وه‌رگێڕانی ماناكانی قورئانی پیرۆز - وەرگێڕاوی فلیپینی (تگالۆگ) بۆ پوختەی تەفسیری قورئانی پیرۆز

ژمارەی پەڕە:close

external-link copy
32 : 9

يُرِيدُونَ أَن يُطۡفِـُٔواْ نُورَ ٱللَّهِ بِأَفۡوَٰهِهِمۡ وَيَأۡبَى ٱللَّهُ إِلَّآ أَن يُتِمَّ نُورَهُۥ وَلَوۡ كَرِهَ ٱلۡكَٰفِرُونَ

Ang mga tagatangging sumampalataya na ito at iba pa sa kanila kabilang sa nasa isa sa mga kapaniwalaan ng kawalang-pananampalataya ay nagnanais sa mga paninirang-puri nilang ito at pagpapasinungaling nila sa inihatid ni Muḥammad – basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan – na magbigay-wakas sa Islām, magpabula rito, at magpabula sa nasaad dito na mga katwirang maliwanag at mga patotoong hayag sa paniniwala sa kaisahan ni Allāh at sa katotohanan ng inihatid ng Sugo Niya. Tatanggi si Allāh – kaluwalhatian sa Kanya at pagkataas-taas Siya – maliban na mabuo Niya ang relihiyon Niya, maipangibabaw Niya ito, at maitaas Niya ito sa iba pa rito, kahit pa nasuklam ang mga tagatangging sumampalataya sa pagbuo sa relihiyon Niya, pagpapangibabaw rito, at pagpapataas dito sapagkat tunay na si Allāh ay maglulubos dito, magpapangibabaw nito, at magpapataas dito. Kapag nagnais si Allāh ng isang bagay, nawawalang-saysay ang pagnanais ng iba pa sa Kanya. info
التفاسير:

external-link copy
33 : 9

هُوَ ٱلَّذِيٓ أَرۡسَلَ رَسُولَهُۥ بِٱلۡهُدَىٰ وَدِينِ ٱلۡحَقِّ لِيُظۡهِرَهُۥ عَلَى ٱلدِّينِ كُلِّهِۦ وَلَوۡ كَرِهَ ٱلۡمُشۡرِكُونَ

Si Allāh – kaluwalhatian sa Kanya – ay ang nagsugo sa Sugo Niyang si Muḥammad – basbasan Niya ito at pangalagaan – kalakip ng Qur'ān na isang patnubay para sa mga tao at kalakip ng relihiyon ng katotohanan, ang relihiyong Islām, upang magpataas Siya nito – sa pamamagitan ng taglay nito na mga patunay, mga patotoo, at mga patakaran – higit sa iba rito na mga relihiyon, kahit pa nasuklam ang mga tagapagtambal doon. info
التفاسير:

external-link copy
34 : 9

۞ يَٰٓأَيُّهَا ٱلَّذِينَ ءَامَنُوٓاْ إِنَّ كَثِيرٗا مِّنَ ٱلۡأَحۡبَارِ وَٱلرُّهۡبَانِ لَيَأۡكُلُونَ أَمۡوَٰلَ ٱلنَّاسِ بِٱلۡبَٰطِلِ وَيَصُدُّونَ عَن سَبِيلِ ٱللَّهِۗ وَٱلَّذِينَ يَكۡنِزُونَ ٱلذَّهَبَ وَٱلۡفِضَّةَ وَلَا يُنفِقُونَهَا فِي سَبِيلِ ٱللَّهِ فَبَشِّرۡهُم بِعَذَابٍ أَلِيمٖ

O mga sumampalataya at gumawa ayon sa isinabatas ni Allāh sa kanila, tunay na marami sa mga pantas ng mga Hudyo at marami sa mga relihiyoso ng mga Kristiyano ay talagang kumukuha ng mga yaman ng mga tao nang walang karapatang isinabatas sapagkat kumukuha sila ng mga ito sa pamamagitan ng panunuhol at iba pa, habang sila ay pumipigil sa mga tao sa pagpasok sa relihiyon ni Allāh. Ang mga nagtitipon ng ginto at pilak at hindi nagbibigay ng kinakailangan sa kanila na zakāh sa mga ito ay magpabatid ka sa kanila, O Sugo, ng ikasasama ng loob nila sa Araw ng Pagbangon na isang pagdurusang nakasasakit. info
التفاسير:

external-link copy
35 : 9

يَوۡمَ يُحۡمَىٰ عَلَيۡهَا فِي نَارِ جَهَنَّمَ فَتُكۡوَىٰ بِهَا جِبَاهُهُمۡ وَجُنُوبُهُمۡ وَظُهُورُهُمۡۖ هَٰذَا مَا كَنَزۡتُمۡ لِأَنفُسِكُمۡ فَذُوقُواْ مَا كُنتُمۡ تَكۡنِزُونَ

Sa Araw ng Pagbangon ay paniningasin ang tinipon nila at ang ipinagkait nila na karapatan nito sa apoy ng Impiyerno. Kaya kapag tumindi ang init ng mga ito ay ilalagay ang mga ito sa mga noo nila, sa mga tagiliran nila, at sa mga likod nila. Sasabihin sa kanila bilang paninisi: "Ang mga ito ay ang mga yaman ninyo na tinipon ninyo at hindi ninyo ginampanan ang mga tungkuling kinakailangan sa mga ito. Kaya lasapin ninyo ang masamang kinahantungan ng dati ninyong tinitipon, habang hindi ninyo ginagampanan ang mga tungkulin sa mga ito, at ang kahihinatnan niyon." info
التفاسير:

external-link copy
36 : 9

إِنَّ عِدَّةَ ٱلشُّهُورِ عِندَ ٱللَّهِ ٱثۡنَا عَشَرَ شَهۡرٗا فِي كِتَٰبِ ٱللَّهِ يَوۡمَ خَلَقَ ٱلسَّمَٰوَٰتِ وَٱلۡأَرۡضَ مِنۡهَآ أَرۡبَعَةٌ حُرُمٞۚ ذَٰلِكَ ٱلدِّينُ ٱلۡقَيِّمُۚ فَلَا تَظۡلِمُواْ فِيهِنَّ أَنفُسَكُمۡۚ وَقَٰتِلُواْ ٱلۡمُشۡرِكِينَ كَآفَّةٗ كَمَا يُقَٰتِلُونَكُمۡ كَآفَّةٗۚ وَٱعۡلَمُوٓاْ أَنَّ ٱللَّهَ مَعَ ٱلۡمُتَّقِينَ

Tunay na ang bilang ng mga buwan ng taon sa paghahatol ni Allāh at paghuhusga Niya ay labindalawang buwan ayon sa pinagtibay ni Allāh sa Tablerong Pinangalagaan nang unang nilikha ang mga langit at lupa. Kabilang sa labindalawang buwang ito ay apat na buwang ipinagbawal ni Allāh sa mga ito ang pakikipaglaban. Ang mga ito ay tatlong magkakasunod: Dhulqa`dah, Dhulḥijjah, at Muḥarram, at isang namumukod-tangi: Rajab. Ang nabanggit na iyon na bilang ng mga buwan ng taon at pagbabawal sa apat sa mga ito ay ang relihiyong tuwid. Kaya huwag kayong lumabag sa katarungan sa mga buwang pinakababanal na ito sa mga sarili ninyo sa pamamagitan ng pagpapaganap ng pakikipaglaban sa mga ito at paglapastangan sa kabanalan ng mga ito. Makipaglaban kayo sa mga tagapagtambal nang sama-sama kung paanong sila ay nakikipaglaban sa inyo nang sama-sama. Alamin ninyo na si Allāh ay kasama sa mga nangingilag magkasala sa Kanya, sa pamamagitan ng pagsunod sa ipinag-utos Niya at pag-iwas sa sinaway Niya, sa pamamagitan ng pagpapawagi at pagpapatatag. Ang sinumang si Allāh ay kasama sa kanya ay hindi magagapi ng isa man. info
التفاسير:
سوودەکانی ئایەتەکان لەم پەڕەیەدا:
• دين الله ظاهر ومنصور مهما سعى أعداؤه للنيل منه حسدًا من عند أنفسهم.
Ang Relihiyon ni Allāh ay mangingibabaw at pagwawagiin gaano man nagpunyagi ang mga kaaway nito sa pamiminsala rito dala ng inggit mula sa ganang sarili nila. info

• تحريم أكل أموال الناس بالباطل، والصد عن سبيل الله تعالى.
Ang pagbabawal sa pakikinabang sa mga yaman ng mga tao ayon sa kabulaanan at pagbalakid sa landas ni Allāh. info

• تحريم اكتناز المال دون إنفاقه في سبيل الله.
Ang pagbabawal sa pag-iimbak ng yaman nang walang paggugol mula rito ayon sa landas ni Allāh. info

• الحرص على تقوى الله في السر والعلن، خصوصًا عند قتال الكفار؛ لأن المؤمن يتقي الله في كل أحواله.
Ang pagsisigasig sa pangingilag sa pagkakasala kay Allāh nang palihim at hayagan, lalo na sa sandali ng pakikipaglaban sa mga tagatangging sumampalataya dahil ang mananampalataya ay nangingilag magkasala kay Allāh sa lahat ng mga kalagayan nito. info