ការបកប្រែអត្ថន័យគួរអាន - ការបកប្រែជាភាសាហ្វីលីពីន (តាហ្គាឡុក) - មជ្ឈមណ្ឌលបកប្រែ​រ៉ូវ៉ាទ

លេខ​ទំព័រ:close

external-link copy
23 : 42

ذَٰلِكَ ٱلَّذِي يُبَشِّرُ ٱللَّهُ عِبَادَهُ ٱلَّذِينَ ءَامَنُواْ وَعَمِلُواْ ٱلصَّٰلِحَٰتِۗ قُل لَّآ أَسۡـَٔلُكُمۡ عَلَيۡهِ أَجۡرًا إِلَّا ٱلۡمَوَدَّةَ فِي ٱلۡقُرۡبَىٰۗ وَمَن يَقۡتَرِفۡ حَسَنَةٗ نَّزِدۡ لَهُۥ فِيهَا حُسۡنًاۚ إِنَّ ٱللَّهَ غَفُورٞ شَكُورٌ

Iyon ay ang ibinabalitang nakagagalak ni Allāh sa mga lingkod Niya na mga sumampalataya at gumawa ng mga maayos. Sabihin mo, [O Propeta Muḥammad]: “Hindi ako humihingi sa inyo dahil doon[9] ng isang pabuya maliban sa pagmamahal alang-alang sa pagkakamag-anak.” Ang sinumang nagtamo ng isang magandang gawa ay magdaragdag Kami para sa kanya rito ng kagandahan. Tunay na si Allāh ay Mapagpatawad, Mapagpasalamat. info

[9] sa pagpapaabot ng katotohanan

التفاسير:

external-link copy
24 : 42

أَمۡ يَقُولُونَ ٱفۡتَرَىٰ عَلَى ٱللَّهِ كَذِبٗاۖ فَإِن يَشَإِ ٱللَّهُ يَخۡتِمۡ عَلَىٰ قَلۡبِكَۗ وَيَمۡحُ ٱللَّهُ ٱلۡبَٰطِلَ وَيُحِقُّ ٱلۡحَقَّ بِكَلِمَٰتِهِۦٓۚ إِنَّهُۥ عَلِيمُۢ بِذَاتِ ٱلصُّدُورِ

O nagsasabi ba sila: “Gumawa-gawa siya laban kay Allāh ng isang kasinungalingan?” Ngunit kung niloob ni Allāh ay magpipinid Siya sa puso mo. Bumubura si Allāh ng kabulaanan at nagtototoo Siya ng katotohanan sa pamamagitan ng mga salita Niya. Tunay na Siya ay Maalam sa mga laman ng mga dibdib [ng mga tao]. info
التفاسير:

external-link copy
25 : 42

وَهُوَ ٱلَّذِي يَقۡبَلُ ٱلتَّوۡبَةَ عَنۡ عِبَادِهِۦ وَيَعۡفُواْ عَنِ ٱلسَّيِّـَٔاتِ وَيَعۡلَمُ مَا تَفۡعَلُونَ

Siya ay ang tumatanggap ng pagbabalik-loob buhat sa mga lingkod Niya, nagpapaumanhin sa mga masagwang gawa, nakaaalam sa ginagawa ninyo, info
التفاسير:

external-link copy
26 : 42

وَيَسۡتَجِيبُ ٱلَّذِينَ ءَامَنُواْ وَعَمِلُواْ ٱلصَّٰلِحَٰتِ وَيَزِيدُهُم مِّن فَضۡلِهِۦۚ وَٱلۡكَٰفِرُونَ لَهُمۡ عَذَابٞ شَدِيدٞ

tumutugon sa [panalangin ng] mga sumampalataya at gumawa ng mga maayos, at nagdaragdag sa kanila mula sa kabutihang-loob Niya. Ang mga tagatangging sumampalataya, ukol sa kanila ay isang pagdurusang matindi. info
التفاسير:

external-link copy
27 : 42

۞ وَلَوۡ بَسَطَ ٱللَّهُ ٱلرِّزۡقَ لِعِبَادِهِۦ لَبَغَوۡاْ فِي ٱلۡأَرۡضِ وَلَٰكِن يُنَزِّلُ بِقَدَرٖ مَّا يَشَآءُۚ إِنَّهُۥ بِعِبَادِهِۦ خَبِيرُۢ بَصِيرٞ

Kung sakaling nagpaluwag si Allāh ng panustos para sa mga lingkod Niya ay talaga sanang nanampalasan sila sa lupain subalit nagbababa Siya ayon sa sukat na niloloob Niya. Tunay na Siya sa mga lingkod Niya ay Mapagbatid, Nakakikita. info
التفاسير:

external-link copy
28 : 42

وَهُوَ ٱلَّذِي يُنَزِّلُ ٱلۡغَيۡثَ مِنۢ بَعۡدِ مَا قَنَطُواْ وَيَنشُرُ رَحۡمَتَهُۥۚ وَهُوَ ٱلۡوَلِيُّ ٱلۡحَمِيدُ

Siya ay ang nagbababa ng ulan, matapos na nasiraan sila ng loob, at nagkakalat ng awa Niya. Siya ay ang Katangkilik,[10] ang Kapuri-puri. info

[10] ng mga mananampalataya – ang Tagapagtaguyod at ang Tagapagligtas nila

التفاسير:

external-link copy
29 : 42

وَمِنۡ ءَايَٰتِهِۦ خَلۡقُ ٱلسَّمَٰوَٰتِ وَٱلۡأَرۡضِ وَمَا بَثَّ فِيهِمَا مِن دَآبَّةٖۚ وَهُوَ عَلَىٰ جَمۡعِهِمۡ إِذَا يَشَآءُ قَدِيرٞ

Kabilang sa mga tanda Niya ang pagkalikha ng mga langit at lupa at ang ikinalat Niya sa mga ito na gumagalaw na nilalang. Siya, sa pagtipon sa kanila kapag loloobin Niya, ay May-kakayahan. info
التفاسير:

external-link copy
30 : 42

وَمَآ أَصَٰبَكُم مِّن مُّصِيبَةٖ فَبِمَا كَسَبَتۡ أَيۡدِيكُمۡ وَيَعۡفُواْ عَن كَثِيرٖ

Ang anumang tumama sa inyo na kasawiang-palad ay dahil sa nakamit ng mga kamay ninyo – at nagpapaumanhin Siya sa marami. info
التفاسير:

external-link copy
31 : 42

وَمَآ أَنتُم بِمُعۡجِزِينَ فِي ٱلۡأَرۡضِۖ وَمَا لَكُم مِّن دُونِ ٱللَّهِ مِن وَلِيّٖ وَلَا نَصِيرٖ

Kayo ay hindi mga makapagpapawalang-kakayahan sa lupa; walang ukol sa inyo bukod pa kay Allāh na anumang katangkilik ni mapag-adya. Walang ukol sa inyo bukod pa kay Allāh na anumang katangkilik ni mapag-adya. info
التفاسير: