ߞߎ߬ߙߣߊ߬ ߞߟߊߒߞߋ ߞߘߐ ߟߎ߬ ߘߟߊߡߌߘߊ - ߟߊߘߛߏߣߍ߲" ߞߎ߬ߙߣߊ߬ ߞߟߊߒߞߋ ߞߘߐߦߌߘߊ ߘߐ߫ ߝߟߌߔߌ߲ߞߊ߲ (ߕߊ߯ߖߊߟߐߖ) ߘߐ߫

ߞߐߜߍ ߝߙߍߕߍ:close

external-link copy
118 : 11

وَلَوۡ شَآءَ رَبُّكَ لَجَعَلَ ٱلنَّاسَ أُمَّةٗ وَٰحِدَةٗۖ وَلَا يَزَالُونَ مُخۡتَلِفِينَ

Kung sakaling niloob ng Panginoon mo, O Sugo, na gawin ang mga tao bilang kalipunang nag-iisa sa katotohanan ay talaga sanang ginawa Niya; subalit Siya ay hindi lumoob niyon kaya hindi sila tumitigil na mga nagkakaiba-iba kaugnay rito dahilan sa pagsunod ng pithaya at hangarin. info
التفاسير:

external-link copy
119 : 11

إِلَّا مَن رَّحِمَ رَبُّكَۚ وَلِذَٰلِكَ خَلَقَهُمۡۗ وَتَمَّتۡ كَلِمَةُ رَبِّكَ لَأَمۡلَأَنَّ جَهَنَّمَ مِنَ ٱلۡجِنَّةِ وَٱلنَّاسِ أَجۡمَعِينَ

Maliban sa mga kinaawaan ni Allāh sa pamamagitan ng pagtutuon sa kapatnubayan sapagkat tunay na sila ay hindi nagkakaiba-iba sa paniniwala sa kaisahan Niya – kaluwalhatian sa Kanya. Dahil sa pagsubok na iyon sa pamamagitan ng pagkakaiba-iba, lumikha Siya sa kanila – kaluwalhatian sa Kanya. Kaya kabilang sa kanila ay malumbay at maligaya. Malulubos ang salita ng Panginoon mo, O Sugo, na itinadhana Niya sa walang-hanggan, sa pamamagitan ng pagpuno sa Impiyerno ng mga tagasunod ng demonyo kabilang sa mga jinnīy at mga tao. info
التفاسير:

external-link copy
120 : 11

وَكُلّٗا نَّقُصُّ عَلَيۡكَ مِنۡ أَنۢبَآءِ ٱلرُّسُلِ مَا نُثَبِّتُ بِهِۦ فُؤَادَكَۚ وَجَآءَكَ فِي هَٰذِهِ ٱلۡحَقُّ وَمَوۡعِظَةٞ وَذِكۡرَىٰ لِلۡمُؤۡمِنِينَ

Bawat ulat na isinalaysay Namin sa iyo, O Sugo, mula sa mga ulat hinggil sa mga sugo noong bago mo ay isinalaysay Namin ito upang magpatatag Kami sa pamamagitan nito sa puso mo sa katotohanan at magpalakas Kami nito. Dumating sa iyo sa kabanatang ito ang katotohanang walang pagdududa hinggil dito. Dumating sa iyo rito ang isang pangaral para sa mga tagatangging sumampalataya at ang isang paalaala para sa mga mananampalatayang nakikinabang sa paalaala. info
التفاسير:

external-link copy
121 : 11

وَقُل لِّلَّذِينَ لَا يُؤۡمِنُونَ ٱعۡمَلُواْ عَلَىٰ مَكَانَتِكُمۡ إِنَّا عَٰمِلُونَ

Sabihin mo, O Sugo, sa mga hindi sumasampalataya kay Allāh at hindi naniniwala sa kaisahan Niya: "Gumawa kayo ayon sa paraan ninyo sa pag-ayaw sa katotohanan at pagbalakid dito; tunay na kami ay mga gumagawa ayon sa paraan namin na pagpapakatatag dito, pag-aanyaya para rito, at pagtitiis dito. info
التفاسير:

external-link copy
122 : 11

وَٱنتَظِرُوٓاْ إِنَّا مُنتَظِرُونَ

Mag-abang-abang kayo sa bababa sa amin; tunay na kami ay mga nag-aabang-abang sa bababa sa inyo." info
التفاسير:

external-link copy
123 : 11

وَلِلَّهِ غَيۡبُ ٱلسَّمَٰوَٰتِ وَٱلۡأَرۡضِ وَإِلَيۡهِ يُرۡجَعُ ٱلۡأَمۡرُ كُلُّهُۥ فَٱعۡبُدۡهُ وَتَوَكَّلۡ عَلَيۡهِۚ وَمَا رَبُّكَ بِغَٰفِلٍ عَمَّا تَعۡمَلُونَ

Sa kay Allāh lamang ang kaalaman sa anumang nalingid sa mga langit at anumang nalingid sa lupa: walang nakakukubli sa Kanya na anuman mula rito. Tungo sa Kanya lamang pababalikin ang usapin, ang lahat ng ito, sa Araw ng Pagbangon. Kaya sumamba ka sa Kanya, O Sugo, tanging sa Kanya, at manalig ka sa Kanya sa lahat ng mga nauukol sa iyo. Ang Panginoon mo ay hindi nalilingat sa anumang ginagawa ninyo, bagkus Siya ay Maalam dito. Gaganti Siya sa bawat dahil sa ginawa nito. info
التفاسير:
ߟߝߊߙߌ ߟߎ߫ ߢߊ߬ߕߣߐ ߘߏ߫ ߞߐߜߍ ߣߌ߲߬ ߞߊ߲߬:
• بيان الحكمة من القصص القرآني، وهي تثبيت قلب النبي صلى الله عليه وسلم وموعظة المؤمنين.
Ang paglilinaw sa kasanhian ng salaysay na pang-Qur'ān. Ito ay ang pagpapatibay sa puso ng Propeta – basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan – at ang pangaral sa mga mananampalataya. info

• انفراد الله تعالى بعلم الغيب لا يشركه فيه أحد.
Ang pamumukod-tangi ni Allāh – pagkataas-taas Siya – sa kaalaman sa Lingid, na walang tumatambal sa Kanya rito na isa man. info

• الحكمة من نزول القرآن عربيًّا أن يعقله العرب؛ ليبلغوه إلى غيرهم.
Ang kasanhian ng pagbaba ng Qur'ān bilang [nasa wikang] Arabe ay na makapag-unawa rito ang mga Arabe upang magpaabot sila nito sa mga iba pa sa kanila. info

• اشتمال القرآن على أحسن القصص.
Ang paglalaman ng Qur'ān ng pinakamaganda sa mga salaysay. info