पवित्र कुरअानको अर्थको अनुवाद - पवित्र कुर्आनको संक्षिप्त व्याख्याको फिलिपिनी (तागालो) भाषामा अनुवाद ।

رقم الصفحة:close

external-link copy
125 : 6

فَمَن يُرِدِ ٱللَّهُ أَن يَهۡدِيَهُۥ يَشۡرَحۡ صَدۡرَهُۥ لِلۡإِسۡلَٰمِۖ وَمَن يُرِدۡ أَن يُضِلَّهُۥ يَجۡعَلۡ صَدۡرَهُۥ ضَيِّقًا حَرَجٗا كَأَنَّمَا يَصَّعَّدُ فِي ٱلسَّمَآءِۚ كَذَٰلِكَ يَجۡعَلُ ٱللَّهُ ٱلرِّجۡسَ عَلَى ٱلَّذِينَ لَا يُؤۡمِنُونَ

Kaya sa sinumang magnanais si Allāh na magtuon tungo sa daan ng kapatnubayan ay magpapaluwag Siya ng dibdib nito at maghahanda Siya rito sa pagtanggap sa Islām. Sa sinumang magnanais Siya na magtatwa at hindi magtuon sa kapatnubayan ay gagawin Niya ang dibdib nito na matindi ang kasikipan sa pagtanggap sa katotohanan sa paraang nagiging imposible ang pagpasok ng katotohanan sa puso nito gaya ng pagkaimposible ng pag-akyat nito sa langit at kawalang-kakayahan nito roon sa sarili nito. Kung paanong naglagay si Allāh sa kalagayan ng naliligaw sa kalagayang ito na matinding paninikip, maglalagay Siya ng pagdurusa sa mga hindi sumasampalataya. info
التفاسير:

external-link copy
126 : 6

وَهَٰذَا صِرَٰطُ رَبِّكَ مُسۡتَقِيمٗاۗ قَدۡ فَصَّلۡنَا ٱلۡأٓيَٰتِ لِقَوۡمٖ يَذَّكَّرُونَ

Itong relihiyong isinabatas ni Allāh para sa iyo, O Sugo, ay landasing matuwid ni Allāh na walang kabaluktutan dito. Nilinaw nga Niya ang mga tanda para sa sinumang may kamalayan at pag-intinding nagkakamalay siya sa pamamagitan nito tungkol kay Allāh. info
التفاسير:

external-link copy
127 : 6

۞ لَهُمۡ دَارُ ٱلسَّلَٰمِ عِندَ رَبِّهِمۡۖ وَهُوَ وَلِيُّهُم بِمَا كَانُواْ يَعۡمَلُونَ

Ukol sa kanila ay tahanang maliligtas sila roon laban sa bawat kinasusuklaman: ang Paraiso. Si Allāh ay tagaadya nila at tagaayuda nila bilang ganti sa dati nilang ginagawa na mga matuwid. info
التفاسير:

external-link copy
128 : 6

وَيَوۡمَ يَحۡشُرُهُمۡ جَمِيعٗا يَٰمَعۡشَرَ ٱلۡجِنِّ قَدِ ٱسۡتَكۡثَرۡتُم مِّنَ ٱلۡإِنسِۖ وَقَالَ أَوۡلِيَآؤُهُم مِّنَ ٱلۡإِنسِ رَبَّنَا ٱسۡتَمۡتَعَ بَعۡضُنَا بِبَعۡضٖ وَبَلَغۡنَآ أَجَلَنَا ٱلَّذِيٓ أَجَّلۡتَ لَنَاۚ قَالَ ٱلنَّارُ مَثۡوَىٰكُمۡ خَٰلِدِينَ فِيهَآ إِلَّا مَا شَآءَ ٱللَّهُۚ إِنَّ رَبَّكَ حَكِيمٌ عَلِيمٞ

Banggitin mo, O Sugo, ang araw na kakalap si Allāh sa dalawang pangunahing nilikha: ang tao at ang jinn. Pagkatapos magsasabi si Allāh: "O umpukan ng jinn, nagparami nga kayo ng pagliligaw sa tao at pagbalakid sa kanila sa landas ni Allāh." Magsasabi ang mga tagasunod nila kabilang sa tao habang mga sumasagot sa Panginoon nila: "O Panginoon namin, nagtamasa ang bawat isa kabilang sa amin sa kasamahan niya sapagkat ang jinn ay nagtamasa sa pagtalima ng tao sa kanya at ang tao ay nagtamasa sa pagkamit niya ng mga nasa niya. Umabot sa amin ang taning na itinaning Mo para sa amin sapagkat ito ay Araw ng Pagbangon." Magsasabi si Allāh: "Ang Apoy ay pagtitigilan ninyo bilang mga mananatili roon, maliban sa niloob ni Allāh na isang sukat ng yugto sa pagitan ng pinagbuhayan sa kanila mula sa mga libingan nila hanggang sa kahahantungan nila sa Impiyerno sapagkat iyon ang yugtong hindi isinama ni Allāh sa pananatili nila sa Apoy." Tunay na ang Panginoon mo, O Sugo, ay Marunong sa pagtatakda Niya at pangangasiwa Niya, Maalam sa mga lingkod Niya hinggil sa kung sino ang nagiging karapat-dapat sa kanila sa pagdurusa. info
التفاسير:

external-link copy
129 : 6

وَكَذَٰلِكَ نُوَلِّي بَعۡضَ ٱلظَّٰلِمِينَ بَعۡضَۢا بِمَا كَانُواْ يَكۡسِبُونَ

Gaya ng pagpapatangkilik Namin sa mga naghihimagsik na jinn at pagpapangibabaw Namin sa kanila sa ilan sa mga tao upang magligaw sila sa mga ito, ipinatatangkilik Namin ang bawat tagalabag sa katarungan sa isa pang tagalabag sa katarungan, na humihimok sa kanya sa kasamaan, nag-uudyok sa kanya roon, nagpalayo ng loob niya sa kabutihan, at nagpapasalat sa kanya rito bilang ganti para sa kanila dahil sa dati nilang nakakamit na mga pagsuway. info
التفاسير:

external-link copy
130 : 6

يَٰمَعۡشَرَ ٱلۡجِنِّ وَٱلۡإِنسِ أَلَمۡ يَأۡتِكُمۡ رُسُلٞ مِّنكُمۡ يَقُصُّونَ عَلَيۡكُمۡ ءَايَٰتِي وَيُنذِرُونَكُمۡ لِقَآءَ يَوۡمِكُمۡ هَٰذَاۚ قَالُواْ شَهِدۡنَا عَلَىٰٓ أَنفُسِنَاۖ وَغَرَّتۡهُمُ ٱلۡحَيَوٰةُ ٱلدُّنۡيَا وَشَهِدُواْ عَلَىٰٓ أَنفُسِهِمۡ أَنَّهُمۡ كَانُواْ كَٰفِرِينَ

Magsasabi si Allāh sa kanila sa Araw ng Pagbangon: "O umpukan ng jinn at tao, wala bang pumunta sa inyo na mga sugo kabilang sa kauri ninyo sapagkat sila ay kabilang sa tao, na bumibigkas sa inyo ng pinababa ni Allāh sa kanila at nagpapangamba sa inyo sa pakikipagkita sa Araw ninyong ito na siyang Araw ng Pagbangon?" Magsasabi sila: "Opo; kumilala kami ngayong Araw laban sa mga sarili namin na ang mga sugo Mo ay nagpaabot nga sa amin. Kumilala kami sa pakikipagkita sa Araw na ito subalit nagpasinungaling Kami sa mga sugo Mo at nagpasinungaling Kami sa pakikipagkita sa Araw na ito." Luminlang sa kanila ang buhay na pangmundo dahil sa taglay nitong gayak, palamuti, at lugod na lumilipas. Kumilala sila laban sa sarili nila na sila noon sa Mundo ay mga tagatangging sumampalataya kay Allāh at sa mga sugo Niya. Hindi magpapakinabang sa kanila ang pagkilalang ito ni ang pananampalataya dahil sa pagkaalpas ng oras nito. info
التفاسير:
यस पृष्ठको अायतहरूका लाभहरूमध्येबाट:
• سُنَّة الله في الضلال والهداية أنهما من عنده تعالى، أي بخلقه وإيجاده، وهما من فعل العبد باختياره بعد مشيئة الله.
Ang kalakaran ni Allāh sa kaligawan at kapatnubayan na ang dalawang ito ay mula sa ganang Kanya – pagkataas-taas Siya – ibig sabihin: sa pamamagitan ng paglikha Niya at pagpapairal Niya. Ang dalawang ito ay bahagi ng gawain ng tao sa pamamagitan ng pagpili niya matapos ng kalooban ni Allāh. info

• ولاية الله للمؤمنين بحسب أعمالهم الصالحة، فكلما زادت أعمالهم الصالحة زادت ولايته لهم والعكس.
Ang pagtangkilik ni Allāh para sa mga mananampalataya ay alinsunod sa mga gawa nilang maayos sapagkat sa tuwing nadaragdagan ang mga gawa nilang maayos ay nadaragdagan ang pagtangkilik Niya para sa kanila, at gayon din ang kabaliktaran. info

• من سُنَّة الله أن يولي كل ظالم ظالمًا مثله، يدفعه إلى الشر ويحثه عليه، ويزهِّده في الخير وينفِّره عنه.
Bahagi ng kalakaran ni Allāh ay na ipinatangkilik Niya ang bawat tagalabag sa katarungan sa isa pang tagalabag sa katarungan tulad niya, na humihimok sa kanya sa kasamaan, nag-uudyok sa kanya roon, nagpapasalat sa kanya sa kabutihan, at nagpalayo ng loob niya rito. info