۡمٖ فَإِنَّ ٱللَّهَ غَفُورٞ رَّحِيمٞ

Nagbawal si Allāh sa inyo ng anumang namatay na hayop nang walang pagkatay. Nagbawal Siya ng dugong nabubo, laman ng baboy, anumang binanggit dito ang pangalang iba sa pangalan ni Allāh sa sandali ng pagkatay, namatay dahil sa sakal, namatay dahil sa pagkapalo, namatay dahil sa pagkahulog mula sa isang mataas na lugar, namatay dahil sa pagsuwag ng ibang hayop, at anumang sinila ng mabangis na hayop tulad ng leyon, tigre, at lobo, maliban sa naabutan ninyo nang buhay pa mula sa mga nabanggit at nakatay ninyo sapagkat ito ay ipinahihintulot sa inyo. Nagbawal Siya sa inyo ng anumang ang pag-aalay rito ay para sa mga anito. Nagbawal Siya sa inyo na maghanap kayo ng ibinahagi para sa inyo kabilang sa nakalingid sa pamamagitan ng [pagpapahula sa] tagdan: isang bato o isang palasong nasusulatan ng "gawin mo" o "huwag mong gawin" para magsagawa ng anumang lumabas mula sa mga ito. Ang paggawa ng mga ipinagbabawal na nabanggit na iyon ay isang paglabas sa pagtalima kay Allāh. Sa araw na ito ay nawalan ang mga tumangging sumampalataya ng pag-asa sa pagtalikod ninyo sa Relihiyong Islām dahil sa nakita nila na lakas nito. Kaya huwag kayong mangamba sa kanila at mangamba kayo sa Akin lamang. Sa araw na ito lumubos Ako para sa inyo ng Relihiyon ninyo na siyang ang Islām, bumuo Ako sa inyo ng biyaya Kong nakalitaw at nakakubli, at pumili Ako para sa inyo ng Islām bilang relihiyon kaya hindi Ako tatanggap ng isang relihiyong iba pa rito. Ngunit ang sinumang napilitan, dahilan sa isang kagutuman, sa pagkain mula sa namatay nang hindi kumikiling sa kasalanan ay walang kasalanan sa kanya roon. Tunay na si Allāh ay Mapagpatawad, Maawain.
info
التفاسير:

external-link copy
4 : 5

يَسۡـَٔلُونَكَ مَاذَآ أُحِلَّ لَهُمۡۖ قُلۡ أُحِلَّ لَكُمُ ٱلطَّيِّبَٰتُ وَمَا عَلَّمۡتُم مِّنَ ٱلۡجَوَارِحِ مُكَلِّبِينَ تُعَلِّمُونَهُنَّ مِمَّا عَلَّمَكُمُ ٱللَّهُۖ فَكُلُواْ مِمَّآ أَمۡسَكۡنَ عَلَيۡكُمۡ وَٱذۡكُرُواْ ٱسۡمَ ٱللَّهِ عَلَيۡهِۖ وَٱتَّقُواْ ٱللَّهَۚ إِنَّ ٱللَّهَ سَرِيعُ ٱلۡحِسَابِ

Nagtatanong sa iyo, O Sugo, ang mga Kasamahan mo kung ano ang ipinahintulot ni Allāh para sa kanila na kainin. Sabihin mo, O Sugo: "Nagpahintulot si Allāh para sa inyo ng anumang naging kaaya-aya sa mga pagkain at ng pagkain ng pinangaso ng mga sinanay na mga hayop na may mga pangil gaya ng mga aso at mga leopardo at mga ibong may mga pandagit na kuko gaya ng mga lawin. Nagturo kayo sa mga ito ng pangangaso, na kabilang sa iminagandang-loob ni Allāh sa inyo na kaalaman sa paghubog sa mga ito hanggang sa kapag inuutusan ang mga ito ay nauutusan ang mga ito at kapag pinipigilan ang mga ito ay napipigilan ang mga ito. Kaya kumain kayo mula sa nahuli ng mga ito kabilang sa pinangangasong hayop kahit pa man napatay na. Bumanggit kayo sa pangalan ni Allāh sa pagpapawala sa mga ito. Mangilag kayong magkasala kay Allāh sa pamamagitan ng pagsunod sa mga ipinag-uutos Niya at pagpipigil sa mga sinasaway Niya." Tunay na si Allāh ay mabilis ang pagtutuos sa mga gawa. info
التفاسير:

external-link copy
5 : 5

ٱلۡيَوۡمَ أُحِلَّ لَكُمُ ٱلطَّيِّبَٰتُۖ وَطَعَامُ ٱلَّذِينَ أُوتُواْ ٱلۡكِتَٰبَ حِلّٞ لَّكُمۡ وَطَعَامُكُمۡ حِلّٞ لَّهُمۡۖ وَٱلۡمُحۡصَنَٰتُ مِنَ ٱلۡمُؤۡمِنَٰتِ وَٱلۡمُحۡصَنَٰتُ مِنَ ٱلَّذِينَ أُوتُواْ ٱلۡكِتَٰبَ مِن قَبۡلِكُمۡ إِذَآ ءَاتَيۡتُمُوهُنَّ أُجُورَهُنَّ مُحۡصِنِينَ غَيۡرَ مُسَٰفِحِينَ وَلَا مُتَّخِذِيٓ أَخۡدَانٖۗ وَمَن يَكۡفُرۡ بِٱلۡإِيمَٰنِ فَقَدۡ حَبِطَ عَمَلُهُۥ وَهُوَ فِي ٱلۡأٓخِرَةِ مِنَ ٱلۡخَٰسِرِينَ

Sa araw na ito, nagpahintulot si Allāh para sa inyo ng pagkain ng mga minamasarap at pagkain ng mga kinatay ng mga May Kasulatan kabilang sa mga Hudyo at mga Kristiyano. Nagpahintulot Siya para sa kanila ng mga kinatay ninyo. Nagpahintulot Siya para sa inyo ng pag-aasawa ng mga malayang babaing malinis ang puri kabilang sa mga babaing mananampalataya at mga malayang babaing malinis ang puri kabilang sa mga nabigyan ng Kasulatan bago pa ninyo na mga Hudyo at mga Kristiyano, kapag nagbigay kayo sa kanila ng mga bigay-kaya sa kanila, habang kayo naman ay mga nagpapakalinis ng puri laban sa paggawa ng kahalayan at hindi mga gumagawa ng mga kasintahang nakagagawa kayo ng pangangalunya sa mga iyon. Ang sinumang tumangging sumampalataya sa isinabatas ni Allāh para sa mga lingkod Niya na mga patakaran ay nawalang-saysay nga ang gawa niya dahil sa pagkawala ng kundisyon nito, ang pananampalataya. Siya sa Araw ng Pagbangon ay kabilang sa mga lugi dahil sa pagpasok niya sa Apoy bilang mananatiling pananatiliin doon. info
التفاسير:
මෙ⁣ම පිටුවේ තිබෙන වැකිවල ප්‍රයෝජන:
• تحريم ما مات دون ذكاة، والدم المسفوح، ولحم الخنزير، وما ذُكِرَ عليه اسْمٌ غير اسم الله عند الذبح، وكل ميت خنقًا، أو ضربًا، أو بسقوط من علو، أو نطحًا، أو افتراسًا من وحش، ويُستثنى من ذلك ما أُدرِكَ حيًّا وذُكّيَ بذبح شرعي.
Ang pagbabawal sa anumang namatay nang walang pagkakatay, sa dugo, sa laman ng baboy, sa anumang binanggitan ng pangalang hindi pangalan ni Allāh sa sandali ng pagkakatay, sa bawat namatay sa pagbigti o sa palo o sa pagkalaglag mula sa mataas o sa suwag o sa paninila ng mabangis na hayop ngunit itinatangi roon ang anuman naabutang buhay pa at nakatay ayon sa pagkatay na isinasabatas sa Islām. info

• حِلُّ ما صاد كل مدرَّبٍ ذي ناب أو ذي مخلب.
Ang pagkaipinahihintulot ng nahuli ng bawat sinanay na hayop na may pangil o ibong may kukong pandagit. info

• إباحة ذبائح أهل الكتاب، وإباحة نكاح حرائرهم من العفيفات.
Ang pagpayag sa pagkain ng mga kinatay ng mga May Kasulatan at ang pagpayag sa pag-asawa sa mga babaing malaya nila kabilang sa mga malinis ang puri. info