Tradução dos significados do Nobre Qur’an. - Tradução filipina (tagalo) de interpretação abreviada do Nobre Alcorão.

Número de página: 458:458 close

external-link copy
6 : 39

خَلَقَكُم مِّن نَّفۡسٖ وَٰحِدَةٖ ثُمَّ جَعَلَ مِنۡهَا زَوۡجَهَا وَأَنزَلَ لَكُم مِّنَ ٱلۡأَنۡعَٰمِ ثَمَٰنِيَةَ أَزۡوَٰجٖۚ يَخۡلُقُكُمۡ فِي بُطُونِ أُمَّهَٰتِكُمۡ خَلۡقٗا مِّنۢ بَعۡدِ خَلۡقٖ فِي ظُلُمَٰتٖ ثَلَٰثٖۚ ذَٰلِكُمُ ٱللَّهُ رَبُّكُمۡ لَهُ ٱلۡمُلۡكُۖ لَآ إِلَٰهَ إِلَّا هُوَۖ فَأَنَّىٰ تُصۡرَفُونَ

Lumikha sa inyo ang Panginoon ninyo, O mga tao, mula sa nag-iisang kaluluwa, si Adan. Pagkatapos lumikha Siya mula kay Adan ng kabiyak nitong si Eva. Lumikha Siya para sa inyo mula sa mga kamelyo, mga baka, mga tupa, at mga kambing ng walong uri, na mula sa bawat kaurian ay lumikha Siya ng isang lalaki at isang babae. Nagpaluwal Siya sa inyo – kaluwalhatian sa Kanya – sa mga tiyan ng mga ina ninyo sa isang yugto matapos ng isang yugto sa mga kadiliman ng tiyan, sinapupunan, at inunan (placenta). Yaong lumilikha niyon sa kabuuan niyon ay si Allāh, ang Panginoon ninyo. Sa Kanya lamang ang Paghahari. Walang sinasamba ayon sa karapatan na iba pa sa Kanya. Kaya papaano kayong inililihis palayo sa pagsamba sa Kanya tungo sa pagsamba sa mga hindi lumilikha ng anuman gayong sila ay nililikha?" info
التفاسير:

external-link copy
7 : 39

إِن تَكۡفُرُواْ فَإِنَّ ٱللَّهَ غَنِيٌّ عَنكُمۡۖ وَلَا يَرۡضَىٰ لِعِبَادِهِ ٱلۡكُفۡرَۖ وَإِن تَشۡكُرُواْ يَرۡضَهُ لَكُمۡۗ وَلَا تَزِرُ وَازِرَةٞ وِزۡرَ أُخۡرَىٰۚ ثُمَّ إِلَىٰ رَبِّكُم مَّرۡجِعُكُمۡ فَيُنَبِّئُكُم بِمَا كُنتُمۡ تَعۡمَلُونَۚ إِنَّهُۥ عَلِيمُۢ بِذَاتِ ٱلصُّدُورِ

Kung tatanggi kayong sumampalataya, O mga tao, sa Panginoon ninyo, tunay na Siya ay Walang-pangangailangan sa pananampalataya ninyo, hindi nakapipinsala sa Kanya ang kawalang-pananampalataya ninyo, at ang kapinsalaan ng kawalang-pananampalataya ninyo ay manunumbalik sa inyo lamang. Hindi Siya nalulugod para sa mga lingkod Niya na tumanggi silang sumampalataya sa Kanya at hindi Siya nag-uutos sa kanila ng kawalang-pananampalataya dahil Siya ay hindi nag-uutos ng kahalayan at nakasasama. Kung magpapasalamat kayo kay Allāh sa mga biyaya Niya at sasampalataya kayo sa Kanya ay malulugod Siya sa pasasalamat ninyo at maggagantimpala Siya sa inyo dahil dito. Hindi magpapasan ang isang kaluluwa ng pagkakasala ng ibang kaluluwa. Bagkus bawat kaluluwa sa nakamit niya ay nakasangla. Pagkatapos tungo sa Panginoon ninyo lamang ang babalikan ninyo sa Araw ng Pagbangon saka magpapabatid Siya sa inyo hinggil sa anumang dati ninyong ginagawa sa Mundo at gaganti Siya sa mga gawa ninyo. Tunay na Siya – kaluwalhatian sa Kanya – ay Maalam sa anumang nasa mga puso ng mga lingkod Niya: walang nakakukubli sa Kanya na anuman mula sa anumang nasa mga ito. info
التفاسير:

external-link copy
8 : 39

۞ وَإِذَا مَسَّ ٱلۡإِنسَٰنَ ضُرّٞ دَعَا رَبَّهُۥ مُنِيبًا إِلَيۡهِ ثُمَّ إِذَا خَوَّلَهُۥ نِعۡمَةٗ مِّنۡهُ نَسِيَ مَا كَانَ يَدۡعُوٓاْ إِلَيۡهِ مِن قَبۡلُ وَجَعَلَ لِلَّهِ أَندَادٗا لِّيُضِلَّ عَن سَبِيلِهِۦۚ قُلۡ تَمَتَّعۡ بِكُفۡرِكَ قَلِيلًا إِنَّكَ مِنۡ أَصۡحَٰبِ ٱلنَّارِ

Kapag may tumama sa tagatangging sumampalataya na isang kapinsalaan mula sa isang karamdaman, isang pagkawala ng yaman, at isang pangamba sa pagkalunod ay nananalangin ito sa Panginoon nito – kaluwalhatian sa Kanya – na pawiin dito ang anumang taglay nito na kapinsalaan habang bumabalik sa Kanya lamang. Pagkatapos kapag nagbigay Siya rito ng isang biyaya sa pamamagitan ng pagpawi rito ng pinsalang tumama rito ay nag-iiwan ito sa dati nitong pinagsusumamuhan noong bago niyan. Iyon ay si Allāh. Gumawa ito para kay Allāh ng mga katambal na sinasamba nito bukod pa sa Kanya upang magpalihis ng iba pa palayo sa daan ni Allāh na nagpaparating sa Kanya. Sabihin mo, O Sugo, sa sinumang ito ang kalagayan niya: "Magtamasa ka ng kawalang-pananampalataya mo sa natitira sa buhay mo, na kaunting panahon, sapagkat tunay na ikaw ay kabilang sa mga maninirahan sa Apoy, na mga mamamalagi roon sa Araw ng Pagbangon gaya ng pamamalagi ng kasamahan sa kasamahan niya." info
التفاسير:

external-link copy
9 : 39

أَمَّنۡ هُوَ قَٰنِتٌ ءَانَآءَ ٱلَّيۡلِ سَاجِدٗا وَقَآئِمٗا يَحۡذَرُ ٱلۡأٓخِرَةَ وَيَرۡجُواْ رَحۡمَةَ رَبِّهِۦۗ قُلۡ هَلۡ يَسۡتَوِي ٱلَّذِينَ يَعۡلَمُونَ وَٱلَّذِينَ لَا يَعۡلَمُونَۗ إِنَّمَا يَتَذَكَّرُ أُوْلُواْ ٱلۡأَلۡبَٰبِ

O ang sinumang siya ay tagatalima kay Allāh, na gumugugol ng mga oras ng gabi habang nakapatirapa sa Panginoon niya at nakatayo para sa Kanya, na nangangamba sa pagdurusa sa Kabilang-buhay at umaasa sa awa ng Panginoon Niya ay higit na mabuti, o ang tagatangging sumampalataya na iyon na sumasamba kay Allāh sa kagipitan at tumatangging sumampalataya sa Kanya sa kaginhawahan at gumagawa kasama kay Allāh ng mga katambal? Sabihin mo, O Sugo: "Nagkakapantay kaya ang mga nakaaalam sa isinatungkulin ni Allāh sa kanila dahilan sa pagkakilala nila kay Allāh at ang mga hindi nakaaalam na iyon ng anuman mula rito? Nakakikilala lamang sa pagkakaiba sa pagitan ng dalawang pangkat na ito ang mga may isipang matino." info
التفاسير:

external-link copy
10 : 39

قُلۡ يَٰعِبَادِ ٱلَّذِينَ ءَامَنُواْ ٱتَّقُواْ رَبَّكُمۡۚ لِلَّذِينَ أَحۡسَنُواْ فِي هَٰذِهِ ٱلدُّنۡيَا حَسَنَةٞۗ وَأَرۡضُ ٱللَّهِ وَٰسِعَةٌۗ إِنَّمَا يُوَفَّى ٱلصَّٰبِرُونَ أَجۡرَهُم بِغَيۡرِ حِسَابٖ

Sabihin mo, O Sugo, sa mga lingkod Ko na mga sumampalataya sa Akin at sa mga sugo Ko: "Mangilag kayong magkasala sa Panginoon ninyo sa pamamagitan ng pagsunod sa mga ipinag-uutos Niya at pag-iwas sa mga sinasaway Niya. Ukol sa mga nagpaganda, kabilang sa inyo, ng gawain sa Mundo ay [ganting] maganda sa Mundo sa pamamagitan ng pag-aadya, kalusugan, at yaman, at sa Kabilang-buhay naman sa pamamagitan ng paraiso. Ang lupa ni Allāh ay malawak kaya lumikas kayo rito hanggang sa makatagpo kayo ng isang pook na sasambahin ninyo si Allāh doon, na walang maghahadlang sa inyo na isang tagahadlang. Bibigyan lamang ang mga nagtitiis ng bibigyan ng gantimpala nila sa Araw ng Pagbangon nang walang pagbibilang ni sukat dahil sa dami niyon at pagkakauri-uri niyon." info
التفاسير:
Das notas do versículo nesta página:
• رعاية الله للإنسان في بطن أمه.
Ang pag-aalaga ni Allāh para sa tao habang nasa tiyan ng ina nito. info

• ثبوت صفة الغنى وصفة الرضا لله.
Ang pagtitibay sa katangian ng kawalang-pangangailangan at katangian ng pagkalugod para kay Allāh. info

• تعرّف الكافر إلى الله في الشدة وتنكّره له في الرخاء، دليل على تخبطه واضطرابه.
Ang pagkakilala kay Allāh ng tagatangging sumampalataya sa kagipitan at ang pagkakaila nito sa Kanya sa kaginhawahan ay isang patunay sa pagkatuliro nito at pagkalito nito. info

• الخوف والرجاء صفتان من صفات أهل الإيمان.
Ang pangamba at ang pag-asa ay dalawang katangiang kabilang sa mga katangian ng mga may pananampalataya. info