د قرآن کریم د معناګانو ژباړه - فلیپیني (تګالوګ) ژباړه - د رواد الترجمة مرکز

د مخ نمبر:close

external-link copy
62 : 8

وَإِن يُرِيدُوٓاْ أَن يَخۡدَعُوكَ فَإِنَّ حَسۡبَكَ ٱللَّهُۚ هُوَ ٱلَّذِيٓ أَيَّدَكَ بِنَصۡرِهِۦ وَبِٱلۡمُؤۡمِنِينَ

Kung magnanais sila na manlinlang sa iyo, tunay na kasapatan sa iyo si Allāh. Siya ay ang umalalay sa iyo sa pamamagitan ng pag-aadya Niya at sa pamamagitan ng mga mananampalataya. info
التفاسير:

external-link copy
63 : 8

وَأَلَّفَ بَيۡنَ قُلُوبِهِمۡۚ لَوۡ أَنفَقۡتَ مَا فِي ٱلۡأَرۡضِ جَمِيعٗا مَّآ أَلَّفۡتَ بَيۡنَ قُلُوبِهِمۡ وَلَٰكِنَّ ٱللَّهَ أَلَّفَ بَيۡنَهُمۡۚ إِنَّهُۥ عَزِيزٌ حَكِيمٞ

Nagpatugma Siya sa pagitan ng mga puso nila. Kung sakaling gumugol ka ng anumang nasa lupa nang lahatan ay hindi ka makapagtutugma sa pagitan ng mga puso nila subalit si Allāh ay nagpatugma sa pagitan nila. Tunay na Siya ay Makapangyarihan, Marunong. info
التفاسير:

external-link copy
64 : 8

يَٰٓأَيُّهَا ٱلنَّبِيُّ حَسۡبُكَ ٱللَّهُ وَمَنِ ٱتَّبَعَكَ مِنَ ٱلۡمُؤۡمِنِينَ

O Propeta, kasapatan sa iyo si Allāh at sa sinumang sumunod sa iyo kabilang sa mga mananampalataya. info
التفاسير:

external-link copy
65 : 8

يَٰٓأَيُّهَا ٱلنَّبِيُّ حَرِّضِ ٱلۡمُؤۡمِنِينَ عَلَى ٱلۡقِتَالِۚ إِن يَكُن مِّنكُمۡ عِشۡرُونَ صَٰبِرُونَ يَغۡلِبُواْ مِاْئَتَيۡنِۚ وَإِن يَكُن مِّنكُم مِّاْئَةٞ يَغۡلِبُوٓاْ أَلۡفٗا مِّنَ ٱلَّذِينَ كَفَرُواْ بِأَنَّهُمۡ قَوۡمٞ لَّا يَفۡقَهُونَ

O Propeta, umudyok ka sa mga mananampalataya sa pakikipaglaban. Kung kabilang sa inyo ay may dalawampung magtitiis, dadaig sila ng dalawang daan; kung kabilang sa inyo ay may isang daan, dadaig sila ng isang libo kabilang sa mga tumangging sumampalataya dahil ang mga ito ay mga taong hindi nakauunawa. info
التفاسير:

external-link copy
66 : 8

ٱلۡـَٰٔنَ خَفَّفَ ٱللَّهُ عَنكُمۡ وَعَلِمَ أَنَّ فِيكُمۡ ضَعۡفٗاۚ فَإِن يَكُن مِّنكُم مِّاْئَةٞ صَابِرَةٞ يَغۡلِبُواْ مِاْئَتَيۡنِۚ وَإِن يَكُن مِّنكُمۡ أَلۡفٞ يَغۡلِبُوٓاْ أَلۡفَيۡنِ بِإِذۡنِ ٱللَّهِۗ وَٱللَّهُ مَعَ ٱلصَّٰبِرِينَ

Ngayon, nagpagaan si Allāh sa inyo at nalaman Niya na sa inyo ay may kahinaan. Kaya kung mayroon sa inyong isang daang magtitiis, dadaig sila ng dalawang daan; at kung mayroon sa inyong isang libo, dadaig sila ng dalawang libo ayon sa pahintulot ni Allāh. Si Allāh ay kasama sa mga nagtitiis. info
التفاسير:

external-link copy
67 : 8

مَا كَانَ لِنَبِيٍّ أَن يَكُونَ لَهُۥٓ أَسۡرَىٰ حَتَّىٰ يُثۡخِنَ فِي ٱلۡأَرۡضِۚ تُرِيدُونَ عَرَضَ ٱلدُّنۡيَا وَٱللَّهُ يُرِيدُ ٱلۡأٓخِرَةَۗ وَٱللَّهُ عَزِيزٌ حَكِيمٞ

Hindi naging ukol sa isang propeta na magkaroon siya ng mga bihag hanggang sa manlipol siya sa lupa. Nagnanais kayo ng mahihita sa lupa samantalang si Allāh ay nagnanais ng Kabilang-buhay. Si Allāh ay Makapangyarihan, Marunong. info
التفاسير:

external-link copy
68 : 8

لَّوۡلَا كِتَٰبٞ مِّنَ ٱللَّهِ سَبَقَ لَمَسَّكُمۡ فِيمَآ أَخَذۡتُمۡ عَذَابٌ عَظِيمٞ

Kung hindi dahil sa isang atas mula kay Allāh na nauna ay talaga sanang may sumaling sa inyo, dahil sa nakuha ninyo,[7] na isang pagdurusang sukdulan. info

[7] na mga samsam sa digman at mga ipinantubos sa mga bihag

التفاسير:

external-link copy
69 : 8

فَكُلُواْ مِمَّا غَنِمۡتُمۡ حَلَٰلٗا طَيِّبٗاۚ وَٱتَّقُواْ ٱللَّهَۚ إِنَّ ٱللَّهَ غَفُورٞ رَّحِيمٞ

Kaya kumain kayo mula sa nasamsam ninyo [sa digmaan] bilang ipinahihintulot na kaaya-aya at mangilag kayong magkasala kay Allāh; tunay na si Allāh ay Mapagpatawad, Maawain. info
التفاسير: