د قرآن کریم د معناګانو ژباړه - فلیپیني (تګالوګ) ژباړه - د رواد الترجمة مرکز

د مخ نمبر:close

external-link copy
53 : 8

ذَٰلِكَ بِأَنَّ ٱللَّهَ لَمۡ يَكُ مُغَيِّرٗا نِّعۡمَةً أَنۡعَمَهَا عَلَىٰ قَوۡمٍ حَتَّىٰ يُغَيِّرُواْ مَا بِأَنفُسِهِمۡ وَأَنَّ ٱللَّهَ سَمِيعٌ عَلِيمٞ

Iyon ay dahil na si Allāh ay hindi nangyaring nag-iiba sa isang biyayang ibiniyaya Niya sa mga tao hanggang sa mag-iba sila ng nasa mga sarili nila, at na si Allāh ay Madinigin, Maalam. info
التفاسير:

external-link copy
54 : 8

كَدَأۡبِ ءَالِ فِرۡعَوۡنَ وَٱلَّذِينَ مِن قَبۡلِهِمۡۚ كَذَّبُواْ بِـَٔايَٰتِ رَبِّهِمۡ فَأَهۡلَكۡنَٰهُم بِذُنُوبِهِمۡ وَأَغۡرَقۡنَآ ءَالَ فِرۡعَوۡنَۚ وَكُلّٞ كَانُواْ ظَٰلِمِينَ

Gaya ng kinagawian ng mga kampon ni Paraon at ng mga bago pa nila, nagpasinungaling sila sa mga tanda ng Panginoon nila kaya nagpahamak Kami sa kanila dahil sa mga pagkakasala nila at lumunod Kami sa mga kampon ni Paraon. Lahat sila noon ay mga tagalabag sa katarungan. info
التفاسير:

external-link copy
55 : 8

إِنَّ شَرَّ ٱلدَّوَآبِّ عِندَ ٱللَّهِ ٱلَّذِينَ كَفَرُواْ فَهُمۡ لَا يُؤۡمِنُونَ

Tunay na pinakamasama sa mga palausad sa ganang kay Allāh ay ang mga tumangging sumampalataya – sapagkat sila ay hindi sumasampalataya – info
التفاسير:

external-link copy
56 : 8

ٱلَّذِينَ عَٰهَدتَّ مِنۡهُمۡ ثُمَّ يَنقُضُونَ عَهۡدَهُمۡ فِي كُلِّ مَرَّةٖ وَهُمۡ لَا يَتَّقُونَ

ang mga nakipagkasunduan ka sa kanila, pagkatapos kumalas sila sa kasunduan sa kanila sa bawat pagkakataon habang sila ay hindi nangingilag magkasala. info
التفاسير:

external-link copy
57 : 8

فَإِمَّا تَثۡقَفَنَّهُمۡ فِي ٱلۡحَرۡبِ فَشَرِّدۡ بِهِم مَّنۡ خَلۡفَهُمۡ لَعَلَّهُمۡ يَذَّكَّرُونَ

Kaya kung makasusumpong ka nga naman sa kanila sa digmaan ay magpawatak-watak ka sa pamamagitan nila ng sinumang nasa likuran nila, nang sa gayon sila ay magsasaalaala. info
التفاسير:

external-link copy
58 : 8

وَإِمَّا تَخَافَنَّ مِن قَوۡمٍ خِيَانَةٗ فَٱنۢبِذۡ إِلَيۡهِمۡ عَلَىٰ سَوَآءٍۚ إِنَّ ٱللَّهَ لَا يُحِبُّ ٱلۡخَآئِنِينَ

Kung mangangamba ka nga naman sa mga tao ng isang pagtataksil ay ibato mo sa kanila [ang kasunduan upang maging] ayon sa pagkakapantay. Tunay na si Allāh ay hindi umiibig sa mga taksil. info
التفاسير:

external-link copy
59 : 8

وَلَا يَحۡسَبَنَّ ٱلَّذِينَ كَفَرُواْ سَبَقُوٓاْۚ إِنَّهُمۡ لَا يُعۡجِزُونَ

Huwag ngang mag-aakala ang mga tumangging sumampalataya na makalulusot sila [sa parusa ni Allāh]. Tunay na sila ay hindi makapagpapahina [kay Allāh]. info
التفاسير:

external-link copy
60 : 8

وَأَعِدُّواْ لَهُم مَّا ٱسۡتَطَعۡتُم مِّن قُوَّةٖ وَمِن رِّبَاطِ ٱلۡخَيۡلِ تُرۡهِبُونَ بِهِۦ عَدُوَّ ٱللَّهِ وَعَدُوَّكُمۡ وَءَاخَرِينَ مِن دُونِهِمۡ لَا تَعۡلَمُونَهُمُ ٱللَّهُ يَعۡلَمُهُمۡۚ وَمَا تُنفِقُواْ مِن شَيۡءٖ فِي سَبِيلِ ٱللَّهِ يُوَفَّ إِلَيۡكُمۡ وَأَنتُمۡ لَا تُظۡلَمُونَ

Maghanda kayo para sa kanila ng nakaya ninyo na anumang lakas at anumang mga kawan ng mga kabayo na magpapangilabot kayo sa pamamagitan ng mga ito sa kaaway ni Allāh, kaaway ninyo, at mga iba pa bukod pa sa kanila na hindi kayo nakaaalam sa kanila samantalang si Allāh ay nakaaalam sa kanila. Ang anumang ginugugol ninyo na bagay ayon sa landas ni Allāh ay lulubus-lubusin tungo sa inyo [ang kabayaran] habang kayo ay hindi nilalabag sa katarungan. info
التفاسير:

external-link copy
61 : 8

۞ وَإِن جَنَحُواْ لِلسَّلۡمِ فَٱجۡنَحۡ لَهَا وَتَوَكَّلۡ عَلَى ٱللَّهِۚ إِنَّهُۥ هُوَ ٱلسَّمِيعُ ٱلۡعَلِيمُ

Kung humilig sila sa kapayapaan ay kumiling ka roon at manalig ka kay Allāh. Tunay na Siya ay ang Madinigin, ang Maalam. info
التفاسير: