पवित्र कुरअानको अर्थको अनुवाद - पवित्र कुर्आनको संक्षिप्त व्याख्याको फिलिपिनी (तागालो) भाषामा अनुवाद ।

رقم الصفحة:close

external-link copy
152 : 6

وَلَا تَقۡرَبُواْ مَالَ ٱلۡيَتِيمِ إِلَّا بِٱلَّتِي هِيَ أَحۡسَنُ حَتَّىٰ يَبۡلُغَ أَشُدَّهُۥۚ وَأَوۡفُواْ ٱلۡكَيۡلَ وَٱلۡمِيزَانَ بِٱلۡقِسۡطِۖ لَا نُكَلِّفُ نَفۡسًا إِلَّا وُسۡعَهَاۖ وَإِذَا قُلۡتُمۡ فَٱعۡدِلُواْ وَلَوۡ كَانَ ذَا قُرۡبَىٰۖ وَبِعَهۡدِ ٱللَّهِ أَوۡفُواْۚ ذَٰلِكُمۡ وَصَّىٰكُم بِهِۦ لَعَلَّكُمۡ تَذَكَّرُونَ

Nagbawal si Allāh na makialam kayo sa ari-arian ng ulila (ang nawalan ng ama niya bago nagbinata o nagdalaga) kundi ayon sa may dulot itong kabutihan, pakinabang sa kanya, at karagdagan sa ari-arian niya hanggang sa umabot siya sa kahustuhang gulang at matalos mula sa kanya ang katinuan ng isip. Nagbawal Siya sa inyo ng pang-uumit sa pagtatakal at timbangan, bagkus kinakailangan sa inyo ang katarungan sa pagkuha at pagbibigay sa pagtitinda at pagbili. Hindi Siya nag-aatang sa isang kaluluwa malibang ayon sa kakayahan nito. Kaya ang anumang hindi maaaring maiwasan na pagkadagdag o pagkakabawas sa mga takalan at iba pa sa mga ito ay walang paninisi roon. Nagbawal Siya sa inyo na magsabi kayo ng iba pa sa tama kaugnay sa pag-uulat o pagsasaksi, nang walang pagkiling sa isang kaanak o isang kaibigan. Nagbawal Siya sa inyo ng pagkalas sa kasunduan sa Kanya kapag nakipagkasunduan kayo sa Kanya, bagkus kinakailangan sa inyo ang paglubus-lubos niyon. Ang naunang nabanggit na iyon ay nag-utos sa inyo si Allāh ng isang utos na binibigyang-diin, sa pag-asang magsaalaala kayo sa kahihinatnan ng lagay ninyo. info
التفاسير:

external-link copy
153 : 6

وَأَنَّ هَٰذَا صِرَٰطِي مُسۡتَقِيمٗا فَٱتَّبِعُوهُۖ وَلَا تَتَّبِعُواْ ٱلسُّبُلَ فَتَفَرَّقَ بِكُمۡ عَن سَبِيلِهِۦۚ ذَٰلِكُمۡ وَصَّىٰكُم بِهِۦ لَعَلَّكُمۡ تَتَّقُونَ

Nagbawal Siya sa inyo na sumunod kayo sa mga landas ng pagkaligaw at mga daan nito, bagkus kinakailangan sa inyo ang pagsunod sa daang tuwid ni Allāh na walang kabaluktutan doon. Ang mga daan ng pagkaligaw ay nagpapahantong sa inyo sa pagkakahati-hati at pagkakalayo sa daan ng katotohanan. Ang pagsunod na iyon sa daang tuwid ni Allāh ay ang itinagubilin Niya sa inyo, sa pag-asang mangilag kayong magkasala sa Kanya sa pamamagitan ng pagsunod sa ipinag-utos Niya at pag-iwas sa sinaway Niya. info
التفاسير:

external-link copy
154 : 6

ثُمَّ ءَاتَيۡنَا مُوسَى ٱلۡكِتَٰبَ تَمَامًا عَلَى ٱلَّذِيٓ أَحۡسَنَ وَتَفۡصِيلٗا لِّكُلِّ شَيۡءٖ وَهُدٗى وَرَحۡمَةٗ لَّعَلَّهُم بِلِقَآءِ رَبِّهِمۡ يُؤۡمِنُونَ

Karagdagan, matapos ng pagpapabatid sa nabanggit, nagpapabatid Kami na Kami ay nagbigay kay Moises ng Torah bilang pagbubuo sa biyaya, bilang ganti sa paggawa niya ng maganda sa gawain, bilang paglilinaw para sa bawat bagay na kakailanganin niya sa relihiyon, bilang katunayan sa katotohanan, at bilang awa, sa pag-asang sumampalataya sila sa pakikipagkita sa Panginoon nila sa Araw ng Pagbangon para maghanda sila para sa Kanya ng gawang maayos. info
التفاسير:

external-link copy
155 : 6

وَهَٰذَا كِتَٰبٌ أَنزَلۡنَٰهُ مُبَارَكٞ فَٱتَّبِعُوهُ وَٱتَّقُواْ لَعَلَّكُمۡ تُرۡحَمُونَ

Ang Qur'ān na ito ay isang Aklat na pinababa Namin, na marami ang pagpapala dahil sa nilalaman nito na mga pakinabang panrelihiyon at pangmundo, kaya sumunod kayo sa pinababa rito at mag-ingat kayo sa pagsalungat dito, sa pag-asang kaawaan kayo. info
التفاسير:

external-link copy
156 : 6

أَن تَقُولُوٓاْ إِنَّمَآ أُنزِلَ ٱلۡكِتَٰبُ عَلَىٰ طَآئِفَتَيۡنِ مِن قَبۡلِنَا وَإِن كُنَّا عَن دِرَاسَتِهِمۡ لَغَٰفِلِينَ

upang hindi kayo magsabi, O mga tagapagtambal ng mga Arabe: "Nagbaba lamang si Allāh ng Torah at Ebanghelyo sa mga Hudyo at mga Kristiyano bago pa namin at hindi Siya nagbaba sa amin ng isang kasulatan. Tunay na kami ay hindi nakaaalam ng pagbigkas ng mga kasulatan nila dahil ang mga ito ay nasa wika nila at hindi nasa wika namin." info
التفاسير:

external-link copy
157 : 6

أَوۡ تَقُولُواْ لَوۡ أَنَّآ أُنزِلَ عَلَيۡنَا ٱلۡكِتَٰبُ لَكُنَّآ أَهۡدَىٰ مِنۡهُمۡۚ فَقَدۡ جَآءَكُم بَيِّنَةٞ مِّن رَّبِّكُمۡ وَهُدٗى وَرَحۡمَةٞۚ فَمَنۡ أَظۡلَمُ مِمَّن كَذَّبَ بِـَٔايَٰتِ ٱللَّهِ وَصَدَفَ عَنۡهَاۗ سَنَجۡزِي ٱلَّذِينَ يَصۡدِفُونَ عَنۡ ءَايَٰتِنَا سُوٓءَ ٱلۡعَذَابِ بِمَا كَانُواْ يَصۡدِفُونَ

Upang hindi kayo magsabi: "Kung sakaling nagbaba si Allāh sa amin ng isang kasulatan gaya ng pinababa Niya sa mga Hudyo at mga Kristiyano ay talaga sanang kami ay naging higit sa pagkamatuwid kaysa sa kanila," sapagkat may dumating nga sa inyo na isang aklat na pinababa ni Allāh sa Propeta ninyong si Muḥammad – basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan – sa wika ninyo. Iyon ay isang katwirang maliwanag, isang paggabay tungo sa katotohanan, at isang awa para sa Kalipunang Islām. Kaya huwag kayong magpalusot sa pamamagitan ng mga mahinang palusot at magdahilan sa pamamagitan ng mga bulaang dahilan. Walang isa mang higit na mabigat sa kawalang-katarungan kaysa sa nagpasinungaling sa mga tanda ni Allāh at lumihis sa mga ito. Magpaparusa Siya sa mga lumilihis sa mga tanda Niya ng isang matinding parusa sa pamamagitan ng pagpapasok sa kanila sa Apoy ng Impiyerno bilang isang ganti sa paglihis nila at pag-ayaw nila sa mga ito. info
التفاسير:
यस पृष्ठको अायतहरूका लाभहरूमध्येबाट:
• لا يجوز التصرف في مال اليتيم إلّا في حدود مصلحته، ولا يُسلَّم ماله إلّا بعد بلوغه الرُّشْد.
Hindi ipinahihintulot ang panghihimasok sa ari-arian ng ulila malibang nasa mga hangganan ng kapakanan niya at hindi ipapasa sa kanya ang ari-arian niya malibang matapos ng pag-abot niya sa kasapatan ng isip. info

• سبل الضلال كثيرة، وسبيل الله وحده هو المؤدي إلى النجاة من العذاب.
Ang mga landas ng pagkaligaw ay marami at ang landas ni Allāh lamang ay ang tagapahantong sa kaligtasan mula sa pagdurusa. info

• اتباع هذا الكتاب علمًا وعملًا من أعظم أسباب نيل رحمة الله.
Ang pagsunod sa Qur'ān na ito sa kaalaman at gawa ay bahagi ng pinakadakila sa mga kadahilanan ng pagtamo sa awa ni Allāh. info