Ibisobanuro bya qoran ntagatifu - Ibisobanuro bya Qur'an Ntagatifu mu rurimi rw'igifilipine (Tagalog) bikaba ari incamake y'ibisobanuro bya Qur'an Ntagatifu.

numero y'urupapuro:close

external-link copy
76 : 17

وَإِن كَادُواْ لَيَسۡتَفِزُّونَكَ مِنَ ٱلۡأَرۡضِ لِيُخۡرِجُوكَ مِنۡهَاۖ وَإِذٗا لَّا يَلۡبَثُونَ خِلَٰفَكَ إِلَّا قَلِيلٗا

Talaga ngang kamuntik na ang mga tagatangging sumampalataya na bumulahaw sa iyo dahil sa pagkamuhi nila sa iyo upang magpalabas sila sa iyo mula sa Makkah subalit pumigil sa kanila si Allāh sa pagpapalabas sa iyo hanggang sa lumikas ka ayon sa utos ng Panginoon mo. Kung sakaling nakapagpalabas sila sa iyo ay hindi sana sila nanatili matapos ng pagpapalabas sa iyo maliban sa isang maikling panahon. info
التفاسير:

external-link copy
77 : 17

سُنَّةَ مَن قَدۡ أَرۡسَلۡنَا قَبۡلَكَ مِن رُّسُلِنَاۖ وَلَا تَجِدُ لِسُنَّتِنَا تَحۡوِيلًا

Ang kahatulang iyon ng hindi nila pananatili nila matapos mo maliban sa isang maikling panahon ay ang kalakaran ni Allāh na nagpapatuloy sa mga sugo noong bago mo pa. Ito ay na ang alinmang sugong pinalabas ng mga kababayan niya mula sa gitna nila ay nagpapababa si Allāh sa kanila ng pagdurusa. Hindi ka makatatagpo, O Sugo, para sa kalakaran Namin ng isang pagpapalit, bagkus matatagpuan mo itong matatag na nagpapatuloy. info
التفاسير:

external-link copy
78 : 17

أَقِمِ ٱلصَّلَوٰةَ لِدُلُوكِ ٱلشَّمۡسِ إِلَىٰ غَسَقِ ٱلَّيۡلِ وَقُرۡءَانَ ٱلۡفَجۡرِۖ إِنَّ قُرۡءَانَ ٱلۡفَجۡرِ كَانَ مَشۡهُودٗا

Magpanatili ka ng pagdarasal sa pamamagitan ng pagsasagawa nito ayon sa pinakalubos na paraan sa mga oras nito mula sa paglilis ng araw palayo sa rurok ng langit. Sumasaklaw iyon sa pagdarasal ng dhuhr at `aṣr hanggang sa pagdilim ng gabi, na sumasaklaw sa pagdarasal ng maghrib at `ishā'. Magpanatili ka ng pagdarasal ng fajr at magpahaba ka ng pagbigkas [ng Qur’ān] dito sapagkat ang pagdarasal ng fajr ay dinadaluhan ng mga anghel ng gabi at mga anghel ng maghapon. info
التفاسير:

external-link copy
79 : 17

وَمِنَ ٱلَّيۡلِ فَتَهَجَّدۡ بِهِۦ نَافِلَةٗ لَّكَ عَسَىٰٓ أَن يَبۡعَثَكَ رَبُّكَ مَقَامٗا مَّحۡمُودٗا

Mula sa gabi ay bumangon ka, O Sugo, saka magdasal ka sa isang bahagi mula rito upang ang dasal mo ay maging isang karagdagan para sa iyo sa pag-aangat sa mga antas mo habang naghahangad na buhayin ka ng Panginoon mo sa Araw ng Pagbangon bilang tagapamagitan para sa mga tao mula sa dinaranas nila na mga hilakbot ng Araw ng Pagbangon at na magkaroon ka ng katayuan ng pamamagitang pinakadakila, na magpapapuri rito ang mga sinauna at ang mga nahuli. info
التفاسير:

external-link copy
80 : 17

وَقُل رَّبِّ أَدۡخِلۡنِي مُدۡخَلَ صِدۡقٖ وَأَخۡرِجۡنِي مُخۡرَجَ صِدۡقٖ وَٱجۡعَل لِّي مِن لَّدُنكَ سُلۡطَٰنٗا نَّصِيرٗا

Sabihin mo, O Sugo: "Panginoon ko, gumawa ka sa mga pasukan ko at mga labasan ko sa kabuuan ng mga ito sa pagtalima sa Iyo at ayon sa kaluguran Mo, at gumawa Ka para sa akin mula sa ganang Iyo ng isang katwirang nakahayag na mag-aadya Ka sa akin sa pamamagitan nito laban sa kaaway ko." info
التفاسير:

external-link copy
81 : 17

وَقُلۡ جَآءَ ٱلۡحَقُّ وَزَهَقَ ٱلۡبَٰطِلُۚ إِنَّ ٱلۡبَٰطِلَ كَانَ زَهُوقٗا

Sabihin mo, O Sugo, sa mga tagapagtambal na ito: "Dumating ang Islām at nagkatotoo ang pangako ni Allāh na pag-aadya rito, at umalis ang Shirk at ang Kawalang-pananampalataya. Tunay na ang kabulaanan ay umaalis, napapawi, hindi tumatatag sa harapan ng katotohanan." info
التفاسير:

external-link copy
82 : 17

وَنُنَزِّلُ مِنَ ٱلۡقُرۡءَانِ مَا هُوَ شِفَآءٞ وَرَحۡمَةٞ لِّلۡمُؤۡمِنِينَ وَلَا يَزِيدُ ٱلظَّٰلِمِينَ إِلَّا خَسَارٗا

Nagbababa Kami mula sa Qur’ān ng pagpapagaling para sa mga puso mula sa kamangmangan, kawalang-pananampalataya, at pagdududa; ng pagpapagaling sa mga katawan kapag ginamit ito sa ruqyah; at ng awa para sa mga mananampalatayang nagsasagawa nito. Walang naidaragdag ang Qur'ān na ito sa mga tagatangging sumampalataya kundi isang kapahamakan dahil ang pagkarinig dito ay nagpapangitngit sa kanila at nakadaragdag sa kanila ng pagpapasinungaling at pag-ayaw rito. info
التفاسير:

external-link copy
83 : 17

وَإِذَآ أَنۡعَمۡنَا عَلَى ٱلۡإِنسَٰنِ أَعۡرَضَ وَنَـَٔا بِجَانِبِهِۦ وَإِذَا مَسَّهُ ٱلشَّرُّ كَانَ يَـُٔوسٗا

Kapag nagbiyaya si Allāh sa tao ng biyayang tulad ng kalusugan at pagkayaman ay umaayaw siya sa pagpapasalamat at pagtalima kay Allāh at nagpapakalayu-layo siya bilang pagpapakamalaki. Kapag may dumapo sa kanya na karamdaman o karalitaan at tulad ng mga ito, siya ay matindi ang kahinaan ng loob at ang kawalang-pag-asa sa awa ni Allāh. info
التفاسير:

external-link copy
84 : 17

قُلۡ كُلّٞ يَعۡمَلُ عَلَىٰ شَاكِلَتِهِۦ فَرَبُّكُمۡ أَعۡلَمُ بِمَنۡ هُوَ أَهۡدَىٰ سَبِيلٗا

Sabihin mo, O Sugo: "Bawat tao ay gumagawa ayon sa paraan niya na nakawawangis ng kalagayan niya sa kapatnubayan at pagkaligaw, ngunit ang Panginoon ninyo ay higit na maalam sa sinumang siya ay higit na napapatnubayan sa daan tungo sa katotohanan." info
التفاسير:

external-link copy
85 : 17

وَيَسۡـَٔلُونَكَ عَنِ ٱلرُّوحِۖ قُلِ ٱلرُّوحُ مِنۡ أَمۡرِ رَبِّي وَمَآ أُوتِيتُم مِّنَ ٱلۡعِلۡمِ إِلَّا قَلِيلٗا

Nagtatanong sa iyo, O Sugo, ang mga tagatangging sumampalataya kabilang sa mga May Kasulatan tungkol sa reyalidad ng kaluluwa kaya sabihin mo sa kanila: "Walang nakaaalam sa reyalidad ng kaluluwa kundi si Allāh at hindi kayo binigyan at ang lahat ng mga nilikha ng kaalaman kundi kakaunti kung ihahambing sa kaalaman ni Allāh – kaluwalhatian sa Kanya." info
التفاسير:

external-link copy
86 : 17

وَلَئِن شِئۡنَا لَنَذۡهَبَنَّ بِٱلَّذِيٓ أَوۡحَيۡنَآ إِلَيۡكَ ثُمَّ لَا تَجِدُ لَكَ بِهِۦ عَلَيۡنَا وَكِيلًا

Sumusumpa si Allāh na kung sakaling niloob Niya ang pag-alis ng pinababa Niya sa iyo, O Sugo, na kasi sa pamamagitan ng pagpawi nito sa mga isip at mga kasulatan ay talaga sanang nag-alis Siya nito, pagkatapos hindi ka makatatagpo ng sinumang mag-aadya sa iyo at magsasagawa ng pagpapanumbalik nito. info
التفاسير:
Inyungu dukura muri ayat kuri Uru rupapuro:
• في الآيات دليل على شدة افتقار العبد إلى تثبيت الله إياه، وأنه ينبغي له ألا يزال مُتَمَلِّقًا لربه أن يثبته على الإيمان.
Sa mga talata ng Qur'ān ay may patunay sa tindi ng pangangailangan ng tao sa pagpapatatag ni Allāh sa kanya at nararapat para sa kanya na hindi tumigil bilang nagsusumamo sa Panginoon niya na patatagin siya sa pananampalataya. info

• عند ظهور الحق يَضْمَحِل الباطل، ولا يعلو الباطل إلا في الأزمنة والأمكنة التي يكسل فيها أهل الحق.
Sa sandali ng pagkalantad ng katotohanan ay nagmamaliw ang kabulaanan. Hindi tumataas ang kabulaanan maliban sa mga panahon at mga pook na tinatamad sa mga ito ang mga alagad ng katotohanan. info

• الشفاء الذي تضمنه القرآن عام لشفاء القلوب من الشُّبَه، والجهالة، والآراء الفاسدة، والانحراف السيئ والمقاصد السيئة.
Ang pagpapagaling na nilalaman ng Qur'ān ay pangkalahatan para sa pagpapagaling sa mga puso mula sa maling akala, kamangmangan, mga sirang pananaw, paglihis na masagwa, at mga pakay na masagwa. info

• في الآيات دليل على أن المسؤول إذا سئل عن أمر ليس في مصلحة السائل فالأولى أن يعرض عن جوابه، ويدله على ما يحتاج إليه، ويرشده إلى ما ينفعه.
Sa mga talata ng Qur'ān ay may isang patunay na ang tinatanong, kapag tinanong tungkol sa isang bagay na hindi kaugnay sa kapakanan ng tagapagtanong, ang higit na karapat-dapat ay na umayaw sa pagsagot, akayin ito sa kinakailangan nito, at gabayan ito tungo sa magpapakinabang dito. info