ការបកប្រែអត្ថន័យគួរអាន - ការបកប្រែជាភាសាហ្វីលីពីន (តាហ្គាឡុក) - មជ្ឈមណ្ឌលបកប្រែ​រ៉ូវ៉ាទ

លេខ​ទំព័រ:close

external-link copy
45 : 42

وَتَرَىٰهُمۡ يُعۡرَضُونَ عَلَيۡهَا خَٰشِعِينَ مِنَ ٱلذُّلِّ يَنظُرُونَ مِن طَرۡفٍ خَفِيّٖۗ وَقَالَ ٱلَّذِينَ ءَامَنُوٓاْ إِنَّ ٱلۡخَٰسِرِينَ ٱلَّذِينَ خَسِرُوٓاْ أَنفُسَهُمۡ وَأَهۡلِيهِمۡ يَوۡمَ ٱلۡقِيَٰمَةِۗ أَلَآ إِنَّ ٱلظَّٰلِمِينَ فِي عَذَابٖ مُّقِيمٖ

Makikita mo sila na isinasalang doon [sa Apoy] habang mga nagtataimtim dahil sa kaabahan, na tumitingin mula sa isang sulyap na kubli. Magsasabi ang mga sumampalataya: “Tunay na ang mga lugi ay ang mga nagpalugi ng mga sarili nila at mga mag-anak nila sa Araw ng Pagbangon. Pansinin, tunay na ang mga tagalabag sa katarungan[11] ay nasa isang pagdurusang mananatili.” info

[11] na nagtambal kay Allāh ng iba pa sa pagsamba

التفاسير:

external-link copy
46 : 42

وَمَا كَانَ لَهُم مِّنۡ أَوۡلِيَآءَ يَنصُرُونَهُم مِّن دُونِ ٱللَّهِۗ وَمَن يُضۡلِلِ ٱللَّهُ فَمَا لَهُۥ مِن سَبِيلٍ

Walang ukol sa kanila na anumang mga katangkilik na mag-aadya sa kanila bukod pa kay Allāh. Ang sinumang ililigaw ni Allāh ay walang ukol dito na anumang landas [ng kapatnubayan]. info
التفاسير:

external-link copy
47 : 42

ٱسۡتَجِيبُواْ لِرَبِّكُم مِّن قَبۡلِ أَن يَأۡتِيَ يَوۡمٞ لَّا مَرَدَّ لَهُۥ مِنَ ٱللَّهِۚ مَا لَكُم مِّن مَّلۡجَإٖ يَوۡمَئِذٖ وَمَا لَكُم مِّن نَّكِيرٖ

Tumugon kayo sa Panginoon ninyo bago pa may sumapit na isang Araw na walang matutulakan para roon mula kay Allāh. Walang ukol sa inyo na anumang madudulugan sa Araw na iyon at walang ukol sa inyo na anumang pagkakaila [ng mga pagkakasala]. info
التفاسير:

external-link copy
48 : 42

فَإِنۡ أَعۡرَضُواْ فَمَآ أَرۡسَلۡنَٰكَ عَلَيۡهِمۡ حَفِيظًاۖ إِنۡ عَلَيۡكَ إِلَّا ٱلۡبَلَٰغُۗ وَإِنَّآ إِذَآ أَذَقۡنَا ٱلۡإِنسَٰنَ مِنَّا رَحۡمَةٗ فَرِحَ بِهَاۖ وَإِن تُصِبۡهُمۡ سَيِّئَةُۢ بِمَا قَدَّمَتۡ أَيۡدِيهِمۡ فَإِنَّ ٱلۡإِنسَٰنَ كَفُورٞ

Ngunit kung umayaw sila, hindi Kami nagsugo sa iyo, [O Propeta Muḥammad,] sa kanila bilang mapag-ingat. Walang kailangan sa iyo kundi ang pagpapaabot [ng ipinag-utos]. Tunay na kapag nagpalasap Kami sa tao mula sa Amin ng isang awa ay natutuwa siya rito. Kung tatama sa kanila ang isang masagwang gawa dahil sa ipinauna ng mga kamay nila, tunay na ang tao ay mapagtangging magpasalamat. info
التفاسير:

external-link copy
49 : 42

لِّلَّهِ مُلۡكُ ٱلسَّمَٰوَٰتِ وَٱلۡأَرۡضِۚ يَخۡلُقُ مَا يَشَآءُۚ يَهَبُ لِمَن يَشَآءُ إِنَٰثٗا وَيَهَبُ لِمَن يَشَآءُ ٱلذُّكُورَ

Sa kay Allāh ang paghahari sa mga langit at lupa. Lumilikha Siya ng niloloob Niya. Nagkakaloob Siya sa sinumang niloloob Niya ng mga [anak na] babae at nagkakaloob Siya sa sinumang niloloob Niya ng mga [anak na] lalaki. info
التفاسير:

external-link copy
50 : 42

أَوۡ يُزَوِّجُهُمۡ ذُكۡرَانٗا وَإِنَٰثٗاۖ وَيَجۡعَلُ مَن يَشَآءُ عَقِيمًاۚ إِنَّهُۥ عَلِيمٞ قَدِيرٞ

O ipinagpapares Niya sila bilang mga lalaki at mga babae. Gumagawa Siya sa sinumang niloloob Niya bilang baog. Tunay na Siya ay Maalam, May-kakayahan. info
التفاسير:

external-link copy
51 : 42

۞ وَمَا كَانَ لِبَشَرٍ أَن يُكَلِّمَهُ ٱللَّهُ إِلَّا وَحۡيًا أَوۡ مِن وَرَآيِٕ حِجَابٍ أَوۡ يُرۡسِلَ رَسُولٗا فَيُوحِيَ بِإِذۡنِهِۦ مَا يَشَآءُۚ إِنَّهُۥ عَلِيٌّ حَكِيمٞ

Hindi naging ukol sa tao na kausapin siya ni Allāh maliban sa isang pagkasi, o sa likuran ng isang lambong, o magsugo Siya ng isang [anghel na] sugo para magkasi iyon ayon sa pahintulot Niya ng anumang niloloob Niya. Tunay na Siya ay Mataas, Marunong. info
التفاسير: