Ibisobanuro bya qoran ntagatifu - Ibisobanuro bya Qur'an Ntagatifu mu rurimi rw'igifilipine (Tagalog) bikaba ari incamake y'ibisobanuro bya Qur'an Ntagatifu.

At-Tahrīm

Impamvu y'isura:
الدعوة إلى إقامة البيوت على تعظيم حدود الله وتقديم مرضاته وحده.
Ang pag-aanyaya sa pagpapanatili ng mga tahanan sa paggalang sa mga hangganan ni Allāh at ang pagpapauna sa lugod Niya lamang. info

external-link copy
1 : 66

يَٰٓأَيُّهَا ٱلنَّبِيُّ لِمَ تُحَرِّمُ مَآ أَحَلَّ ٱللَّهُ لَكَۖ تَبۡتَغِي مَرۡضَاتَ أَزۡوَٰجِكَۚ وَٱللَّهُ غَفُورٞ رَّحِيمٞ

O Sugo, bakit ka nagbabawal ng pinayagan ni Allāh para sa iyo na pagtatamasa sa babaing alipin mong si Maria, na naghahangad dahil doon ng pagpapalugod sa mga maybahay mo noong nanibugho sila sa kanya? Si Allāh ay Mapagpatawad sa iyo, Maawain sa iyo! info
التفاسير:

external-link copy
2 : 66

قَدۡ فَرَضَ ٱللَّهُ لَكُمۡ تَحِلَّةَ أَيۡمَٰنِكُمۡۚ وَٱللَّهُ مَوۡلَىٰكُمۡۖ وَهُوَ ٱلۡعَلِيمُ ٱلۡحَكِيمُ

Nagsabatas nga si Allāh para sa inyo ng pagkakalas sa mga panunumpa ninyo sa pamamagitan ng panakip-sala kung nakatagpo kayo ng kabutihan doon o nagsinungaling kayo sa sinumpaan. Si Allāh ay ang Tagapag-adya ninyo at Siya ay ang Maalam sa mga kalagayan ninyo at anumang naangkop para sa inyo, ang Marunong sa pagbabatas Niya at pagtatakda Niya. info
التفاسير:

external-link copy
3 : 66

وَإِذۡ أَسَرَّ ٱلنَّبِيُّ إِلَىٰ بَعۡضِ أَزۡوَٰجِهِۦ حَدِيثٗا فَلَمَّا نَبَّأَتۡ بِهِۦ وَأَظۡهَرَهُ ٱللَّهُ عَلَيۡهِ عَرَّفَ بَعۡضَهُۥ وَأَعۡرَضَ عَنۢ بَعۡضٖۖ فَلَمَّا نَبَّأَهَا بِهِۦ قَالَتۡ مَنۡ أَنۢبَأَكَ هَٰذَاۖ قَالَ نَبَّأَنِيَ ٱلۡعَلِيمُ ٱلۡخَبِيرُ

Banggitin mo nang nagtangi ang Propeta – basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan – kay Ḥafṣah ng isang ulat. Bahagi nito ay na siya ay hindi lalapit sa alipin niyang si Maria. Kaya noong nagpabatid si Ḥafṣah kay `Ā'ishah hinggil sa ulat at nagpaalam naman si Allāh sa Propeta Niya tungkol sa pagpapakalat ng lihim niya, pinagalitan niya si Ḥafṣah saka bumanggit siya rito ng isang bahagi mula sa binanggit nito at nanahimik siya tungkol sa ibang bahagi. Kaya nagtanong ito sa kanya: "Sino ang nagpabatid sa iyo nito?" Nagsabi naman siya: "Nagpabatid sa akin ang Maalam sa bawat bagay, ang Mapagbatid sa bawat nakakubli."
info
التفاسير:

external-link copy
4 : 66

إِن تَتُوبَآ إِلَى ٱللَّهِ فَقَدۡ صَغَتۡ قُلُوبُكُمَاۖ وَإِن تَظَٰهَرَا عَلَيۡهِ فَإِنَّ ٱللَّهَ هُوَ مَوۡلَىٰهُ وَجِبۡرِيلُ وَصَٰلِحُ ٱلۡمُؤۡمِنِينَۖ وَٱلۡمَلَٰٓئِكَةُ بَعۡدَ ذَٰلِكَ ظَهِيرٌ

Nagindapat sa inyong dalawa na magbalik-loob kayong dalawa dahil ang mga puso ninyong dalawa ay kumiling sa pag-ibig sa kinasuklaman ng Sugo ni Allāh – basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan – na pag-iwas sa babaing alipin niya at pagbabawal dito sa sarili niya. Kung magpupumilit kayo sa pag-ulit sa panunulsol ninyong dalawa sa kanya, tunay na si Allāh ay Katangkilik niya at Tagapag-adya niya, at gayon din si Anghel Gabriel. Ang mga mabuti sa mga mananampalataya ay mga katangkilik niya at mga mapag-adya sa kanya. Ang mga anghel, matapos ng pag-aadya ni Allāh sa kanya, ay mga katulong para sa kanya at mga mapag-adya laban sa sinumang nananakit sa kanya. info
التفاسير:

external-link copy
5 : 66

عَسَىٰ رَبُّهُۥٓ إِن طَلَّقَكُنَّ أَن يُبۡدِلَهُۥٓ أَزۡوَٰجًا خَيۡرٗا مِّنكُنَّ مُسۡلِمَٰتٖ مُّؤۡمِنَٰتٖ قَٰنِتَٰتٖ تَٰٓئِبَٰتٍ عَٰبِدَٰتٖ سَٰٓئِحَٰتٖ ثَيِّبَٰتٖ وَأَبۡكَارٗا

Marahil ang Panginoon ng Propeta – kaluwalhatian sa Kanya – kung nagdiborsiyo siya sa inyo ay magpapalit sa kanya ng mga maybahay na higit na mabuti kaysa sa inyo – mga babaing nagpapaakay sa utos niya, mga babaing mananampalataya kay Allāh at sa Sugo, mga babaing tagatalima kay Allāh, mga babaing tagapagbalik-loob mula sa mga pagkakasala nila, mga babaing mananamba sa Panginoon nila, mga babaing tagaayuno, na mga dating nakapag-asawa at mga birhen hindi nakatalik ng iba pa sa kanya; subalit hindi siya nagdiborsiyo sa kanila. info
التفاسير:

external-link copy
6 : 66

يَٰٓأَيُّهَا ٱلَّذِينَ ءَامَنُواْ قُوٓاْ أَنفُسَكُمۡ وَأَهۡلِيكُمۡ نَارٗا وَقُودُهَا ٱلنَّاسُ وَٱلۡحِجَارَةُ عَلَيۡهَا مَلَٰٓئِكَةٌ غِلَاظٞ شِدَادٞ لَّا يَعۡصُونَ ٱللَّهَ مَآ أَمَرَهُمۡ وَيَفۡعَلُونَ مَا يُؤۡمَرُونَ

O mga sumampalataya kay Allāh at gumawa ayon sa isinabatas Niya para sa kanila, gumawa kayo para sa mga sarili ninyo at para sa mga mag-anak ninyo ng isang pananggalang laban sa Apoy na malaki, na pinaniningas sa pamamagitan ng mga tao at mga bato. Sa ibabaw ng Apoy na ito ay may mga anghel na mababagsik sa sinumang pumapasok dito, na matitindi. Hindi sila sumusuway sa utos ni Allāh kapag nag-utos Siya sa kanila, at gumagawa sila sa anumang ipinag-uutos Niya sa kanila nang walang panlulupaypay ni pananamlay. info
التفاسير:

external-link copy
7 : 66

يَٰٓأَيُّهَا ٱلَّذِينَ كَفَرُواْ لَا تَعۡتَذِرُواْ ٱلۡيَوۡمَۖ إِنَّمَا تُجۡزَوۡنَ مَا كُنتُمۡ تَعۡمَلُونَ

Sasabihin sa mga tagatangging sumampalataya sa Araw ng Pagbangon: "O mga tumangging sumampalataya kay Allāh, huwag kayong magdahi-dahilan sa Araw [na ito] dahil sa dating taglay ninyo na kawalang-pananampalataya at mga pagsuway sapagkat hindi tatanggapin ang mga dahi-dahilan ninyo. Gagantihan lamang kayo sa Araw na ito sa dati ninyong ginagawa sa Mundo na kawalang-pananampalataya kay Allāh at pagpapasinungaling sa mga sugo Niya." info
التفاسير:
Inyungu dukura muri ayat kuri Uru rupapuro:
• مشروعية الكَفَّارة عن اليمين.
Ang pagkaisinasabatas ng panakip-sala para sa panunumpa. info

• بيان منزلة النبي صلى الله عليه وسلم عند ربه ودفاعه عنه.
Ang paglilinaw sa kalagayan ng Propeta – basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan – sa ganang Panginoon niya, at ang pagtatanggol ng Panginoon sa kanya. info

• من كرم المصطفى صلى الله عليه وسلم مع زوجاته أنه كان لا يستقصي في العتاب فكان يعرض عن بعض الأخطاء إبقاءً للمودة.
Bahagi ng pagkamarangal ng Hinirang na Propeta – basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan – sa mga maybahay niya ay na siya noon ay hindi nagpapasidhi sa pagpuna sapagkat siya noon ay nagpapalampas sa ilan sa mga mali para sa pagpapanatili ng pagmamahalan. info

• مسؤولية المؤمن عن نفسه وعن أهله.
Ang pananagutan ng mananampalataya sa sarili niya at mag-anak niya. info