ការបកប្រែអត្ថន័យគួរអាន - ការបកប្រែជាភាសាហ្វីលីពីន (តាហ្គាឡុក) - មជ្ឈមណ្ឌលបកប្រែ​រ៉ូវ៉ាទ

លេខ​ទំព័រ:close

external-link copy
141 : 4

ٱلَّذِينَ يَتَرَبَّصُونَ بِكُمۡ فَإِن كَانَ لَكُمۡ فَتۡحٞ مِّنَ ٱللَّهِ قَالُوٓاْ أَلَمۡ نَكُن مَّعَكُمۡ وَإِن كَانَ لِلۡكَٰفِرِينَ نَصِيبٞ قَالُوٓاْ أَلَمۡ نَسۡتَحۡوِذۡ عَلَيۡكُمۡ وَنَمۡنَعۡكُم مِّنَ ٱلۡمُؤۡمِنِينَۚ فَٱللَّهُ يَحۡكُمُ بَيۡنَكُمۡ يَوۡمَ ٱلۡقِيَٰمَةِۚ وَلَن يَجۡعَلَ ٱللَّهُ لِلۡكَٰفِرِينَ عَلَى ٱلۡمُؤۡمِنِينَ سَبِيلًا

na mga nag-aantabay [sa mangyayari] sa inyo. Kaya kung nagkaroon kayo ng isang pagkapanalo mula kay Allāh ay magsasabi sila: “Hindi ba kami ay naging kasama sa inyo?” Kung nagkaroon ang mga tagatangging sumampalataya ng isang bahagi ay magsasabi sila: “Hindi ba kami nakapangibabaw sa inyo at nagtanggol kami sa inyo laban sa mga mananampalataya?” Kaya si Allāh ay hahatol sa pagitan ninyo sa Araw ng Pagbangon. Hindi gagawa si Allāh para sa mga tagatangging sumampalataya ng isang daan [sa pangingibabaw]. info
التفاسير:

external-link copy
142 : 4

إِنَّ ٱلۡمُنَٰفِقِينَ يُخَٰدِعُونَ ٱللَّهَ وَهُوَ خَٰدِعُهُمۡ وَإِذَا قَامُوٓاْ إِلَى ٱلصَّلَوٰةِ قَامُواْ كُسَالَىٰ يُرَآءُونَ ٱلنَّاسَ وَلَا يَذۡكُرُونَ ٱللَّهَ إِلَّا قَلِيلٗا

Tunay na ang mga mapagpaimbabaw ay nagtatangkang manlinlang kay Allāh samantalang Siya ay lumilinlang sa kanila. Kapag tumayo sila patungo sa dasal ay tumatayo sila bilang mga tamad na nagpapakitang-gilas sa mga tao at hindi sila umaalaala kay Allāh malibang madalang, info
التفاسير:

external-link copy
143 : 4

مُّذَبۡذَبِينَ بَيۡنَ ذَٰلِكَ لَآ إِلَىٰ هَٰٓؤُلَآءِ وَلَآ إِلَىٰ هَٰٓؤُلَآءِۚ وَمَن يُضۡلِلِ ٱللَّهُ فَلَن تَجِدَ لَهُۥ سَبِيلٗا

na mga umuurung-sulong sa pagitan niyon: hindi patungo sa mga [mananampalataya ito] ito at hindi patungo sa mga [tagatangging sumampalatayang] iyan. Ang sinumang ililigaw ni Allāh ay hindi ka makatatagpo para sa kanya ng isang landas. info
التفاسير:

external-link copy
144 : 4

يَٰٓأَيُّهَا ٱلَّذِينَ ءَامَنُواْ لَا تَتَّخِذُواْ ٱلۡكَٰفِرِينَ أَوۡلِيَآءَ مِن دُونِ ٱلۡمُؤۡمِنِينَۚ أَتُرِيدُونَ أَن تَجۡعَلُواْ لِلَّهِ عَلَيۡكُمۡ سُلۡطَٰنٗا مُّبِينًا

O mga sumampalataya, huwag kayong gumawa sa mga tagatangging sumampalataya [na kumakalaban sa inyo] bilang mga katangkilik bukod pa sa mga mananampalataya. Nagnanais ba kayo na gumawa para kay Allāh laban sa inyo ng isang katunayang malinaw? info
التفاسير:

external-link copy
145 : 4

إِنَّ ٱلۡمُنَٰفِقِينَ فِي ٱلدَّرۡكِ ٱلۡأَسۡفَلِ مِنَ ٱلنَّارِ وَلَن تَجِدَ لَهُمۡ نَصِيرًا

Tunay na ang mga mapagpaimbabaw ay nasa pinakamababang palapag ng Apoy. Hindi ka makatatagpo para sa kanila ng isang mapag-adya, info
التفاسير:

external-link copy
146 : 4

إِلَّا ٱلَّذِينَ تَابُواْ وَأَصۡلَحُواْ وَٱعۡتَصَمُواْ بِٱللَّهِ وَأَخۡلَصُواْ دِينَهُمۡ لِلَّهِ فَأُوْلَٰٓئِكَ مَعَ ٱلۡمُؤۡمِنِينَۖ وَسَوۡفَ يُؤۡتِ ٱللَّهُ ٱلۡمُؤۡمِنِينَ أَجۡرًا عَظِيمٗا

maliban sa mga nagbalik-loob, nagsaayos, nangunyapit kay Allāh, at nagpakawagas sa relihiyon nila para kay Allāh sapagkat ang mga iyon ay kasama sa mga mananampalataya. Magbibigay si Allāh sa mga mananampalataya ng isang pabuyang sukdulan. info
التفاسير:

external-link copy
147 : 4

مَّا يَفۡعَلُ ٱللَّهُ بِعَذَابِكُمۡ إِن شَكَرۡتُمۡ وَءَامَنتُمۡۚ وَكَانَ ٱللَّهُ شَاكِرًا عَلِيمٗا

Ano ang mapapala ni Allāh sa [sa pagdulot] pagdurusa sa inyo kung nagpasalamat kayo at sumampalataya kayo? Laging si Allāh ay Tagapagpasalamat, Maalam. info
التفاسير: