ශුද්ධවූ අල් කුර්ආන් අර්ථ කථනය - ශුද්ධ වූ අල්කුර්ආන් අර්ථ විිවරණයේ සංෂිප්ත අනුවාදය- පිලිපීන පරිවර්තනය (ටගාලොග්)

පිටු අංක:close

external-link copy
5 : 12

قَالَ يَٰبُنَيَّ لَا تَقۡصُصۡ رُءۡيَاكَ عَلَىٰٓ إِخۡوَتِكَ فَيَكِيدُواْ لَكَ كَيۡدًاۖ إِنَّ ٱلشَّيۡطَٰنَ لِلۡإِنسَٰنِ عَدُوّٞ مُّبِينٞ

Nagsabi si Jacob sa anak nitong si Jose: "O anak ko, huwag kang bumanggit ng panaginip mo sa mga kapatid mo para hindi sila makaintindi nito at hindi sila mainggit sa iyo para hindi sila magpakana sa iyo ng isang pakana dala ng isang pagkainggit mula sa kanila. Tunay na ang demonyo para sa tao ay isang kaaway na maliwanag ang pangangaway." info
التفاسير:

external-link copy
6 : 12

وَكَذَٰلِكَ يَجۡتَبِيكَ رَبُّكَ وَيُعَلِّمُكَ مِن تَأۡوِيلِ ٱلۡأَحَادِيثِ وَيُتِمُّ نِعۡمَتَهُۥ عَلَيۡكَ وَعَلَىٰٓ ءَالِ يَعۡقُوبَ كَمَآ أَتَمَّهَا عَلَىٰٓ أَبَوَيۡكَ مِن قَبۡلُ إِبۡرَٰهِيمَ وَإِسۡحَٰقَۚ إِنَّ رَبَّكَ عَلِيمٌ حَكِيمٞ

Gaya ng pagkakita mo sa panaginip na iyon, pipiliin ka, O Jose, ng Panginoon mo, ituturo Niya sa iyo ang paghahayag sa mga panaginip, at lulubusin Niya ang biyaya Niya sa iyo sa pamamagitan ng pagkapropeta gaya ng paglubos Niya sa biyaya Niya sa dalawang ninuno mo, bago mo pa, na sina Abraham at Isaac. Tunay na ang Panginoon mo ay Maalam sa paglikha Niya, Marunong sa pangangasiwa Niya. info
التفاسير:

external-link copy
7 : 12

۞ لَّقَدۡ كَانَ فِي يُوسُفَ وَإِخۡوَتِهِۦٓ ءَايَٰتٞ لِّلسَّآئِلِينَ

Talaga ngang hinggil sa ulat kay Jose at sa ulat sa mga kapatid niya ay may mga maisasaalang-alang at mga pangaral para sa mga nagtatanong tungkol sa mga ulat sa kanila. info
التفاسير:

external-link copy
8 : 12

إِذۡ قَالُواْ لَيُوسُفُ وَأَخُوهُ أَحَبُّ إِلَىٰٓ أَبِينَا مِنَّا وَنَحۡنُ عُصۡبَةٌ إِنَّ أَبَانَا لَفِي ضَلَٰلٖ مُّبِينٍ

Nang nagsabi ang mga kapatid nila sa gitna nila: "Talagang si Jose at ang kapatid niyang buo ay higit na kaibig-ibig sa ama natin kaysa sa atin samantalang tayo ay isang pangkat na may bilang, kaya papaanong nagtangi siya sa dalawa higit sa atin? Tunay na tayo ay talagang makapagtuturing sa kanya na nasa isang pagkakamaling malinaw nang nagtangi siya sa dalawa higit sa atin nang walang kadahilanang lumilitaw sa atin. info
التفاسير:

external-link copy
9 : 12

ٱقۡتُلُواْ يُوسُفَ أَوِ ٱطۡرَحُوهُ أَرۡضٗا يَخۡلُ لَكُمۡ وَجۡهُ أَبِيكُمۡ وَتَكُونُواْ مِنۢ بَعۡدِهِۦ قَوۡمٗا صَٰلِحِينَ

Patayin ninyo si Jose o paglahuin ninyo siya sa isang malayong lupain, matatangi para sa inyo ang mukha ng ama ninyo para umibig siya sa inyo nang buong pag-ibig at kayo, matapos na maglalakas-loob kayo laban sa kanya ng pagpatay sa kanya o pagpapalaho sa kanya, ay magiging mga taong maayos kapag magbabalik-loob kayo mula sa pagkakasala ninyo." info
التفاسير:

external-link copy
10 : 12

قَالَ قَآئِلٞ مِّنۡهُمۡ لَا تَقۡتُلُواْ يُوسُفَ وَأَلۡقُوهُ فِي غَيَٰبَتِ ٱلۡجُبِّ يَلۡتَقِطۡهُ بَعۡضُ ٱلسَّيَّارَةِ إِن كُنتُمۡ فَٰعِلِينَ

Nagsabi ang isa sa magkakapatid: "Huwag ninyong patayin si Jose; subalit itapon ninyo siya sa kailaliman ng balon, kukunin siya ng ilan sa mga manlalakbay na daraan sa kanya. Ito ay higit na magaan na pinsala kaysa sa pagpatay sa kanya, kung kayo ay mga desidido sa sinabi ninyo kaugnay sa kanya." info
التفاسير:

external-link copy
11 : 12

قَالُواْ يَٰٓأَبَانَا مَا لَكَ لَا تَأۡمَ۬نَّا عَلَىٰ يُوسُفَ وَإِنَّا لَهُۥ لَنَٰصِحُونَ

Noong nagkaisa sila sa pagpapalayo sa kanya ay nagsabi sila sa ama nilang si Jacob: "O ama namin, ano ang mayroon sa iyo? Hindi mo kami ginagawa bilang mga katiwala kay Jose? Tunay na kami ay talagang mga nagmamalasakit para sa kanya. Aalagaan namin siya laban sa pipinsala sa kanya. Kami ay mga tagapayo sa kanya sa pag-iingat sa kanya at pag-aalaga sa kanya hanggang sa umuwi siya sa iyo nang ligtas. Kaya ano ang pumipigil sa iyo sa pagpapadala sa kanya kasama sa amin? info
التفاسير:

external-link copy
12 : 12

أَرۡسِلۡهُ مَعَنَا غَدٗا يَرۡتَعۡ وَيَلۡعَبۡ وَإِنَّا لَهُۥ لَحَٰفِظُونَ

Magpahintulot ka sa amin, dadalhin namin siya kasama sa amin bukas. Magtatamasa siya ng pagkain at magsasaya siya. Tunay na kami para sa kanya ay talagang mga tagapag-ingat laban sa bawat nakasasakit na dadapo sa kanya." info
التفاسير:

external-link copy
13 : 12

قَالَ إِنِّي لَيَحۡزُنُنِيٓ أَن تَذۡهَبُواْ بِهِۦ وَأَخَافُ أَن يَأۡكُلَهُ ٱلذِّئۡبُ وَأَنتُمۡ عَنۡهُ غَٰفِلُونَ

Nagsabi si Jacob sa mga anak niya: "Tunay na ako ay talagang nalulungkot sa pag-alis ninyo kasama niya dahil ako ay hindi makatiis sa pagkahiwalay sa kanya at nangangamba para sa kanya na kainin siya ng lobo habang kayo ay mga nalilibang malayo sa kanya sa pagpapasasa at paglalaro." info
التفاسير:

external-link copy
14 : 12

قَالُواْ لَئِنۡ أَكَلَهُ ٱلذِّئۡبُ وَنَحۡنُ عُصۡبَةٌ إِنَّآ إِذٗا لَّخَٰسِرُونَ

Nagsabi sila sa ama nila: "Talagang kung kinain ng lobo si Jose samantalang kami ay isang pangkat, tunay na kami sa kalagayang ito ay walang kabutihan sa amin sapagkat kami ay mga talunan yayamang hindi namin siya naipagtanggol sa lobo." info
التفاسير:
මෙ⁣ම පිටුවේ තිබෙන වැකිවල ප්‍රයෝජන:
• ثبوت الرؤيا شرعًا، وجواز تعبيرها.
Ang pagtitibay sa panaginip ayon sa Batas ng Islām at ang pagpayag sa paghahayag nito. info

• مشروعية كتمان بعض الحقائق إن ترتب على إظهارها شيءٌ من الأذى.
Ang pagkaisinasabatas ng pagkukubli sa ilan sa mga katotohanan kung magreresulta sa paghahayag ng mga ito ng anumang kabilang sa nakasasakit. info

• بيان فضل ذرية آل إبراهيم واصطفائهم على الناس بالنبوة.
Ang paglilinaw sa kalamangan ng mga supling ng angkan ni Abraham at ang paghirang sa kanila higit sa mga tao sa pagkapropeta. info

• الميل إلى أحد الأبناء بالحب يورث العداوة والحسد بين الإِخوة.
Ang pagkiling sa isa sa mga anak sa pag-ibig ay nagdadahilan ng pagkamuhi at inggit sa pagitan ng magkakapatid. info