ߞߎ߬ߙߣߊ߬ ߞߟߊߒߞߋ ߞߘߐ ߟߎ߬ ߘߟߊߡߌߘߊ - ߟߊߘߛߏߣߍ߲" ߞߎ߬ߙߣߊ߬ ߞߟߊߒߞߋ ߞߘߐߦߌߘߊ ߘߐ߫ ߝߟߌߔߌ߲ߞߊ߲ (ߕߊ߯ߖߊߟߐߖ) ߘߐ߫

ߞߐߜߍ ߝߙߍߕߍ:close

external-link copy
82 : 11

فَلَمَّا جَآءَ أَمۡرُنَا جَعَلۡنَا عَٰلِيَهَا سَافِلَهَا وَأَمۡطَرۡنَا عَلَيۡهَا حِجَارَةٗ مِّن سِجِّيلٖ مَّنضُودٖ

Kaya noong dumating ang utos Namin ng pagpapahamak sa mga kababayan ni Lot, ginawa Namin ang mataas ng mga pamayanan nila na mababa ng mga iyon sa pamamagitan ng pag-angat sa mga iyon at pagtaob sa mga iyon kasama sa kanila. Nagpaulan Kami sa kanila ng mga batong yari sa luwad na tumigas na nakahanay, na ang iba sa mga ito ay nasa ibabaw ng iba ayon sa pagkakasunuran. info
التفاسير:

external-link copy
83 : 11

مُّسَوَّمَةً عِندَ رَبِّكَۖ وَمَا هِيَ مِنَ ٱلظَّٰلِمِينَ بِبَعِيدٖ

Ang mga batong ito ay nilagyan sa ganang Panginoon mo ng palatandaang natatangi. Ang mga batong ito, mula sa mga tagalabag sa katarungan kabilang sa liping Quraysh at iba pa sa kanila, ay hindi malayo; bagkus ang mga ito ay malapit. Kapag nagtakda si Allāh ng pagpapababa ng mga ito sa kanila ay bababa ang mga ito. info
التفاسير:

external-link copy
84 : 11

۞ وَإِلَىٰ مَدۡيَنَ أَخَاهُمۡ شُعَيۡبٗاۚ قَالَ يَٰقَوۡمِ ٱعۡبُدُواْ ٱللَّهَ مَا لَكُم مِّنۡ إِلَٰهٍ غَيۡرُهُۥۖ وَلَا تَنقُصُواْ ٱلۡمِكۡيَالَ وَٱلۡمِيزَانَۖ إِنِّيٓ أَرَىٰكُم بِخَيۡرٖ وَإِنِّيٓ أَخَافُ عَلَيۡكُمۡ عَذَابَ يَوۡمٖ مُّحِيطٖ

Nagsugo Kami sa Madyan ng kapatid nila na si Shu`ayb. Nagsabi siya: "O mga kalipi ko, sumamba kayo kay Allāh lamang; wala na kayong anumang sinasambang nagiging karapat-dapat sa pagsamba na iba pa sa Kanya. Huwag kayong magbawas sa pagtatakal at pagtitimbang kapag tumakal kayo para sa mga tao o tumimbang kayo para sa kanila. Tunay na ako ay nakakikita sa inyo na nasa isang kaluwagan sa panustos at biyaya kaya huwag kayong magpaiba laban sa inyo ng biyaya ni Allāh sa pamamagitan ng mga pagsuway. Tunay na ako ay nangangamba para sa inyo ng isang pagdurusa sa isang araw na sumasaklaw, na aabot sa bawat isa sa inyo, na hindi kayo makatatagpo mula roon ng isang matatakasan ni isang kalingaan."
info
التفاسير:

external-link copy
85 : 11

وَيَٰقَوۡمِ أَوۡفُواْ ٱلۡمِكۡيَالَ وَٱلۡمِيزَانَ بِٱلۡقِسۡطِۖ وَلَا تَبۡخَسُواْ ٱلنَّاسَ أَشۡيَآءَهُمۡ وَلَا تَعۡثَوۡاْ فِي ٱلۡأَرۡضِ مُفۡسِدِينَ

O mga kalipi ko, lubusin ninyo ang takalan at ang timbangan ayon sa katarungan kung tatakal kayo o magtitimbang kayo sa iba sa inyo, huwag kayong bumawas sa mga tao sa mga karapatan nila ng anuman sa pamamagitan ng pang-uumit, pandaraya, at panlilinlang. Huwag kayong manggulo sa lupa sa pamamagitan ng pagpatay at iba pa rito na mga pagsuway. info
التفاسير:

external-link copy
86 : 11

بَقِيَّتُ ٱللَّهِ خَيۡرٞ لَّكُمۡ إِن كُنتُم مُّؤۡمِنِينَۚ وَمَآ أَنَا۠ عَلَيۡكُم بِحَفِيظٖ

Ang tira ni Allāh na itinira Niya para sa inyo mula sa ipinahihintulot matapos ng pagtupad sa mga karapatan ng mga tao ayon sa katarungan ay higit sa pakinabang at pagpapala kaysa sa karagdagang natatamo sa pamamagitan ng pang-uumit at panggugulo sa lupa, kung kayo ay totohanang mga mananampalataya. Kaya malugod kayo sa tirang iyon. Ako sa inyo ay hindi isang mapagmasid na bumibilang sa mga gawa ninyo at nagtutuos sa inyo sa mga ito. Ang Mapagmasid lamang doon ay ang nakaaalam sa lihim at hayag. info
التفاسير:

external-link copy
87 : 11

قَالُواْ يَٰشُعَيۡبُ أَصَلَوٰتُكَ تَأۡمُرُكَ أَن نَّتۡرُكَ مَا يَعۡبُدُ ءَابَآؤُنَآ أَوۡ أَن نَّفۡعَلَ فِيٓ أَمۡوَٰلِنَا مَا نَشَٰٓؤُاْۖ إِنَّكَ لَأَنتَ ٱلۡحَلِيمُ ٱلرَّشِيدُ

Nagsabi ang mga kalipi ni Shu`ayb kay Shu`ayb: "O Shu`ayb, ang dasal mo ba na idinadasal kay Allāh ay nag-uutos sa iyo na mag-iwan kami sa pagsamba sa sinasamba noon ng mga ninuno namin na mga anito, at nag-uutos sa iyo na mag-iwan kami sa paggawa sa mga yaman namin ng ayon sa niloloob namin at magpalago sa mga ito ng ayon sa niloloob namin? Tunay na ikaw ay talagang ikaw ang matimpiin, ang matino sapagkat ikaw ay ang nakapag-uunawa, ang marunong gaya ng pagkakilala namin sa iyo bago ng paanyayang ito. Ano ang dumapo sa iyo?" info
التفاسير:

external-link copy
88 : 11

قَالَ يَٰقَوۡمِ أَرَءَيۡتُمۡ إِن كُنتُ عَلَىٰ بَيِّنَةٖ مِّن رَّبِّي وَرَزَقَنِي مِنۡهُ رِزۡقًا حَسَنٗاۚ وَمَآ أُرِيدُ أَنۡ أُخَالِفَكُمۡ إِلَىٰ مَآ أَنۡهَىٰكُمۡ عَنۡهُۚ إِنۡ أُرِيدُ إِلَّا ٱلۡإِصۡلَٰحَ مَا ٱسۡتَطَعۡتُۚ وَمَا تَوۡفِيقِيٓ إِلَّا بِٱللَّهِۚ عَلَيۡهِ تَوَكَّلۡتُ وَإِلَيۡهِ أُنِيبُ

Nagsabi si Shu`ayb sa mga kalipi niya: "O mga kalipi ko, magpabatid kayo sa akin tungkol sa kalagayan ninyo kung nangyaring ako ay nasa isang maliwanag na patotoo mula sa Panginoon ko at isang pagkakatalos mula sa Kanya at nagtustos Siya sa akin mula sa Kanya ng isang panustos na ipinahihintulot, na kabilang dito ang pagkapropeta. Hindi ako nagnanais na sumaway sa inyo sa isang bagay at sumalungat sa inyo sa paggawa nito. Hindi ako nagnanais kundi ng pagsasaayos sa inyo sa pamamagitan ng pag-aanyaya sa inyo tungo sa paniniwala sa kaisahan ng Panginoon ninyo at pagtalima sa Kanya sa abot ng kakayahan ko. Walang iba ang pagtutuon sa akin sa pagtamo niyon kundi sa pamamagitan ni Allāh – kaluwalhatian sa Kanya. Sa Kanya lamang ako nanalig sa lahat ng mga nauukol sa akin at tungo sa Kanya ako babalik. info
التفاسير:
ߟߝߊߙߌ ߟߎ߫ ߢߊ߬ߕߣߐ ߘߏ߫ ߞߐߜߍ ߣߌ߲߬ ߞߊ߲߬:
• من سنن الله إهلاك الظالمين بأشد العقوبات وأفظعها.
Bahagi ng mga kalakaran ni Allāh ang pagpapahamak sa mga tagalabag sa katarungan ayon sa pinakamatindi sa mga kaparusahan at pinakamarumal sa mga ito. info

• حرمة نقص الكيل والوزن وبخس الناس حقوقهم.
Ang pagkabawal ng pagbabawas sa takal at timbang at ng pagkukulang sa mga tao sa mga karapatan nila. info

• وجوب الرضا بالحلال وإن قل.
Ang pagkatungkulin ng pagkalugod sa ipinahihintulot kahit kaunti. info

• فضل الأمر بالمعروف والنهي عن المنكر، ووجوب العمل بما يأمر الله به، والانتهاء عما ينهى عنه.
Ang kainaman ng pag-uutos sa nakabubuti at ang pagsaway sa nakasasama, at ang pagkatungkulin ng paggawa ayon sa ipinag-uutos ni Allāh at ng pagtigil sa sinasaway Niya. info